Share

Chapter 2

Author: OrangeLemon
last update Last Updated: 2024-11-28 06:19:09

Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.

Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.

Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.

Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. 

Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.

''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.

Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. 

Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.

''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipat ko kay Manang Elvie. Siya ang yaya ni Russell noon,'' ani Mommy ni Russell habang inililibot ako sa condo unit ng pangit niyang anak.

Ang dining room ay may mesa na mayroong anim na upuan. Namangha pa lalo ako nang madaanan namin ang tinted glass na banyo. 

Puwede ka manalamin roon. Ang dining room ng condo ng kaniyang asawa ay kasing laki na ng bahay namin nila Auntie.

''Puwede ba ako magtrabaho kahit na kasal na kami ng anak ninyo?'' alanganin kong tanong sa biyanan ko.

''Iha, wala sa akin ang desisyon kundi nasa asawa mo na. Pero palagay ko ay hindi ka niya papayagang magtrabaho sa iba. Maliban na lang kung bigyan ka niya ng trabaho sa opisina."

Tango lang ang sagot ko. Pagkaalis nito ay pumasok ako sa silid na sinasabi niya.

Pagpasok ko roon ay bumungad sa akin ang malaking kama. King size ito at sinapinan ng kulay gray na bedsheet. Sa loob ng silid na iyon ay mayroong cosmetic cabinet na mga nakalagay ay iba't ibang brand ng pabango.

Sa sobrang pagod at antok ko ay nakaidlip na ako, kaya nakalimutan kong kamustahin ang mga kaibigan ko. Naalimpungatan ako ng gising nang may bumato ng unan sa mukha ko.

''Sino ang nagbigay ng pahintulot sa 'yo na matulog ka rito sa kama ko?'' naririnig kong tanong ng baretonong boses.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang pangit na mukha ng asawa ko kaya napasigaw ako sa sobrang gulat.

''Oh my god!'' bigla ako bumangon at napahawak sa dibdib ko nang ma-realize ko na asawa ko na pala ang halimaw na ito. Tiningnan niya ako ng masakit.

''Bumaba ka riyan sa kama ko!'' pabulyaw niyang utos sa akin. Bumaba ako at inayos ang aking buhok na lampas balikat.

''Pasensiya na dahil nakatulog ako,'' wika ko.

Sa halip na pansinin niya ako ay tinawag niya si Manang Elvie.

''Manang! Manang!'' sigaw niya sa pangalan ni Manang Elvie.

Dali-dali naman nagtungo si Manang sa silid niya. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kama.

''Ano po iyon, Senorito?'' namumutlang tanong ni Manang sa pangit na halimaw na ito.

''Palitan mo ang kubre kama ko at pati ang sapin ng unan!'' galit niyang utos kay Manang at tumingin siya sa akin ng matalim.

''Sino ang nagsabi sa'yo na dito ka matulog sa silid ko? Akala mo ba nanalo ka sa loto? Alam kong pera lang ang habol mo sa pamilyang ito. Pero hindi mo mautakan ang isang tulad ko! Doon ka sa kabilang silid matulog! Dalhin mo roon lahat ng mga gamit mo!'' sigaw niya sa akin sa harap ni Manang.

Pakiramdam ko ay napahiya ako sa sinabi niyang iyon, kaya kahit lumalabo na ang mga mata ko dahil sa banta ng mga luha ko na gusto ng pumatak ay nilabanan ko ang kaniyang mga tingin.

''Ni minsan ay hindi ko inisip na naka-jackpot ako dahil sa pagpakasal sa'yo, Russell! Kundi ako ang pinakamalas na babae na nagpakasal sa halimaw na katulad mo! Kung ano ang kasing pangit ng mukha mo ay gano'n din kapangit ang ugali mo! Oo, pumayag akong magpakasal sa'yo dahil para mabayaran ko ang utang ng pamilya ko sa inyo, pero wala kang karapatan na insultuhin ako. May pera ka lang, akala mo may magpapakasal sa katulad mong pangit at maldito ang ugali kung wala kang pera? Nilunok ko ang pride ko at pikit matang nagpakasal sa'yo dahil ako ang pambayad ng utang ng pamilya ko sa pamilya mo! Kaya, wala kang karapatan na insultuhin ako!'' Pagkasabi ko sa kaniya ng ganoon ay tumalikod na ako nagtungo sa kusina. Umiyak ako nang umiyak dahil sa sama ng loob.

Kailangan niya pa bang ipamukha sa akin na pera lang ang habol ko sa kaniya? Tama nga ang tsismis na pangit na nga siya pangit pa ang ugali. Bakit ba ang malas ko sa buhay? Kung may paraan lang sana na hindi ako maikasal sa lalaking ito ay hindi na sana ako pumayag na makasal sa halimaw na iyon.

Lumabas ako sa condo unit at nagtungo sa labas. Umumupo ako sa single sofa at tanaw mula rito ang City. Naalala kong tawagan ang best friend ko para pagaanin ang pakiramdam ko.Tatlong ring lang ay sinagot niya na ito.

''Saan ka ba? Pumunta ako sa bahay ninyo walang tao,'' aniya sa kabilang linya.

''Narito ako sa Santo Tomas. Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo dahil maaga kaming umalis,'' sagot ko.

''Bakit nakaabot ka riyan? Ano ang ginagawa mo riyan?'' nagtatakang tanong niya.

''Ikinasal... na ako, Theresita. Ikinasal ako sa lalaking anak nk Don Waldo Verde," tugon ko kay Ruby.

''Ano?! Yong bilyonaryo na pangit na ayaw magpakita sa camera?! Yong may ari ng Multi Tower Condominium at may ari ng Construction Magnate at Real State Owner?! sunod-sunod at paniniguradong tanong sa akin ni Ruby.

Nagkwento ako sa kanya ng mga nangyari simula kahapon. Halos isang oras din kami nag-usap ni Theresita. Sakto naman sa pagbaba ko ng cellphone ay lumabas si Manang Elvie.

''Senorita, pumasok na kayo sa loob dahil mainit ang ulo ni Senorito. Aakyat na po ako sa 9th floor dahil ayaw po ni Senorito na may kasamang iba."

''Sige po, Manang. Papasok na po ako,'' sagot ko at pumasok na ako sa loob. Si Manang naman ay umakyat na rin sa 9th floor. 

Pagpasok ko sa loob ng unit ay naabutan ko ang halimaw kong asawa na dala-dala ang aking mga gamit mula sa loob ng silid niya. 

Tumapat siya sa harap ko at pabato niyang itinapon sa akin ang mga damit ko. Naglaglagan naman ang mga gamit ko sa aking paanan.

''Ilipat mo ito sa silid na 'yan. Baka habang natutulog ako ay may mawala na lang sa mga gamit or pera ko,'' pang iinsulto niya sa akin na siyang nagpanginig sa aking kalamnan. 

Ang bilis ng kamay ko, kaya nasampal ko siya ng malakas sa kanang pisngi niya. Napatagilid siya at agad na bumaling sa akin. Ang reaksyon ng mukha niya ay hindi makapaniwala sa ginawa kong pagsampal sa kaniya.

''Hindi ako mukhang pera! Hinding-hindi ko pakikialaman ang pera mo! Kung may magagawa lang ako para mabayaran ko ang mga utang ng pamilya ko sa inyo gagawin ko para lang maging malaya na ako sa kasal na walang kuwenta!'' pasigaw kong sabi sa kaniya. Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko sa tagiliran ng aking mga mata.

''Gusto mo makabayad? Puwes, maging katulong kita rito sa loob ng bahay. Huwag kang mag-expect na ituturi kitang asawa!''

Sarkastiko akong natawa. Kung anong ikinapangit ng mukha niya, siya rin Ng ugali niya.

''Kung biro lang sa'yo ang kasal, Russell, sa akin hindi! Dahil kahit ano pa ang gawin mo sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ay mag-asawa pa rin tayo! Kung hindi mo ako ituturing asawa, sige lang dahil kung gagantihan ko ang kasamaan na pinapakita mo sa akin ay para na rin akong katulad mo na walang modo!'' garalgal kong sagot sa kaniya. Pinulot ko ang aking mga damit at pumasok ako sa isang silid. Malaki naman ang silid na iyon at may cabinet rin. 

Iniwan ko siyang hindi nakaimik. 

Gusto ko ipakita sa kaniya na kahit pangit siya ay puwede ko naman siyang mahalin kahit na ganoon ang itsura niya basta maging mabait lang siya. Hindi naman ang mukha ang tinitingnan ko kundi ang ugali niya. Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi lahat ng babae ay pera lang ang habol sa kaniya.

Related chapters

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 3

    ''My god, Russell! Ano na naman ba ang gusto mo? At bakit ayaw mong patulugin si Belle sa silid mo? Mag-asawa na kayo, kaya dapat maging responsable ka na sa asawa mo!'' Narinig ko ang boses ng mommy ni Russell sa labas ng silid ko. Pinapagalitan nito ang kaniyang anak.''Mom, pumayag ako na pakasalan ang babae na gusto niyo para sa akin kahit na hindi ko naman gusto! Sana 'yong ginawa niyo sa akin ay hindi niyo gagawin sa kapatid ko! Huwag niyo naman kami itulad sa inyo ni Daddy na nireto lang din ng mga magulang ninyo!'' sagot ni Russell sa kaniyang ina.''Mamahalin niyo rin ang isa't isa katulad sa amin ng Daddy ninyo. Kami ang nakakaalam na mga magulang ninyo kung ano at sino ang makakabuti para sa inyo! Hindi 'yong kung anong klaseng asawa lang ang madadampot ninyo!'' Panenermon nito kay Russell.''Bakit kilala mo ba kung anong klaseng babae ang ipinakasal ninyo sa akin ni Daddy? Pare-pareho lang naman ang mga babae! Pera lang naman ang habol niyan sa atin. Kung wala akong pera s

    Last Updated : 2024-11-28
  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 1

    ''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya p

    Last Updated : 2024-11-28

Latest chapter

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 2

    Pagkatapos ng kainan ay umuwi na kami ni Madam Midge. Si Don Waldo naman ay pumunta sa kaibigan nito.Pagdating namin ni Madam Midge sa condo ay nagtataka ako kung bakit sa 6th floor kami tumuloy at hindi sa 9th floor.Tatlo lang ang pintuan na nakikita ko sa 6th floor na iyon. Pumasok kami ni Madam Midge sa unang pintuan. Malawak ang area na iyon ngunit nagtataka ako kung bakit tatlo lang ang unit na naroon.Nagpalinga-linga ako ng tingin dahil sa ganda ng plot na iyon. Mas maganda pa sa 9th floor. Mayroon pang sofa sa unahan ng elevator.''Iha, ito ang condo unit ng asawa mo kaya dito ka na rin titira. May dalawang silid dito at iyon ang silid ninyo ni Russell,'' pahayag ng Mommy ni Raydin sa akin.Tumango lang ako at napatingin siya sa malaking aqurium na may malaking isda. Namangha ako sa desinyo ng unit ni Raydin dahil malinis at maganda ang interior design nito. At binagayan pa sa kulay white and gray na kulay ng mga gamit.''Nariyan na sa silid ang mga gamit mo dahil pinalipa

  • Marrying The Beast Billionaire    Chapter 1

    ''Auntie! Auntie, huwag niyo naman gawin sa akin ito!" naiiyak kong pakiusap kay Auntie Sally.''Belle, mapapabuti ka sa kanila. Isa pa may kasunduan na kami ni Midge ang asawa ni Don Waldo,'' pakiusap ni Auntie sa akin.''Pero nakakatakot ang itsura ng anak nila, Auntie! Paano kung saktan niya ako?!"Tuluyan na akong umiyak dahil alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago ang desisiyon ni Auntie. Alam kong buo na ang desisyon niya para ipakasal ako sa panganay na anak ni Don Waldo.Ang Auntie ko ang nag-aruga sa akin mula pagkabata dahil ulila na ako ng lubos. Namatay ang ama ko dahil sa malubhang sakit at ang nanay ko naman ay namatay dahil nalunod sa dagat. Ang Auntie ko na lang ang tanging pamilya ko.''Belle, makinig ka sa akin ng mabuti. Wala na tayong pera. Sa halip na magtrabaho ka riyan sa hotel ay magpakasal ka na lang sa anak ni Don Waldo. Kapag nagpakasal ka sa anak nila ay hindi na tayo sisingilin ng utang natin sa kanila dahil sa pagpapagamot sa ama mo, kaya p

DMCA.com Protection Status