Share

chapter 3:

ALAS-NUEBE na ng umaga nagising si Kariel. Habang pababa ng hagdan ay amoy niya ang masarap na niluluto mula sa kusina. 

“Hmm, ang bango. Ano po ang niluluto niyo, ate Rocel?” nakangiting aniya sa babaeng nakatalikod. Lumingon ito at nginitian siya.

“Good morning,” 

“You're not, ate Rocel. Who are you?” 

“Uhm, I'm—

“Ang aga mo ‘ata nagising, miss Kc. Ano po ang niluluto niyo? Sabat ni Mark.

“What! Wait, kilala mo siya?” gulat at takang aniya rito.

“Opo, miss Kariel. Sinundo namin siya ng kuya Darrius niyo sa airport kagabi,” sagot nito.

Kunot noo’ng pinasadahan niya nang tingin ang babae. “So, bakit nandito siya?” tanong niya kay Mark ng hindi inaalis ang tingin rito.

“Ahm, pansamantala muna akong ti—

“Hindi ikaw ang kausap ko!” 

Taas-kilay n’yang ani sa babae, dahilan para tumahimik ito. 

“Kariel! ‘wag kang bastos. Bisita natin siya at mas matanda siya sayo, kaya matuto kang rumespito.” Saway sa kanya mula sa likuran. Napalingon at nakita n'yang magkasalubong ang kilay ng lalaking papalapit sa kanila.

“Good morning,” nakangiting bati ni Kc kay Darrius na mas lalong nagpainit ng dugo niya.

“Gising ka na pala, hindi ka ba napagod kagabi?” Nanlaki ang mata ni Kariel sa narinig mula kay Darrius.

“Sa biyahe, I mean.” Bawi nito. Napanatag naman ang loob niya sa sinabi nito. Kung anu-ano na kasi ang pumasok sa makulit n’yang isipan.

“Pagod syempre, pero naisipan ko kasing bumangon para makahanda ng agahan.” Nakangiting saad nito.

“Gumawa pala ako ng pan cake tsaka waffle, sana magustuhan niyo.” 

She rolled her eyes, saka kumuha ng tubig sa fridge. 

“Oh by the way, umupo na kayo at nang maihanda ko na ang inihanda kong agahan.” 

Imbis na umupo sa lamesa ay kumuha lang siya ng sandwich tsaka umalis at nagtungo sa harden.

“GUMAWA PALA AKO NG PAN CAKE AT WAFFLE SANA MAGUSTUHAN NIYO,” inis na naisatinig ni Kariel habang nakaupo sa swing na nakasabit sa puno ng mangga

 “Pwe! Napaka-oa,” maktol pa ni Kariel 

“O, bunso! Sino ba ang kalaban mo?” usisa ng kuya Keith niya. Her second biological brother. Dalawang taon ang pagitan nilang magkapatid kaya mas malapit siya rito kaysa kuya Kenneth niya. 

“Nagpangabot na naman iyang maninipis mong kilay,” tatwa nito.

“Ang aga-aga nakakawala nang gana, hayst.” Umiiling n’yang tugon.

“And why?”

“Nothing,” 

Kumunot  ang noo nito. “ Nothing?” takang anang kapatid.

She heaved a sighed. And look at his brother eyes. “Kuya, ikaw ba. Hindi mo naisipang mag-asawa na?”  seryusong aniya. Tumawa lang ang kapatid bagay na ikinangiwi niya.

“Kuya naman eh, seryuso ang tao ta's tatawanan mo lang.” Nakangusong sambit niya.

“Bakit mo naman naitanong iyan?” nakangising anito. 

“Si kuya Darrius at Kenneth nga, hindi pa nag-aasawa. Tapos tatanungin mo ako sa bagay na ‘yan,” dagdag pa nito.  

“Wala lang, naisip ko lang.” Tugon niya.

“Kumain ka na ba?” 

“Hindi pa,”

“See! Gutom lang ‘yan, hayst. Pasok na tayo, at nang makakain  ka na. Tapos na rin silang kumain ni kuya Darrius at Kc, kaya wala ng tao sa kusina.” sambit nito na ikinakunot ng noo niya.

“Do you know her?” takang aniya sa kapatid.

“Yeah. Hindi mo ba siya kilala?”

Umiling lang siya sa sinabi ng kapatid na ikinagulat nito.

“O my God! Kariel. Anong henerasyon ka ba at hindi mo kilala si Kc? Isa s’yang sikat na model at endorsers ng mga kilalang beauty products abroad. Sikat din s’yang influencer,” kuwento nito. 

“Hindi ko talaga siya kilala, kuya. Isa pa hindi naman ako gumagamit ng mga ‘yan.” saad niya. Sa edad na biente-singko anyos ni minsan ay hindi pa nasasayaran ng kahit anong uri ng  pampaganda ang kanyang mukha.  Kaya hindi siya pamilyar sa sinasabi ang kapatid . Tanging pulbo at lipshiner lang ang ginagamit niya. Tsaka hindi rin siya mahilig sa fashion. 

“Tsk. Hayaan mo na nga lang, pasok na tayo sa loob at nang makakain na tayo. Nagwawala na rin itong mga alaga ko,” pagbibiro nito saka tumayo at hinila ang kamay niya. Wala s’yang magawa kaya sumunod na lamang sa kapatid papasok ng mansyon.

TULALA habang kumakain ng almusal si Kariel. Nakatingin sa kawalan at panay ang pagbitiw ng malalim na hininga. Hindi niya maalis ang babaeng nakita niya rito sa kusina.

“Sino ba kasi ang babaeng ‘yon?” sa isip niya. “Ba’t siya nandito?” 

Napaiktad na lamang siya nang bigla s’yang kinabig ng kapatid na nasa tabi.

“Ay kabayo! Ano ‘yon, kuya?” 

Ngumisi lang ito. “ Ayan, kape pa. Ano ba kasi ang iniisip mo? Lumilipad na naman sa kalawakan ang isipan mo.” 

“Wala.” 

“Wala? Eh, bakit wala ka sa sarili? Kanina pa ‘yan,” kunot ang noo’ng saad nito.

“Wala nga,” 

“O ‘sya, bilisan mo riyan at isasama na kita. Baka mamaya mabalitaan ko na lang tuluyan ka nang takasan ng bait,” anito saka tumayo. 

“Ay! Gusto ko ‘yan. Maliligo lang ako,” nakangiting sambit niya sa kapatid at dali-daling uminom ng tubig at patakbong umakyat sa hagdan patungong silid.

Umiiling-iling na sinundan nang tingin ni Kieth ang kapatid. 

SAMANTALA, isinama na lang muna ni Darrius si Kc papuntang  airport para sunduin ang mag-asawang Montgomery. Sina mr Manolo Montgomery at misis Margarette Montgomery. Isinama na lang niya ang dalaga, para hindi na muli itong pag-initan ni Kariel. Ramdam niya ang pagkainis ng dalaga nang makita ang dalaga  kanina. Ngunit hindi niya ito pinahalata sa dalaga.  Alam din n’yang masasaktan ito kung malamang ipinagkasundo na siya ng mga magulang sa babaeng kasama.

“Are you okay?” tanong sa kanya ni Kc dahilan para lingunin ito.

“Ha? Ahm. Sorry, may iniisip lang ako.” 

“Tungkol ba sa kasal?”

“No, tungkol sa kompanya. May kailangan lang akong ayusin pagbalik ko,” paliwanag niya. Tumango naman ang babae saka umiwas nang tingin.

“Wala ka bang girlfriend, Darrius?” patay-malisyang tanong ni Kc sa kanya dahilan para mapihit ng assistant ang preno. Napahawak naman sa kanya si Kc na kamuntikan nang masubsob. Hindi pala ito naka-seatbelt nang umalis sila.

“Mark! Watch out!” Asik niya saka inalo si Kc.

“Are you okay?” usisa niya at binalingan nang tingin ang assistant.

“I’m sorry,” nakayukong wika nito. At umayos nang upo saka hinila at isinuot ang seatbelt.

“Sorry,boss. Nagulat lang ako,” pagdadahilan nito. Saka muling pinihit ang gasulinador.

“Are you okay?” muling aniya sa babae.

“Yes. Medyo nabigla lang ako, nakalimutan ko rin kasing mag-seatbelt bago tayo umalis.” Pilit na ngiting  tugon nito. Dali-dali nitong inayos ang nagulong buhok at muli s’yang nginitian.

“Pasensya na po talaga, boss. Hindi na po mauulit,” wika ng assistant.

Nanahimik at nag-fucos na lang ito sa  pagmamaneho, hanggang nakarating sila sa airport. Saktong pagdating nila ay s’yang paglabas ng mga magulang. Agad naman itong sinalubong at niyakap ni Kc ang ina nilang si Margarette. 

“Mom, dad. Kumusta?” bati ni Darrius. Ngumiti naman ang dalawa. 

“Kayo lang ba? Hindi niyo isinama si Kariel, Darrius?” usisa ni Margarette. 

“Hindi na lang p namin isinama si Kariel. mom,” tugon niya. 

“O s’ya, tutunga-nga na lang ba tayo rito?” giit ni Margarette. 

inalalayan naman ni Kc ang ginang papask sa sasakyan. Nakasunod  naman sila ng amang si  Manolo sa dalawa. 

“How are you, hija? Kumusta naman ang tulog mo?” tanong ni Margarette kay Kc  nang makapasok sa sasakyan. 

“Okay naman po, tita. Medyo may kaunting aberya lang kagabi,” tugon nito. 

“Mabuti— Teka, aberya?” gulat  na usisa ni Margarette.

“No, it's okay. Nagawan ko na po nang paraan. Okay na po,” saad ni Kc.

“Ah, ganun ba. Ahm, nagkita na ba ko ng anak kong babae?” tanong pa nito

“Nagkita po kami kanina,” tugon ni Kc.

“Medyo iba ang datingan ng anak kong iyon. Kaya sana intindihin mo na lang,” 

“Ahm. Medyo nga po, pero okay lang ho iyon. Naiintindihan ko po s’ya medyo immature pa  kaya iintindihin ko na lang,” nakangiting turan ni Kc.

“Pagpasensyahan at intindihin mo na lang ang ugali ng anak ko, hija. Sadyang ganoon lang talaga ang ugali niya,” paliwanag ni Margarette sa dalaga.

“Hindi pa ba tayo aalis?” sabad ni Manolo. 

“Aba’y ‘neyor, sumakay ka na at nang makaalis na ang sasakyan. Ano pa ang hinihintay mo riyan?” Sarkastikang ani Margarette sa asawa. Napakamot naman sa noo si senyor Manolo na tumabi sa asawa at isinara ang pinto. Binuksan naman ni  Darrius ang pinto tsaka pumasok at naupo  karabi ng driver seat. 

“Hija, hindi ka naman na siguro magtataka kung saan na mana ni Kariel ang ugali niya, anu?” nakangiting turan ni Manolo kay Kc at  pinasadahan nang tingin ang asawa. 

“At ano ang ibig mong palabasin, aber?” Kunot-noo’ng ani Margarette sa asawa. 

“Wala,” sagot nito saka tinikom ang bibig. Lihim namang napangiti si Darrius sa unahan nang marinig ang saringan ng dalawa. Aaminin n’yang sa ina na mana ni Kariel ang ugali nito. Magmula nang dumating siya sa pamamahay ng mga Montgomery, nakita niya kung paano mahalin ng kinikilalang ama ang asawa nito. Palagi mang nagaaway ngunit mahal nila ang isa't isa. Iyon nga lang at medyo strikto ito sa mga anak nila. Lalong-lalo na pagdating kay Kariel.

“Alis na nga lang tayo, Mark.” dikta ni Margarette sa assistant ni Darrius. Tumango naman ito saka pinaandar ang sasakyan at nilisan ang airport.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat Ms. Calut QHO
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status