Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
View More"Face the wall," mariing turan ni Elisa habang pinapagalitan ang anak na tinakasan na naman ang yaya nito."Gusto ko lang naman maglaro, mommy!" pagdadahilan ng kanyang anak habang umiiyak. Dahan-dahan itong tumalikod at humarap sa dingding."Pero hindi ka dapat tumakas, Chantal. Pinag-alala mo kaming lahat dito sa bahay, alam mo ba yun?" Hindi siya overacting, pinoprotektahan niya lang ang anak niya. Pero bakit pakiramdam niya ay hindi iyon naiintindihan niyo? "Paano kung may mangyari sayo?""What's happening here?" Boses iyon ng kadarating lang na si Aira.Nagbuntong-hininga si Elisa at sinalubong ang kaibigan para makipag-beso rito. "Tumakas na naman."Sinulyapan ni Aira si Chantal, bago naupo sa sofa. Naupo naman si Elisa sa katapat nitong queen chair."Hindi kaya nagiging mahigpit ka sa bata?" Kibit-balikat ng kaibigan niya. "She's just a kid, Elisa. Let her explore. Huwag mo siya parati ikulong dito sa mansyon. Kung gusto niya makipaglaro sa mga bata, go. Huwag mo pigilan."Isa
Dahan-dahang iminulat ni Elisa ang kanyang mga mata at tumambas sa kanya ang puting kisema at puting dingding. Nakasuot siya ng hospital gown."Gising ka na pala," bungad ng kanyang doctor nang pumasok ito sa kwarto."Anong nangyari, doc? Bakit ako nandito?" tanong niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Ang tangging natatandaan niya lamang ay dinugo siya."Nahimatay ka. Mabuti na lamang at naagapan." The doctor’s words hung heavy in the air. “You had a threatened abortion. If you’d waited any longer, you might have lost the baby.”Natupto ni Elisa ang sariling bibig. Worry was palpable in her face. "Is my baby okay now? Safe ba siya?"“Yes, Mrs. Villar,” the doctor reassured her. "But time was critical. Your life, the baby’s, or both was at risk. You have a condition that requires close monitoring. Be mindful of what you do, eat, and how you handle emotions. Stress or triggers could affect you.”Tumango siya. "Thank you. Pwede na ba ako lumabas?"Umiling ang doctor. "H
Nagsalubong ang mga kilay ni Elisa nang makita ang brown envelope na nakasiksik sa likod ng closet ng kanyang asawa na si Azrael. Dinampot niya iyon at hindi nag-atubili na buksan. Kamuntikan na siyang matumba sa gulat nang mabasa ang naroon—Isang iyon divorce paper.Pero bago pa niya mabasa ang iba pang nakasulat ay nakarinig na siya ng mga yabag na papalapit. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa envelope at isinarado ang closet.Bumukas ang pintuan ng shower at lumabas doon ang asawa niya nakatapis lang ng towel sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito at umaagos pababa sa dibdib."N-Nakahanda na ang isusuot mo," kagat labing turan ni Elisa at itinuro ang bagong plantsa na suit sa asawa.Tumagal ang mga titig Azrael sa kanya, winawari kung bakit tila siya hindi makaalis sa kinatatayuan. Napalunok naman si Elisa at sinikap na humakbang para lapitan ang asawa, pero ang isip niya ay nanatili sa divorce paper na nakita.Kanino ang divorce paper na iyon? Sa ka
Nagsalubong ang mga kilay ni Elisa nang makita ang brown envelope na nakasiksik sa likod ng closet ng kanyang asawa na si Azrael. Dinampot niya iyon at hindi nag-atubili na buksan. Kamuntikan na siyang matumba sa gulat nang mabasa ang naroon—Isang iyon divorce paper.Pero bago pa niya mabasa ang iba pang nakasulat ay nakarinig na siya ng mga yabag na papalapit. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa envelope at isinarado ang closet.Bumukas ang pintuan ng shower at lumabas doon ang asawa niya nakatapis lang ng towel sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito at umaagos pababa sa dibdib."N-Nakahanda na ang isusuot mo," kagat labing turan ni Elisa at itinuro ang bagong plantsa na suit sa asawa.Tumagal ang mga titig Azrael sa kanya, winawari kung bakit tila siya hindi makaalis sa kinatatayuan. Napalunok naman si Elisa at sinikap na humakbang para lapitan ang asawa, pero ang isip niya ay nanatili sa divorce paper na nakita.Kanino ang divorce paper na iyon? Sa ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments