Share

Chapter 3

Author: Author Eli
last update Huling Na-update: 2024-09-18 18:48:43

"Face the wall," mariing turan ni Elisa habang pinapagalitan ang anak na tinakasan na naman ang yaya nito.

"Gusto ko lang naman maglaro, mommy!" pagdadahilan ng kanyang anak habang umiiyak. Dahan-dahan itong tumalikod at humarap sa dingding.

"Pero hindi ka dapat tumakas, Chantal. Pinag-alala mo kaming lahat dito sa bahay, alam mo ba yun?" Hindi siya overacting, pinoprotektahan niya lang ang anak niya. Pero bakit pakiramdam niya ay hindi iyon naiintindihan niyo? "Paano kung may mangyari sayo?"

"What's happening here?" Boses iyon ng kadarating lang na si Aira.

Nagbuntong-hininga si Elisa at sinalubong ang kaibigan para makipag-beso rito. "Tumakas na naman."

Sinulyapan ni Aira si Chantal, bago naupo sa sofa. Naupo naman si Elisa sa katapat nitong queen chair.

"Hindi kaya nagiging mahigpit ka sa bata?" Kibit-balikat ng kaibigan niya. "She's just a kid, Elisa. Let her explore. Huwag mo siya parati ikulong dito sa mansyon. Kung gusto niya makipaglaro sa mga bata, go. Huwag mo pigilan."

Isa sa rason kung bakit gustong-gusto ng mommy niya si Aira at pareho ito kung mag-isip ng mommy niya. Mas matanda siya ng dalawang taon kay Aira, pero mas mature ito sa kanya mag-isip.

Nakaramdam naman ng pagka-guilty si Elisa sa sinabi ni Aira. Nilingon niya ang anak na nakatalikod pa rin at gulagalaw ang mga balikat, tanda na humihikbi.

"Ayaw ko lang naman... makita niya mula sa labas na may kulang sa kanya," mahina niyang bulalas. Noong minsan na dumaan sila sa park kung saan gusto maglaro ni Chantal ay nakita niya na halos mag-asawa ang kasama ng mga bata na naroon. At iyon ang ayaw niya. Ayaw niya maramdaman ni Chantal na may kulang sa pagkatao nito. Ayaw niya na mainggit ang anak siya sa ibang bata.

"Matalinong bata si Chantal, Elisa," mabilis na sagot ni Aira at umiling. "Hindi maiwasan na magtatanong siya sayo, pero alam ko na maintindihan niya ang lahat. Sa ginagawa mo, tinuturuan mo lang siya na maging mahina. Ayaw mo siya kaawaan ng iba, pero ikaw mismo na ina niya kinakaawanan siya."

Hindi nakasagot si Elisa. Tama na naman si Aira. Siguro nga ay mali ang ginagawa niyang pagpapalaki sa anak niya.

Halos apat na taon na rin simula nang lumipa sila dito sa Spain mula sa Pilipinas matapos niyang pirmahan ang divorce paper. Hindi rin naging madali ang pagbubuntis siya at lalo pa nang manganak siya. She was broken, but at the same time a mother. May mga oras na hindi niya naiiwasan na magbreak down sa sakit at lungkot. Pero ngayon ay masasabi niyang ayos na siya. Bukod sa pagkamuhi ay wala na siyang nararamdaman pa para kay Azrael.

Elisa! Elisa!" Humahangos na sigaw ng mayordoma nila. Sabay nilang nilingon ni Aira ang mayordoma na nakakapit sa upuan.

Napatayo si Elisa at inalalayan ang matanda. "Manang, bakit ka naman tumatakbo?"

"Ang mommy at daddy mo!" iyak ng matanda at pumadyak pa ang paa.

Biglang kinabahan si Elisa. Ang mommy at daddy niya ay nasa Pilipinas para i-meet ang bagong kasosyo ng mga ito sa negosyo. Magtatatlong linggo na ang mga ito roon, pero tumatawag naman tuwing para kumustahin ang apo—Maliban kahapon at ngayon.

"A-Anong... nangyari, manang?" Pigil ang hininga niyang tanong.

"Naaksidente ang sinasakyan nilang van. Nasa hospital silang dalawa ngayon."

Kumabog ang dibdib ni Elisa sa narinig. Kailangan siya ng mommy at daddy niya ngayon.

"Manang, pakihanda ang mga gamit ni Chantal. Uuwi kami ng Pilipinas ngayon din."

Agad namang tumalima ang mayordoma at tumakbo paalis. Sana ay ayos lang ang mga magulang niya dahil hindi niya kakayanin kung mawawala ang mga ito sa kanya.

"I'm coming with you," presenta ni Aira at tinapik ang balikat ni Elisa. "They'll be okay, Elisa. Ipagdadasal natin na ayos lang sila."

**

"Room 29, Ms. Toréz," tugon ng nurse receptionist kay Elisa sa tanong niya kung anong room naroon ang mag-asawang Toréz.

Hinila ni Elisa si Chantal papasok sa elevator, kasunod si Aira at pinindot ang 29th floor. Kalalapag lang ng eroplano nila at dito agad sila dumeritso sa hospital.

Sumarado ang elevator, pero huminto iyon nang may kamay na humarang at humabol at pumasok ang isang lalaki na may karga na malaking life size teddy bear. Nahaharangan ang mukha nito ng teddy bear, at may bitbit naman na basket ng purtas sa kabilang kamay.

Napansin ni Elisa na nakatingin sa teddy bear si Chantal kaya inakbayan niya ang anak at bahagyang yumuko. "Gusto mo rin niyan?" tanong niya sa anak.

Malawak naman na ngumiti si Chantal at tumango. "Yes, mommy!"

"Will buy you later, hmm?" Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ng anak at hinawakan ito sa kamay.

Nasa 16th floor na sila nang ibaba ng lalaki ang karga nitong teddy bear. Apat lang sila na nasa loob ng elevator ng mga sandaling iyon kaya naman hindi siksikan.

"Is that for your daughter?" tanong ni Chantal sa lalaki at itinuro ang teddy bear na nasa kapag.

Parang biglang huminto ang mundo ni Elisa nang dahan-dahan lumingon ang lalaki para balingan si Chantal. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang iyon.

"Yes, I wanna surprise her," nakangiting sagot ni Azrael. Tumingala ito at ganon na lamang ang gulat nang magtama ang tingin nila ni Elisa.

Hirap na huminga si Elisa. Hinila niya si Chantal para itabi sa gilid niya. Nagpalipat-lipat naman ng tingin si Azrael sa kanilang tatlo, sumulyap ito kay Aira, bago bumababa ang tingin kay Chantal. Nang alisin nito ang atensyon kay Chantal ay muli napako ang mga mata nito kay Elisa.

"Y-Your... daughter...?" halatang gutal, ngunit hindi siguradong tanong ni Azrael.

Lumunok ng laway si Elisa, bago sumagot. "Yes, my daughter."

Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Azrael, parang hindi pa makapaniwala. "Wait, you got married?"

Anong ibig nitong sabihin? Hindi ba't alam nito na buntis siya? Kaya bakit gulat na gulat ito na makitang may anak siya?

Finally, 29th floor. Kasabay nang pagbukas ng elevator ay hinila niya palabas si Chantal at hindi na sinagot pa ang tanong ni Azrael. Hindi niya alam kung umaakto lang ba ang dati niyang asawa, o baka hindi talaga nito alam ang tungkol sa pagbubuntis niya?

Kung ano man ang totoo, alam man ni Azrael o hindi ang tungkol kay Chantal ay wala na iyon kay Elisa. Matagal na niya ibinaon sa limot si Azrael. Walang kapatawaran ang ginawa nito sa kanya na panloloko at hindi na niya gugustuhin pa magkaroon ng kahit anong ugnayan sa ama ng anak niya.

"Are you..."

"I'm okay, Aira," sagot niya bago pa itanong ng kaibigan.

Binuksan niya ang pintuan ng kwarto ng mga magulang niya at naabutan ang doctor sa loob. Ipinaliwanag naman ng doctor na ayos na ang mga magulang niya at kunting bali lang ang natamo ng mga ito. Sa susunod na araw ay pwede rin lumabas.

"Dad, sabi ko naman sayo mag-iingat ka sa pagda-drive," pangangaral ni Elisa sa ama at umupo sa tabi nito.

"Elisa, kahit anong ingat ng isang tao sa pagmamaneho, kung may ibang tao naman na hindi nag-iingat ay hindi talaga maiiwasan ang aksidente," natatawang sagot ng kanyang ama kaya sinimangutan niya ito.

"Where's my apo?" tanong ng kanyang ina at sumilip sa likuran ni Elisa "I wanna hug her."

"Chantal, go to your abuela," utos ni Elisa pero walang Chantal na sumunod sa kanya.

Nagkatinginan sila ni Aira at nagtanong gamit ang mga mata. Nasaan si Chantal? Kasama niya ito lumabas ng elevator at papasok dito sa loob!

"Where's Chantal?" pag-uulit ng kanyang ina. "Elisa, nasaan ang apo ko?"

Nasapo ni Elisa ang kanyang noo at mabilis na tumalikod para hanapin ang anak. Malalaking hakbang niya at palinga-linga sa bawat kwartong nakabukas, nagbabaka sakali na naroon ang anak.

Kabilin-bilinan niya na huwag ito aalis sa tabi niya at huwag susuway sa utos niya, pero heto na naman at tinakasan siya.

"Look what have you done to my dress!" sigaw ng isang boses sa bandang dulo. "Nasaan ba ang Nanay mo at hinahayaan ka pakalat-kalat dito?!"

"I'm sorry po. Hindi ko naman sinasadya."

Napahinto si Elisa nang marinig ang umiiyak na boses ni Chantal kaya tinungo niya ang dulo. Naabutan niyang hawak-hawak ang braso nito ng isang babae at pinapagalitan.

Nandilim ang paningin niya at malakas na itinulak ang babae. Wala itong karapatan na saktan ang anak niya. Kung may nagawa man itong hindi maganda ay dapat sa kanya nito ito sabihin dahil siya ang magpaparusa sa anak niya at hindi kung sino lang.

"Ano ba!" singhal ng babae sa kanya, pero hindi niya ito pinansin.

"Chantal, what happened? Bakit bigla ka na lang umalis? Nasaktan ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Elisa at pinasadahan ng tingin ang buong katawan mula ulo hanggang paa ng anak. Huminto ang mata niya sa braso nito na may markan ng kuko.

Hinarap niya ang babae. Sabay silang napahinto nang makita ang isa't-isa, pero si Danica ang unang nakabawi at sarkastikong natawa.

"She's your daughter?" tila isa iyong insulto. "Kaya naman pala walang maganda asal ang batang yan dahil ikaw ang ina."

"Sinaktan mo siya?" gigil na tanong ni Elisa at matalim na tinapunan ng tingin si Danica.

"Dahil binuhusan niya ng tubig ang damit ko!" duro ni Danica sa bata. "Look at my dress!"

Humakbang si Elisa at hinila ang braso ni Danica. Kumawala si Danica, pero malakas ang kapit ni Elisa at intensyonal na ibinaon ang kuko sa braso nito.

"Bitawan mo ako!" Mataray, ngunit paiyak nitong sabi.

"Dahil lang sa damit sinaktan mo ang bata?" nag-aapoy na sa galit si Elisa. "Sino sa ating dalawa ang walang mabuting asal, Danica?"

"What's happening here?"

Hindi na kailangan pa lingunin ni Elisa ang boses na iyon dahil alam niyang kay Azrael iyon.

Kaugnay na kabanata

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 1

    Nagsalubong ang mga kilay ni Elisa nang makita ang brown envelope na nakasiksik sa likod ng closet ng kanyang asawa na si Azrael. Dinampot niya iyon at hindi nag-atubili na buksan. Kamuntikan na siyang matumba sa gulat nang mabasa ang naroon—Isang iyon divorce paper.Pero bago pa niya mabasa ang iba pang nakasulat ay nakarinig na siya ng mga yabag na papalapit. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa envelope at isinarado ang closet.Bumukas ang pintuan ng shower at lumabas doon ang asawa niya nakatapis lang ng towel sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito at umaagos pababa sa dibdib."N-Nakahanda na ang isusuot mo," kagat labing turan ni Elisa at itinuro ang bagong plantsa na suit sa asawa.Tumagal ang mga titig Azrael sa kanya, winawari kung bakit tila siya hindi makaalis sa kinatatayuan. Napalunok naman si Elisa at sinikap na humakbang para lapitan ang asawa, pero ang isip niya ay nanatili sa divorce paper na nakita.Kanino ang divorce paper na iyon? Sa ka

    Huling Na-update : 2024-09-18
  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 2

    Dahan-dahang iminulat ni Elisa ang kanyang mga mata at tumambas sa kanya ang puting kisema at puting dingding. Nakasuot siya ng hospital gown."Gising ka na pala," bungad ng kanyang doctor nang pumasok ito sa kwarto."Anong nangyari, doc? Bakit ako nandito?" tanong niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Ang tangging natatandaan niya lamang ay dinugo siya."Nahimatay ka. Mabuti na lamang at naagapan." The doctor’s words hung heavy in the air. “You had a threatened abortion. If you’d waited any longer, you might have lost the baby.”Natupto ni Elisa ang sariling bibig. Worry was palpable in her face. "Is my baby okay now? Safe ba siya?"“Yes, Mrs. Villar,” the doctor reassured her. "But time was critical. Your life, the baby’s, or both was at risk. You have a condition that requires close monitoring. Be mindful of what you do, eat, and how you handle emotions. Stress or triggers could affect you.”Tumango siya. "Thank you. Pwede na ba ako lumabas?"Umiling ang doctor. "H

    Huling Na-update : 2024-09-18

Pinakabagong kabanata

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 3

    "Face the wall," mariing turan ni Elisa habang pinapagalitan ang anak na tinakasan na naman ang yaya nito."Gusto ko lang naman maglaro, mommy!" pagdadahilan ng kanyang anak habang umiiyak. Dahan-dahan itong tumalikod at humarap sa dingding."Pero hindi ka dapat tumakas, Chantal. Pinag-alala mo kaming lahat dito sa bahay, alam mo ba yun?" Hindi siya overacting, pinoprotektahan niya lang ang anak niya. Pero bakit pakiramdam niya ay hindi iyon naiintindihan niyo? "Paano kung may mangyari sayo?""What's happening here?" Boses iyon ng kadarating lang na si Aira.Nagbuntong-hininga si Elisa at sinalubong ang kaibigan para makipag-beso rito. "Tumakas na naman."Sinulyapan ni Aira si Chantal, bago naupo sa sofa. Naupo naman si Elisa sa katapat nitong queen chair."Hindi kaya nagiging mahigpit ka sa bata?" Kibit-balikat ng kaibigan niya. "She's just a kid, Elisa. Let her explore. Huwag mo siya parati ikulong dito sa mansyon. Kung gusto niya makipaglaro sa mga bata, go. Huwag mo pigilan."Isa

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 2

    Dahan-dahang iminulat ni Elisa ang kanyang mga mata at tumambas sa kanya ang puting kisema at puting dingding. Nakasuot siya ng hospital gown."Gising ka na pala," bungad ng kanyang doctor nang pumasok ito sa kwarto."Anong nangyari, doc? Bakit ako nandito?" tanong niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Ang tangging natatandaan niya lamang ay dinugo siya."Nahimatay ka. Mabuti na lamang at naagapan." The doctor’s words hung heavy in the air. “You had a threatened abortion. If you’d waited any longer, you might have lost the baby.”Natupto ni Elisa ang sariling bibig. Worry was palpable in her face. "Is my baby okay now? Safe ba siya?"“Yes, Mrs. Villar,” the doctor reassured her. "But time was critical. Your life, the baby’s, or both was at risk. You have a condition that requires close monitoring. Be mindful of what you do, eat, and how you handle emotions. Stress or triggers could affect you.”Tumango siya. "Thank you. Pwede na ba ako lumabas?"Umiling ang doctor. "H

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 1

    Nagsalubong ang mga kilay ni Elisa nang makita ang brown envelope na nakasiksik sa likod ng closet ng kanyang asawa na si Azrael. Dinampot niya iyon at hindi nag-atubili na buksan. Kamuntikan na siyang matumba sa gulat nang mabasa ang naroon—Isang iyon divorce paper.Pero bago pa niya mabasa ang iba pang nakasulat ay nakarinig na siya ng mga yabag na papalapit. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa envelope at isinarado ang closet.Bumukas ang pintuan ng shower at lumabas doon ang asawa niya nakatapis lang ng towel sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito at umaagos pababa sa dibdib."N-Nakahanda na ang isusuot mo," kagat labing turan ni Elisa at itinuro ang bagong plantsa na suit sa asawa.Tumagal ang mga titig Azrael sa kanya, winawari kung bakit tila siya hindi makaalis sa kinatatayuan. Napalunok naman si Elisa at sinikap na humakbang para lapitan ang asawa, pero ang isip niya ay nanatili sa divorce paper na nakita.Kanino ang divorce paper na iyon? Sa ka

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status