Share

The Divorced Wife Is Back
The Divorced Wife Is Back
Author: Author Eli

Chapter 1

Author: Author Eli
last update Huling Na-update: 2024-09-18 08:54:10

Nagsalubong ang mga kilay ni Elisa nang makita ang brown envelope na nakasiksik sa likod ng closet ng kanyang asawa na si Azrael. Dinampot niya iyon at hindi nag-atubili na buksan. Kamuntikan na siyang matumba sa gulat nang mabasa ang naroon—Isang iyon divorce paper.

Pero bago pa niya mabasa ang iba pang nakasulat ay nakarinig na siya ng mga yabag na papalapit. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa envelope at isinarado ang closet.

Bumukas ang pintuan ng shower at lumabas doon ang asawa niya nakatapis lang ng towel sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito at umaagos pababa sa dibdib.

"N-Nakahanda na ang isusuot mo," kagat labing turan ni Elisa at itinuro ang bagong plantsa na suit sa asawa.

Tumagal ang mga titig Azrael sa kanya, winawari kung bakit tila siya hindi makaalis sa kinatatayuan. Napalunok naman si Elisa at sinikap na humakbang para lapitan ang asawa, pero ang isip niya ay nanatili sa divorce paper na nakita.

Kanino ang divorce paper na iyon? Sa kanyang asawa ba? May balak ba ito na hiwalayan siya? Hindi na ba siya nito mahal?

Kinuha ni Azrael ang suit at tsaka tumalikod kay Elisa para magbihis. Naglakad naman si Elisa papunta sa harapan ng asawa at tumayo roon.

"Makakauiwi ka ba mamaya bago mag-dinner?" tanong niya sa asawa. Simula noong nakaraang buwan ay parati na lang ito madaling araw kung umuwi at sa tuwing gigising naman siya sa umaga ay wala na rin ito.

"Hindi, magpapa-order na lang ako sa Quinn," mabilis na sagot ni Azrael, pagtutukoy sa secretary nito.

Hindi pa rin nasasabi ni Elisa na buntis siya dahil hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon na mag-usap mag-asawa. Kung maaabutan naman niya si Azrael sa umaga ay parati itong nagmamadali.

"Can you free your time later afternoon?" umaasang tanong niya kahit alam niyang malabo iyon. "Ano... may ipapakita lang ako—"

Azrael clenched his jaw. "Elisa, alam mo naman kung gaano ako kabusy. Wala akong oras diyan. Isama mo na lang ang driver mo." With that, dinampot nito ang handbag at naglakad palabas ng kwarto.

Naiwan si Elisa na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas ang asawa niya. May nagbabadyang mga luha sa kanyang mata, pero bago pa iyon bumagsak ay pinunanasan na niya iyon at mabilis na sumunod sa asawa pero hindi na niya ito naabutan at nakita na lang ang kotse na mabilis humahurot sa labas.

Pagod siyang nagbuntong-hininga. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay may asawa. Masaya naman sila sa dalawang taon na magpapasama, pero bakit parang biglang may nagbago? Ni hindi na niya maramdaman na may asawa pa siya.

"Ma'am, ihahanda ko na po ba ang breakfast niyo?" biglang sulpot ang isang kasambahay sa tabi ni Elisa.

"Mamaya na ako kakain," walang gana niyang sagot at muling pumanhik sa kanilang kwarto. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at hindi namalayan na nakatulog pala siya.

Nang magising siya ay pasado alas dose na ng tanghali, pero hindi pa rin siya ginaganahan kumain. Wala siya sa mood, hindi maganda ang pakiramdam niya.

She took a shower and get ready for her doctor's appointment. Noong isang linggo ay nalaman niyang buntis siya, kaya naman kailangan niya bumalik sa doctor ngayon para sa ilang check-up na gagawin sa kanya dahil tila isang milagro ang pagbubuntis niya.

Ang buong akala niya kasi ay hindi na talaga siya magkakaanak pa dahil iyon ang sinabi sa kanya ng una niyang doctor bago sila ikasal ni Azrael. Kaya naman nang malaman niya na magkakaroon na sila ng anak ni Azrael ay labis ang tuwa niya.

“Your baby is coming along well, Mrs. Villar,” the doctor commented with delight. “You and your husband are so lucky. Come with him next time, so he can see this development too. I am sure it will make him happier.”

“I surely will,” tugon ni Elisa, she faked a smile and engaged in conversation about how happy she was with the topic concerning her husband.

Pinagmasdan niya ang ultrasound ng bata sa sinapupunan niya. Ipapakita niya iyon kay Azrael ngayon. And maybe, surprising him with their baby will make him want to talk about them, and it could be a beautiful head start for them.

Nagpaalam na siya sa doctor niya at tumungo sa paboritong coffee shop ni Azrael para bilhan ng kape ang asawa.

“Ma'am Elisa" nakangiting bati ni Quinn, ang secretary ni Azrael nang makita si Elisa sa front desk. “You look lovely today. Nasa opisina si Sir Azrael ngayon, may bisita siya. Pero baka paalis na rin yun dahil kanina pang umaga sila nag-uusap."

“Thank you, Quinn,” she replied at pumasok na sa loob ng elevator.

Abot ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip ay ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya balita sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na.

Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob.

"Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!" malakas na hagikhik ng isang babae. "Nakikiliti ako!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahang siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang babae.

Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya.

"A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.

Mabilis na itinulak ni Azrael ang babae kaya nahulog ito sa kabila ng upuan. Hindi na nakita ni Elisa ang mukha at itsura nito dahil mabilis na siyang tumalikod. Hindi niya kayang harapin ang asawa niya matapos niya masaksihan ang pagtataksil nito sa kanya.

Pumasok siya sa elevator at pindindot ang ground floor. Para sa kanya ba ang divorce na nakita niya kanina sa closet ni Azrael? Talaga bang nagbabalak na ito na iwanan siya dahil nakahanap na ito ng bagong papalit sa kanya?

Her heart heavy with regret and pain. Dapat ay pumasok siya sa loob at sinabunutan ang kabit ng asawa niya at walang habas na pinagsasampal.

Lost in her thoughts, Elisa felt her world crushing in front of her eyes. As she walked towards her car, echoes of her name reached her from a distance.

"Elisa!" Elisa turned to see who was calling her. Her teary eyes made it hard for her to recognize the person calling her from a distance and when the lady drew closer, she recognized her, and the memories of their high school days flashed before her.

"Danica...?" gulat na tawag niya. “I could barely recognize you..." Akmang magbebeso siya rito, pero umiwas si Danica at inilahad ang kamay.

Awkwardly, Elisa went ahead with the hand shake. As they shook hands, Elisa couldn’t help but notice the jewelry on Danica's hands—It was the same as the woman’s hands that Azrael had just been kissing.

Si Danica... ang kabit ng asawa niya?

Parang mas lalong nanlumo si Elisa. Nanginig ang mga tuhod niya. Danica and her hadn’t been the best of friends in high school, but they shared a common interest: Azrael.

Danica was the popular girl in school, the dream of every guy. Every step she took commanded attention. She was a model who came from legacy money, just like Elisa and Azrael did. Danica dated Azrael in college before she decided to leave him for another college guy. Despite all this, Azrael had always loved her, she was his ‘’perfect match’’ His family approved of her, they believed Danica was the right image for Azrael, but resorted to settle for Elisa after she left, and was all around the world living her dream because of the good relationship their families shared.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Elisa," pinag-krus ni Danica ang dalawang braso sa dibdib at naglakad papalapit kay Elisa. "Alam mo na nakita mo kami ni Azrael sa opisina niya. And yes, ako ang babae na yun."

Naikuyom ni Elisa ang kamao, pilit at pigil na huwag saktan ang babae sa harapan niya. "Why are you doing this?"

"God, Elisa. Dahil mahal ko pa si Azrael, as simple as that—"

"Danica, he is my husband!" singhal niya at galit na pinandilatan ito ng mga mata. Hindi pa siya nakuntinto at dinuro pa ito. "Alam mong kasal na siya! Kaya bakit sa dinami-dami ng lalaki dito sa mundo, bakit ang asawa ko pa?!"

Sarkastikong natawa si Danica at napailing. "Una siyang naging akin, Elisa. Alam mo yan, alam nating pareho yun."

"You left him. Ipinagpalit mo siya, hindi ba?" Umalingawngaw ang boses siya sa buong ground floor. "Come on, Danica. Aminin mo na lang na pera lang ang habol mo sa kanya kaya ka bumabalik sa kanya ngayon!"

"How dare you! Hindi yan totoo!" Akmang susugod si Danica para sabunutan si Elisa, pero mabilis na umatras si Elisa kaya nasubsob sa sahig si Danica. "Elisa!" She cried out. “Why did you have to do that? I was... only trying to hug you!”

Azrael, who was heading out, saw Danica on the floor. “Danica!" He ran towards her at ingat na ingat na tinulungan ito tumayo. “What happened to you?” He didn’t even pay attention to Elisa's presence standing there.

“G-Gusto ko lang naman... yakapin si Elisa pero nagalit siya at itinulak niya ako," Danica explained while crying. Humawak ito sa tiyan niya at umakto na namimilipit sa sakit. "Azrael... ang baby natin..."

Napakapit si Elisa sa hood ng kotse niya sa narinig. Buntis si Danica at si Azrael ang ama?

“Elisa, bakit mo ginawa yun?" ngitngit ni Azrael at hinawakan ang braso ni Elisa. "She's pregnant! She's pregnant with my child!"

"I-I didn't push her! She's lying!" Elisa stammered, marahas niyang inalis ang kamay ni Azrael sa kanya. "What is this all about? You're cheating on me? You're... You're planning to divorce me?"

Hindi agad nakasagot si Azrael, pero wala rin sa itsura nito na balak pa maglihim. "Let's talk later at home."

"Azrael, masakit!" Ungol ni Danica kaya mabilis na nalipat ang atensyon ni Azrael dito.

‘’Let me rush you to the hospital,’’ Azrael insisted. He carried Danica to his car, lifting her as if she were his bride on their wedding day. Then he drove off, leaving Elisa standing alone in the parking lot.

Napaupo si Elisa sa sahig at humagolhol. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng asawa niya. She was hurt not only because Azrael left her standing there alone, but because he believed she could do something like that to her after all these years he had known her.

So much had happened in a very short space of time, she felt her heart leave her body like her whole heart was being ripped off and thrown to the road to just be crushed. She held her tummy, as if trying to protect and feel her baby it was her only consolation.

Kailangan niya marinig ang paliwanag ng asawa niya. Kailangan ay siya ang piliin nito at hindi ang kabit nito. She decided to quickly wipe off her tears. Susundan niya si Azrael. Kailangan nito malaman na magkakaanak din sila.

Taking her first step, Elisa noticed a liquid flowing down her leg. Not sure what it was, she touched it, and there it was... Her fingers stained red with blood.

"D-Dugo..." bulalas niya. "I am... bleeding..." Her eyes widened with worry and panic.

Kaugnay na kabanata

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 2

    Dahan-dahang iminulat ni Elisa ang kanyang mga mata at tumambas sa kanya ang puting kisema at puting dingding. Nakasuot siya ng hospital gown."Gising ka na pala," bungad ng kanyang doctor nang pumasok ito sa kwarto."Anong nangyari, doc? Bakit ako nandito?" tanong niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Ang tangging natatandaan niya lamang ay dinugo siya."Nahimatay ka. Mabuti na lamang at naagapan." The doctor’s words hung heavy in the air. “You had a threatened abortion. If you’d waited any longer, you might have lost the baby.”Natupto ni Elisa ang sariling bibig. Worry was palpable in her face. "Is my baby okay now? Safe ba siya?"“Yes, Mrs. Villar,” the doctor reassured her. "But time was critical. Your life, the baby’s, or both was at risk. You have a condition that requires close monitoring. Be mindful of what you do, eat, and how you handle emotions. Stress or triggers could affect you.”Tumango siya. "Thank you. Pwede na ba ako lumabas?"Umiling ang doctor. "H

    Huling Na-update : 2024-09-18
  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 3

    "Face the wall," mariing turan ni Elisa habang pinapagalitan ang anak na tinakasan na naman ang yaya nito."Gusto ko lang naman maglaro, mommy!" pagdadahilan ng kanyang anak habang umiiyak. Dahan-dahan itong tumalikod at humarap sa dingding."Pero hindi ka dapat tumakas, Chantal. Pinag-alala mo kaming lahat dito sa bahay, alam mo ba yun?" Hindi siya overacting, pinoprotektahan niya lang ang anak niya. Pero bakit pakiramdam niya ay hindi iyon naiintindihan niyo? "Paano kung may mangyari sayo?""What's happening here?" Boses iyon ng kadarating lang na si Aira.Nagbuntong-hininga si Elisa at sinalubong ang kaibigan para makipag-beso rito. "Tumakas na naman."Sinulyapan ni Aira si Chantal, bago naupo sa sofa. Naupo naman si Elisa sa katapat nitong queen chair."Hindi kaya nagiging mahigpit ka sa bata?" Kibit-balikat ng kaibigan niya. "She's just a kid, Elisa. Let her explore. Huwag mo siya parati ikulong dito sa mansyon. Kung gusto niya makipaglaro sa mga bata, go. Huwag mo pigilan."Isa

    Huling Na-update : 2024-09-18

Pinakabagong kabanata

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 3

    "Face the wall," mariing turan ni Elisa habang pinapagalitan ang anak na tinakasan na naman ang yaya nito."Gusto ko lang naman maglaro, mommy!" pagdadahilan ng kanyang anak habang umiiyak. Dahan-dahan itong tumalikod at humarap sa dingding."Pero hindi ka dapat tumakas, Chantal. Pinag-alala mo kaming lahat dito sa bahay, alam mo ba yun?" Hindi siya overacting, pinoprotektahan niya lang ang anak niya. Pero bakit pakiramdam niya ay hindi iyon naiintindihan niyo? "Paano kung may mangyari sayo?""What's happening here?" Boses iyon ng kadarating lang na si Aira.Nagbuntong-hininga si Elisa at sinalubong ang kaibigan para makipag-beso rito. "Tumakas na naman."Sinulyapan ni Aira si Chantal, bago naupo sa sofa. Naupo naman si Elisa sa katapat nitong queen chair."Hindi kaya nagiging mahigpit ka sa bata?" Kibit-balikat ng kaibigan niya. "She's just a kid, Elisa. Let her explore. Huwag mo siya parati ikulong dito sa mansyon. Kung gusto niya makipaglaro sa mga bata, go. Huwag mo pigilan."Isa

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 2

    Dahan-dahang iminulat ni Elisa ang kanyang mga mata at tumambas sa kanya ang puting kisema at puting dingding. Nakasuot siya ng hospital gown."Gising ka na pala," bungad ng kanyang doctor nang pumasok ito sa kwarto."Anong nangyari, doc? Bakit ako nandito?" tanong niya. Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito. Ang tangging natatandaan niya lamang ay dinugo siya."Nahimatay ka. Mabuti na lamang at naagapan." The doctor’s words hung heavy in the air. “You had a threatened abortion. If you’d waited any longer, you might have lost the baby.”Natupto ni Elisa ang sariling bibig. Worry was palpable in her face. "Is my baby okay now? Safe ba siya?"“Yes, Mrs. Villar,” the doctor reassured her. "But time was critical. Your life, the baby’s, or both was at risk. You have a condition that requires close monitoring. Be mindful of what you do, eat, and how you handle emotions. Stress or triggers could affect you.”Tumango siya. "Thank you. Pwede na ba ako lumabas?"Umiling ang doctor. "H

  • The Divorced Wife Is Back   Chapter 1

    Nagsalubong ang mga kilay ni Elisa nang makita ang brown envelope na nakasiksik sa likod ng closet ng kanyang asawa na si Azrael. Dinampot niya iyon at hindi nag-atubili na buksan. Kamuntikan na siyang matumba sa gulat nang mabasa ang naroon—Isang iyon divorce paper.Pero bago pa niya mabasa ang iba pang nakasulat ay nakarinig na siya ng mga yabag na papalapit. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa envelope at isinarado ang closet.Bumukas ang pintuan ng shower at lumabas doon ang asawa niya nakatapis lang ng towel sa ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok nito at umaagos pababa sa dibdib."N-Nakahanda na ang isusuot mo," kagat labing turan ni Elisa at itinuro ang bagong plantsa na suit sa asawa.Tumagal ang mga titig Azrael sa kanya, winawari kung bakit tila siya hindi makaalis sa kinatatayuan. Napalunok naman si Elisa at sinikap na humakbang para lapitan ang asawa, pero ang isip niya ay nanatili sa divorce paper na nakita.Kanino ang divorce paper na iyon? Sa ka

DMCA.com Protection Status