Home / Romance / LOVE BENEATH THE LIES (SPG) / Chapter 6: Shadow of the Past

Share

Chapter 6: Shadow of the Past

Author: Calut qho
last update Last Updated: 2024-10-02 08:53:19

Matapos ang engrandeng kasal, dumiretso sina Richard at Jenny sa isang marangyang resort sa labas ng siyudad para sa kanilang honeymoon. Ang villa ay nakatayo sa gitna ng napakagandang tanawin ng bundok at dagat, parang eksena mula sa isang pelikula. Tahimik at pribado ang lugar—perpekto para sa bagong kasal. Ngunit para kay Richard, tila wala ito sa tamang pagkakataon.

Pagdating nila sa resort, inikot ni Jenny ang mga mata sa paligid, tila nagmamasid sa kagandahan ng lugar. “Ang ganda ng tanawin dito, Richard. Para tayong nasa ibang mundo,” sambit ni Jenny habang sinisipat ang malawak na bintanang nagbibigay tanaw sa dagat.

"Oo, maganda," tugon ni Richard, ngunit hindi ganap na naroon ang kanyang isipan. Tumango lang siya at naglakad papunta sa balcony, tinatanaw ang mga alon ng dagat na tila sumasalamin sa kanyang magulong damdamin.

Napansin ni Jenny ang tila pagiging balisa ni Richard. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang balikat. "Richard, alam kong hindi pa rin tayo nag-uusap ng maayos mula nung kasal. Hindi kita pipilitin, pero sana alam mong nandito ako... handang makinig."

Tumingin si Richard sa malayo, tila hinahanap ang mga tamang salita. "Jenny, hindi kita kayang lokohin... Hindi ko pa kayang maging asawang gusto mong maging ako."

Ngumiti si Jenny, kahit may halong kalungkutan. “Huwag kang mag-alala. Naiintindihan ko. Wala akong ibang hiling kundi ang oras. Hindi ko rin ito ginusto, pero andito tayo. Darating din ang panahon na matutunan nating mahalin ang sitwasyong ito.”

Hindi alam ni Richard kung paano sasagutin si Jenny. Sa loob-loob niya, alam niyang hindi kayang maghilom ng panahon ang sugat na iniwan niya kay Emy—at sa kanyang sarili. Kaya naman sa kabila ng lahat, isang plano ang naglaro sa kanyang isipan.

“May kailangan lang akong puntahan,” sabi ni Richard bigla, habang sinusubukang maging kalmado.

Nabigla si Jenny. “Puntahan? Pero gabi na, saan ka pupunta?” tanong niya, halatang may pag-aalala.

“Naiwan ko ang isang importanteng bagay sa bahay. Babalik din ako agad. Ayokong ipagpaalam pero kailangan ko talagang asikasuhin ito,” paliwanag niya, kahit alam niyang hindi ito buong katotohanan.

Hindi na kumontra si Jenny. Tumango lang siya at inabot ang kamay ni Richard. “Mag-iingat ka,” mahinahong sabi nito bago siya pinakawalan.

---

Sa dilim ng gabi, palihim na nagtungo si Richard sa apartment ni Emy. Wala siyang pakialam sa oras o sa panganib na baka may makakita sa kanya. Ang tanging nasa isip niya ay makita si Emy—muling malaman kung paano siya. Pagkatapos niyang iwanan nang mawalan ito ng malay kasama ang kaibigan nito sa ospital. Sa kabila ng kasal, alam niyang hindi pa rin nawawala ang kanyang nararamdaman para sa babae.

Pagdating niya sa harap ng bahay ni Emy, nakita niya itong tila walang buhay. Wala ang dating mga ilaw na nagbubukas sa gabi. Naka-lock ang gate, at walang anumang palatandaan na may tao sa loob.

"Emy?" tahimik niyang bulong habang marahang kumakatok sa pinto. Ngunit walang tugon. Paulit-ulit siyang kumatok, ngunit nanatiling tahimik ang buong lugar.

Pumasok ang kaba sa dibdib ni Richard. Tumingin siya sa paligid, hinanap ang kahit anong palatandaan na nandoon pa si Emy. Nang wala siyang nakita, nagpalakad-lakad siya nagbabasakaling may tao na puwedeng mapatanungan. Ngunit, wala siyang nakita, bagay na naghanap siya nang pupuwedeng ipampukpok sa kandado ng pinto. Sa wakas, malaya s'yang nakapasok. Ngunit, lakaing gulat niya nang makitang wala ng laman ang silid, maliban sa ilang gamit na naiwan na tila mabilis na kinuha. Parang naglaho na lang si Emy nang walang paalam.

Nababalot ng pagkalito, agad siyang lumabas. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Wala rin siyang ideya kung saan pupuwedeng pumunta ang nobya. Habang nakatayo sa harapan ng bahay, nakita niya ang isang matandang babae. Si Aling Norma, ang katabi lang ng apartment ni Emy.

“Richard? Ikaw ba yan?” tanong ng matanda, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

“Opo, Aling Norma. Nandito ba si Emy?” tanong ni Richard, na hindi na itinatago ang kanyang pagkabalisa.

Ngunit agad na umiling si Aling Norma. “Wala na siya, hijo. Umalis na si Emy kaninang tanghali. Napansin ko nga ang pamamaga ng mga mata, at pansin ko rin ang pamumutla niya. Wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta, basta nag-empake siya at umalis nang walang pasabi.”

Napaatras si Richard, tila tinamaan ng isang mabigat na suntok sa dibdib. "Wala na siya?" hindi makapaniwalang naiusal niya.

“Pasensya ka na, Hijo. Wala akong maibibigay na impormasyon kung saan siya nagtungo. Malihim din kasi ang babaeng 'yun," wika pa ng matanda. "Sige, maiwan na muna kita at ako'y magpapahinga na."

"Sige ho."

Napatitig si Richard sa mga bituin sa langit, hindi malaman kung paano tatanggapin ang pagkawala ni Emy. Hindi niya inasahan na ganito kabilis magbabago ang lahat. Ang isang pagkakataong sana ay nais niyang makuha, tila ba tinangay na ng hangin, kasama ang babaeng pinakamahalaga sa kanya.

Tahimik siyang nakatayo sa gitna ng dilim, pinipilit pigilin ang mga luha. Lahat ng kanyang sakripisyo para kay Emy ay nauwi sa wala. Tila walang naiwan sa kanya—maliban sa mga alaala ng isang pag-ibig na hindi na niya maibabalik.

"Emy... Nasaan ka na?" mahina niyang bulong sa hangin, ngunit walang tugon.

Wala siyang ibang magawa kundi ang bumalik sa sasakyan, dala ang bigat ng mga alaala at ang pangungulilang tila hindi na mapapawi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hindi mo alam na buntis si Emy?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 7: Rebuilding from Dust.

    KINABUKASAN, matapos ang mahabang biyahe, narating ni Emy ang Negros. Matagal na siyang hindi nakabalik dito, at ang baryong ito ang tila nagbigay sa kanya ng kapanatagan kahit saglit lang. Ang hangin, sariwa, at ang paligid ay tahimik, ngunit hindi maitatangging may alaalang nagtatago sa bawat sulok ng lugar. Pagdating niya sa bahay ng kanyang yumaong lola, nalanghap niya agad ang amoy ng alikabok. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan, pilit itinutulak ang mabigat na pinto na tila hindi nabubuksan nang matagal. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng mga alaala. Mga lumang retrato sa dingding, mga gamit na iniwan ng kanyang lola. Agad naman siyang napaluhod sa gitna ng sala, hindi dahil sa bigat ng pagod kundi sa bigat ng emosyon. Maya-maya’y pumasok si Cherry, bitbit ang ilang gamit mula sa sasakyan. “Wow, mas magulo pala ‘to kaysa inaasahan ko.” Napangiti naman si Emy kahit papaano. “Oo nga. Pero walang problema, kaya natin ‘tong ayusin. Hindi naman tayo natatak

    Last Updated : 2024-10-03
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   chapter 8: Between Duty and Love

    Ilang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga

    Last Updated : 2024-10-04
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 9: Kiss of the Past

    HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n

    Last Updated : 2024-11-02
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 10: A Brother's Embrace

    HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad

    Last Updated : 2024-11-02
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter: 11

    SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang

    Last Updated : 2024-11-03
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   chapter Chapter 12

    PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H

    Last Updated : 2024-11-04
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 13

    MATAPOS ang pagtatalo at sagutang 'yon, ilang linggo na ang lumipas ay natagpuan ni Richard ang sarili na nakaupo sa balkonahe ng tinutuluyang Condo sa New York. Tahimik at tanging malakas na pagbuntonghininga lamang niya ang kaniyang naririnig, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Sa kaniyang pag-alis tangan n’ya ang bigat nang kaniyang dibdib, umalis at hindi man lang s’ya nagpaliwang sa totoong dahilan sa kaniyang kasintahan. “Hindi ba’t ito ang gusto nila? Umalis ako. Magtago sa gulong ginawa ko raw,” mahina niyang bulong sa sarili habang nilalagok ang basong may lamang alak. Nakailang lagok pa siya nang maramdaman ang paglapit ni Jen, sa kinaroroonan niya. “Hindi ka ba napapagod, Chard? Ilang araw na magmula nang dumating tayo rito Wala a sa sarili atlagi ka na lang nagmumukmo sa isang tabi,” anito na ikinangiti niya. "Pagod? Napagod na ako matagal na, Jen," malamig niyang sagot. At saka tumayo at hinarap ito saka tinitigan nang deretso. "Ikaw ba? Hindi ka ba nap

    Last Updated : 2024-12-05
  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 1

    “Babe! A-anong nangyari?” bungad ni Emy sa nobyo nang buksan niya ang pinto. Lasing kasi ito at halos wala nang lakas.. “Hay! babe. I miss you,” napasikdo at nagpupungay ang mga matang nakatitig sa kanya. “Hmm, ang bango,” inamoy-amoy pa siya ng nobyo. “Sandali, ano ba ang problema mo? Ba’t ka naglasing?” nag-aalalang tanong niya sa nobyo. Ngumiti lamang ito at hinagkan ang kanyang labi. “I miss you,” usal nito.“Wait, babe. Amoy alak ka,” pag-iwas niya rito. Panay naman ang pagsinok ng nobyo. Lupaypay na ito dahil sa sobrang kalasingan. “Pasok na muna tayo sa kuwarto, para makapagpahinga ka. Inalalayan niya ito papasok sa silid. Inisa-isa niyang tinanggal ang suot nitong sapatos pati na rin ang suit at niluwagan ang kurbata nito.“Ano ba kasi ang problema ng taong ‘to at ang aga nitong nalasing,” maktol niya habang hinubad ang polo ng nobyo. “Alas-sais y medya pa lang ngunit lasing na ito, babe may problema ka ba?” usisa niya sa wala sa sariling nobyo.Ngunit impit na ungol l

    Last Updated : 2024-09-15

Latest chapter

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 13

    MATAPOS ang pagtatalo at sagutang 'yon, ilang linggo na ang lumipas ay natagpuan ni Richard ang sarili na nakaupo sa balkonahe ng tinutuluyang Condo sa New York. Tahimik at tanging malakas na pagbuntonghininga lamang niya ang kaniyang naririnig, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Sa kaniyang pag-alis tangan n’ya ang bigat nang kaniyang dibdib, umalis at hindi man lang s’ya nagpaliwang sa totoong dahilan sa kaniyang kasintahan. “Hindi ba’t ito ang gusto nila? Umalis ako. Magtago sa gulong ginawa ko raw,” mahina niyang bulong sa sarili habang nilalagok ang basong may lamang alak. Nakailang lagok pa siya nang maramdaman ang paglapit ni Jen, sa kinaroroonan niya. “Hindi ka ba napapagod, Chard? Ilang araw na magmula nang dumating tayo rito Wala a sa sarili atlagi ka na lang nagmumukmo sa isang tabi,” anito na ikinangiti niya. "Pagod? Napagod na ako matagal na, Jen," malamig niyang sagot. At saka tumayo at hinarap ito saka tinitigan nang deretso. "Ikaw ba? Hindi ka ba nap

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   chapter Chapter 12

    PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter: 11

    SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 10: A Brother's Embrace

    HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 9: Kiss of the Past

    HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   chapter 8: Between Duty and Love

    Ilang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 7: Rebuilding from Dust.

    KINABUKASAN, matapos ang mahabang biyahe, narating ni Emy ang Negros. Matagal na siyang hindi nakabalik dito, at ang baryong ito ang tila nagbigay sa kanya ng kapanatagan kahit saglit lang. Ang hangin, sariwa, at ang paligid ay tahimik, ngunit hindi maitatangging may alaalang nagtatago sa bawat sulok ng lugar. Pagdating niya sa bahay ng kanyang yumaong lola, nalanghap niya agad ang amoy ng alikabok. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan, pilit itinutulak ang mabigat na pinto na tila hindi nabubuksan nang matagal. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng mga alaala. Mga lumang retrato sa dingding, mga gamit na iniwan ng kanyang lola. Agad naman siyang napaluhod sa gitna ng sala, hindi dahil sa bigat ng pagod kundi sa bigat ng emosyon. Maya-maya’y pumasok si Cherry, bitbit ang ilang gamit mula sa sasakyan. “Wow, mas magulo pala ‘to kaysa inaasahan ko.” Napangiti naman si Emy kahit papaano. “Oo nga. Pero walang problema, kaya natin ‘tong ayusin. Hindi naman tayo natatak

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 6: Shadow of the Past

    Matapos ang engrandeng kasal, dumiretso sina Richard at Jenny sa isang marangyang resort sa labas ng siyudad para sa kanilang honeymoon. Ang villa ay nakatayo sa gitna ng napakagandang tanawin ng bundok at dagat, parang eksena mula sa isang pelikula. Tahimik at pribado ang lugar—perpekto para sa bagong kasal. Ngunit para kay Richard, tila wala ito sa tamang pagkakataon. Pagdating nila sa resort, inikot ni Jenny ang mga mata sa paligid, tila nagmamasid sa kagandahan ng lugar. “Ang ganda ng tanawin dito, Richard. Para tayong nasa ibang mundo,” sambit ni Jenny habang sinisipat ang malawak na bintanang nagbibigay tanaw sa dagat. "Oo, maganda," tugon ni Richard, ngunit hindi ganap na naroon ang kanyang isipan. Tumango lang siya at naglakad papunta sa balcony, tinatanaw ang mga alon ng dagat na tila sumasalamin sa kanyang magulong damdamin. Napansin ni Jenny ang tila pagiging balisa ni Richard. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang balikat. "Richard, alam kong hindi pa rin tayo nag-uusa

  • LOVE BENEATH THE LIES (SPG)   Chapter 5: Embracing the Unseen Future

    Sa loob ng ilang segundo, tila huminto ang mundo ni Emy. Bumibigat ang kanyang dibdib, at unti-unting nagbabalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga senyales—ang mga pagkakataong hindi siya dinatnan, ang mga biglaang pagkahilo at pagsusuka, na inakala niyang stress lamang. Ngunit ngayon, malinaw na sa kanya ang katotohanan: buntis siya. Walong linggo nang nabubuo sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Ricardo, o kilqla bilang Richard Buencamino."Buntis ako?" muling tanong ni Emy, halos hindi pa rin makapaniwala. Tila kinakalaban ng kanyang isipan ang mga salitang iyon.Napatitig siya kay Dr. Alcantara, na tila ba naghihintay ng kasiguraduhan mula sa sariling katawan. “Oo, Miss Emy, walong linggo ka nang buntis. At batay sa mga test na isinagawa namin, medyo mahina pa ang kapit ng bata. Kailangan mong magpahinga at iwasan ang kahit anong stress,” mahinahong paliwanag ng doktor, ngunit dama ni Emy ang bigat ng bawat salita.Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang susunod

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status