Sa loob ng ilang segundo, tila huminto ang mundo ni Emy. Bumibigat ang kanyang dibdib, at unti-unting nagbabalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga senyales—ang mga pagkakataong hindi siya dinatnan, ang mga biglaang pagkahilo at pagsusuka, na inakala niyang stress lamang. Ngunit ngayon, malinaw na sa kanya ang katotohanan: buntis siya. Walong linggo nang nabubuo sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Ricardo, o kilqla bilang Richard Buencamino.
"Buntis ako?" muling tanong ni Emy, halos hindi pa rin makapaniwala. Tila kinakalaban ng kanyang isipan ang mga salitang iyon. Napatitig siya kay Dr. Alcantara, na tila ba naghihintay ng kasiguraduhan mula sa sariling katawan. “Oo, Miss Emy, walong linggo ka nang buntis. At batay sa mga test na isinagawa namin, medyo mahina pa ang kapit ng bata. Kailangan mong magpahinga at iwasan ang kahit anong stress,” mahinahong paliwanag ng doktor, ngunit dama ni Emy ang bigat ng bawat salita. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Parang nauupos na kandila ang lakas sa kanyang katawan. Dahan-dahan siyang bumagsak muli sa kama, at tila nawawalan ng lakas. “Ano na ang gagawin ko?” nanginginig ang mga kamay na aniya, habang mahigpit na hinawakan ang kumot na tila doon siya kumukuha ng lakas. Para tanggapin ang katotohanan. "Emy, kalma ka lang. Hinga muna ng malalim. Nandito ako," sabi ng kanyang kaibigan habang hinahaplos ang kanyang likod, at sinusubukang siyang aluin. Ngunit hindi mapigilan ni Emy ang panginginig ng kanyang buong katawan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, at naramdaman niyang muli ang pangingilid ng kanyang mga luha. Isang sunod-sunod na dagok ang kanyang dinadala—ang pag-iwan sa kanya ni Ricardo, ang kasal na kanyang nasaksihan, at ngayon, ang pagbubuntis. Paano na siya? Paano niya haharapin ang lahat ng ito? "Cherry..." mahina niyang bulong, nanginginig ang kanyang boses. "Anong gagawin ko? Paano ko kakayanin 'to? Wala na si Ricardo... wala akong trabaho... wala akong pamilya na maasahan. Mag-isa na lang ako." Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Para siyang bata na nawalan ng direksyon. Lahat ng plano at pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Ricardo ay naglaho sa isang iglap. Ang hinaharap na kanilang binuo sa mga pag-uusap nila noon—kasama ang mga pangarap na magbuo ng pamilya—ay ngayon tila isang malupit na biro ng tadhana. "Emy, hindi mo kailangang gawin 'to nang mag-isa. Nandito ako, at kahit anong mangyari, susuportahan kita. Hindi ka iiwan. Haharapin natin 'to ng sabay," nakangiting anang kaibigan. “Pero paano? Ano ang gagawin ko?” “Tutulungan kita okay.” Napasandal si Emy sa balikat ng kaibigan at pinakikinggan ang bawat salitang pilit siyang itinatayo mula sa kanyang pagbagsak. Ngunit sa kabila ng mga sinasabi ng kaibigan, ang bigat sa kanyang puso ay tila hindi nawawala. Ang realidad ng kanyang kalagayan ay tila masyadong mabigat para sa kanya, lalo na't wala na si Ricardo sa tabi niya. Iniwan siya nito para sa ibang babae. At ngayon, may anak sila na kailangang harapin ni Emy nang mag-isa. Muling nagsalita si Dr. Alcantara, tinatantiya ang tamang oras upang maipabatid ang iba pang mahalagang bagay. "Miss Emy, mahalaga na iwasan mo ang sobrang pag-iisip at stress. Ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis mo ang pinakamapanganib para sa bata. Mahina pa ang kapit, at kailangan mong magpahinga ng mabuti. Kung kailangan mong kumuha ng tulong, may mga counseling services ang ospital na pwedeng makatulong sa'yo sa iyong emotional at mental na kalagayan." Tumango lamang si Emy, ngunit ang kanyang isipan ay tila nalulunod sa mga katanungan. Anong klaseng buhay ang maibibigay niya sa kanyang anak? Paano niya mabubuhay ito nang mag-isa? Hindi niya mapigilang isipin ang kawalan ng direksyon na kanyang nararamdaman. Wala siyang trabaho—at sa ganitong sitwasyon, paano siya makakahanap ng trabaho kung kailangang magpahinga at alagaan ang sarili niya at ang kanyang dinadala? "Doktora..." mahina ngunit puno ng takot ang kanyang tinig. "Paano kung... paano kung hindi ko kayanin?" Nilapitan siya ni Dr. Alcantara at tumingin nang diretso sa kanyang mga mata, at puno ng malasakit. "Kaya mo, Miss Emy. Pero kailangan mong unahin ang kalusugan mo, parehong pisikal at emosyonal. Magpahinga ka muna ngayon. Ang susunod na hakbang ay humingi ng suporta mula sa mga tao sa paligid mo. Hindi mo kailangang labanan ang lahat ng ito nang mag-isa." Ngunit sa kabila ng mga salitang iyon, hindi pa rin mapakali si Emy. Mahirap tanggalin sa isip ang mga eksenang nakita niya sa telebisyon—si Ricardo, masaya at puno ng pagmamahal para sa ibang babae, habang siya'y naiwang wasak at nag-iisa. Bumitiw si Cherry mula sa pagkakayakap at hinarap si Emy nang may tapang at malasakit. “Emy, alam kong sobrang sakit ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero may isang bagay kang dapat tandaan—hindi mo kailangang huminto dahil iniwan ka niya. Hindi mo kailangang magpatalo sa takot o sa galit. Oo, mahirap, pero mas malakas ka kaysa sa iniisip mo. At hindi ka nag-iisa sa laban na ito.” Muling bumuntonghininga si Emy. Alam niyang tama si Cherry, ngunit ang kirot sa kanyang puso ay napakalalim. Wala na si Ricardo—wala na ang buhay na inakala niyang magiging kanila. Ngunit sa kabila ng sakit, naroon ang isang bagong responsibilidad na kailangan niyang harapin—ang kanyang anak. "Cherry," nanghihina ngunit determinadong sabi ni Emy, "susubukan ko. Pero... hindi ko alam kung paano magsisimula." Ngumiti si Cherry, na puno ng pag-asa. "Isang araw sa bawat pagkakataon, Emy. Hindi mo kailangang malaman agad ang lahat. Ang mahalaga ngayon ay ang magpahinga at alagaan mo ang sarili mo." Tumango si Emy. Alam niyang mahaba pa ang kanyang pagdadaanan. Ngunit sa kabila ng lahat, kailangan niyang bumangon, hindi para kay Ricardo, kundi para sa sarili niya—at higit sa lahat, para sa kanyang anak.Matapos ang engrandeng kasal, dumiretso sina Richard at Jenny sa isang marangyang resort sa labas ng siyudad para sa kanilang honeymoon. Ang villa ay nakatayo sa gitna ng napakagandang tanawin ng bundok at dagat, parang eksena mula sa isang pelikula. Tahimik at pribado ang lugar—perpekto para sa bagong kasal. Ngunit para kay Richard, tila wala ito sa tamang pagkakataon. Pagdating nila sa resort, inikot ni Jenny ang mga mata sa paligid, tila nagmamasid sa kagandahan ng lugar. “Ang ganda ng tanawin dito, Richard. Para tayong nasa ibang mundo,” sambit ni Jenny habang sinisipat ang malawak na bintanang nagbibigay tanaw sa dagat. "Oo, maganda," tugon ni Richard, ngunit hindi ganap na naroon ang kanyang isipan. Tumango lang siya at naglakad papunta sa balcony, tinatanaw ang mga alon ng dagat na tila sumasalamin sa kanyang magulong damdamin. Napansin ni Jenny ang tila pagiging balisa ni Richard. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang balikat. "Richard, alam kong hindi pa rin tayo nag-uusa
KINABUKASAN, matapos ang mahabang biyahe, narating ni Emy ang Negros. Matagal na siyang hindi nakabalik dito, at ang baryong ito ang tila nagbigay sa kanya ng kapanatagan kahit saglit lang. Ang hangin, sariwa, at ang paligid ay tahimik, ngunit hindi maitatangging may alaalang nagtatago sa bawat sulok ng lugar. Pagdating niya sa bahay ng kanyang yumaong lola, nalanghap niya agad ang amoy ng alikabok. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan, pilit itinutulak ang mabigat na pinto na tila hindi nabubuksan nang matagal. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng mga alaala. Mga lumang retrato sa dingding, mga gamit na iniwan ng kanyang lola. Napaluhod siya sa gitna ng sala, hindi dahil sa bigat ng pagod kundi sa bigat ng emosyon. Maya-maya’y pumasok si Cherry, bitbit ang ilang gamit mula sa sasakyan. “Wow, mas magulo pala ‘to kaysa inaasahan ko.” Napangiti si Emy kahit papaano. “Oo nga. Pero walang problema, kaya natin ‘tong ayusin. Hindi naman tayo natatakot sa kaunting alikabo
Ilang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga
HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n
HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad
SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang
PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H
“Babe! A-anong nangyari?” bungad ni Emy sa nobyo nang buksan niya ang pinto. Lasing kasi ito at halos wala nang lakas.. “Hay! babe. I miss you,” napasikdo at nagpupungay ang mga matang nakatitig sa kanya. “Hmm, ang bango,” inamoy-amoy pa siya ng nobyo. “Sandali, ano ba ang problema mo? Ba’t ka naglasing?” nag-aalalang tanong niya sa nobyo. Ngumiti lamang ito at hinagkan ang kanyang labi. “I miss you,” usal nito.“Wait, babe. Amoy alak ka,” pag-iwas niya rito. Panay naman ang pagsinok ng nobyo. Lupaypay na ito dahil sa sobrang kalasingan. “Pasok na muna tayo sa kuwarto, para makapagpahinga ka. Inalalayan niya ito papasok sa silid. Inisa-isa niyang tinanggal ang suot nitong sapatos pati na rin ang suit at niluwagan ang kurbata nito.“Ano ba kasi ang problema ng taong ‘to at ang aga nitong nalasing,” maktol niya habang hinubad ang polo ng nobyo. “Alas-sais y medya pa lang ngunit lasing na ito, babe may problema ka ba?” usisa niya sa wala sa sariling nobyo.Ngunit impit na ungol l
PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H
SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang
HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad
HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n
Ilang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga
KINABUKASAN, matapos ang mahabang biyahe, narating ni Emy ang Negros. Matagal na siyang hindi nakabalik dito, at ang baryong ito ang tila nagbigay sa kanya ng kapanatagan kahit saglit lang. Ang hangin, sariwa, at ang paligid ay tahimik, ngunit hindi maitatangging may alaalang nagtatago sa bawat sulok ng lugar. Pagdating niya sa bahay ng kanyang yumaong lola, nalanghap niya agad ang amoy ng alikabok. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan, pilit itinutulak ang mabigat na pinto na tila hindi nabubuksan nang matagal. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng mga alaala. Mga lumang retrato sa dingding, mga gamit na iniwan ng kanyang lola. Napaluhod siya sa gitna ng sala, hindi dahil sa bigat ng pagod kundi sa bigat ng emosyon. Maya-maya’y pumasok si Cherry, bitbit ang ilang gamit mula sa sasakyan. “Wow, mas magulo pala ‘to kaysa inaasahan ko.” Napangiti si Emy kahit papaano. “Oo nga. Pero walang problema, kaya natin ‘tong ayusin. Hindi naman tayo natatakot sa kaunting alikabo
Matapos ang engrandeng kasal, dumiretso sina Richard at Jenny sa isang marangyang resort sa labas ng siyudad para sa kanilang honeymoon. Ang villa ay nakatayo sa gitna ng napakagandang tanawin ng bundok at dagat, parang eksena mula sa isang pelikula. Tahimik at pribado ang lugar—perpekto para sa bagong kasal. Ngunit para kay Richard, tila wala ito sa tamang pagkakataon. Pagdating nila sa resort, inikot ni Jenny ang mga mata sa paligid, tila nagmamasid sa kagandahan ng lugar. “Ang ganda ng tanawin dito, Richard. Para tayong nasa ibang mundo,” sambit ni Jenny habang sinisipat ang malawak na bintanang nagbibigay tanaw sa dagat. "Oo, maganda," tugon ni Richard, ngunit hindi ganap na naroon ang kanyang isipan. Tumango lang siya at naglakad papunta sa balcony, tinatanaw ang mga alon ng dagat na tila sumasalamin sa kanyang magulong damdamin. Napansin ni Jenny ang tila pagiging balisa ni Richard. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang balikat. "Richard, alam kong hindi pa rin tayo nag-uusa
Sa loob ng ilang segundo, tila huminto ang mundo ni Emy. Bumibigat ang kanyang dibdib, at unti-unting nagbabalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga senyales—ang mga pagkakataong hindi siya dinatnan, ang mga biglaang pagkahilo at pagsusuka, na inakala niyang stress lamang. Ngunit ngayon, malinaw na sa kanya ang katotohanan: buntis siya. Walong linggo nang nabubuo sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Ricardo, o kilqla bilang Richard Buencamino."Buntis ako?" muling tanong ni Emy, halos hindi pa rin makapaniwala. Tila kinakalaban ng kanyang isipan ang mga salitang iyon.Napatitig siya kay Dr. Alcantara, na tila ba naghihintay ng kasiguraduhan mula sa sariling katawan. “Oo, Miss Emy, walong linggo ka nang buntis. At batay sa mga test na isinagawa namin, medyo mahina pa ang kapit ng bata. Kailangan mong magpahinga at iwasan ang kahit anong stress,” mahinahong paliwanag ng doktor, ngunit dama ni Emy ang bigat ng bawat salita.Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang susunod
Nanghihinang iminulat ni Emy ang kanyang mga mata. At saka tiningnan ang kabuuan ng silid. Hanggang sa makilala niya ang mapuputing dingding, ang mga aparatong medikal, at ang amoy ng antiseptiko — nasa ospital siya. Agad siyang bumangon ngunit agad ding bumagsak pabalik sa kama dulot ng bigat at panghihina ng kanyang katawan.“Argh…” naiungol niya.Walang ibang tao sa silid maliban sa kanya. Walang kaibigan, walang pamilya, at higit sa lahat, wala si Ricardo. Hindi niya maiwasang maluha nang maalala ang mga sinabi ng nobyo.“Ganun lang ba ‘yon? For how many years, makikipaghiwalay siya nang walang eksaktong dahilan?” mga tanong sa kanyang isipan na gusto niyang mabigyan ng kasagutan.Sa pagitan ng kanyang panghihina at pagkalito, narinig niya ang mga salitang nagmumula sa TV: "Breaking News!". Agad siyang napabaling sa screen.Nakita niya ang malapad na ngiti ng isang groom habang inaayos ang kanyang tuxedo. Agad niyang nakilala ang mukha. “Ricardo?” naisambit niya. Si Ricardo—ang l