Share

Chapter 2

“Good morning,” bati sa kanya ng nobyo.

“Good morning,” nakangiting tugon niya rito.

“Ang aga mo ata nagising?” usisa niya rito.

“Kumain ka muna, may dala akong food. Para naman ma-re-charge ang lakas mo. Naubos ko ‘ata kagabi,” pangaasar nito.

“Loko! Boseet ka!” napailag naman ito ng bigla niyang ibato ang unan.

“Opss, teka lang. Baka masayang itong food, favorite mo pa naman ‘to. Hmmm,” nakangising saad nito at saka inamoy ang dalang buttered garlic bread na siyang paborito niyang bini-bake nito sa tuwing magagawi ang ang nobyo sa apartment niya.

“Hmp, akin na nga ‘yan!” kunot ang noo’ng kinuha ang tinapay na nakalagay sa bibitbit nitong tray.

“Hmm, I miss this taste. Ang sarap,” puri niya habang nginunguya ang tinapay.

“Masarap ba?” nakangising tanong nito.

“Ahm,” napatangong usal niya.

Nakapikit at feel na feel niya ang pagkain na parang isang taon siyang hindi natikim at nakakain ng pagkain yaon.

“Dahan-dahan lang, at baka ika’y mabilaukan.” Saway sa kanya ni Ricardo dahilan para dahan-dahan niyang idinilat n ang mga mata.

“Meron pa ba?” wika niya ng idilat ang mata. Naubos na niya ang limang pirasong dala nito.

“Meron pa, andun sa kusina.”

Malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang labi at agad na itinaas ang kamay na animo'y naghuhudyat sa nobyo na kargahin siya nito.

“O c’mon babe,

“Please,” nagpupungay ang mga matang tumingin sa nobyo.

“Hayst. Okay fine.” Wala ring nagawa sa huli ang nobyo kundi sundin ang nais niyang mangyari.

Agad na dumamba si Emy sa nobyo dahilan para kamuntikan na silang matumba. “Dahan-dahan naman babe,” naiusal nito.

“Lakad na,” parang bata na ipinulupot ang dalawang kamay leeg at ganun din ang dalawang paa nito. Dahil may kapayatan lang siya ay kayang-kaya lang siya ng nobyo. Matangkad, guwapo at higit sa lahat ay maganda ang hubog ng katawan nito na animo'y laging batak sa gym.

“Pasalamat ka at mahal kita,” usal ng nobyo at inayos ang pagkasampa niya rito at agad silang lumabas ng silid. “Naman,” hirit pa niya. Bago sila makalabas ng silid.

WEEK passed at dumating na nga ang araw ng graduation ng nobyo. Habang naghahandang ng kanyang suuotin ay napansin niya ang isang maliit na kahon at iisa lang ang nasa isipan niya nang panahong iyon.

“Mag-po-propose na ba siya sa akin?” saad ng isipan niya at bahagyang napangiti. At mas lalong lumapad ang kanyang ngiti nang makita ang laman ng kahon. Isang napakagandang singsing ang may malaking bato na hugis puso at kumukinang iyon ng matamaan ng sinag ng araw.

“Wow! Ang ganda!” manghang aniya habang kinikilatis ang kabuuan ng singsing.

“Mukhang mamahalin ‘ata ang isang ‘to?” dagdag pa niya.

“Babe! Pakiabot nga ng tuwalya,” rinig niyang anang nobyo. Nasa loob ito ng banyo at naliligo para sa pagdalo sa graduation nito.

“Nakalimutan ko kasing dalhin,” dagdag pa nito.

“Wait lang!” dali-dali niyang isinilid ang singsing sa kahon at ibinalik kung saan ito nakalagay. At saka kumuha ng tuwalya sa aparador.

“O heto.”

“Salamat,” wika nito nang iabot niya ang tuwalya.

“Nga pala babe, ahm pagkatapos ng graduation ko, may pag-uusapan tayo. May sasabihin kasi akong importante sayo,” seryusong turan nito.

Napangiti siya sa sinabi nito dahil wari’y alam na niya ang tungkol sa sasabihing importante nito.

“Okay babe,” tipid na aniya saka nginitian ito.

“Magbihis ka na at baka kung ano pa ang kapilyahang magawa ko sayo,” napakindat siya habang tinititigan ang eight packs pandesal nito.

“Ahmp, alam kong ang tinging ‘yan babe,” panunukso nito sa kanya.

“Magbihis ka na kasi! At hindi na mag-isip ng masama itong madumi kong isipan!” saad niya.

“Well, puwede naman nating gawin ang iniisip mong iyan babe,” nakangising wika ng nobyo.

“Tsk. Bahala ka nga, riyan labas na muna ako para maihanda ko na ang pagkain.” Hindi na hinintay pa ni Emy na sumagot amg nobyo. Dali-dali siyang lumabas ng silid at agad na naghanda ng pagkain sa mini kitchen ng tinutuluyang apartment.

Ilang sandali pa, ay lumabas na rin ang nobyo. Nginitian niya ito bagay na ikinangiti na rin ng nobyo.

“Kumain ka na muna,” aya ni Emy kay Ricardo.

“Thanks, mukhang masarap ‘ata ang putaheng luto mo ngayon ah,” puri naman nito.

“Syempre naman, specialty ko yata iyan.” Pagyayabang pa ni Emy sa luto niya.

Nakita niya ang pagkibot-kibot ng labi ng nobyo, na halatang nagpipigil lang na hindi ito matawa. Napasimangkot siya sa nakitang iyon.

“Bakit! Talaga namang specialty ko ang nilagang itlog at noodles ah!” asik niya sa nobyo, dahilan para pumakawala na ang halakhak na pinipigilan nito kani-kanina lang.

“Kung ayaw mo, bigay ko na lang ito sa mga pulubing dumadaan sa baba,” nagtatampong ani Emy sa nobyo.

Nang akmang ligpitin na niya ang mga inihandang pagkain, ay agad siyang pinigilan ni Ricardo.

“Ikaw naman para kang iwan. Ang dali mong magtampo, syempre masarap talaga ang luto mo,” pang-aalo nito, para hindi na siya sumimangot.

“Kumain ka na lang kasi. At huwag ka nang mang-bully porke marunong kang magluto eh, gaganyanin mo na ako,” nakaismid na turan niya rito. Tumawa naman ang nobyo at agad siyang nilapitan at hinalikan sa labi.

“I love you, Babe. I want you to be happy, at gusto kong makita kang maging successful someday,” nakangiting usal ni Ricardo, bagay na ikinakunot ng noo ni Emy.

“Hasyt, ang drama mo na ngayon. Kumain na nga lang tayo,” nakangising ani Emy.

“Okay.” Tipid na tugon nito at saka pinagbuksan siya ng silya.

“Thank you,” nakangiting aniya rito.

“Welcome,” pilit na ngiti ang sumilay sa labi nito.

“Babe, may problima ba? Bigla ata nag-iba ang mode mo,” nagtatakang tanong niya sa nobyo. Umiling lang ito saka ibinaling ang tingin sa pagkain.

“Kumain na muna tayo,” aya nito at iniba ang usapan. Hindi na lang din siya nangulit pa at ramdam niyang seryuso ito.

O baka naman may ka-otutan na naman itong pina-plano. Strategy lang kasi nito minsan para hindi niya mahalata ang mga Plano nito. At ang planong iyon ay alam na niya. Lihim na lang siyang napangiti at hindi ipinahalata sa nobyo.

NANG matapos na silang kumain ay agad na niligpit ni Emy ang pinagkainan nila. Nagpaalam na rin ang nobyo na mauna na para makapaghanda na rin sa gaganaping graduation ceremony nito.

Pagkatapos niyang magligpit ay agad na siyang naglinis nang katawan at nagpalit ng damit. Suot ang plain t-shirt at pinarisan ng maong na jeans at saka tennis shoes, ay umalis na siya sa tinutuluyang apartment at dumeretso na sa Venue kung saan gaganapin ang seremonya ng pagtatapos ng nobyo.

“Excuse me, Ma'am. May invitation card ba kayo? Or Id?” tanong agad ng sekyu sa kanya nang akma siyang papasok sa loob.

“Naku Sir! Wala po eh, pero dito po magtatapos ang nobyo ko. Katunayan nga po nauna siyang pumunta rito ang sabi niya sa akin eh, susunod na lang daw ako,” paliwanag niya sa nagbabantay sa entrada ng nasabing venue.

“Naku! Naku! Huwag niyo na po akong pinagloloko, Mam. Ikaw? Nobyo mo ang isa sa mga magtatapos sa unibersidad na ito?” nangliliit ang tingin ng sekyu sa kanya. Bagay na ikinakunot ng noo niya.

“Aba! Bakit? Bawal ba sa tulad naming mahihirap na magtapos sa ganitong unibersidad?” insultong aniya sa sekyu.

Tumawa lang ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Aba'y kung ganyan ho ang ayos niyo, aba'y oo.” Tugon nito, at umiiling pa.

“Mam, paalala ko lang po sa inyo. Mga mayayaman po ang magtatapos rito. Tsaka baka namali lang po kayo, nang napuntahang event, Mam.” Saad pa nito nang hindi nawawala sa eskpresyong pangliliit sa kanya.

“Grabe naman kayo, Sir. Below the belt na po yata iyang mga sinasabi ninyo,” kunot ang noo na ani Emy.

“Totoo naman po talaga na dito magtatapos ang nobyo ko, iskolar po siya ng unibersidad na ito kaya natural lang na dito siya magtatapos,” dugtong pa niya.

“Pe—

Natigilan ang sekyu nang biglang lumitaw mula sa likuran nito ang nobyo. “Babe! Kanina ka pa ba?” tanong nito sa kanya. Hindi niya magawang kumibo dahil sa nasilayang aura ng nobyo. Bakas sa mukha nito ang kaguwapuhan, at tila yayamaning gawi. Ngunit alam niya ang totoo. Ricardo is just a scholar, sa isang prestigious na university, kaya natural lang din siguro na magmukha rin itong prestisyuso.

“Si-sir, ka-kayo po ba ang nobyo na sinasabi ni Mam?” nauutal na tanong ng sekyu sa nobyo, at tila takot na takot ito nang makita si Ricardo.

“Yes! Siya ang nobyo ko na magtatapos sa kolehiyong ito!” taas-noo na ani Emy, at nagpipigil lng din na hindi pumiyok. Saka umabre siyete sa nobyo. First time niya kasing pumatol sa mas may edad sa kanya. Pero hindi na rin tama ang panlalait nito sa kanya.

“Na-naku! Mam, Sir. Pasensya na po hindi ko po kasi alam na kayo po pala ang tinutukoy ni Mam kanina,” nauutal na anito at saka agad na lumuhod sa harapan nila.

“Naku! Sir tumayo po kayo, ano po bang ginagawa niyo?” nagulat na lang si Emy nang biglang lumuhod ang sekyu at paulit-ulit na humingi ng despensa. Imbis na magalit siya ay naawa na lamang siya rito. Bakas sa mata nito ang pag-aalinlangan na tila ba mawawalan na nang trabaho.

“Naku, Sir. Tumayo po kayo riyan, nakakahiya po pinagtitinginan na po tayo ng mga tao,” dagdag pa ni Emy at na pasulyap sa mga taong dumadaan papasok sa nasabing gusali kung saan gaganapin ang nasabing event. Naasiwa na kasi siya dahil sa pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan.

“Bakit babe? Ano ba ang nangyari?” tanong sa kanya ng nobyo. Pero bago pa man siya makasagot ay niyakap na ng sekyu ang kanyang binti.

“Mam! Maawa po kayo! Handa po akong gawin ang lahat mapatawad niyo lang po ako,” pagsusumamo nito. Naguguluhan at hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng sekyu. Tila ba takot ito sa kanya lalong-lalo na kay Ricardo na kararating lang.

“Sir hindi ko po kayo maintindihan, bakit po kayo nanghihingi ng tawad sa akin?” naguguluhang tanong niya rito, napasulyap din siya sa nobyo na kasalukuyan nang nakatitig ng masama sa sekyu.

“Sinaktan ka ba niya, Babe?” nagtatangis ang bagang na tanong nito.

“Hindi naman Babe, medyo nagkaroon lang ng kaunting diskusyon.” Tugon ni Emy.

“Bakit babe, anong bang nangyari?” muling tanong ni Ricardo, at diniinan ang mga katagang binitawan, nang hindi inaalis ang tingin sa nakaluhod na sekyu. Bigla tuloy siyang nagtaka sa status ng kanyang nobyo sa loob ng unibersidad.

“Frats ba si Ricardo? Bakit siya kinakatatakutan ng taong ‘to?” mga tanong sa kanyang isipan.

“Babe, ano ba ang nangyayari? Bakit tila takot na takot ata si manong sayo,” bulong niya sa nobyo. At hindi na lang pinansin ang namumuong tensyon sa pagitan nilang tatlo. Ngunit imbis na sagutin, ay hinila na lamang siya ng nobyo papasok sa nasabing event. Nagpatianod na lamang siya nang hilahin siya nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status