Tahimik ang gabi sa Villa mansion. Maliban sa mahihinang pag-iyak ni Anabella, ang 6 na buwang sanggol, tila kalmado ang paligid. Nasa nursery si Belle, nakaupo sa rocking chair habang kinakarga ang anak ng kanyang yumaong kakambal. Pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha na walang kamalay-malay sa masalimuot na mga pangyayari sa paligid.
Pinisil niya ang maliliit na kamay ni Anabella, tila naghahanap ng lakas mula sa inosenteng bata. "Wag kang mag-alala, pamangkin ko," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamahal at determinasyon. "Hahanapin ko ang taong pumatay sa mommy mo. Hindi kita pababayaan. Andito ako, hindi ka na nag-iisa."
Hinaplos niya ang noo ng bata, pilit na iniisip ang mga plano niya para sa hinaharap. Ngunit bago pa niya muling maitulak ang sarili sa madilim na alaala, bigla niyang naramdaman ang mainit na presensya sa likuran niya.
Nagulat siya nang maramdaman ang mga bisig ni Luke na dahan-dahang yumakap mula sa kanyang likuran. Kasabay nito, naramdaman niya ang marahang halik nito sa kanyang pisngi. "Mahal kong Ana," bulong nito, ang boses ay may halong lambing at pananabik. "Miss na miss na kita. Baka pwede na tayong maglabing-labing. Anim na buwan na ang nakaraan simula nang manganak ka. Hindi mo alam kung gaano ko kinasasabikan ang bawat sandaling kasama ka."
Sa sandaling iyon, nanlamig ang buong katawan ni Belle. Ang kanyang dibdib ay tila pinipiga ng emosyon at takot. "Si Ana ito," pilit niyang ipinaalala sa sarili. "Kailangan kong gampanan ang papel ko." Ngunit paano niya haharapin ang ganitong uri ng sitwasyon kung ang puso at isip niya ay puno ng pagkamuhi at pagdududa?
Lumingon siya kay Luke, pilit na pinanatiling kalmado ang mukha. Ngunit hindi maitatago ng kanyang mga mata ang bahagyang pag-aalinlangan. "Luke, hindi ba masyado pang maaga? Nandito si Anabella, at pagod ako..." Hinaplos niya ang ulo ng bata bilang palusot, pilit na inililihis ang atensyon ni Luke.
Ngunit ngumiti si Luke, tila hindi tinatablan ng kanyang pagtanggi. "Pagod ka? Mahal, ako na ang bahala kay Anabella. Gusto ko lang makasama ang asawa ko." Hinawakan ni Luke ang kanyang baba, iniangat ang mukha niya para magtama ang kanilang mga mata. Ang lambing at pananabik sa mga mata nito ay tila tumutusok sa kaluluwa ni Belle.
"Hindi ko naman sinasabing ngayon din," dagdag ni Luke, marahang hinahalikan ang kanyang noo. "Pero sana naman, Ana... Hayaan mo akong iparamdam kung gaano kita kamahal."
Nanatiling tahimik si Belle, pilit na iniisip ang dapat na gawin. Sa likod ng kanyang ulo, nagtataka siya kung ito ba talaga ang Luke na inilarawan ni Ana sa journal nito. Siya ba ang lalaki na minahal at pinagkatiwalaan ng kanyang kambal? O may mas malalim na sikreto itong itinatago?
Huminga siya nang malalim, pilit na pinipigilan ang pangangatog ng kanyang boses. "Luke, salamat sa pag-aalaga mo sa amin ni Anabella. Pero sana maunawaan mo rin... kailangan ko pa ng oras. Marami pa akong iniisip, at gusto ko munang mag-focus kay Anabella."
Bahagyang tumalikod si Luke, tila pinoproseso ang kanyang sagot. Ngunit sa halip na magalit, ngumiti ito at tumango. "Naiintindihan ko. Pero sana, Ana, sabihin mo kung kailan ka handa. Ayoko namang pilitin ka. Ang gusto ko lang, maramdaman mong mahal kita."
Lumabas si Luke ng nursery, ngunit bago pa ito tuluyang makalayo, tumingin ito muli sa kanya. "Kung may kailangan ka, sabihin mo lang. Hindi kita pababayaan, mahal ko."
Nang makalabas na si Luke, napaupo si Belle sa gilid ng kama. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Hindi ito tama," bulong niya sa sarili. "Hindi ako si Ana. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya kay Luke. At higit sa lahat, hindi ko malilimutan na isa siya sa mga posibleng may kinalaman sa pagkamatay ng aking kapatid."
Kinabukasan, sinubukan ni Belle na magpakabisi upang mailihis ang kanyang isip sa nangyari noong gabing iyon. Ngunit tila mas lalong sumisidhi ang tensyon. Habang nilalaro niya si Anabella sa veranda, muling lumapit si Sheila, dala ang isang baso ng kape.
"Mukhang maalaga ka na ngayon kay Anabella," puna ni Sheila, ang ngiti nito ay tila may bahid ng panunuya. "Hindi ka naman ganyan dati, Ana. Noon, halos hindi mo mapansin ang bata."
Napatingin si Belle kay Sheila, pilit pinapanatiling kalmado ang boses. "Marami akong natutunan mula sa nangyari. Ayoko nang magkamali. Ang mahalaga, andito na ako para sa anak ko."
Umupo si Sheila sa tabi niya, ang kanyang mga mata ay tila nangungusap ng malalim. "Sigurado ka bang okay ka lang, Ana? Kasi parang... iba ka talaga ngayon."
Hinawakan ni Sheila ang kamay niya, ngunit ramdam ni Belle ang malamig na presensya nito. "Kung may problema ka, sabihin mo. Baka makatulong ako. Hindi mo kailangang itago sa akin."
Tumayo si Belle, hawak-hawak si Anabella. "Salamat, Sheila. Pero kaya ko ito. Hindi ko na kailangang manggulo ng iba."
Habang naglalakad palayo, naramdaman ni Belle ang malamig na titig ni Sheila sa kanyang likuran. Alam niyang hindi natitinag ang hinala nito. Ngunit sa pagkakataong ito, isa lang ang sigurado niya: kailangan niyang mag-ingat. Hindi lamang kay Sheila, kundi pati na rin kay Luke.
Sa loob ng kwarto ni Sheila, umiikot ang kanyang isip, puno ng galit at pagkabigo. Sa kanyang kamay, mahigpit niyang hawak ang cellphone habang kinakausap ang mga tauhang inupahan niya para tuluyan si Ana. Ngunit sa halip na tagumpay, puro palpak na ulat ang natatanggap niya mula sa kanila.
"Ano na! Ilang araw na ang nakalipas, wala ba kayong balak na gumawa ng paraan na mawala si Ana?!" galit na tanong niya sa kausap. Ramdam ang tensyon sa kanyang boses, para bang sasabog na siya anumang oras.
Mula sa kabilang linya, isang garalgal na boses ang sumagot. "Ma'am, paano naman kami makakakilos kung hindi naman umaalis si Ana sa bahay niyo? Lagi siyang nasa loob ng mansyon. Kahit anong hintay namin sa labas, wala kaming pagkakataon!"
Halos mabitawan ni Sheila ang cellphone sa sobrang galit. "P*****a kayo! Wala kayong silbi! Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa inyo? Tuluyan niyo siya! Binibigyan niyo ako ng problema! Sayang ang binayad ko sa inyo!" Halos mag-apoy ang kanyang boses, umaalingawngaw ang galit sa bawat salita.
Biglang may narinig siyang mga yabag mula sa likuran. Napahinto siya sa gitna ng kanyang galit at mabilis na iniangat ang ulo. Papalapit si Ana—o ang inaakala niyang si Ana—habang nakatingin sa kanya, puno ng pagtataka."Kumilos kayo! Or gusto niyo talagang maranasan ang galit ko?" muling sigaw ni Sheila sa kausap bago ibinaba ang tawag nang padabog. Isiniksik niya ang cellphone sa kanyang bulsa, pilit na inaayos ang ekspresyon ng mukha niya upang maitago ang kaba at takot.Nakatayo si Belle, ilang hakbang lamang ang layo. May bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mukha habang nakatitig kay Sheila. "Sheila, napapansin kong balisa ka nitong mga nakaraang araw," simula niya, ang boses ay maingat ngunit puno ng pagdududa. "May kinalaman ka ba sa pagkahulog ko sa bangin? O… may ginawa ka ba?"Biglang nanlamig si Sheila, ngunit pinilit niyang panatilihing kalmado ang sarili. Hindi siya pwedeng mabuko. Lumapit siya nang bahagya kay Belle, pilit na ngumiti kahit halata ang tensyon sa kanyang
Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, kinailangan niyang magsuot ng maskara upang maitago ang tunay na layunin. Alam niyang hindi magiging madali ang bawat hakbang, ngunit ang hustisya para sa kanyang kakambal ang nagbigay sa kanya ng lakas. Habang iniinom ang gatas na iniabot ni Luke, hindi mapigilan ni Belle ang pag-isip ng mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. May bahagi ba si Luke sa trahedya ng kanyang kambal? Totoo ba ang sinasabi nito o isa lamang palabas ang mga matatamis na salita? Pinilit niyang itago ang emosyon, pilit na hindi magpakita ng bahid ng duda. Samantala, si Luke ay patuloy na nakatitig sa natutulog nilang anak. "Alam mo, Ana," biglang sambit ni Luke, boses nito ay puno ng lungkot at pagsisisi. "Noong nawala ka, parang nawala rin ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako nagpatuloy."Tumango si Belle, ngunit hindi sumagot. Pinilit niyang ipakita ang pagiging kalmado kahit ang puso niya'y tumitibok nang mabilis. "Mahal, ayaw ko nang ulit ma
Sa gitna ng katahimikan ng gabi, nakatingin si Belle sa madilim na kalangitan mula sa veranda ng mansyon. Ang malamlam na liwanag ng buwan ay tila nagbibigay-buhay sa kanyang mga alaala. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha habang ang isang pangako ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan.“Ana, hindi kita bibiguin. Para sa'yo, para kay Anabella, at para sa hustisya, ipagpapatuloy ko ang laban na ito. Hindi ako susuko,Ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap hanggang mahuli natin ang salarin sa pagkamatay mo.” mahina niyang binigkas, na para bang kausap ang hangin. Napapikit siya, at bumalik sa kanya ang mga alaala ng kanilang nakaraan. Animnapu’t anim na taon na ang lumipas, ngunit tila sariwa pa rin ang sakit ng mga pangyayari.Noong bata pa sila, naiwan ang magkapatid na Ana at Belle sa isang ampunan. Wala silang kilalang magulang o pamilya. Ang mga madre na nangangalaga sa kanila ang siyang nagbigay ng kanilang mga pangalan. Si Sister Aurora, na naging parang ina nila, ang pum
Ang balitang ito ang tuluyang bumasag sa katahimikan ng gabi. Si Belle, puno ng galit at kalungkutan, ay nanumpang hahanapin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang kakambal.“Hindi ito aksidente,” bulong ni Belle habang pinipigil ang luha. “Alam kong may kinalaman dito si Sheila Villa o di kaya si Luke.”Sa veranda ng mansyon, bumalik ang alaala ni Belle sa araw na iyon, ang araw ng kanilang pamamaalam. Muli niyang pinahid ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi.“Hindi kita bibiguin, Ana. Kahit nasa kabilang buhay ka na, itutuloy ko ang laban. Para sa'yo, para sa atin, at para sa lahat ng naiwang pangako.Kapag may gumawa nito sa'yo, Ana, ipaglalaban kita. Hahanapin ko ang katotohanan, kahit ano pa ang kapalit," mahina ngunit mariing wika ni Belle habang pilit niyang pinapawi ang mga luhang hindi mapigilan.Muling bumalik sa kanya ang kanilang kabataan, ang araw ng kanilang pamamaalam sa ampunan, ang pangakong hindi kailanman mawawala sa kanyang puso. Mula sa araw na iyon
Napalunok si Belle. “Luke, hindi naman sa gano’n. Siguro… kailangan ko lang ng konting panahon para makapag-adjust ulit. Ang dami ko kasing iniisip.”Ngunit hindi bumitaw si Luke. Hinila niya si Belle papunta sa kama at pinaupo ito. “Ana, anim na buwan na rin ang lumipas mula nang mawala ka. Na-miss kita. Hindi lang bilang asawa, kundi bilang ikaw—ang babaeng mahal ko.”Ang bigat ng boses ni Luke ay tumama sa puso ni Belle. Hindi niya alam kung paano magre-react. Ramdam niya ang init ng kamay nito sa kanyang balikat, at ang paraan ng pagtitig nito ay tila nagbubukas ng damdaming pilit niyang kinokontrol. “Luke…” mahina niyang sabi, pilit na inilalayo ang kanyang tingin. “Hindi ko pa kaya ngayon. Bigyan mo pa ako ng kaunting oras.” Umiling si Luke, tila nasaktan. “Hindi kita pipilitin, Ana. Pero sana sabihin mo sa akin kung may problema. Ayoko kasing maramdaman na parang hindi na ikaw ang kasama ko.”Tumayo si Luke at lumabas ng kwarto, iniwan si Belle na tahimik na umiiyak. Sa liko
"Ana, may oras ka ba mamaya? Gusto kitang isama sa opisina. May gusto akong ipakita sa'yo tungkol sa isang bagong proyekto natin."Nag-alangan si Belle, ngunit agad niyang inalala na parte ng papel ni Ana ang pagiging aktibo sa negosyo ng pamilya. "Sige, Luke. Anong oras?"Ngumiti si Luke. "Maghanda ka mamayang alas-dos. Matutuwa ka sa bagong plano natin."Habang papalapit ang oras ng kanilang pag-alis, nagpasya si Belle na gamitin ang pagkakataong ito upang mas makilala si Luke at alamin kung may kinalaman nga ba ito sa pagkamatay ng kanyang kakambal. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba siyang hindi niya maipaliwanag—ang takot na baka mahuli siya sa kanyang pagpapanggap.Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nararamdaman ni Belle ang bigat ng kanyang misyon. Ngunit sa kanyang puso, nananatili ang pangako: gagawin niya ang lahat para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Ana. Habang nakaupo si Sheila sa veranda ng kanyang kwarto, mahigpit niyang hawak ang tasa ng kape. Ang utak
Napatigil siya at tumingin. Si Luke, bagong ligo, ang pumasok. Tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kanyang baywang, at ang amoy ng kanyang aftershave ay mabilis na pumuno sa silid. Ramdam ni Belle ang pagkabog ng kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa kaba at pag-aalala. Lumapit si Luke sa kanya at umupo sa tabi niya. Dahan-dahan siyang niyakap mula sa likod, ang malamig na balat nito ay sumayad sa kanyang balikat. "Ana,"bulong niya, ang boses niya ay puno ng lambing at pananabik. "Baka pwede na ngayon. Miss na miss na kita. Alam mo bang halos mabaliw ako nang mawala ka?" Kinagat ni Belle ang kanyang labi, pilit na pinipigilan ang sariling magpakita ng alinmang emosyon. Alam niyang kailangan niyang gampanan ang papel ng kanyang kambal. Kung si Ana ang narito, hindi ito magdadalawang-isip. Ngunit siya, si Belle, ay hindi sanay sa ganitong mga tagpo. Hindi niya alam kung paano ipapakita ang intimacy na inaasahan ni Luke. "Luke," mahina niyang sambit, pilit na
"Siguro pagod ka lang, mahal," sagot ni Belle, mabilis na tumayo upang alalayan ito papunta sa kama. "Halika na, magpahinga ka na." Nang makarating sila sa silid, inalalayan niya si Luke na mahiga sa kama. Tahimik siyang nagbuntong-hininga habang pinagmamasdan ang lalaki, na ngayo'y himbing na himbing. Napaupo si Belle sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ni Luke. Sa kabila ng kanyang misyon, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Si Luke, na tila inosente, ay maaaring bahagi ng madilim na sikreto ng pamilya. Pero kung totoo nga iyon, paano niya magagawang patawarin ito?Tahimik na ibinulong ni Belle sa sarili, "Pasensya ka na, Luke. Pero kailangan kong gawin ito. Para kay Ana. Para sa hustisya." Muli siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kumot at tinakpan si Luke, kunwari'y matapos ang kanilang "pagsasama." Hindi niya lubos maisip kung hanggang kailan niya kayang magpanggap. Ngunit para kay Ana, para kay Anabella, at para sa katotohanan, handa siyang mag
Kinabukasan, isang umaga na puno ng tamis ang bumungad kay Ana. Habang bumababa siya mula sa kwarto, naamoy niya ang mabangong halimuyak ng itlog na niluluto, sinamahan pa ng tunog ng kawali at tunog ng kutsarang tumatama sa pinggan. Sa kusina, abala si Luke, suot ang kanyang simpleng grey na t-shirt at itim na pajama, habang maingat niyang iniikot ang pancake sa kawali."Ana, good morning!" bati ni Luke, may ngiti sa kanyang labi. Hindi ito ang madalas na asal ng binata, kaya't laking gulat ni Ana nang makita itong nag-aayos ng pagkain sa mesa. May dalawang tasa ng kape na nakalagay, kasama ang tinapay, itlog, at bacon na maayos na nakasalansan sa plato."Luke, ikaw? Nagluto? Sigurado ka bang wala kang lagnat?" biro ni Ana, ngunit halatang natutuwa sa ginawa ng binata.Ngumiti si Luke at itinuro ang upuan sa tapat niya. "Hindi naman masamang magsimula ng araw na maayos, di ba? Kain na tayo."Habang tahimik silang kumakain, hindi maalis ni Ana ang kilig sa kanyang mukha. Hindi niya in
Habang naglalakbay ang oras, narinig niya ang mga malumanay na hakbang ni Shiela papasok sa kwarto. Dala-dala ang isang tasa ng kape, at ang bawat kilos nito ay may kasamang kabigatan, alam niyang may nangyayaring hindi maipaliwanag. Sumunod na naglalakad si Shiela palapit sa kanya. Ang mga mata ni Luke ay hindi siya tinitignan, bagkus ay nakatutok pa rin sa kanyang mga ginagawa. Ngunit ramdam na ramdam ni Shiela ang bigat ng katahimikan na pumapagitna sa kanila.Shiela: (Malamig na boses, may mahinhing ngiti) I brought you coffee... Thought you might need some.Mabilis niyang iniabot ang tasa kay Luke. Ngunit ang mga mata ni Luke ay hindi gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa kanyang laptop, parang hindi nakikinig sa mga salitang iyon ni Shiela. Ang presensya nito ay parang mabigat na ulap na hindi matanggal, at ramdam na ramdam ni Shiela ang paglayo ni Luke mula sa kanya. Ang kape ay nasa kanyang kamay, ngunit parang hindi na ito kailangan. Nag-aalangan siyang magtakda ng kahit isa
Nararamdaman ni Belle ang bigat ng bawat hakbang habang naglalakad siya sa kanyang kwarto. Ang narinig niyang pagtatapat ni Shiela tungkol kay Luke ay tila matalim na punyal na tumama sa kanyang dibdib na paulit ulit na lumalaro sa kanyang isipan. Habang binabalikan ang narinig, ang boses ni Shiela ay paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan, ang bawat salita’y nag-iiwan ng bakas ng alinlangan at takot.Sa loob ng kwarto, naupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone na tila bigat ng mundo ang dala. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Luke, hindi niya magawang balewalain ang nalaman tungkol sa tunay na motibo ni Shiela sa pagpatay kay Ana. Hindi ito simpleng away o galit lamang; ito’y pag-ibig na naging lason, na nag-udyok kay Shiela na gawin ang pinakamadilim na hakbang.Napagpasyahan niyang tawagan si Hector, ang pribadong detektib na hinire niya upang alamin ang katotohanan. Sa unang ring pa lamang, sinagot ito ni Hector."Belle, anong nangyari? May bago ka bang nalaman?" tanong
Pagkatapos ng tawag, napaupo si Shiela sa gilid ng kama, ang kanyang mga kamay mahigpit na nakatikom. Ang katahimikan ng kwarto ay tila tumutunog sa bawat tibok ng kanyang puso. Hindi maikakaila ang galit sa kanyang malamlam ngunit nanlilisik na mga mata. Nang muling mapako ang tingin niya sa kawalan, para siyang isang bagyong nagbabantang sumambulat anumang oras. "Ang pagtakas niyo ay isang malaking pagkakamali," bulong niya sa sarili, ang bawat salita puno ng galit. "Tomas, Rico, Mario... Hindi niyo alam kung anong nilalaro niyo. Kapag nahanap ko kayo, wala nang makakapigil sa akin." Samantala, sina Tomas, Rico, at Mario ay pilit na hinahanap ang kanilang susunod na hakbang. Ang dilim ng gabi ay parang walang katapusang bangungot, bawat tunog ng kanilang yapak sa masikip na eskinita ay tila tumatama sa kanilang konsensya. "Rico, bilisan mo!" sigaw ni Tomas habang hinihila ang kaibigan. "Hindi ito ang oras para magpahinga!" "Hindi ba't sinabi mong magpapahinga muna tayo?" sin
Sa bawat hakbang, tila mas lalo silang hinihigpitan ng dilim. Ang bawat ingay ng yapak, bawat ihip ng malamig na hangin, at ang bawat tunog ng malayong makina ay parang mga hudyat ng kamatayan na nakaamba sa kanila. Hindi nila magawang huminga nang maluwag; para bang kahit ang hangin ay nagiging pabigat sa kanilang bawat hakbang. Ngunit sa kabila ng lahat, walang naglakas-loob na umatras. Ang desisyon nilang tumalikod sa utos ni Shiela ay isang desisyong pinanday ng takot, galit, at muling pagbangon.“Rico,” mariing bulong ni Tomas habang sinusulyapan ang paligid. “Kung hindi ka sigurado, sabihin mo na ngayon. Dahil kapag nahuli tayo, hindi tayo makakalabas ng buhay.”Tila napako si Rico sa kanyang kinatatayuan. Halata sa kanyang mukha ang magkahalong guilt at takot. “Sigurado ako,” sagot niya, ngunit tila mas para sa sarili niya ang mga salitang iyon. Mahigpit ang hawak niya sa baril na tila bigat ng kanyang konsensya. “Hindi ko na kayang gumawa ng masama para kay Shiela. Pero… paano
Madilim ang paligid habang mabilis na naglalakad sina Tomas at Mario sa makipot na eskinita. Ang bawat yapak nila’y parang dumadagundong sa tahimik na gabi. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay gabay sa kanilang daan. Halata ang kaba sa mukha ni Mario habang palinga-linga ito, waring naghahanap ng anino ng panganib."Umalis na tayo, Mario," sabi ni Tomas, mahigpit na hinawakan ang braso ng kaibigan. "Kung magtatagal pa tayo dito, baka pati tayo madamay. Hindi natin pwedeng ilagay ang buhay natin sa peligro.""Hindi mo ba naiisip si Rico?" tanong ni Mario, halatang nag-aalala. "Paano kung bumalik siya? Hindi ba niya tayo mahahanap? Alam niyang hindi natin kayang tapusin ang ganitong klaseng gawain."Napabuntong-hininga si Tomas. Nilingon niya si Mario, halata ang bigat ng desisyon sa kanyang mga mata. "Kung gusto mong mahuli at makulong, sige, magpaiwan ka. Pero ako, Mario? Hindi ko kayang hayaan na mauwi sa wala ang desisyon nating ito. Hayaan mo na si Rico. Pinili niyang sundin si
Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag. Si Belle ay nakaupo sa rocking chair, hawak ang natutulog na si Baby Annabella. Sa kabilang bahagi ng bahay, naririnig ang mahinang tunog ng mga papel na binubuklat ni Luke sa study room.Belle (mahina, halos pabulong habang pinapatulog si Annabella):"Anak, patawarin mo si Tita Belle. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Pero kailangan kong gawin ito para sa'yo... para sa atin."Tinitigan niya ang inosenteng mukha ng bata, tila may bigat sa kanyang dibdib.Tumunog ang cellphone ni Belle. Agad niyang sinilip ito at sinagot nang walang ingay.Belle (mahina ang boses):"Hector, anong balita? May nakikita ka pa bang mga tauhan ni Shiela sa paligid?"Hector (sa kabilang linya, seryoso ang tono):"Belle, andito pa rin sila. Tatlong lalaki ang nakapuwesto sa labas ng bakod. Mukhang nagmamatyag. Pero hindi sila basta-basta kikilos. Malinis ang galaw nila, parang mga propesyonal."Belle (napatingin sa natutulog na bata,
Sa kabilang banda, si Shiela ay nasa kwarto nito, nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang isang picture frame na naglalaman ng litrato nila ni Luke noong bata pa sila. Napuno ng luha ang kanyang mga mata habang kinakausap ang larawan.“Bakit hindi mo makita kung gaano kita kamahal, Luke? Bakit hindi mo maibigay sa akin ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa’yo nang buo?” Ang kanyang boses ay puno ng sakit at desperasyon.Binaba niya ang larawan at tumingin sa salamin. “Kung hindi kita makuha nang maayos, ano pa bang dapat kong gawin? Ano pa bang paraan para mapansin mo ako?” Napuno ng galit ang kanyang mukha, at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “Hindi ko hahayaan na si Belle ang magpatuloy na maghari sa buhay mo, Luke. Ako ang nararapat sa'yo. Ako.”Si Shiela ay galit na galit, tila nawawala sa sarili. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha at poot habang isa-isa niyang pinagbabasag ang mga gamit sa paligid. “Bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?” sigaw niya hab
Habang nakaupo sa sala, tahimik na nag-iisip si Luke. Hawak niya ang isang baso ng tubig, ngunit hindi niya magawang uminom. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Shiela noong bata pa sila. Noon, inakala niyang ang pagtatapat nito ng “crush” sa kanya ay simpleng ihip ng kabataan—isang bagay na maaaring kalimutan habang tumatanda. Ngunit ngayon, malinaw na hindi na iyon simpleng paghanga.“Bakit hindi siya nagbabago?” tanong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana. “Sa tagal ng panahon, hindi niya ba natutunang tanggapin na magkapatid kami, kahit hindi man kami magkadugo? Pamilya ang turing ko sa kanya. Paano niya nagawang ilagay ang ganitong bigat sa pagitan namin?”Sinubukan niyang balikan ang mga alaala nila noong bata pa sila. Napabuntong-hininga siya habang naiisip ang masayang mga tagpo—si Shiela, laging masayahin, laging sumusunod sa kanya saanman siya magpunta. “Kuya Luke, balang araw gusto kong maging tulad mo. Gu