Sa gitna ng katahimikan ng gabi, nakatingin si Belle sa madilim na kalangitan mula sa veranda ng mansyon. Ang malamlam na liwanag ng buwan ay tila nagbibigay-buhay sa kanyang mga alaala. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha habang ang isang pangako ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan.
“Ana, hindi kita bibiguin. Para sa'yo, para kay Anabella, at para sa hustisya, ipagpapatuloy ko ang laban na ito. Hindi ako susuko,Ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap hanggang mahuli natin ang salarin sa pagkamatay mo.” mahina niyang binigkas, na para bang kausap ang hangin.
Napapikit siya, at bumalik sa kanya ang mga alaala ng kanilang nakaraan. Animnapu’t anim na taon na ang lumipas, ngunit tila sariwa pa rin ang sakit ng mga pangyayari.
Noong bata pa sila, naiwan ang magkapatid na Ana at Belle sa isang ampunan. Wala silang kilalang magulang o pamilya. Ang mga madre na nangangalaga sa kanila ang siyang nagbigay ng kanilang mga pangalan. Si Sister Aurora, na naging parang ina nila, ang pumili ng kanilang mga pangalan at nagsabi, “Sa bawat araw na kayo’y magkasama, alagaan ninyo ang isa’t isa. Magkakambal kayo, magkadugo. Huwag ninyong hayaang may pumigil sa inyong samahan.”
Mula sa araw na iyon, naging matibay ang ugnayan ng kambal. Lumaki silang magkasama, palaging magkahawak ng kamay, palaging nagtutulungan. Kahit maliit na bagay, tulad ng hatiin ang isang piraso ng tinapay, ay ginagawa nilang magkasama. Lagi nilang sinasabi sa isa’t isa, “Kapag dumating ang araw na may umampon sa atin, kahit anong mangyari, hindi tayo maghihiwalay.”
Ngunit dumating ang araw na iyon.
Isang mag-asawa, sina Belinda at Romeo Diosdado, ang dumalaw sa ampunan. Hindi sila magkaanak at naghahanap ng batang mapupunan ang kanilang pamilya. Sa simula pa lang ay naakit na sila kay Ana. Ang ngiti ni Ana ay tila araw na nagbibigay-liwanag sa madilim nilang mundo. Ngunit nang makita nila ang kambal, sinabi ng mag-asawa sa madre, “Isa lang ang kaya naming ampunin.”
Gusto ng madre na sabay na ampunin ang kambal, ngunit matigas ang mag-asawa. Ang kanilang desisyon ay si Ana lamang.
“Hindi pwede! Ayokong iwan si Belle!” umiiyak na sigaw ni Ana habang hinahatak siya papalayo ng mag-asawa.
“Ikaw ang magiging anak namin, Ana. Mabibigyan ka namin ng mas magandang buhay,” paliwanag ni Belinda habang hinahaplos ang buhok ng bata.
Sa kabila ng pag-iyak ni Ana at Belle, walang nagawa ang mga madre. Napilitang iwan ni Ana ang kanyang kakambal. Habang papalayo ang kotse ng mga Diosdado, nanatili si Belle sa pinto ng ampunan, umiiyak, at sumisigaw ng pangalan ng kakambal.
Isang buwan ang lumipas bago tumawag si Ana mula sa bagong bahay niya. “Belle, nasa mabuting kalagayan ako. Mahal ako nina Mama Belinda at Papa Romeo,” sabi ni Ana sa telepono, ang boses niya ay nanginginig sa emosyon.
“Mahal na mahal din kita, Ana. Huwag mong kakalimutan ang pangako natin,” sagot ni Belle habang pinipilit pigilan ang hikbi.
Simula noon, naging dalawa o tatlong beses kada linggo ang kanilang pag-uusap sa telepono. Hindi ito sapat para maibsan ang lungkot na nararamdaman ni Belle, ngunit alam niyang mahalaga ang bawat sandali na naririnig niya ang boses ng kanyang kakambal.
Pagkalipas ng anim na buwan, dumating ang balita na si Belle naman ang maaampon. Isang Amerikanong mag-asawa, sina Clyde at Sophia Smith, ang nagdesisyon na ampunin siya at dalhin siya sa Amerika.
“Sumulat ako kay Ana,” kwento ni Belle kay Sister Aurora habang inihahanda ang kanyang mga gamit. “Sinabi ko sa kanya ang address namin at ang telepono. Kahit malayo kami, hindi mawawala ang ugnayan namin.”
Nang malaman ni Ana ang balita, tumawag siya. “Belle, aalis ka na ba talaga? Ang layo-layo na natin sa isa’t isa,” humihikbing sabi ni Ana.
“Oo, Ana, pero pangako, tatawag ako. Magpapadala ako ng mga litrato at sulat. Hinding-hindi ko kalilimutan ang pangako natin,” sagot ni Belle, pilit pinatatag ang sarili.
Sa huling tawag nila bago siya umalis, hindi mapigilan ni Ana ang luha. “Belle, huwag mo akong kalimutan, ha? Kahit nasa Amerika ka na, mag-uusap pa rin tayo.” “Hinding-hindi kita kakalimutan, Ana. Mangangako ako, magpapadala ako ng mga sulat at mga larawan.” Umalis si Belle patungong Florida. Sa unang pagkakataon, nagkaroon siya ng pagkakataon na maranasan ang marangyang buhay. Ngunit sa kabila ng karangyaan, hindi niya nakalimutan ang kakambal. Patuloy siyang nagsusulat at nagpapadala ng litrato kay Ana.Lumipas ang mga taon. Sa kabila ng distansya, patuloy ang kanilang lihim na komunikasyon. Nang sila ay umabot ng dalawampung taong gulang, naging mas malinaw ang kanilang layunin sa buhay. Alam nilang kahit magkalayo, ang pagmamahal nila bilang magkapatid ang magdadala sa kanila ng lakas upang harapin ang kanilang kinabukasan.
Sa paglipas ng mga taon, bagama’t malayo sa isa’t isa, naging matatag ang kanilang ugnayan. Regular silang nagkakausap at nagpapalitan ng mga sulat. Sa kanilang pagtanda, lumaki silang may kani-kaniyang pangarap—si Ana, kumuha ng kursong accountancy sa kolehiyo, habang si Belle, nag-aral ng medisina.\Sa edad na dalawampu, nanatili ang kanilang koneksyon, ngunit hindi nila alam na ang kanilang mga lihim na komunikasyon ay magdudulot ng mas matitinding pagsubok sa hinaharap.
Dalawang taon ang lumipas nang makilala ni Ana si Luke Villa, isang bilyonaryong CEO ng Villa Brewery, na siyang nagmamay-ari ng sikat na alak na Pinacolada. Ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa isang marangyang kasal. Ngunit sa likod ng saya, nanatiling lihim kay Luke ang pagkakaroon ng kambal ni Ana.
Samantala, si Belle ay abala sa kanyang pag-aaral ng medisina. Sa kabila ng kanilang abalang buhay, nanatili silang magkaibigan at magkapatid. Ngunit isang trahedya ang yumanig sa kanilang mundo—ang biglaang pagkamatay ni Ana sa isang car accident.
Ang balitang ito ang tuluyang bumasag sa katahimikan ng gabi. Si Belle, puno ng galit at kalungkutan, ay nanumpang hahanapin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang kakambal.“Hindi ito aksidente,” bulong ni Belle habang pinipigil ang luha. “Alam kong may kinalaman dito si Sheila Villa o di kaya si Luke.”Sa veranda ng mansyon, bumalik ang alaala ni Belle sa araw na iyon, ang araw ng kanilang pamamaalam. Muli niyang pinahid ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi.“Hindi kita bibiguin, Ana. Kahit nasa kabilang buhay ka na, itutuloy ko ang laban. Para sa'yo, para sa atin, at para sa lahat ng naiwang pangako.Kapag may gumawa nito sa'yo, Ana, ipaglalaban kita. Hahanapin ko ang katotohanan, kahit ano pa ang kapalit," mahina ngunit mariing wika ni Belle habang pilit niyang pinapawi ang mga luhang hindi mapigilan.Muling bumalik sa kanya ang kanilang kabataan, ang araw ng kanilang pamamaalam sa ampunan, ang pangakong hindi kailanman mawawala sa kanyang puso. Mula sa araw na iyon
Napalunok si Belle. “Luke, hindi naman sa gano’n. Siguro… kailangan ko lang ng konting panahon para makapag-adjust ulit. Ang dami ko kasing iniisip.”Ngunit hindi bumitaw si Luke. Hinila niya si Belle papunta sa kama at pinaupo ito. “Ana, anim na buwan na rin ang lumipas mula nang mawala ka. Na-miss kita. Hindi lang bilang asawa, kundi bilang ikaw—ang babaeng mahal ko.”Ang bigat ng boses ni Luke ay tumama sa puso ni Belle. Hindi niya alam kung paano magre-react. Ramdam niya ang init ng kamay nito sa kanyang balikat, at ang paraan ng pagtitig nito ay tila nagbubukas ng damdaming pilit niyang kinokontrol. “Luke…” mahina niyang sabi, pilit na inilalayo ang kanyang tingin. “Hindi ko pa kaya ngayon. Bigyan mo pa ako ng kaunting oras.” Umiling si Luke, tila nasaktan. “Hindi kita pipilitin, Ana. Pero sana sabihin mo sa akin kung may problema. Ayoko kasing maramdaman na parang hindi na ikaw ang kasama ko.”Tumayo si Luke at lumabas ng kwarto, iniwan si Belle na tahimik na umiiyak. Sa liko
"Ana, may oras ka ba mamaya? Gusto kitang isama sa opisina. May gusto akong ipakita sa'yo tungkol sa isang bagong proyekto natin."Nag-alangan si Belle, ngunit agad niyang inalala na parte ng papel ni Ana ang pagiging aktibo sa negosyo ng pamilya. "Sige, Luke. Anong oras?"Ngumiti si Luke. "Maghanda ka mamayang alas-dos. Matutuwa ka sa bagong plano natin."Habang papalapit ang oras ng kanilang pag-alis, nagpasya si Belle na gamitin ang pagkakataong ito upang mas makilala si Luke at alamin kung may kinalaman nga ba ito sa pagkamatay ng kanyang kakambal. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba siyang hindi niya maipaliwanag—ang takot na baka mahuli siya sa kanyang pagpapanggap.Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nararamdaman ni Belle ang bigat ng kanyang misyon. Ngunit sa kanyang puso, nananatili ang pangako: gagawin niya ang lahat para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Ana. Habang nakaupo si Sheila sa veranda ng kanyang kwarto, mahigpit niyang hawak ang tasa ng kape. Ang utak
Napatigil siya at tumingin. Si Luke, bagong ligo, ang pumasok. Tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kanyang baywang, at ang amoy ng kanyang aftershave ay mabilis na pumuno sa silid. Ramdam ni Belle ang pagkabog ng kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa kaba at pag-aalala. Lumapit si Luke sa kanya at umupo sa tabi niya. Dahan-dahan siyang niyakap mula sa likod, ang malamig na balat nito ay sumayad sa kanyang balikat. "Ana,"bulong niya, ang boses niya ay puno ng lambing at pananabik. "Baka pwede na ngayon. Miss na miss na kita. Alam mo bang halos mabaliw ako nang mawala ka?" Kinagat ni Belle ang kanyang labi, pilit na pinipigilan ang sariling magpakita ng alinmang emosyon. Alam niyang kailangan niyang gampanan ang papel ng kanyang kambal. Kung si Ana ang narito, hindi ito magdadalawang-isip. Ngunit siya, si Belle, ay hindi sanay sa ganitong mga tagpo. Hindi niya alam kung paano ipapakita ang intimacy na inaasahan ni Luke. "Luke," mahina niyang sambit, pilit na
"Siguro pagod ka lang, mahal," sagot ni Belle, mabilis na tumayo upang alalayan ito papunta sa kama. "Halika na, magpahinga ka na." Nang makarating sila sa silid, inalalayan niya si Luke na mahiga sa kama. Tahimik siyang nagbuntong-hininga habang pinagmamasdan ang lalaki, na ngayo'y himbing na himbing. Napaupo si Belle sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ni Luke. Sa kabila ng kanyang misyon, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Si Luke, na tila inosente, ay maaaring bahagi ng madilim na sikreto ng pamilya. Pero kung totoo nga iyon, paano niya magagawang patawarin ito?Tahimik na ibinulong ni Belle sa sarili, "Pasensya ka na, Luke. Pero kailangan kong gawin ito. Para kay Ana. Para sa hustisya." Muli siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kumot at tinakpan si Luke, kunwari'y matapos ang kanilang "pagsasama." Hindi niya lubos maisip kung hanggang kailan niya kayang magpanggap. Ngunit para kay Ana, para kay Anabella, at para sa katotohanan, handa siyang mag
Sa araw na dumating ang magulang ni Luke na sina Nenita at Philip Villa, napuno ng kasiyahan at pagkasabik ang mansion. Dumating sila bitbit ang mga pasalubong mula sa US at sabik na makita ang kanilang apo na si Anabella, na matagal nilang hinintay na makasama. Nang makita ni Nenita si Ana (o si Belle, na nagpapanggap bilang Ana), agad niya itong niyakap nang mahigpit. "Ana! Anak, salamat sa Diyos at ligtas ka! Hindi ko maipaliwanag ang saya ko na makita kang buhay at kasama si Anabella,"sabi ni Nenita, halos maiyak sa sobrang emosyon. "Maraming salamat, Mama," sagot ni Belle, pilit na itinatago ang kanyang kaba. "Buti na lang, andito na kayo para makasama si Anabella. Tuwang-tuwa rin siyang makilala kayo."Lumapit naman si Philip at tinapik si Belle sa balikat. "Tama na ang drama, Nenita. Ang mahalaga, ligtas si Ana at nandito tayo ngayon. Ngayon, ipakita mo na sa amin ang apo namin," aniya, sabay tawa. Agad na dinala ni Belle si Anabella mula sa kuna. Nang makita ng mag-asa
"Hindi ikaw ang dapat nandyan, Ana. Ako! Ako ang dapat na may buhay na ganyan!" bulong niya habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Bigla siyang napatigil nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto sa likod niya. Napalingon siya at nakita si Belle—ang "Ana" na kinaiinisan niya. May dala itong baso ng gatas para kay Anabella, at ang mukha nito ay tila tahimik na nagmamasid sa kanya. "Sheila?" tawag ni Belle, na tila nagtataka. "Kanina pa kita napapansin dito. Parang may iniisip ka." Agad na nagbago ang ekspresyon ni Sheila, mabilis na nagbalik sa pagiging kalmado. Pilit siyang ngumiti at tumawa nang alanganin. "Ah, wala naman, Ana. Naiisip ko lang ang mga magulang natin. Ang saya lang na magkakasama tayo ulit."Hindi umiwas ng tingin si Belle, ngunit sa likod ng kanyang mapanuring mata, alam niyang may ibang iniisip si Sheila. "Mabuti naman kung gano'n,"sagot ni Belle, pilit na ngumingiti. "Mas maganda kung magtulungan tayo para mapanatili ang saya sa pamilya."
Lumapit si Luke, hinawakan ang kanyang kamay, at marahang hinalikan ito. "Miss na miss na kita, Ana," bulong nito habang dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha kay Belle. "Sana naman, matapos ng lahat ng pinagdaanan natin, maibalik natin ang dating tayo."Napalunok si Belle, ramdam ang matinding init ng sitwasyon. Nais niyang kumawala, ngunit hindi niya maaaring ipakita ang kanyang pagkailang. "Luke, hindi ko alam kung ano ang sasabihin," sagot niya, pilit na nilalambot ang boses para magmukhang si Ana. "Hindi mo kailangang magsalita," sagot ni Luke, ang boses niya mababa at puno ng lambing. "Ang mahalaga, nandito ka. Buhay ka. At kasama kita ngayon."Dahan-dahan, hinila siya ni Luke papunta sa kama. Nag-aalangan si Belle, ngunit alam niyang hindi siya pwedeng umatras. Kailangan niyang magpanggap, kahit pa ang sitwasyong ito ay nagpapahirap sa kanya. Habang papalapit sila sa kama, pilit na nag-iisip si Belle ng paraan upang umiwas nang hindi mahalata ni Luke. "Luke, sandali,"bi
Kinabukasan, isang umaga na puno ng tamis ang bumungad kay Ana. Habang bumababa siya mula sa kwarto, naamoy niya ang mabangong halimuyak ng itlog na niluluto, sinamahan pa ng tunog ng kawali at tunog ng kutsarang tumatama sa pinggan. Sa kusina, abala si Luke, suot ang kanyang simpleng grey na t-shirt at itim na pajama, habang maingat niyang iniikot ang pancake sa kawali."Ana, good morning!" bati ni Luke, may ngiti sa kanyang labi. Hindi ito ang madalas na asal ng binata, kaya't laking gulat ni Ana nang makita itong nag-aayos ng pagkain sa mesa. May dalawang tasa ng kape na nakalagay, kasama ang tinapay, itlog, at bacon na maayos na nakasalansan sa plato."Luke, ikaw? Nagluto? Sigurado ka bang wala kang lagnat?" biro ni Ana, ngunit halatang natutuwa sa ginawa ng binata.Ngumiti si Luke at itinuro ang upuan sa tapat niya. "Hindi naman masamang magsimula ng araw na maayos, di ba? Kain na tayo."Habang tahimik silang kumakain, hindi maalis ni Ana ang kilig sa kanyang mukha. Hindi niya in
Habang naglalakbay ang oras, narinig niya ang mga malumanay na hakbang ni Shiela papasok sa kwarto. Dala-dala ang isang tasa ng kape, at ang bawat kilos nito ay may kasamang kabigatan, alam niyang may nangyayaring hindi maipaliwanag. Sumunod na naglalakad si Shiela palapit sa kanya. Ang mga mata ni Luke ay hindi siya tinitignan, bagkus ay nakatutok pa rin sa kanyang mga ginagawa. Ngunit ramdam na ramdam ni Shiela ang bigat ng katahimikan na pumapagitna sa kanila.Shiela: (Malamig na boses, may mahinhing ngiti) I brought you coffee... Thought you might need some.Mabilis niyang iniabot ang tasa kay Luke. Ngunit ang mga mata ni Luke ay hindi gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa kanyang laptop, parang hindi nakikinig sa mga salitang iyon ni Shiela. Ang presensya nito ay parang mabigat na ulap na hindi matanggal, at ramdam na ramdam ni Shiela ang paglayo ni Luke mula sa kanya. Ang kape ay nasa kanyang kamay, ngunit parang hindi na ito kailangan. Nag-aalangan siyang magtakda ng kahit isa
Nararamdaman ni Belle ang bigat ng bawat hakbang habang naglalakad siya sa kanyang kwarto. Ang narinig niyang pagtatapat ni Shiela tungkol kay Luke ay tila matalim na punyal na tumama sa kanyang dibdib na paulit ulit na lumalaro sa kanyang isipan. Habang binabalikan ang narinig, ang boses ni Shiela ay paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan, ang bawat salita’y nag-iiwan ng bakas ng alinlangan at takot.Sa loob ng kwarto, naupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone na tila bigat ng mundo ang dala. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Luke, hindi niya magawang balewalain ang nalaman tungkol sa tunay na motibo ni Shiela sa pagpatay kay Ana. Hindi ito simpleng away o galit lamang; ito’y pag-ibig na naging lason, na nag-udyok kay Shiela na gawin ang pinakamadilim na hakbang.Napagpasyahan niyang tawagan si Hector, ang pribadong detektib na hinire niya upang alamin ang katotohanan. Sa unang ring pa lamang, sinagot ito ni Hector."Belle, anong nangyari? May bago ka bang nalaman?" tanong
Pagkatapos ng tawag, napaupo si Shiela sa gilid ng kama, ang kanyang mga kamay mahigpit na nakatikom. Ang katahimikan ng kwarto ay tila tumutunog sa bawat tibok ng kanyang puso. Hindi maikakaila ang galit sa kanyang malamlam ngunit nanlilisik na mga mata. Nang muling mapako ang tingin niya sa kawalan, para siyang isang bagyong nagbabantang sumambulat anumang oras. "Ang pagtakas niyo ay isang malaking pagkakamali," bulong niya sa sarili, ang bawat salita puno ng galit. "Tomas, Rico, Mario... Hindi niyo alam kung anong nilalaro niyo. Kapag nahanap ko kayo, wala nang makakapigil sa akin." Samantala, sina Tomas, Rico, at Mario ay pilit na hinahanap ang kanilang susunod na hakbang. Ang dilim ng gabi ay parang walang katapusang bangungot, bawat tunog ng kanilang yapak sa masikip na eskinita ay tila tumatama sa kanilang konsensya. "Rico, bilisan mo!" sigaw ni Tomas habang hinihila ang kaibigan. "Hindi ito ang oras para magpahinga!" "Hindi ba't sinabi mong magpapahinga muna tayo?" sin
Sa bawat hakbang, tila mas lalo silang hinihigpitan ng dilim. Ang bawat ingay ng yapak, bawat ihip ng malamig na hangin, at ang bawat tunog ng malayong makina ay parang mga hudyat ng kamatayan na nakaamba sa kanila. Hindi nila magawang huminga nang maluwag; para bang kahit ang hangin ay nagiging pabigat sa kanilang bawat hakbang. Ngunit sa kabila ng lahat, walang naglakas-loob na umatras. Ang desisyon nilang tumalikod sa utos ni Shiela ay isang desisyong pinanday ng takot, galit, at muling pagbangon.“Rico,” mariing bulong ni Tomas habang sinusulyapan ang paligid. “Kung hindi ka sigurado, sabihin mo na ngayon. Dahil kapag nahuli tayo, hindi tayo makakalabas ng buhay.”Tila napako si Rico sa kanyang kinatatayuan. Halata sa kanyang mukha ang magkahalong guilt at takot. “Sigurado ako,” sagot niya, ngunit tila mas para sa sarili niya ang mga salitang iyon. Mahigpit ang hawak niya sa baril na tila bigat ng kanyang konsensya. “Hindi ko na kayang gumawa ng masama para kay Shiela. Pero… paano
Madilim ang paligid habang mabilis na naglalakad sina Tomas at Mario sa makipot na eskinita. Ang bawat yapak nila’y parang dumadagundong sa tahimik na gabi. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay gabay sa kanilang daan. Halata ang kaba sa mukha ni Mario habang palinga-linga ito, waring naghahanap ng anino ng panganib."Umalis na tayo, Mario," sabi ni Tomas, mahigpit na hinawakan ang braso ng kaibigan. "Kung magtatagal pa tayo dito, baka pati tayo madamay. Hindi natin pwedeng ilagay ang buhay natin sa peligro.""Hindi mo ba naiisip si Rico?" tanong ni Mario, halatang nag-aalala. "Paano kung bumalik siya? Hindi ba niya tayo mahahanap? Alam niyang hindi natin kayang tapusin ang ganitong klaseng gawain."Napabuntong-hininga si Tomas. Nilingon niya si Mario, halata ang bigat ng desisyon sa kanyang mga mata. "Kung gusto mong mahuli at makulong, sige, magpaiwan ka. Pero ako, Mario? Hindi ko kayang hayaan na mauwi sa wala ang desisyon nating ito. Hayaan mo na si Rico. Pinili niyang sundin si
Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag. Si Belle ay nakaupo sa rocking chair, hawak ang natutulog na si Baby Annabella. Sa kabilang bahagi ng bahay, naririnig ang mahinang tunog ng mga papel na binubuklat ni Luke sa study room.Belle (mahina, halos pabulong habang pinapatulog si Annabella):"Anak, patawarin mo si Tita Belle. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Pero kailangan kong gawin ito para sa'yo... para sa atin."Tinitigan niya ang inosenteng mukha ng bata, tila may bigat sa kanyang dibdib.Tumunog ang cellphone ni Belle. Agad niyang sinilip ito at sinagot nang walang ingay.Belle (mahina ang boses):"Hector, anong balita? May nakikita ka pa bang mga tauhan ni Shiela sa paligid?"Hector (sa kabilang linya, seryoso ang tono):"Belle, andito pa rin sila. Tatlong lalaki ang nakapuwesto sa labas ng bakod. Mukhang nagmamatyag. Pero hindi sila basta-basta kikilos. Malinis ang galaw nila, parang mga propesyonal."Belle (napatingin sa natutulog na bata,
Sa kabilang banda, si Shiela ay nasa kwarto nito, nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang isang picture frame na naglalaman ng litrato nila ni Luke noong bata pa sila. Napuno ng luha ang kanyang mga mata habang kinakausap ang larawan.“Bakit hindi mo makita kung gaano kita kamahal, Luke? Bakit hindi mo maibigay sa akin ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa’yo nang buo?” Ang kanyang boses ay puno ng sakit at desperasyon.Binaba niya ang larawan at tumingin sa salamin. “Kung hindi kita makuha nang maayos, ano pa bang dapat kong gawin? Ano pa bang paraan para mapansin mo ako?” Napuno ng galit ang kanyang mukha, at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “Hindi ko hahayaan na si Belle ang magpatuloy na maghari sa buhay mo, Luke. Ako ang nararapat sa'yo. Ako.”Si Shiela ay galit na galit, tila nawawala sa sarili. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha at poot habang isa-isa niyang pinagbabasag ang mga gamit sa paligid. “Bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?” sigaw niya hab
Habang nakaupo sa sala, tahimik na nag-iisip si Luke. Hawak niya ang isang baso ng tubig, ngunit hindi niya magawang uminom. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Shiela noong bata pa sila. Noon, inakala niyang ang pagtatapat nito ng “crush” sa kanya ay simpleng ihip ng kabataan—isang bagay na maaaring kalimutan habang tumatanda. Ngunit ngayon, malinaw na hindi na iyon simpleng paghanga.“Bakit hindi siya nagbabago?” tanong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana. “Sa tagal ng panahon, hindi niya ba natutunang tanggapin na magkapatid kami, kahit hindi man kami magkadugo? Pamilya ang turing ko sa kanya. Paano niya nagawang ilagay ang ganitong bigat sa pagitan namin?”Sinubukan niyang balikan ang mga alaala nila noong bata pa sila. Napabuntong-hininga siya habang naiisip ang masayang mga tagpo—si Shiela, laging masayahin, laging sumusunod sa kanya saanman siya magpunta. “Kuya Luke, balang araw gusto kong maging tulad mo. Gu