"Ana, may oras ka ba mamaya? Gusto kitang isama sa opisina. May gusto akong ipakita sa'yo tungkol sa isang bagong proyekto natin."Nag-alangan si Belle, ngunit agad niyang inalala na parte ng papel ni Ana ang pagiging aktibo sa negosyo ng pamilya. "Sige, Luke. Anong oras?"Ngumiti si Luke. "Maghanda ka mamayang alas-dos. Matutuwa ka sa bagong plano natin."Habang papalapit ang oras ng kanilang pag-alis, nagpasya si Belle na gamitin ang pagkakataong ito upang mas makilala si Luke at alamin kung may kinalaman nga ba ito sa pagkamatay ng kanyang kakambal. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba siyang hindi niya maipaliwanag—ang takot na baka mahuli siya sa kanyang pagpapanggap.Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nararamdaman ni Belle ang bigat ng kanyang misyon. Ngunit sa kanyang puso, nananatili ang pangako: gagawin niya ang lahat para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Ana. Habang nakaupo si Sheila sa veranda ng kanyang kwarto, mahigpit niyang hawak ang tasa ng kape. Ang utak
Napatigil siya at tumingin. Si Luke, bagong ligo, ang pumasok. Tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kanyang baywang, at ang amoy ng kanyang aftershave ay mabilis na pumuno sa silid. Ramdam ni Belle ang pagkabog ng kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa kaba at pag-aalala. Lumapit si Luke sa kanya at umupo sa tabi niya. Dahan-dahan siyang niyakap mula sa likod, ang malamig na balat nito ay sumayad sa kanyang balikat. "Ana,"bulong niya, ang boses niya ay puno ng lambing at pananabik. "Baka pwede na ngayon. Miss na miss na kita. Alam mo bang halos mabaliw ako nang mawala ka?" Kinagat ni Belle ang kanyang labi, pilit na pinipigilan ang sariling magpakita ng alinmang emosyon. Alam niyang kailangan niyang gampanan ang papel ng kanyang kambal. Kung si Ana ang narito, hindi ito magdadalawang-isip. Ngunit siya, si Belle, ay hindi sanay sa ganitong mga tagpo. Hindi niya alam kung paano ipapakita ang intimacy na inaasahan ni Luke. "Luke," mahina niyang sambit, pilit na
"Siguro pagod ka lang, mahal," sagot ni Belle, mabilis na tumayo upang alalayan ito papunta sa kama. "Halika na, magpahinga ka na." Nang makarating sila sa silid, inalalayan niya si Luke na mahiga sa kama. Tahimik siyang nagbuntong-hininga habang pinagmamasdan ang lalaki, na ngayo'y himbing na himbing. Napaupo si Belle sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ni Luke. Sa kabila ng kanyang misyon, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. Si Luke, na tila inosente, ay maaaring bahagi ng madilim na sikreto ng pamilya. Pero kung totoo nga iyon, paano niya magagawang patawarin ito?Tahimik na ibinulong ni Belle sa sarili, "Pasensya ka na, Luke. Pero kailangan kong gawin ito. Para kay Ana. Para sa hustisya." Muli siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kumot at tinakpan si Luke, kunwari'y matapos ang kanilang "pagsasama." Hindi niya lubos maisip kung hanggang kailan niya kayang magpanggap. Ngunit para kay Ana, para kay Anabella, at para sa katotohanan, handa siyang mag
Sa araw na dumating ang magulang ni Luke na sina Nenita at Philip Villa, napuno ng kasiyahan at pagkasabik ang mansion. Dumating sila bitbit ang mga pasalubong mula sa US at sabik na makita ang kanilang apo na si Anabella, na matagal nilang hinintay na makasama. Nang makita ni Nenita si Ana (o si Belle, na nagpapanggap bilang Ana), agad niya itong niyakap nang mahigpit. "Ana! Anak, salamat sa Diyos at ligtas ka! Hindi ko maipaliwanag ang saya ko na makita kang buhay at kasama si Anabella,"sabi ni Nenita, halos maiyak sa sobrang emosyon. "Maraming salamat, Mama," sagot ni Belle, pilit na itinatago ang kanyang kaba. "Buti na lang, andito na kayo para makasama si Anabella. Tuwang-tuwa rin siyang makilala kayo."Lumapit naman si Philip at tinapik si Belle sa balikat. "Tama na ang drama, Nenita. Ang mahalaga, ligtas si Ana at nandito tayo ngayon. Ngayon, ipakita mo na sa amin ang apo namin," aniya, sabay tawa. Agad na dinala ni Belle si Anabella mula sa kuna. Nang makita ng mag-asa
"Hindi ikaw ang dapat nandyan, Ana. Ako! Ako ang dapat na may buhay na ganyan!" bulong niya habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Bigla siyang napatigil nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto sa likod niya. Napalingon siya at nakita si Belle—ang "Ana" na kinaiinisan niya. May dala itong baso ng gatas para kay Anabella, at ang mukha nito ay tila tahimik na nagmamasid sa kanya. "Sheila?" tawag ni Belle, na tila nagtataka. "Kanina pa kita napapansin dito. Parang may iniisip ka." Agad na nagbago ang ekspresyon ni Sheila, mabilis na nagbalik sa pagiging kalmado. Pilit siyang ngumiti at tumawa nang alanganin. "Ah, wala naman, Ana. Naiisip ko lang ang mga magulang natin. Ang saya lang na magkakasama tayo ulit."Hindi umiwas ng tingin si Belle, ngunit sa likod ng kanyang mapanuring mata, alam niyang may ibang iniisip si Sheila. "Mabuti naman kung gano'n,"sagot ni Belle, pilit na ngumingiti. "Mas maganda kung magtulungan tayo para mapanatili ang saya sa pamilya."
Lumapit si Luke, hinawakan ang kanyang kamay, at marahang hinalikan ito. "Miss na miss na kita, Ana," bulong nito habang dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha kay Belle. "Sana naman, matapos ng lahat ng pinagdaanan natin, maibalik natin ang dating tayo."Napalunok si Belle, ramdam ang matinding init ng sitwasyon. Nais niyang kumawala, ngunit hindi niya maaaring ipakita ang kanyang pagkailang. "Luke, hindi ko alam kung ano ang sasabihin," sagot niya, pilit na nilalambot ang boses para magmukhang si Ana. "Hindi mo kailangang magsalita," sagot ni Luke, ang boses niya mababa at puno ng lambing. "Ang mahalaga, nandito ka. Buhay ka. At kasama kita ngayon."Dahan-dahan, hinila siya ni Luke papunta sa kama. Nag-aalangan si Belle, ngunit alam niyang hindi siya pwedeng umatras. Kailangan niyang magpanggap, kahit pa ang sitwasyong ito ay nagpapahirap sa kanya. Habang papalapit sila sa kama, pilit na nag-iisip si Belle ng paraan upang umiwas nang hindi mahalata ni Luke. "Luke, sandali,"bi
Habang nagkukubli si Sheila sa anino ng maluwang na hagdanan ng Villa mansion, umaalingawngaw sa isip niya ang sariling mga plano. "Hindi kita palalampasin, Ana," bulong niya sa sarili habang mahigpit na nakahawak sa balustre.Nakahanda na siya. Ang bawat hakbang ng plano ay malinaw na sa kanyang isipan: kapag natulak niya si "Ana" pababa ng hagdan, magpapanggap siyang nagulat at magpapakita ng kunwaring awa. Habang ang lahat ay abala sa pagsaklolo, tatawag siya ng tao para tapusin ang nasimulan niya. "Wala na akong ibang paraan. Kailangan nang mawala si Ana sa buhay ni Luke."Nang marinig niyang bumukas ang pinto sa itaas, hinanda niya ang sarili. Nakita niyang naglakad palabas si Belle, hawak ang isang libro habang pababa ng hagdan. Tahimik at maingat na kumilos si Sheila, pinaplano ang tamang tiyempo.Ngunit habang papalapit si Belle sa kanya, biglang sumigaw si Anabella mula sa kwarto. Napalingon si Belle pabalik, nag-aalalang tinanaw ang kwarto ng bata."Anabella!" bulalas niya, m
Habang naglalakad si Belle palayo sa kwarto nila ni Luke, hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding pagkalito. "Ano ba ito, Belle?" bulong niya sa sarili, pilit pinipigilan ang kilig na pilit sumisibol sa kabila ng sitwasyon. "Hindi pwede ‘to. Hindi ako nandito para magpakatanga sa emosyon. Pero bakit ang lakas ng dating niya? Ano ba ‘tong ginagawa mo, Luke!" Pinilit niyang i-focus ang sarili sa kanyang misyon, ngunit ang kabog ng puso niya ay tila nagsasabing iba. "Ana, tulungan mo naman ako,"bulong niya, halos maiiyak sa presyur. "Paano kita ipaglalaban kung pati ako, parang bumibigay na kay Luke?" Sa kabilang banda, si Sheila ay naroon sa pasilyo, na halos pumutok sa inis habang pasilip-silip mula sa sulok malapit sa hagdan. "Ano ba naman ito!" bulong niya sa sarili, nakakunot ang noo."Bakit hindi nagagawi si Ana sa hagdanan? Parang alam niyang may plano ako. Nakakainis talaga! At yung mga tauhan ko, puro inutil! Ang tagal ko nang sinasabi, tapusin na si Ana, pero hanggang nga
Sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng parke, tila sandaling tumigil ang mundo para kina Sara at Adrian.Magkaakbay silang nakaupo, parehong tahimik ngunit puno ng damdamin ang mga mata. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan nila, heto sila ngayon—magkasama pa rin, pinipilit buuin ang mga pirasong minsang naghiwalay.Ngunit isang matinis na tunog ng kampana mula sa pinto ang bumasag sa katahimikan. Pumasok si Vanessa, taas-noo, matikas ang tindig, at halatang puno ng hinanakit ang mga mata."Aba, ang sweet niyo naman," aniya, sabay tingin sa dalawa. "Para kayong eksena sa huling episode ng isang teleserye. Kaso may problema lang… Hindi pa tapos ang kwento."Napatayo si Adrian, halatang nabigla sa pagdating ng babae."Vanessa, hindi ito ang tamang lugar para sa mga ganito," mahinahong sabi niya."Tamang lugar?" Tumawa si Vanessa nang mapait. "Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang nararapat para sa’yo? Ikaw ang nangakong babalik, Adrian. Ikaw ang nangakong ako ang pipiliin mo. At ngayon
Sa loob ng madilim na silid, habang bumubuhos ang ulan sa labas, nanatiling nakaupo si Vanessa sa sahig. Hawak niya ang isang lumang litrato — litrato nila ni Adrian noong high school."Adrian..." bulong niya, habang dahan-dahang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. "Bakit mo ako iniwan?"Nagngangalit ang damdamin niya. Gulo. Lungkot. Galit. Lahat-lahat na. Habang unti-unti niyang pinipiga ang litrato sa kanyang palad, tila ba sinisiksik din niya ang sakit sa kanyang dibdib."Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo sa lahat ng pangarap natin. Ako ang naghintay. At ngayon na bumalik ka... may ibang babae ka na."Dumating ang kaibigan niyang si Lianne, basang-basa ang buhok at damit sa ulan. Humahangos, agad siyang lumapit kay Vanessa."Vanessa, tama na. Hindi mo dapat sirain ang sarili mo dahil lang sa lalaking pinili nang magmahal ng iba," pakiusap ni Lianne.Tumayo si Vanessa. Namumugto ang mga mata at nanginginig ang boses."Hindi mo 'to naiintindihan, Lianne. Hindi ikaw ang nai
Samantala sa tunay na ana sa may maliit na baryo..Isang pangungusap na hindi niya malilimutan—dahil iyon na ang salitang pinatay ang natitira pa nilang pag-asa."Kung totoong mahal mo ako..."Paulit-ulit itong umuugong sa utak ni Adrian habang nakatayo pa rin siya sa lugar kung saan siya iniwan ni Sara. Wala nang katao-tao. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob niya ay may isang unos na hindi matahimik."Sara..." bulong niya, pero huli na.Biglang napaupo si Adrian sa bangketa, hawak ang ulo, habang tuluyang bumigay ang luha niyang kanina pa niya pinipigilan."Bakit ganito? Bakit ngayon ko lang narealize na ikaw na pala ang tahanan ko? Bakit ako natakot, kung sa’yo lang naman ako ligtas?" Nanginginig ang kanyang tinig. Wala nang pakialam kung marinig siya ng mundo. Ang kirot ay masyadong malalim para pigilan.Habang lumalayo si Sara, ang bawat hakbang niya ay parang pagsaksak sa sariling dibdib. Hindi niya alam kung tama ang ginawa. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi lumingon. Pero
Tumunog ang cellphone ni Belle. Nasa sala siya, nakaupo sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Nakaalalay ang siko niya sa armrest at ang mga mata’y malalim ang iniisip. Ngunit nang makita niya kung sino ang tumatawag, nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya ng hangin habang nakatitig sa pangalan sa screen: “Mom & Dad.”"Oh no," mahina niyang bulong. "Sila."Kinabahan siya. Napahigpit ang hawak sa cellphone habang mabilis ang tibok ng puso. Parang may matinding bagyong darating.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago sinagot ang tawag."Hello, Mom? Dad?""Belle, anak!" halos sigaw ng boses ni Sophia sa kabilang linya. May halong galak at pangungulila."Salamat at sinagot mo, anak. Kamusta ka na?""We’ve been trying to reach you for weeks," sabi naman ni Clyde, mababa ang tinig ngunit bakas ang inis at pag-aalala. "Hindi ka sumasagot sa tawag. Hindi mo binabasa ang mga mensahe. Anak, we were so worried."Pasubali ang tono ni Belle, parang
Habang binabaybay ni Vanessa ang madilim na kalsada, tumigil siya sa harap ng isang simbahan. Hindi siya pumasok, ngunit tumayo siya sa labas. May mga sagot na hindi kayang matagpuan sa sarili lamang. Ang puso niya ay puno ng galit, ngunit may mga tanong na hindi na niya kayang itago.“Bakit ako? Bakit siya? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?” tanong ni Vanessa sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga simbahan na nakatayo sa dilim. Wala siyang sagot. Bawat saglit ay patuloy na sumasakit, at ang bawat galit ay tumatagos sa kanya. Tahimik na umihip ang hangin sa malamlam na gabi. Sa ilalim ng dilim, tila nagmukhang malabo ang bawat hakbang ni Sara patungo kay Adrian. Ang kanyang puso ay puno ng takot at kalituhan, ngunit naglakad pa rin siya, umaasa, naglalakad sa isang landas na puno ng hindi siguradong hakbang.Nakatayo si Adrian sa harap ng mga mata ni Sara, ang mga mata niyang puno ng kalungkutan at mga tanong. Wala na silang ibang naririnig kundi ang huni ng hangin at ang t
Ang hangin ay malamig, pero hindi ito ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Vanessa. Hindi ang malamig na simoy ng hangin ang nagpasakit sa kanya. Sa bawat paghagulgol ng kanyang puso, iniisip niya kung paano niya magagampanan ang laban na tila natapos na. Si Adrian, ang kanyang mundo, ay umalis. Ipinili niya si Sara, at iniiwan siya sa dilim, walang kalaban-laban.Sa ilalim ng malamlam na buwan, tumayo si Vanessa at nagsimulang maglakad. Hindi siya tumingin pabalik kay Sara. Wala siyang lakas para tignan ang babaeng kumuha sa kanya ng lahat—ang pagmamahal ni Adrian, ang mga pangarap nila. Hindi na siya maghahanap ng pag-asa. Wala nang kwenta.Pero sa kanyang puso, isang bagay ang nagpatuloy: ang galit. Galit na galit siya. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na ang taong matagal niyang iniwasan, ang babaeng hindi niya inaasahan, ang naging dahilan ng lahat ng ito.Samantalang si Sara, naglalakad palayo kay Adrian, ay hindi maiwasang mag-isip. Hindi niya maiwasang mag-a
Madilim ang gabi. Walang bituin. Ang hangin ay malamig at tila may dalang bagyo. Sa ilalim ng maulap na langit, nagtagpo ang dalawang pusong naglalaban para sa iisang lalaking mahal nila—si Adrian.Nakatayo si Vanessa sa harap ni Sara, ang mukha niya ay puno ng galit, ang mga mata’y naglalagablab sa selos. Hindi na niya kayang magpigil pa. Matagal na niyang kinikimkim ang sakit, ang pait, ang pagkasuklam sa babaeng ito na bigla na lang dumating at tila ninakaw ang mundong matagal na niyang inaasam."Anong meron sa’yo, ha?" pasigaw na tanong ni Vanessa, nanginginig ang tinig.Nagulat si Sara. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng pagtanggap. Dahan-dahan siyang humakbang palapit pero nanatili ang distansya."Vanessa, hindi ko alam kung bakit mo ‘to ginagawa," mahinahong sagot niya."‘Hindi mo alam?’" Tumawa si Vanessa, mapait. "Hindi mo alam? Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumayo si Adrian sa akin."Umiling si Sara. "Vanessa, hindi ko ginusto
Sa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin
“Dahil… minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ay… tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu