"Andrea, sweetheart. We were discussing the possibility of you working at Caleb's company once you graduated from college and after your wedding. Ano sa tingin mo, iha?" tanong ni Mrs. Lopez kay Andrea pagbalik ng mga ito sa dining room kung saan ay kumakain na sila.
At sa mga katagang iyon ni Mrs. Lopez ay muntik nang mabilaukan si Daphne. Her stepdaughter was as dumb as a rock. She never wanted to work. Ni hindi nga nito sineseryoso ang pag-aaral. Paano nasabi ng ginang na makakagraduate ito ng college?
"Eh balae, alam mo itong anak ko na ito ay nagsimula nang mag-invest sa iba't ibang kompanya, kaya naman kumikita na siya nang malaki. At saka sa palagay ko ay hindi siya magiging komportable na magtrabaho sa kumpanya ng magiging asawa niya, tama ba ako anak?" Pagtatanggol ni Antonio sa anak nito.
"Yes, dad...'' napapangiwing sagot ni Andrea dahil alam niyang walang katotohanan ang mga pinagsasabi nito. "Aalagaan ko na lamang si Caleb sa bahay."
Invest? Anong alam niya dun? Ang alam niya lamang ay gumastos. Bumili ng mga mamahaling bag at sapatos.
“Wow! I'm so impressed! At a very young age, she knows how to invest. You must be very proud of her." nakangiting sambit ni Mrs. Lopez habang pinapanuod ang anak na hinihila ang upuan para kay Andrea.
"Oo naman balae. Hindi lamang maganda ang anak ko. Matalino din siya kaya naman napakaswerte ko na ako ang naging ama niya, at napakaswerte din ng mapapangasawa niya.'' sagot ni Antonio na bumaling ng tingin sa asawa na tumango tango naman bilang pagsang-ayon dito kahit na labag ito sa kanyang kalooban.
Nakilala ni Daphne si Antonio sa pamamagitan ng isang kaibigan. Isa siyang biyudo at nakatira sa probinsiya kasama ang anak nito. Kapitbahay lamang nito ang kapatid na si Roberto at ng anak nitong si Natnat.
Mayroon siyang ibang lalakeng gusto pero may asawa ito. Kaya naman nabaling ang atensiyon niya kay Antonio at kinalimutan ang taong pinakamamahal niya.
Nagdate sila ng dalawang beses, at sa ikatlong beses ay ipinakilala nito ang anak na si Andrea. Noong una ay nag-aalinlangan siyang makipaglapit sa bata, ngunit sa kalaunan ay natanggap niya na rin ito bilang kanyang sariling anak at sobrang napamahal na din ito sa kanya.
Para naman kay Andrea, hindi rin madali sa una. Hindi niya kayang magkaroon ng pangalawang ina, pero dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Daphne sa kanya, at pagbibigay ng lahat ng kapritso niya ay napamahal na din siya dito. Mas mahal niya na ito ngayon kaysa sa tunay niyang ina na pumanaw noong siya ay limang taong gulang lamang dahil sa pagsuwag dito ng isang kalabaw habang namimitas ng bunga ng mais sa bukid.
Natapos ang kanilang tanghalian nang walang malinaw na pag-uusap tungkol sa kasal dahil biglang tumawag ang personal assistant ni Caleb. Nagkaroon daw ng emergency meeting sa opisina dahil isa sa mga investors nila sa Singapore ay nagback out.
“I’ll just call Andrea to talk about our wedding. It was such a pleasure meeting you all. Dad, mom, I'm going...” Iyon ang mga huling salitang binitawan ni Caleb bago ito umalis sa bahay ng mga Mondragon.
"Daddy, ano nang gagawin ko ngayon?" naiiyak na tanong ni Andrea sa kanyang ama.
Pagkaalis kasi ni Caleb ay sumunod na rin ang mga magulang nito, at sinabing pag-uusapan na lamang ulit nila ang kasal kapag may desisyon na si Caleb.
Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay nagtext ang binata kay Andrea. Ang laman ng mensahe nito ay: ‘I’ll notify you if I’m not busy. I want you to come to my penthouse so that we can talk about the preparation for the wedding. I also want to make sure that I’m your first. I want a virgin wife.’
"Daddy, pano na to. Hindi---" hindi na nito natapos ang anumang sasabihin sa ama dahil bigla na lamang lumipad ang palad nito at dumapo sa kanyang kaliwang pisngi. Sa lakas ng impact ay natumba ang dalaga sa sahig. "Daddy anong kasalanan ko?! Bakit mo ako sinampal?"
"Anthony, ano bang ginagawa mo sa anak mo!" agad namang awat ni Daphne sa asawa. "Bakit mo sinasaktan ang bata? Anong ginawa niya sa'yo?"
"Umalis ka sa harap ko! Huwag mong harangan yan kung ayaw mong ikaw ang masaktan!" pagbabanta nito sa asawa, at nang lumayo ito ay sinipa naman sa tiyan si Andrea na ikinapilipit nito sa sakit. Ang mga butas ng ilong ni Antonio ay lumaki-laki sa sobrang galit.
"Tama na, daddy!" sigaw ni Andrea na hawak ang tiyan habang namimilipit sa sakit. Nagtataka siya kung bakit siya sinasaktan ng ama na ngayon lamang nito ginawa. "Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ako sinasaktan?"
"Dahil isa kang puta! Malandi kang babae ka!" galit na bulyaw nito sa anak. "Kung sino-sino na lamang kasi ang kinakalantari mo! Dahil diyan sa kalandian mo, mawawala ang oportunidad ng kompanya na bumangon muli! Nandito na ang pagkakataon Andeng! Malapit na sa kamay natin. Mawawala pa!"
"Eh hindi ko naman alam na gusto niya pala ng virgin na asawa!" ganting sagot ni Andrea sa ama. "Wala na siyang mahahanap na ganoong babae dad! Lahat nang kakilala kong babae hindi na virgin!"
"Tumigil ka!" Sinampal siya nitong muli na ikinasubsob niya sa sahig bago pagapang na lumapit sa ama at yumakap sa isang binti nito. "Huwag mo akong masagot-sagot ng ganyan kung ayaw mong ibalik kita sa probinsiya!"
"Daddy, I'm sorry." humahagulgol na pagmamakaawa nito. "Gagawin ko ang lahat. Hindi naman siguro niya malalaman na hindi na ako virgin. Please, dad. I want your trust in this. Gagawa ako ng plano. Pakakasalan niya pa rin ako, maniwala ka. Please, daddy. Please trust me..."
"Trust?" singhal ng ama sa kanya. "Matagal na akong walang tiwala sa'yo, Andrea. Tumayo ka diyan at ayusin mo ang sarili mo!"
Dali-dali namang tinulungan ni Daphne ang stepdaughter at pinaupo ito sa sofa bago hinarap si Antonio. "Huwag ka nang magalit sa bata, Anthony. Alam mo namang ineenjoy lang niya ang kabataan niya." malambing na saad nito habang hinaplos-haplos ang dibdib ng asawa sa pagbabakasakaling lumamig ang ulo nito. "Huwag kang mag-alala. Mayroon akong naisip na plano para dito. Trust me on this, Anthony. I know we'll get through this...''
"At ano naman ang plano mong iyan?" tanong ni Anthony na ang mga mata ay puno ng kuryosidad.
Matalino ang kanyang asawa, kaya naman malaki ang tiwala niya dito at alam niyang mapagtatagumpayan nila ang problemang kanilang kinakaharap dahil dito.
Napangiti ng makahulugan si Daphne sa katanungan ng kanyang mahal na asawa. Alam niyang interesado ito sa kanyang ideya, base sa tono ng kanyang boses. “Daphne, please! Wala akong panahon sa mga walang kwenta mong ideya!” Akala naman ni Anthony ay walang saysay ang namumuong plano sa isipan ni Daphne dahil sa makahulugang ngiting iyon. “Well, we can have Andrea undergo hymenoplasty...” suhestiyon ni Daphne, na ikalalim ng kunot ng noo ni Anthony. “Hyminoplastic? Ano? Ano bang pinagsasabi mo, Daphne? Wala akong maintindihan!” “Hymenoplasty! Isa itong surgical procedure para maibalik ang nasirang hymen ng isang babae. Maibabalik nito ang pagkabirhen ng anak mo. You will be virgin again, Andrea! Don't you like that, sweetheart?” Paliwanag nito habang nakatingin kay Andrea na biglang nagliwanag ang mukha dahil magkakaroon na ng solusyon ang problema nila. Pero biglang nawala ang ningning sa kanyang mga mata nang bigla niyang naisip ang magiging komplikasyon ng surgery na iyon. Hindi
"Ayoko po!" Matigas ang pagtanggi at pag-iling ng ulo ni Nathalie. Hindi siya makapaniwala na ang pagkopya ng mukha ni Andrea ang magiging kabayaran sa pagpapagamot sa tatay niya. "Hindi po ako papayag, pasensiya na!""Eh di hindi magagamot ang tatay mo. Hindi siya gagaling! At hindi madudugtungan ang buhay niya!" nang-uuyam na pahayag ni Andrea na umismid pa habang pinagsalikop ang mga braso sa dibdib nito.Napapaluhang napatitig si Nathalie kay Andrea. Hindi siya makapaniwalang masasabi nito ang ganoong mga salita para sa taong tumayong pangalawang ama nito. Gusto niyang murahin at saktan ito, pero hindi niya kaya. Hindi siya pinalaking masamang tao ng tatay niya.Palaging sinasabi ng kanyang ama na kamukhang-kamukha niya ang nanay niya. Ang nanay niyang iniwan sila dahil sa kahirapan. Ang nanay niyang ambisyosa at gusto ng marangyang buhay. Ang nanay niyang naghangad ng mayamang pamumuhay at ayaw tumira sa probinsiya at magtrabaho sa bukid.Mabuti na lamang at mabait ang kanyang tat
“Okay lang ako, Claire...” isang matipid na ngiti ang pinakawalan ni Nathalie. “Pupuntahan ko muna si tatay.” At agad na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata nang maalala na naman niya ang kalagayan ng tatay niya. Totoong dadalaw siya, pero saglit lang dahil patapos na ang oras ng pagbisita sa hospital. Ayaw niyang sabihin kay Claire na lalabas din siya para maghanap ng pera. Na gagawin niya ang lahat para makahanap ng pera. Papasukin niya ang kung anumang trabaho para may maipon siya para operasyon ng kanyang ama. “Heto, kunin mo muna.” May dinukot si Claire sa bulsa ng apron nito at pilit na isiniksik sa kamay niya. “Maliit lang yan pero alam kong makakatulong sa inyong mag-ama. Sige na. Kunin mo na.” “Claire, huwag na. Itago mo yan. Alam kong kailangan mo rin ng pera.” Pilit na ibinalik ni Nathalie ang pera kay Claire. Alam niyang pinag-iipunan din nito ang pag-aaral ng anak, dahil isa itong single mother, at mag-isa lang din itong binubuhay ang anak na babae. “Pero Natnat...”
Malakas ang kabog sa dibdib ni Nathalie habang dahan-dahang binubuksan ang gate. Iniwasan niyang makalikha ng tunog dahil natatakot siya na baka marinig ni Andrea ang tunog nito at pigilan siya sa pag-alis muli, kaya naman ingat na ingat siya sa kanyang mga kilos, habang palinga-linga ang ulo sa kanyang likuran, sa takot na baka mahuli siya ng kanyang pinsan. Inilapat niya ang kanyang palad sa dibdib, at nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang makalabas ng gate nang walang nakakapansin sa kanya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakasilip si Daphne sa kanya mula sa silid nito sa ikalawang palapag ng bahay. Habang patingin-tingin sa bakanteng kalsada, napakunot ang noo niya nang masulyapan niya ang isang lalaking naka-motorsiklo ilang bloke ang layo mula sa kinatatayuan niya, na nakatingin sa kanya. Hindi siya sigurado na nakatingin talaga ito sa kanya dahil natatakpan ng itim na helmet ang buong mukha nito, pero sa paraan ng pagtuwid ng mga balikat nito nang lumabas si
Napalingon siya sa kanyang likuran nang makarinig ng yabag ng mga sapatos, at doon nga ay nakita niya ang lalaking sumusunod sa kanya.Hindi na siya muli pang nag-aksaya ng panahon at tumakbo palapit sa bakod. Nakakita siya ng malaking drum at agad na hinila ito idinikit sa pader.'Kaya ko 'to! Kailangan kong makita si tatay! Kailangan ako ng tatay ko!’ Dahil na rin sa adrenaline rush ay nagawa niyang makaakyat sa bakod gamit ang malaking drum na tinungtungan niya at saka ito sinipa nang malakas nang makaakyat na siya. Gumulong ito palayo, hanggang sa pigilan ito ng mga paa ni Bruno.Nagpipigil siya sa pag-iyak nang maramdaman niya ang paghiwa ng mga wire sa kanang paa niya. Kinagat niya ang kanyang dila para pigilan ang sarili sa pagsigaw sa sakit. Napatingin siya sa likod niya at nakita niya ang lalaking tumatakbo palapit sa kanya tulak-tulak ang drum.Matapos iangat ang sarili sa napakalaking bakod, nilunok niya ang kanyang takot bago siya tumalon mula sa itaas, at malakas na bu
Nashock si Daphne sa tinuran ni Stella. Hindi niya akalaing gagawa ito ng isang bagay na hindi muna pinag-isipang mabuti. Nangako sila sa isa't isa na magtatapos muna ng pag-aaral bago magboyfriend. Palagi itong nagkukuwento sa kanya ng mga pangarap nito para sa sarili at para sa mga magulang nito. Kapag nakapagtapos daw ito ng pag-aaral ay iaahon nito sa hirap ang mga magsasakang magulang. Maghahanap daw ito ng mayaman na mapapangasawa para maialis sila sa kinalakihang kahirapan.At palagi lamang niyang tinatawanan si Stella sa mga kuwento nito. Mabuti na lamang at mayaman ang pamilya niya. Hindi niya na kailangan pang maghanap ng mayamang mapapangasawa. Ang kailangan niya lang sa ngayon ay ang lalaking magmamahal sa kanya ng tapat at walang pag-aalinlangan kahit ano pa ang katayuan nito sa buhay, at siya na ang bahalang bumuhay sa kanilang pamilya, dahil marami naman silang pera.Naputol ang komunikasyon nilang magkaibigan pagkatapos nang tawag na iyon. Ipinagpatuloy ni Daphne ang p
Habang naglalakad si Nathalie papunta sa sakayan ng jeep ay hindi niya maiwasang magpalinga-linga at baka nasundan ulit siya ng lalaking humahabol sa kanya.Naghintay muna siya ng ilang minuto, at nang may pumarada sa harap niya ay agad siyang sumakay dito.Habang biyahe ay inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa bag, at niresearch ang Outer Heaven Nightclub. Nagscroll siya pababa, tiningnan kung may negative at bad information tungkol dito, at nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang puro magaganda at maayos ang mga reviews na ibinigay ng mga customers sa club.Ito na siguro ang senyales na maipapagamot niya na ang tatay niya. Maliit man ang magiging sahod, at least ay makakatulong ng malaki sa kanilang mag-ama. Wala naman kasi silang sinasahod sa malaking bahay. Libre lamang ang pagkain at tirahan nila dito.At saka naisip niya na pwede naman sigurong bumale muna sa tatay ni Jake at unti-unti ay babayaran niya ito kahit mag-overtime pa siya para lamang matapos agad bayaran
"Goddammit!" Wala nang nagawa pa si Gary kung hindi ang magmura nang babaan siya ng telepono ng kanyang anak. Inihagis niya ang aparato sa ibabaw ng mga papeles niya sa mesa bago pinasadahang muli ng tingin ang dalaga na nakayuko pa rin.Wala na siyang magagawa. Kailangan niya na nang babaeng magsasayaw ngayon. Kung hindi ay mag-aalisan ang mga galante niyang customer. Masisira ang negosyo niya. At iyon ang hindi niya papayagang mangyari. Bahala na sa magiging kahihitnan ng desisyong gagawin niya.Napapailing na kinuha niya ang kontrata sa ilalim ng kanyang drawer at saka tinawag ang dalaga. "Miss Mondragon, pakipirmahan itong kontrata bago ka magsimulang magtrabaho ngayong gabi.""Magsisimula na po ako ngayon?" napataas bigla ang tingin nito sa amo at may excitement sa boses nito. "Hindi niyo na po ako iinterviewhin?""Hindi na. Five hundred pesos ang magiging sahod mo sa isang gabi. Nasa sayo kung kukunin mo ito araw-araw, o lingguhan. Pwede ding buwanan." sagot ni Gary bago inilata
"We're hungry and exhausted, and we almost died on the island, tapos ganyan pa ang iisipin mo sa amin?" mahina ngunit matigas ang pananalita niya habang kausap si Andrea. "Aren't you worried about your cousin? It looks like you're only worried about me, and I don't understand why.""Of course I do! I was worried about her as well! Hindi kami babalik sa islang iyon kung hindi ko siya inaalala. Besides, what would my parents think about me kung basta ko na lang siya papabayaan?" defensive na sagot nito. "At saka may boyfriend naman siya, at nangako si Adrian na aalagaan niya ang pinsan ko. So, we have nothing to worry about now."After hearing what Andrea said---na may boyfriend si Nathalie, which was his tito---napailing siya at saka huminga muna ng malalim bago lumabas ng elevator. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanyang kwarto at binuksan ito. Pumasok siya sa loob at huminto sa may paanan ng kama.Narinig na lamang niya ang pag-click ng lock ng kanyang pinto, at nakapamey
Paglabas ng elevator ay magkahawak-kamay sina Adrian at Nathalie na pumasok sa restaurant ng resort. At least ngayon, panatag na siya at hindi na mangingiming humawak dito dahil may mahal naman pala itong iba. Hindi siya mag-aalala na baka tinitake advantage siya nito. Mukhang kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya, at ganun din naman siya."Wala pa sila," bulong niya habang patungo sila sa bakanteng mesa na ang tinutukoy nito ay sina Caleb at Andrea. "Baka may ginagawa pang milagro," nangingiting sabi nito bago siya ipinaghila siya ng upuan, at pagkatapos niyang umupo ay saka naman ito umupo sa tapat niya. "What do you want to order?" tanong nito habang kinakawayan ang waiter. Nagpalinga-linga muna siya, nagbabakasakaling makikita ang dalawa ngunit wala pa rin ang mga ito. "Pwede bang hintayin muna natin sila?" hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali dahil sa sinabi ni Adrian. Wala siyang karapatang magselos, pero bakit parang sasabog ang dibdib niya sa naisip na posi
"Nathalie!" narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Adrian kaya naman isang ngisi din ang pinakawalan niya habang nakatingin sa kanya si Caleb, at patakbong sinalubong ang tiyuhin nito. Nang makalapit siya dito ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya. "Are you okay? I'm so sorry, akala namain nakabalik na kayo sa resort. Hindi kami nakabalik agad dito dahil sobrang lakas na ang ulan. Thank God, you're both safe.""It's okay, Adrian. Huwag ka nang mag-alala, okay naman ako," salamat sa pamangkin mo, inalagaan niya ako. Nais niyang sabihin ang mga katagang iyon pero nagpigil siya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tumingin sa singkit na mga mata nito. "Okay din naman si Caleb. Salamat at binalikan niyo kami.""Of course! Hinding-hindi kita papabayaan, Nathalie. Ako ang nagpumilit na isama ka dito kaya kargo de konsensiya kita. Hindi ako papayag na hindi balikan ang girlfriend ko sa isla na ito," pagkarinig sa salitang girlfriend ay tumawa siya at muli itong niyakap."Nath
Paglabas ni Caleb ng bahay ay nakita niya ang dalaga na naglalakad sa dalampasigan habang nakabuka ang dalawang kamay. Ninanamnam at sinasamyo nito ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat. Humupa na ang ulan. Ang araw ay sumikat na, pero hindi pa naman ito gaanong masakit sa balat dahil maaga pa.Napakaganda ng lugar. Ang kulay asul na tubig-dagat ay napakalinis, pati na rin ang puting buhangin na tinatapakan nila. Maririnig din ang huni ng mga ibon at ibang insekto sa paligid na para bang tuwang-tuwa dahil sa paghinto ng ulan.Hindi niya binigyang-pansin ang kanyang paligid, bagkus ay pinanood niya ang dalaga na ngayon ay parang batang tumatakbo sa dalampasigan. Ang hangin na isinasayaw ang kanyang buhok at ang kanyang dress na punit ang laylayan habang inililipad ng hangin ay nagbibigay ng inosenteng awra dito.He couldn't help but smile as he watched her play like a little girl while giggling. "Ang ganda!" Nathalie exclaimed as she ran around the beach while looking up at the blu
For the past twenty-six years of his life, Caleb never felt out of control. Pero dahil lang sa isang babae---sa pinsan pa ng babaeng papakasalan niya ay halos mabaliw-baliw siya. Hindi lang isa o dalawa, kundi tatlong beses niya itong nakasiping.Hangga't maaari ay ayaw na niyang maulit pa ito, pero bakit hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ang dalaga? Kung tutuusin ay iisa lang ang mukha nito at ni Andrea, pero kapag tumitingin siya sa mga mata ni Nathalie ay ang inosente at magandang dilag na napagkamalan niyang katulong ang nakikita niya. Hindi na dapat siya sumunod dito nag lumayo ito sa grupo. He really shouldn't have allowed her to get under his skin like that. He felt pretty foolish for trying to protect her from that snake and ending up getting bitten himself.Sinundan niya ng tingin ang dalaga habang nagdadabog na naglakad patungo sa maliit na papag, at doon nga ay nahiga ito kahit na basang-basa pa ang mga damit nito.Umiling siya at saka tumayo, bago sumunod dito. Pi
Ahas.Isang berdeng ahas ang nakita niya sa kanyang likuran at nakapulupot sa isang tuyong sanga ng punongkahoy at nakatanghod sa kanya. Isang galaw lamang niya ay siguradong tuutklawin nito ang likuran niya. Sanay siyang nakakakita ng mga ahas sa bukid nila. Iba't ibang klase ang mga ito. May makamandag, at mayroong hindi. At ang isang ito ay hindi niya sigurado kung may kamandag ba dahil naiiba ang kulay at itsura nito.Pero nagkaroon siya ng phobia noong makagat siya habang tinutulungan ang kanyang tatay na maglinis at magtanggal ng mga damo sa kanilang bukirin.Naramdaman niya ang init ng palad ng kamay ni Caleb sa likuran niya dahil sa higpit ng pagkakalapat nito, kaya naman sa paggalaw ng ulo ng ahas ay humarap siyang muli kay Caleb at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata at yumakap din dito. Mabilis nitong sinipa ang sanga ng kahoy palayo sa kanila, bago hinaplos ang kanyang likod habang hinahalik-halikan ang kanyang buhok."Are you okay?" He asked when he felt her body tr
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" nakataas ang kilay na tinitigan ni Nathalie ng masama si Caleb nang ibaba siya nito mula sa pagkakabuhat. Humalukipkip siya at sumandal sa malaking punong-kahoy bago pinaikot ang mga mata. "May gagawin kang masama sa akin ano?"Hindi sumagot ang binata, bagkus ay tinignan siya nito sa mga mata, pababa sa kanyang ilong, hanggang sa tumitig ito sa kanyang mga labi. Napalunok siya at iniiwas ang mga mata dito, ngunit nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hapitin sa bewang at saka marubdob na hinalikan sa mga labi.Gusto niyang lumaban at itulak ito palayo sa kanya, ngunit ang kanyang taksil na katawan ay parang nananadya at kusang tumutugon dito. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib nito, at handa na siyang itulak ang binata palayo. Gayunpaman, sa kanyang pagtataka, ay parang may mga isip na dahan-dahang umakyat ang mga kamay niya mula sa dibdib nito hanggang sa batok at pumaikot ito doon.Napasinghap siya nang ibaba nito ang mga strap ng da
"Wala kang pakialam!" hindi niya ito nilingon dahil alam na alam niyang si Caleb iyon, bagkus ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at ipinadyak ang mga paa sa mga tuyong dahon at kahoy sa lupa."Don't walk too far, you might get lost!" pigil nito sa kanya, pero hindi pa rin niya ito pinansin. "Hey! Are you listening to me? Hey! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha!"Nang hawakan nito ang braso niya at puwersahang iniharap siya dito ay wala na siyang nagawa pa at nilingon ito. Doon nga ay napagtanto niya na malayo na nga sila at hindi na niya matanaw ang kanilang mga kasamahan."Ano ba?" agad niyang iwinaksi ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Mukhang hindi pa rin ito maka-move on sa ginawa niya dito kagabi dahil sa matiim na pagtitig nito sa kanya. "Bakit hindi 'yung pinsan ko ang bantayan mo at hindi ako? Bakit hindi siya ang yayain mong makipag-sex?"Nang maalala na naman niya ang ginawa ni Andrea sa kanyang tatay ay bigla niyang naikuyom ang mga palad sa galit. Hindi niya pa rin n
Pagkatapos magshower ni Nathalie ay hindi na naman niya mahanap ang towel niya. Binuksan niya muna ang pinto at sinilip kung may tao sa labas, at naningkit ang kanyang mga mata nang makitang nakahiga si Adrian sa kama niya at nakapikit pa ang mga mata. Mukhang nakatulog na ang loko!"Adrian!" tawag niya dito, at agad naman itong nagmulat ng mga mata. "Pakiabot ng towel, please! Nakalimutan kong dalhin!""Okay, wait!" agad naman itong tumayo at binuksan ang closet. Dinampot nito ang isang puting towel at saka naglakad palapit sa kanya. "Here's your towel, my queen.""My queen ka diyan!" hinablot niya ang towel mula dito at saka muling isinara ang pinto. Dinig niya pa ang malakas pagtawa ng binata mula sa labas ng cr at naiiling na tinuyo niya ang buhok at katawan at saka ibinalot ang towel paikot sa kanya bago muling binuksan ang pinto. Nakita niyang wala na si Adrian sa kuwarto. Malamang ay lumabas muna ito para bigyan siya ng privacy para makapagbihis.Mabilis siyang nagbihis, at nag