Caleb's musky cologne enveloped Nathalie's senses, blending with his natural masculine scent and a trace of the forest aroma following the rain. Ang init ng hininga nitong amoy menthol na candy ay dumadampi sa kanyang noo, na halos magpapikit ng kanyang mga mata.
She felt her breath catch as she found herself pinned under his deep grey gaze, so she quickly looked down, reluctant to look into that scorching gaze again.
As Blake stood in front of the woman, his lips curved into a smirk. Alam niyang nahihiya ito sa kanya, kaya naman nagbaba ito ng tingin, at nagpokus sa mga paa nito.
He couldn’t help but feel amazed by her innocence and simple beauty. Her dark brown hair was tied up into a high ponytail, and he could see her gorgeous neck, her soft and silky hair reaching down her back perfectly.
Her body was in perfect shape. And perfect for his bed. He controlled himself from pulling her by the small waist and caging her in his arms.
Her flawless skin seemed so soft and smooth, and her natural red lips looked so delicious.
He took a deep breath, thinking, ‘I want her to become my maid, and fuck her. I want to hear her sweet voice, and scream my name as I pleasure her. Damn!’
Pero napakaimposible nang gawin ito ngayon dahil ikakasal na siya kay Andrea. He had fucked different women in the past, and now that he is tying a knot with her, everything is going to be different.
Pero bago sila ikasal ni Andrea ay may isang kondisyon muna siya. Gusto niyang masigurado na malinis ito. Marami na siyang karanasan ngunit isa man sa mga nakaniig niya ay walang birhen sa mga ito at hindi niya maiwasang hindi madisappoint. Kaya naman gusto niya na ang mapapangasawa niya ay malinis, dahil habang buhay niya na itong makakasama, at magiging ina ng kanyang mga anak.
At kung hindi magtagumpay si Andrea ay siguradong makakansela ang kanilang kasal, at wala siyang magagawa kung hindi ang maghanap ng birhen na mapapangasawa. At sana nga ay mayroon pa sa panahon ngayon. Halos liberated na kasi ang lahat ng kababaihan na nakikita niya, pero umaasa pa rin siya na si Andrea na iyon.
Napatitig na muli siya sa mga mata ng babae sa harap niya, at napakunot noo siya nang mabanaag ang lungkot at pait sa mga ito.
At katulad ni Caleb, there was something about his eyes that captured Nathalie as well, and lured her in. She felt shivers crawl down her spine and strange sensations course through her veins, which caused her stomach to experience peculiar sensations.
Finally, Caleb moved back and stepped inside the restroom.
Si Nathalie ay nakatulala pa rin sa kanyang kinatatayuan at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. She was disappointed by the loss of their connection, since she didn’t expect that Andrea’s fiancé was more handsome on a closer look.
Huminga siya ng malalim at akmang babalik sa pagtatrabaho nang makarinig siya ng pamilyar na tunog ng mga takong ng sapatos, kaya naman dali-dali niyang binuksan ang pinto papunta sa likod bahay at nagmamadaling lumabas.
Alam niyang si Andrea ito at baka hinahanap na nito si Caleb. Kapag nakita siya nito ay siguradong malalagot na naman siya dahil pinagbawalan na siya ng mga ito na huwag magpapakita sa mga bisita. At kahit hindi niya sinasadya ay alam niyang malilintikan pa rin siya.
Pigil ang hiningang isinandal niya ang katawan sa likod ng pinto at pumikit ng marahan, ngunit agad din siyang dumilat nang marinig ang boses ng pinsan.
"Caleb!" tawag nito. "Are you here, Caleb? Didn't I tell you to use my bathroom upstairs? Caleb?"
Halos hindi na gumagalaw si Nathalie mula sa kanyang kinatatayuan dahil sa takot na baka mahuli siya ng kanyang pinsan.
"I'm done..." narinig niyang sambit ni Caleb. "Sorry, I asked one of your maids, and she pointed to the restroom here."
Nagpalinga-linga si Caleb at hinanap si Nathalie, pero wala na ito sa kusina. Tumitig siya kay Andrea, at nakita niya na talagang magkamukha ang dalawa. Maaring magkamag-anak ang mga ito, pero malamang sa hindi dahil kung parte ng pamilya Mondragon ang babae ay dapat kasama nila itong kumakain ngayon. Wala naman siguro sa ugali ng mga Mondragon ang manghamak ng kapamilya.
His fists clenched and unclenched when he recalled the way the innocent woman looked at him. Alam niyang nabighani ang dalaga sa kapogian niya, pero hindi lamang ito nagpahalata.
At ang isa pang hindi niya makakalimutan ay ang amoy nito. Amoy pinaghalong pinipig at gatas.
"Let's go, Caleb..." Napapailing at natatawa sa sarili na sumunod siya kay Andrea pabalik sa sala. Mukhang mapapadalas ang punta niya dito para makita ang magandang maid.
Habang naglalakad pabalik ay naningkit ang mga mata ni Andrea sa galit. Ngayon niya lang nakitang ngumiti ng ganon si Caleb. 'Hindi kaya si Nathalie ang nakita nito kanina? Lagot sa akin ang babaeng iyon. Pero ang sabi ni Caleb ay maid daw ang babaeng nagturo sa kanya sa cr. Sana hindi si Natnat. Kung hindi ay malilintikan ang babaeng iyon sa akin!'
Ayaw nang ipakilala ni Andrea ang mga nagiging kasintahan kay Nathalie, dahil lahat ng nakarelasyon niya ay inaagaw nito. Nung dinala niya sa kanilang bahay ang pinakauna niyang boyfriend ay halos lumuwa ang mata nito nang makita si Nathalie. At nang araw din na iyon ay nakipag break ang boyfriend niya sa kanya, at ang rason nito ay hindi daw sapat ang pagmamahal nito para sa kanya, para manatili sa tatlong taong relasyon nila.
Akalain mo yon? Tatlong taon na sila pero dahil lang kay Nathalie ay nakipag break ito sa kanya!
Ang sumunod naman na naging boyfriend niya ay dinala niya ulit sa bahay nila, pero nahuli niya naman ito sa garden na nakikipag-usap at kinukuha ang cellphone number ni Nathalie.
Hindi niya maintindihan kung ano ang nakita ng mga ito sa pinsan niya na wala siya. Kung tutuusin nga ay mas maraming meron siya kesa dito. Mas maganda siya dito at mas makinis ang kutis. Mas mabango at mas maraming pera. Pero nagtataka siya kung anong karisma meron ito at naaakit ang mga boyfriend niya sa pinsan niyang hindi naman kagandahan at hindi kaseksihan.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na muli pang nagdala ng boyfriend si Andrea sa bahay nila. Kung makikipag date man ito ay sa labas na lamang o kaya ay makikipag one-night sa mga hotel. At ngayon nga na magpapakasal na sila ni Caleb, ang lalakeng pangarap niya---gwapo, matikas, matalino, at higit sa lahat ay mayaman ay hinding-hindi na siya papayag na maagaw na naman itong muli ng kanyang pinsan.
Baka mapatay niya ito kapag nangyari iyon.
"Andrea, sweetheart. We were discussing the possibility of you working at Caleb's company once you graduated from college and after your wedding. Ano sa tingin mo, iha?" tanong ni Mrs. Lopez kay Andrea pagbalik ng mga ito sa dining room kung saan ay kumakain na sila.At sa mga katagang iyon ni Mrs. Lopez ay muntik nang mabilaukan si Daphne. Her stepdaughter was as dumb as a rock. She never wanted to work. Ni hindi nga nito sineseryoso ang pag-aaral. Paano nasabi ng ginang na makakagraduate ito ng college?"Eh balae, alam mo itong anak ko na ito ay nagsimula nang mag-invest sa iba't ibang kompanya, kaya naman kumikita na siya nang malaki. At saka sa palagay ko ay hindi siya magiging komportable na magtrabaho sa kumpanya ng magiging asawa niya, tama ba ako anak?" Pagtatanggol ni Antonio sa anak nito."Yes, dad...'' napapangiwing sagot ni Andrea dahil alam niyang walang katotohanan ang mga pinagsasabi nito. "Aalagaan ko na lamang si Caleb sa bahay."Invest? Anong alam niya dun? Ang alam
Napangiti ng makahulugan si Daphne sa katanungan ng kanyang mahal na asawa. Alam niyang interesado ito sa kanyang ideya, base sa tono ng kanyang boses. “Daphne, please! Wala akong panahon sa mga walang kwenta mong ideya!” Akala naman ni Anthony ay walang saysay ang namumuong plano sa isipan ni Daphne dahil sa makahulugang ngiting iyon. “Well, we can have Andrea undergo hymenoplasty...” suhestiyon ni Daphne, na ikalalim ng kunot ng noo ni Anthony. “Hyminoplastic? Ano? Ano bang pinagsasabi mo, Daphne? Wala akong maintindihan!” “Hymenoplasty! Isa itong surgical procedure para maibalik ang nasirang hymen ng isang babae. Maibabalik nito ang pagkabirhen ng anak mo. You will be virgin again, Andrea! Don't you like that, sweetheart?” Paliwanag nito habang nakatingin kay Andrea na biglang nagliwanag ang mukha dahil magkakaroon na ng solusyon ang problema nila. Pero biglang nawala ang ningning sa kanyang mga mata nang bigla niyang naisip ang magiging komplikasyon ng surgery na iyon. Hindi
"Ayoko po!" Matigas ang pagtanggi at pag-iling ng ulo ni Nathalie. Hindi siya makapaniwala na ang pagkopya ng mukha ni Andrea ang magiging kabayaran sa pagpapagamot sa tatay niya. "Hindi po ako papayag, pasensiya na!""Eh di hindi magagamot ang tatay mo. Hindi siya gagaling! At hindi madudugtungan ang buhay niya!" nang-uuyam na pahayag ni Andrea na umismid pa habang pinagsalikop ang mga braso sa dibdib nito.Napapaluhang napatitig si Nathalie kay Andrea. Hindi siya makapaniwalang masasabi nito ang ganoong mga salita para sa taong tumayong pangalawang ama nito. Gusto niyang murahin at saktan ito, pero hindi niya kaya. Hindi siya pinalaking masamang tao ng tatay niya.Palaging sinasabi ng kanyang ama na kamukhang-kamukha niya ang nanay niya. Ang nanay niyang iniwan sila dahil sa kahirapan. Ang nanay niyang ambisyosa at gusto ng marangyang buhay. Ang nanay niyang naghangad ng mayamang pamumuhay at ayaw tumira sa probinsiya at magtrabaho sa bukid.Mabuti na lamang at mabait ang kanyang tat
“Okay lang ako, Claire...” isang matipid na ngiti ang pinakawalan ni Nathalie. “Pupuntahan ko muna si tatay.” At agad na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata nang maalala na naman niya ang kalagayan ng tatay niya. Totoong dadalaw siya, pero saglit lang dahil patapos na ang oras ng pagbisita sa hospital. Ayaw niyang sabihin kay Claire na lalabas din siya para maghanap ng pera. Na gagawin niya ang lahat para makahanap ng pera. Papasukin niya ang kung anumang trabaho para may maipon siya para operasyon ng kanyang ama. “Heto, kunin mo muna.” May dinukot si Claire sa bulsa ng apron nito at pilit na isiniksik sa kamay niya. “Maliit lang yan pero alam kong makakatulong sa inyong mag-ama. Sige na. Kunin mo na.” “Claire, huwag na. Itago mo yan. Alam kong kailangan mo rin ng pera.” Pilit na ibinalik ni Nathalie ang pera kay Claire. Alam niyang pinag-iipunan din nito ang pag-aaral ng anak, dahil isa itong single mother, at mag-isa lang din itong binubuhay ang anak na babae. “Pero Natnat...”
Malakas ang kabog sa dibdib ni Nathalie habang dahan-dahang binubuksan ang gate. Iniwasan niyang makalikha ng tunog dahil natatakot siya na baka marinig ni Andrea ang tunog nito at pigilan siya sa pag-alis muli, kaya naman ingat na ingat siya sa kanyang mga kilos, habang palinga-linga ang ulo sa kanyang likuran, sa takot na baka mahuli siya ng kanyang pinsan. Inilapat niya ang kanyang palad sa dibdib, at nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang makalabas ng gate nang walang nakakapansin sa kanya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakasilip si Daphne sa kanya mula sa silid nito sa ikalawang palapag ng bahay. Habang patingin-tingin sa bakanteng kalsada, napakunot ang noo niya nang masulyapan niya ang isang lalaking naka-motorsiklo ilang bloke ang layo mula sa kinatatayuan niya, na nakatingin sa kanya. Hindi siya sigurado na nakatingin talaga ito sa kanya dahil natatakpan ng itim na helmet ang buong mukha nito, pero sa paraan ng pagtuwid ng mga balikat nito nang lumabas si
Napalingon siya sa kanyang likuran nang makarinig ng yabag ng mga sapatos, at doon nga ay nakita niya ang lalaking sumusunod sa kanya.Hindi na siya muli pang nag-aksaya ng panahon at tumakbo palapit sa bakod. Nakakita siya ng malaking drum at agad na hinila ito idinikit sa pader.'Kaya ko 'to! Kailangan kong makita si tatay! Kailangan ako ng tatay ko!’ Dahil na rin sa adrenaline rush ay nagawa niyang makaakyat sa bakod gamit ang malaking drum na tinungtungan niya at saka ito sinipa nang malakas nang makaakyat na siya. Gumulong ito palayo, hanggang sa pigilan ito ng mga paa ni Bruno.Nagpipigil siya sa pag-iyak nang maramdaman niya ang paghiwa ng mga wire sa kanang paa niya. Kinagat niya ang kanyang dila para pigilan ang sarili sa pagsigaw sa sakit. Napatingin siya sa likod niya at nakita niya ang lalaking tumatakbo palapit sa kanya tulak-tulak ang drum.Matapos iangat ang sarili sa napakalaking bakod, nilunok niya ang kanyang takot bago siya tumalon mula sa itaas, at malakas na bu
Nashock si Daphne sa tinuran ni Stella. Hindi niya akalaing gagawa ito ng isang bagay na hindi muna pinag-isipang mabuti. Nangako sila sa isa't isa na magtatapos muna ng pag-aaral bago magboyfriend. Palagi itong nagkukuwento sa kanya ng mga pangarap nito para sa sarili at para sa mga magulang nito. Kapag nakapagtapos daw ito ng pag-aaral ay iaahon nito sa hirap ang mga magsasakang magulang. Maghahanap daw ito ng mayaman na mapapangasawa para maialis sila sa kinalakihang kahirapan.At palagi lamang niyang tinatawanan si Stella sa mga kuwento nito. Mabuti na lamang at mayaman ang pamilya niya. Hindi niya na kailangan pang maghanap ng mayamang mapapangasawa. Ang kailangan niya lang sa ngayon ay ang lalaking magmamahal sa kanya ng tapat at walang pag-aalinlangan kahit ano pa ang katayuan nito sa buhay, at siya na ang bahalang bumuhay sa kanilang pamilya, dahil marami naman silang pera.Naputol ang komunikasyon nilang magkaibigan pagkatapos nang tawag na iyon. Ipinagpatuloy ni Daphne ang p
Habang naglalakad si Nathalie papunta sa sakayan ng jeep ay hindi niya maiwasang magpalinga-linga at baka nasundan ulit siya ng lalaking humahabol sa kanya.Naghintay muna siya ng ilang minuto, at nang may pumarada sa harap niya ay agad siyang sumakay dito.Habang biyahe ay inilabas niya ang kanyang cellphone mula sa bag, at niresearch ang Outer Heaven Nightclub. Nagscroll siya pababa, tiningnan kung may negative at bad information tungkol dito, at nakahinga naman siya ng maluwag nang makitang puro magaganda at maayos ang mga reviews na ibinigay ng mga customers sa club.Ito na siguro ang senyales na maipapagamot niya na ang tatay niya. Maliit man ang magiging sahod, at least ay makakatulong ng malaki sa kanilang mag-ama. Wala naman kasi silang sinasahod sa malaking bahay. Libre lamang ang pagkain at tirahan nila dito.At saka naisip niya na pwede naman sigurong bumale muna sa tatay ni Jake at unti-unti ay babayaran niya ito kahit mag-overtime pa siya para lamang matapos agad bayaran
Nagising si Nathalie sa isang silid na sobrang dilim at liwanag lamang mula sa buwan na tumatagos sa mula sa bintana ang nagbigay ilaw para makita niyang hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan niya. Pero ang naaamoy niyang pabango ng isang lalaki ay napakapamilyar sa kanya. Sinubukan niyang umupo ngunit pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid niya kaya nahiga siyang muli."Nasaan ako?" bulong niya habang hinihilot ang kanyang mga sentido. Ang huling naalala niya ay ang kanyang pag-iyak sa bangkay ng kanyang ama sa ospital at ang pagbabasa ng sulat ni Andeng sa kanyang ama.May naaninag siyang bulto ng lalaki na nasa may tabi ng bintana pero hindi niya makilala kung sino ito dahil medyo malabo pa ang paningin niya. Ang tiyuhin niya ba ito?Umiling siya at ipinikit pikit ang mga mata at sinasanay ito sa kadiliman."I'm glad you're finally awake," isang malalim na boses ang pumutol sa katahimikan, na halos nagpatalon sa kanya sa sobrang gulat. Inipon niya ang kanyang lakas at daha
"Halika na. Tumayo ka na diyan." Hindi naman nagpatinag si Andrea sa pang-iinsulto sa kanya ng pinsan. Hindi ang isang pipitsuging babae lamang ang makakasira sa pangarap niya. Ang pangarap niyang maikasal sa lalaking minamahal niya ng buong puso at ng buong buhay niya. "Umuwi na tayo para makapag-usap tayo ng maayos."Pagkasabi ng mga salitang iyon ay niyakap niya ng mahigpit si Nathalie, at parang iyon lamang ang hinihintay ng dalaga para kumawala ang lahat ng nararamdaman niya. Isang balikat na maiiyakan.At umatungal na nga siya ng iyak sa balikat ni Andrea. "Ssshhh, huwag ka nang umiyak. Alam kong masakit sa'yo ang mga nangyari. Hindi ka namin pababayaan. Masakit din naman para sa amin na nawala si uncle Robert, pero kailangan nating tanggapin ang lahat lahat ng nangyari dahil nakatadhana na ito. Wala na tayong magagawa pa."Gumanti ng yakap si Nathalie, at dahil nakaharap ito kay Caleb ay kitang-kita ng binata kung paano kumawala ang isang nakakalokong ngiti habang kunwaring hum
Dahan-dahang tinanggal ni Caleb ang pagkakakawit ng braso ni Andrea sa kanya kaya naman nagtatakang napatingin siya ng dalaga. Ngunit bago pa siya makalapit sa babaeng sentro ng atensiyon ngayon ay nakita niyang malakas na dinunggol ni Daphne sa balikat ang asawa nito at narinig na lamang niyang sumisigaw si Anthony habang masama ang tingin nito sa pamangkin."Anong ginagawa mo dito? Hindi ka imbitado sa okasyong ito! Sinong nagpapasok sa'yo, at saka bakit ganyan ang itsura mo?" sigaw ni Anthony, ang boses nito ay dumadagundong sa buong paligid na nagpatahimik sa lahat ng mga bisita. Naghihintay ang mga ito ng susunod na gagawin nito sa pamangkin na nakatayo lamang doon at tahimik na nagmamasid at hindi pinapansin ang tiyuhin. "Natnat, umuwi ka na! Ayusin mo ang sarili mo! Nakakhiya itong ginagawa mo! Pati ang pamilya ko ipinapahiya mo!"Sa pagkabigla ng lahat, bigla na lamang itong humalakhak ng malakas at ikinapitlag ng tiyuhin nito. "At sino ka para utusan ako?" ganting bulyaw nito
"Really man? Tuloy-tuloy na ba talaga ang kasal mo? Baka magsisi ka?" pabirong saad ni Daniel bago tinapik-tapik ang balikat ni Caleb na parang nakakaloko. "Baka matulad ka sa akin ha? Akala ko kasi kapag naikasal na, siya na talaga ang babae para sa akin habang-buhay.""Huwag mo akong itulad sa'yo. Babaero ka kasi." natatawa at napapailing na lamang ang binata sa tinuran ng kaibigan."Ako, babaero? Look who's talking!" sagot naman nito."Shut up! Nagbago na ako!" pabirong batok niya dito. Alam niyang umattend lang ng engagement party ang kaibigan para asarin siya."Nasaan nga pala si David?" tanong nito habang inililibot ang mga mata sa bulwagan habang salubong ang mga kilay nito at inisa-isa ang mga bisita sa loob. Ang lahat ay nakasuot ng magagarbong damit---mapa-dress or gown man ito, o mamahaling mga suit. Walang gustong magpatalo. Walang gustong masapawan.Hindi agad nakasagot si Caleb. Hindi pwedeng malaman ni Daniel ang pagpapadala niya sa lalaking nagligtas sa kanya sa Amerik
Sa mismong oras din na iyon ay inilabas mula sa kwarto ang tatay ni Nathalie. At ilang minuto lamang ang lumipas ay may ipinasok naman na isa pang pasyente sa kuwarto na ginamit nito.Agad na inayos ni Caleb ang lahat ng kakailanganin para madala agad ito sa Amerika gamit ang private jet ng mga Lopez."David, please take good care of the man. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, okay? Kapag hindi na ako busy ay susunod ako sa Amerika. I need to be there at the engagement party tonight." utos niya kay David. Nasa airport na sila kasama ang limang doctor at tatlong nurse para mag-asikaso sa pasyente. "But sir, hindi niyo ba pwedeng ipostpone na muna ang engagement? Akala ko ba hindi pa kayo sigurado kay Miss Andrea?" nagtatakang tanong ni David sa kanya. "Everything's already prepared, David. Wala nang atrasan pa ito." he said, gently patting his personal assistant's shoulder. "Give me updates from time to time, okay?""Yes, sir." sagot ni David bago ito tumalikod at umakyat na sa privat
Paglabas ng kuwarto bitbit ang box ay napaupo sa isang sulok si Nathalie habang patuloy pa rin sa pag-iyak habang yakap ang box. Hindi niya kayang tignan ng matagal ang tatay niya. Kanina habang yakap-yakap niya ang katawan nito at habang humahagulgol siya ay hindi niya maiwasang maghinanakit dito.Madaming katanungan ang gumugulo sa isip niya. Bakit siya iniwang mag-isa? Ano ang nagtulak dito para gawin iyon? Bakit nito kinitil ang buhay nito?Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kailangan niya malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Kaya naman agad niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi at binuksan ang box kung saan nandodoon ang lahat ng gamit ng tatay niya.May nakita siyang mga susi, wallet, at pati na din ang wedding ring nito na hindi nito tinanggal kahit kailan. Mayroon din siyang nakitang mga tuyong bulaklak. Ang bulaklak na ibinigay niya noong unang beses niya itong dinalaw sa bahay kanlungan.Naghalungkat pa siya sa loob ng box at naagaw ng atensiyon
"'Tay!" nanginginig ang buong katawan na sigaw niya. "Nasaan ang tatay ko? Ilabas niyo ang tatay ko!"Hindi siya naniniwalang patay na ito. Malakas pa ito noong huli silang magkita. Nakakatayo na nga ito eh. Malapit na itong gumaling. Actually, magaling na ito. Nanghihina lang ito dahil wala itong ginagawa at nasa loob lang lagi ng kwarto."Nanay Rosa, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi mo." kinuha niya ang dalawang kamay ng matanda at mahigpit na hinawakan ang mga ito. "Nanay Rosa, ikaw palagi ang kausap ng tatay ko. Masaya na siya dahil dinalaw ko di ba? Bakit 'nay? Sabihin mo sa akin kung anong nangyari?""Anak, makinig ka," nanginginig ang boses na sagot ng matanda. "Kahapon masayang-masaya pa kami ng tatay mo pagkagising at sobrang excited niya. Ang sabi niya maaga ka daw pupunta dito dahil sabay kayong mag-aalmusal. Ipagluluto mo daw siya ng paborito niyang kare-kareng balat at laman ng baka. Pagkatapos..." nauutal na ang matanda dahil sa pagpipigil nitong humagulgol
Bakit nandito si Caleb? Nandoon din ba siya sa loob noong sinabi ko na ako 'yung nasa video? Naniniwala kaya siya doon?Base sa ekspresyon ng mukha nito habang nanlilisik ang mga matang nakatunghay sa kanya ay biglang nanlambot si Nathalie. Pero hindi niya inakalang ililigtas pa rin siya nito kahit nalaman nito na isa siyang maruming babae na sadyang wala namang katotohanan. At ngayon pa lamang ay ipinangako niya na sa sarili na iiwasan ang lalaking ito simula ngayon.Pinunasan niya ang kanyang basang mukha gamit ang likod ng kanyang kamay. Wala na siyang pakialam kung ano ang itsura niya sa harap ng lalakeng ito. Kanina bago siya humarap sa mga press ay pinintahan ang mukha niya ng pagkakapal-kapal na make-up kaya naman ngayong humulas na ito dahil sa ulan ay sigurado siyang nakakatawa ang itsura niya."Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Caleb, pero wala siyang maramdaman ni katiting na pag-aalala mula sa boses nito. Biglang lamig ng pakikitungo nito sa kanya, ibang-iba noong ang
Paglabas ni Nathalie ay parang tumigil ang mundo niya nang makita kung gaano kadami ang taong naghihintay para makita siya. Napahinto naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Lahat ng tao sa paligid niya ay napasinghap sa pagkabigla at ang kanilang mga mata ay nagpalipat-lipat sa pagitan nila ni Andrea, at hindi maikakaila sa mukha ng mga ito na halatang nagulat dahil sa nasaksihan. Natahimik ang paligid, at ang mga reporters ay namangha sa pagiging kalmado niya, pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. At sa patuloy na pagkislap ng mga camera ay nagsimulang sumakit ang kanyang mga mata kaya naman tumalikod siya sa mga ito.Muli siyang humarap nang marinig ang tanong ng isang reporter."Sino ka? Bakit mo ginagaya ang mukha ni Miss Andrea? Ikaw ba talaga ang babae na nasa viral video?" tanong ng isang matabang reporter.Saglit siyang nag-alinlangan bago sinulyapan si Tonyo, na binigyan siya ng babalang tingin. Huminga muna siya ng malalim, at na