"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" nakataas ang kilay na tinitigan ni Nathalie ng masama si Caleb nang ibaba siya nito mula sa pagkakabuhat. Humalukipkip siya at sumandal sa malaking punong-kahoy bago pinaikot ang mga mata. "May gagawin kang masama sa akin ano?"Hindi sumagot ang binata, bagkus ay tinignan siya nito sa mga mata, pababa sa kanyang ilong, hanggang sa tumitig ito sa kanyang mga labi. Napalunok siya at iniiwas ang mga mata dito, ngunit nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hapitin sa bewang at saka marubdob na hinalikan sa mga labi.Gusto niyang lumaban at itulak ito palayo sa kanya, ngunit ang kanyang taksil na katawan ay parang nananadya at kusang tumutugon dito. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib nito, at handa na siyang itulak ang binata palayo. Gayunpaman, sa kanyang pagtataka, ay parang may mga isip na dahan-dahang umakyat ang mga kamay niya mula sa dibdib nito hanggang sa batok at pumaikot ito doon.Napasinghap siya nang ibaba nito ang mga strap ng da
Ahas.Isang berdeng ahas ang nakita niya sa kanyang likuran at nakapulupot sa isang tuyong sanga ng punongkahoy at nakatanghod sa kanya. Isang galaw lamang niya ay siguradong tuutklawin nito ang likuran niya. Sanay siyang nakakakita ng mga ahas sa bukid nila. Iba't ibang klase ang mga ito. May makamandag, at mayroong hindi. At ang isang ito ay hindi niya sigurado kung may kamandag ba dahil naiiba ang kulay at itsura nito.Pero nagkaroon siya ng phobia noong makagat siya habang tinutulungan ang kanyang tatay na maglinis at magtanggal ng mga damo sa kanilang bukirin.Naramdaman niya ang init ng palad ng kamay ni Caleb sa likuran niya dahil sa higpit ng pagkakalapat nito, kaya naman sa paggalaw ng ulo ng ahas ay humarap siyang muli kay Caleb at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata at yumakap din dito. Mabilis nitong sinipa ang sanga ng kahoy palayo sa kanila, bago hinaplos ang kanyang likod habang hinahalik-halikan ang kanyang buhok."Are you okay?" He asked when he felt her body tr
For the past twenty-six years of his life, Caleb never felt out of control. Pero dahil lang sa isang babae---sa pinsan pa ng babaeng papakasalan niya ay halos mabaliw-baliw siya. Hindi lang isa o dalawa, kundi tatlong beses niya itong nakasiping.Hangga't maaari ay ayaw na niyang maulit pa ito, pero bakit hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ang dalaga? Kung tutuusin ay iisa lang ang mukha nito at ni Andrea, pero kapag tumitingin siya sa mga mata ni Nathalie ay ang inosente at magandang dilag na napagkamalan niyang katulong ang nakikita niya. Hindi na dapat siya sumunod dito nag lumayo ito sa grupo. He really shouldn't have allowed her to get under his skin like that. He felt pretty foolish for trying to protect her from that snake and ending up getting bitten himself.Sinundan niya ng tingin ang dalaga habang nagdadabog na naglakad patungo sa maliit na papag, at doon nga ay nahiga ito kahit na basang-basa pa ang mga damit nito.Umiling siya at saka tumayo, bago sumunod dito. Pi
Paglabas ni Caleb ng bahay ay nakita niya ang dalaga na naglalakad sa dalampasigan habang nakabuka ang dalawang kamay. Ninanamnam at sinasamyo nito ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat. Humupa na ang ulan. Ang araw ay sumikat na, pero hindi pa naman ito gaanong masakit sa balat dahil maaga pa.Napakaganda ng lugar. Ang kulay asul na tubig-dagat ay napakalinis, pati na rin ang puting buhangin na tinatapakan nila. Maririnig din ang huni ng mga ibon at ibang insekto sa paligid na para bang tuwang-tuwa dahil sa paghinto ng ulan.Hindi niya binigyang-pansin ang kanyang paligid, bagkus ay pinanood niya ang dalaga na ngayon ay parang batang tumatakbo sa dalampasigan. Ang hangin na isinasayaw ang kanyang buhok at ang kanyang dress na punit ang laylayan habang inililipad ng hangin ay nagbibigay ng inosenteng awra dito.He couldn't help but smile as he watched her play like a little girl while giggling. "Ang ganda!" Nathalie exclaimed as she ran around the beach while looking up at the blu
"Nathalie!" narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Adrian kaya naman isang ngisi din ang pinakawalan niya habang nakatingin sa kanya si Caleb, at patakbong sinalubong ang tiyuhin nito. Nang makalapit siya dito ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya. "Are you okay? I'm so sorry, akala namain nakabalik na kayo sa resort. Hindi kami nakabalik agad dito dahil sobrang lakas na ang ulan. Thank God, you're both safe.""It's okay, Adrian. Huwag ka nang mag-alala, okay naman ako," salamat sa pamangkin mo, inalagaan niya ako. Nais niyang sabihin ang mga katagang iyon pero nagpigil siya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tumingin sa singkit na mga mata nito. "Okay din naman si Caleb. Salamat at binalikan niyo kami.""Of course! Hinding-hindi kita papabayaan, Nathalie. Ako ang nagpumilit na isama ka dito kaya kargo de konsensiya kita. Hindi ako papayag na hindi balikan ang girlfriend ko sa isla na ito," pagkarinig sa salitang girlfriend ay tumawa siya at muli itong niyakap."Nath
Paglabas ng elevator ay magkahawak-kamay sina Adrian at Nathalie na pumasok sa restaurant ng resort. At least ngayon, panatag na siya at hindi na mangingiming humawak dito dahil may mahal naman pala itong iba. Hindi siya mag-aalala na baka tinitake advantage siya nito. Mukhang kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya, at ganun din naman siya."Wala pa sila," bulong niya habang patungo sila sa bakanteng mesa na ang tinutukoy nito ay sina Caleb at Andrea. "Baka may ginagawa pang milagro," nangingiting sabi nito bago siya ipinaghila siya ng upuan, at pagkatapos niyang umupo ay saka naman ito umupo sa tapat niya. "What do you want to order?" tanong nito habang kinakawayan ang waiter. Nagpalinga-linga muna siya, nagbabakasakaling makikita ang dalawa ngunit wala pa rin ang mga ito. "Pwede bang hintayin muna natin sila?" hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali dahil sa sinabi ni Adrian. Wala siyang karapatang magselos, pero bakit parang sasabog ang dibdib niya sa naisip na posi
"We're hungry and exhausted, and we almost died on the island, tapos ganyan pa ang iisipin mo sa amin?" mahina ngunit matigas ang pananalita niya habang kausap si Andrea. "Aren't you worried about your cousin? It looks like you're only worried about me, and I don't understand why.""Of course I do! I was worried about her as well! Hindi kami babalik sa islang iyon kung hindi ko siya inaalala. Besides, what would my parents think about me kung basta ko na lang siya papabayaan?" defensive na sagot nito. "At saka may boyfriend naman siya, at nangako si Adrian na aalagaan niya ang pinsan ko. So, we have nothing to worry about now."After hearing what Andrea said---na may boyfriend si Nathalie, which was his tito---napailing siya at saka huminga muna ng malalim bago lumabas ng elevator. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanyang kwarto at binuksan ito. Pumasok siya sa loob at huminto sa may paanan ng kama.Narinig na lamang niya ang pag-click ng lock ng kanyang pinto, at nakapamey
"Mr. Gutierrez, please arrange the chopper for me. Babalik na ako sa Maynila."Pagkatapos nilang maglunch nang hindi kasama si Nathalie ay hindi na mapakali si Caleb. Pakiramdam niya ay may kulang kapag hindi niya nakikita ang dalaga.Nagpahinga muna sila saglit sa kani-kanilang kwarto at hindi kinalimutang ilock ni Caleb ang kanyang pinto, para masigurado na hindi makakapasok si Andrea. He pretended to have fallen asleep and didn't answer when she heard her knock on his door."Ngayon na po ba, Sir? Pero malapit nang gumabi," sagot ng manager ng resort. "Hindi po ba masyadong delikado?"He glanced down at his wristwatch and saw that it was almost six in the afternoon. But he really needed to go back to Manila. He was really worried about Nathalie."Just do as I say, Mr. Gutierrez. Give me a ring once it's ready," he said before he hung up the phone.Naglakad siya papunta sa kanyang closet at nagsimulang ayusin ang kanyang mga gamit. Lahat ng importanteng bagay ay nilagay niya sa kanya
Habang busy ang mga Mondragon sa pagbibihis ay naiinis namang bumangon si Nathalie mula sa pagkakahiga sa kama dahil sa ingay ni nililikha ng mga ito mula sa taas. Dinig na dinig niya ang pagsigaw ni Andeng at ang pagpadyak ng takong ng sapatos nito. "Mommy, I need help! Alin ba dito ang susuotin ko? Help me choose which one is better, please?"Pabagsak na nahiga siyang muli sa kama at tinakpan ng kumot ang kanyang mukha, pero dinig pa din niya ang ingay ng mga ito mula sa first floor. Naiinis na bumangon siya at nagtungo na lang sa banyo para maligo. Kailangan lumamig ang ulo niya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at pagsabihan ang mga ito.Actually, may pasok siya sa school ngayong araw. Namili siya ng mga gamit noong linggo, at noong lunes nga ay ang unang araw ng klase niya. Sabado na ngayon pero may klase pa rin siya, at pinili niyang hindi pumasok. Binabalak niya kasing pumunta sa birthday party ni Mrs. Lopez kahit na hindi siya imbitado.Alam niyang ayaw din siyang pap
Isang oras pagkatapos ng kababalaghang ginawa ng mag-asawa ay nakalabas din sa wakas si Nathalie sa kuwarto ng mga ito. Hindi na muna niya kinuha ang urn dahil malalaman nila na pumasok siya sa kuwarto ng mga ito ng walang paalam kapag nakita nilang nawawala ang urn.Pagdating sa baba ay mabilis na nagpunta siya sa kusina at kumuha ng mga pagkain sa ref. Maghapon siyang walang kain kahapon, at ngayon lang ulit niya naramdaman ang pangangalam ng sikmura. Ilang oras na lamang ay magigising na ang mga katulong para magtrabaho. Butbit ang isang karton ng fresh milk, isang balot ng tinapay at isang apple ay nagmamadaling bumalik sa kanyang kuwarto si Nathalie, at doon nga ay kinain niya ang mga kinuha sa ref. Habang nagpapababa ng kinain ay naglinis siya ng kuwarto. At nang mapagod ay nakaramdam siya ng antok, kaya humiga na siya sa kama at natulog.********Dumating na ang pinakahihintay na kaarawan ni Mrs. Lopez at ang mga tauhan sa malaking bahay ng mga ito ay naging busy sa paghahanda
Inunang chineck ni Nathalie ang walk-in closet ni Andeng at isa-isa niya itong binuksan. Hinawi niya ang mga damit nito na nakahanger at pinagbubuksan ang mga drawer nito. Tinignan niya din kung nasa taas ba ito, pero wala siyang makita ni anino ng urn.Pagkatapos niya sa mga damitan nito ay sa lagayan naman ng mga sapatos siya nagcheck gamit ang flashlight ng cellphone, pero negative pa rin. Dumapa siya at naghanap din sa ilalim ng sofa at mesa sa loob ng kuwarto, pati na rin sa ilalim ng kama nito, pero wala talaga. Tatayo na sana siya mula sa pagkakadapa nang bigla niyang marinig na may nagbubukas ng pinto ng kuwarto. Agad niyang pinatay ang flashlight, at mabilis na gumulong siya sa ilalim ng kama para magtago.“Andrea?” boses iyon ni Daphne. “Andrea, what are you doing? Gabing-gabi na, ano na naman ang kinakalikot mo? Ang ingay-ingay, hindi ako makatulog.”Pero walang sumagot dito, kaya pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Andeng, at napatakip naman siya sa bunganga niya habang si
Nabigla man si Nathalie sa ginawa ni Andeng sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi siya magpapatalo dito kahit nakaharap pa ang mga magulang nito.Mabilis na iwinasiwas niya ang kanyang bag at nasapol sa mukha ang pinsan, dahilan para mabitawan nito ang buhok niya, bago buong pwersang itinulak ito, at malalaglag na sana siya sa hagdan pababa sa basement kung hindi lang ito nasalo ni Tonyo na mabilis na tumakbo papunta sa kanila."Andrea!" nanlalaki ang mga matang sumugod din si Daphne at mabilis na niyakap ang stepdaughter pagkatapos itong mailigtas ni Tonyo. "Are you okay, sweetie? Oh my God, muntikan ka nang mahulog!""No, mommy, I'm not okay! Look at my face, it hurts!" Itinuro nito ang mukha na tinamaan ng kanyang bag at saka ito umatungal ng iyak at yumakap sa mag-asawa."Kung may gusto kang malaman sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Caleb, siguraduhin mo muna na marunong kang makipag-usap ng maayos at maging mabait sa akin!" pag-ismid niya dito, bago taas ang noong iniwa
Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it
Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau
Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta
Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang
Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang