“I only needed to be married to you for three months. Pero hindi ibig sabihin noon ay aasta kang asawa ko, because I will never treat you as one.” Akala ni Jyla ay wala nang mas lalala pa sa buhay niya sa selda at ang sunod-sunod na trahedyang napagdaanan niya, not until Zion Calvino, a sociopathic bastard, bailed her out. Nagkanda letse-letse na nga ang buhay niya simula nang mag-krus ang landas nila at kailangan pa niya itong pakasalan at pakisamahan bilang asawa sa loob ng tatlong buwan kahit gaano pa sila nasusuklam sa isa’t isa.
view moreZionHalos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang ipahanap ni Zion ang dalaga sa mga tauhan niya. Ang akala niya nagkamali talaga siya sa paghusga sa dalaga. Tapos ngayon malalaman niyang sa bar na nilalagi niya lang pala ito matatagpuan. He had really underestimated her masterful deceits.“Mr. Calvino, what’s going on?” nanginginig na tanong ng bar manager sa kanya. “How long has she been working here?” usisa niya sa lalaking halatang nangangatog sa presensya niya. “Isang buwan na rin po siya halos dto, Mr. Calvino.” Zion smirked at the realization. Isang buwan na rin simula ng tumakas ang dalaga sa pamamahay niya.Palabas lang talaga ang ginawang pagtakas nito.***JylaPunung-puno ng inis si Jyla kay Zion. Bakit ba napakaliit ng mundo.“Pakawalan mo ako, o tatawag ako ng pulis,” babala niya kay Zion. “Show some respect, Roxanne,” naiinis na sita sa kanya ng manager. “He’s our most esteemed guest.”Makahulugan siyang tiningnan ni Zion at saka itong nakakairitang ngumisi.
Zion“What?” lukot na lukot ang mukhang tanong ni Zion sa katulong. Naggpunta silang banyo at maabiliis niyang napansin ang nakasulat sa salamin na malalaking mga letrang kulay pula. I AM NOT MARRYING YOU! OVER MY DEAD BODY!Hindi maitatatwa ni Zion na seryosong-seryoso ang pagka-disgusto ng babae sa kanya base nga sa madugong pahayag nito na siyang kinagulat niya. Nagkamali nga lang kaya siya ng hinuha tungkol sa babae?“Find her. Hindi naman ‘yon basta-basta makakatakas!” Ayaw niyang mamatay ang ina niyang malungkot.***JylaPanay sugat at galos ang inabot ni Jyla sa pagtakas niya sa mansyon na iyon, lalo pa’t puro matitininik ang mga baging at iba pang halamang nakatanim sa gubat palabas ng kabundukan na iyon. Pero ang mga iyon din ang mga nakakapitan niya sa mga pagkakataong nawawalan siya ng balanse at muntik nang mahulog sa kanyang kamatayan dahil sa tarik ng landas pababa ng bundok. Muntikan pa nga siyang mahuli ng mga alagad ni Zion, mabuti na lang at nakapagtago siya sa
Jyla“You heard me,” turan ni Zion nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Jyla. Patagong nilamukos ni Jyla ang dulo ng suot niyang puting T-shirt na halos naninilaw na. “Kung joke man ‘to, Mr. Calvino, hindi nakakatawa.” Napapihit ng tingin sa kanya ang lalaki, nag-iigting ang panga. “Hindi ba ito ang gusto mong mangyari?” Agad na nagbawi ng tingin si Jyla matapos makita ang pagtiim ng bagang ng lalaki pero mabilis nitong sinapo ang pisngi niya at pwersahan nitong hinarap ang mukha niya rito. Noon lang napansin ni Jyla ang angking kagwapuhan ng lalaki. His fair angular face was emphasized by the dark stubbles on his chin. Di hamak din na mas de-kalidad ang suot nitong suit.Masyadong malayo ang estado nito kumpara sa kanya na ilang araw nang walang ligo at suklay. So bakit bigla itong mag-aaya ng kasal out of nowhere?At saka lang napansin ni Jyla ang nakamamatay nitong mga titig sa ilalim ng suot na salamin. She let out a smirk habang malumanay na inalis ang pagkakahawak n
Halos dapit-hapon na nang maglakad palabas ng bilangguan si Jyla dahil pansamantala siyang nakapagpiyansa ng isang araw. Tangan ang isang papel na may nakasulat na address, sumakay siya ng kotse na nakaparada malapit sa gate ng piitan. Madilim na nang dumating sila sa tapat ng isang malaking mansyon na nasa kalagitnaan ng malawak na hacienda, halos paakyat na ng bundok.Nilapitan siya ng gatekeeper at iginiya siya nito sa isang kwarto sa loob ng mansyon. Pagpasok ni Jyla sa kwarto ay nalanghap niya agad ang masangsang na amoy ng dugo sa loob. Wala siyang maaninag kahit na ano kaya naman ganun na lamang ang gulat niya nang yapusin siya ng malalakas na mga braso.Dumampi pa nga sa mukha niya ang mainit na hininga ng lalaki. “Paligayahin mo ako sa mga huli kong sandali, baby.” Baby? Hindi mapigilan ni Jyla ang mapaluha sa narinig. “M-may sakit ka?” nanginginig na tanong ni Jyla sa lalaki. Nakaramdam siya bigla ng takot. “Bakit?” nanunuyang sagot ng lalaki. “Nagsisisi ka na bang p
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments