Share

Chapter 9

Author: Lexa Jams
last update Huling Na-update: 2024-11-17 23:34:11
Hindi maipaliwanag ni Jyla ang lungkot na bigla niyang naramdaman nang makita si Zion.

She was prepared for the fact na marami nga sigurong babaeng magkakandarapa kay Zion dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay ubod nang gwapo ito at mayaman pa. At ang tanging dahilan lang naman ng kasal nilang dalawa ay dahil sa huling hiling ni Zoey.

Pero bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo ay si Gabby pa talaga ang girlfriend nito? Para bang sinasadya talaga ng pagkakataon. Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay nang masaya samantalang siya, sunod-sunod na trahedya ang dinaranas. May criminal record na nga siya at walang trabaho. Tapos ngayon ay buntis pa siya, ni hindi man lang niya kilala ang ama ng dinadala.

Hindi niya mapigilan mangliit habang tinitingnan ang perpektong magkapares sa harapan niya.

So wala talagang mga kukuning litrato. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ng mga ito ngayon ay para ibalandra sa kanya ang lalaki.

Ngumiti siya nang mapakla kay Gabby. “At t
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 10

    Hindi makapagsalita si Jyla dahil sa tinuran ni Gabby. Gustong-gusto na nga niyang tawirin ang mesa at kalmutin ang mukha nitong puno ng make-up pero nagtimpi siya dahil baka kung saan pa humantong ang pisikalan nila kapag sinimulan niya. Masasaktan lang ang anak niyang nasa sinapupunan. Nginitian na lang niya ang impaktita at sumagot. “Why are you so interested? Na-miss mo bang magka-customer?” Gabby chuckled. “Concerned lang naman ako. Mamaya kung ano pang sakit ang makuha mo sa mga customer mo. Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sa pamilya na nagpalaki sa ‘yo, hindi ba?” Dahil sa tindi ng eksena sa pagitan ng dalawa, wala nang nakapansin na nagngingitngit na sa galit si Zion habang tinititigan si Jyla. Walang ano ano ay mariin nitong binagsak ang kubyertos sa pinggan at saka dinampot ang susi ng kotse na nasa mesa lang din. “Babe?” nagtatakang tawag ni Gabby dito. “Galit ka ba?” Bakas na sa mukha ng dalaga ang pag-aalala sa inaasal ng lalaki. “I don’t want my name to get s

    Huling Na-update : 2024-11-17
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 11

    “What?” Gusot na gusot ang mukha ni Zion sa narinig. “Bigyan mo ako ng singkwenta mil. Hindi ko na sila guguluhin, promise,” kalmadong saad niya. Tinaas pa talaga niya ang kanang kamay bilang panata. Hindi mapigilan ni Zion ang matawa sa tindi ng disgusto na nararamdaman para sa babae. Ibang klase talaga ang isang Jyla. “Was it just yesterday? Noong sinabi mo sa ‘kin na hinding-hindi ka na hihingi sa ‘kin ng pera? You are so shameless,” nanggigigil na pahayag ni Zion sa babae. Medyo sinariwa ni Jyla ang mga ala-ala pero hindi niya matandaan ang sinasabi nito. “Ikaw na ang nagsabi. Ibang-iba nga ako kay Gabby ‘di ba? Sa tingin mo ba may katiting pang hiya na natitira sa ‘kin?” Hindi talaga makapaniwala si Zion sa babae. “You think because I got you out of jail hindi na kita kayang ibalik doon?” Batid ni Jyla na hindi na uubra kay Zion kung magpapabebe pa siya. Pero magpapatalo ba siya? Kung hindi niya ito makukumbinsi ngayon, paano na ang katawan ng nanay niya? “You think

    Huling Na-update : 2024-11-18
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 12

    Nakaramdam ng lungkot si Jyla nang marinig ang balita. Oo, legal nga silang kasal ngayon ni Zion kahit daig pa nila ang dalawang estranghero. Pero ang tunay na nilalaman ng puso ni Zion ay ang mortal niyang kaaway. Gabriella Palencia. Masayang lumapit si Beth sa asawa, at talagang kinuha pa nito ang kamay ng huli. “Totoo ba? Bibigyan niya talaga ng engagement party ang anak natin? Hindi ba natin kailangang makita muna ang pamilya ni Zion? Talaga bang okay lang sa kanila na ampon lang si Gabby?” sunod-sunod na tanong ni Beth. Lalo namang nakaramdam ng pagkalungkot si Jyla nang marinig ang salitang ‘ampon.’ Dalawang taon si Gabby nang ampunin ito ni Rolly at Beth. She instantly became the apple of their eye. Habang si Jyla ay labindalawang taon na nang mapilitan siyang lumipat sa bahay ng mga Palencia na nagsilbi nang impyerno niya, mas malala pa sa buhay niya sa piitan. Kung tutuusin mas tinrato pa siyang tao doon, kesa sa bahay na ito. Saan ba siya nagkamali? Bakit ganoon na l

    Huling Na-update : 2024-11-19
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 13

    Sobrang gulo ng kwarto ni Jyla. At ang malupit pa, wala rito ang dalaga. Pumasok si Zion sa loob ng kwarto at tinignan ang mga damit ni Jyla na nagkalat sa higaan at ang iba ay nasa sahig pa. Halos mukhang basahan pa nga ang lahat. Nakabukadkad ang maleta ng babae, akala mo ay pinasok ang kwarto ng magnanakaw. ‘Where the fuck is she? Did she just run away with my money?’ Kumukulo ang dugo ni Zion sa mga naiisip. Agad na kinuha ni Zion ang susi ng kotse at pinuntahan ang ina sa ospital. Ngunit wala rin doon ang babae. Tinawagan ni Zion si Jyla, nanggagalaiti na sa galit. Jyla could mess with him, but not his mom! Isang ring lang at sinagot agad ni Jyla ang tawag. “Hindi muna ako dumaan sa mama mo. May importante lang ako nilakad.” “Nasaan ka?” nagtitimping turan ng lalaki. “Actually, nasa construction site ako. Meron kasi akong—” Hindi na siya pinatapos ni Zion at nagsalita ito. “I’ll send you an address. Malapit lang ‘yon sa ospital so you better come right away! After I

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 14

    Bahagyang nabighani si Jyla sa ganda ni Gabby. Saka lang din sumagi sa isip niya na ngayon nga pala ang engagement party ni Gabby at Zion, ayon nga sa tiyuhin niya noong pumunta siya sa mga Palencia noong nakaraan. Nagningning bigla ang dyamanteng kwintas ni Gabby at napansin ni Jyla na may mga dyamante rin ito sa magkabilang tenga. Meron ding tiara na gawa sa bulaklak sa ulo ng babae. Kahit sino talaga ay aakalain na isa itong diwata. Mukha itong bida, kaya hindi niya maiwasang maghinanakit. Ano ba ang ginagawa niya rito ngayon? Tinignan niya ang sariling damit. May mga bakas pa nga ng semento sa puti niyang t-shirt, tapos ang itim niyang palda ay puro rin himulmol. Akala mo tuloy ay mamamalimos siya ng pagkain. Ano bang naisip ni Zion at bakit pa siya nito inimbitahan? Anong connect niya sa engagement nito? O, hindi kaya pinapunta lang siya nito ngayon para pagmukhain siyang tanga? Nakaramdam tuloy siya bigla ng pagkayamot. Pero kahit na napupuno ng inggit ang puso niya ay k

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 15

    Lalo namang nanlaki ang mga mata ni Jyla sa narinig. “Wedding dress?” Kahit pa iniisip muna niya madalas ang mga sasabihin niya, hindi niya maiwasang ibulalas ang gulat kapag si Zion ang kausap. At isa pa ay ang sobrang presko nitong itsura ngayon. He looked so damn good in white suit. At iba rin ang pagkaparte ng buhok nito. Shit. Ano bang naiisip niya?“You know what’s one of the things I hated the most? Waiting. Kanina pa ubos ang pasensya ko.” Mahigpit ang hawak ni Zion sa kamay ng asawa habang inaakay ito papunta sa kung saan.Sa likuran nila ay medyo natataranta na si Andrew kahit kanina pa ito pinakawalan ni Zion. Kasi naman, nagmagandang loob lang naman itong ihatid si Jyla rito, tapos nadamay pa ito sa kung anong gusot ng buhay ng dalaga. At konektado pa pala ang babae kay Zion Calvino. Sapo ang noo, tinawagan ni Andrew ang kaibigang si Dylan na agad namang sumagot. “Dude! I’m so fucked!” halos maiyak na balita ni Andrew sa kaibigan. Natawa na lang si Dylan sa usal ng kai

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 16

    Halatang bagong-ligo si Jyla at mamasa-masa pa nga ang buhok niya. Hindi na rin niya suot ang mukhang basahan niyang mga damit, at imbes, suot na niya ang mahaba at strapless na corset A-line wedding gown. Abot talampakan ang bestida, pero may slit ito sa kanang parte ng hita niya, kaya naman kita ang haba at pagka-slim ng binti ni Jyla, maski ang suot niyang takong na puno ng crystals na lalong nagpatangkad sa babae. Dahil inuna nga nila ang pagsuot ng gown, hindi pa siya naaayusan ng glam team niya na may limang tao. Hindi maiwasan ni Zion ang mamangha nang bahagya kahit wala pang make-up si Jyla. Masyado kasing natural ang ganda ng dalaga. And it felt like she didn’t even know how to flaunt her beauty or use it to tame him. May kung anong damdamin ang rumagasa sa puso ng lalaki noong mga sandaling ‘yon, lalo pa at tinapunan ni Jyla ng malamig na tingin ang huli. Pero syempre, hinding-hindi nito ipapahalata ‘yon. “Explain why I had to waste my time waiting for you,” biglang naii

    Huling Na-update : 2024-11-20
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 17

    Kaagad na naintindihan ni Jyla ang lahat. It was never Zion. Si Zoey talaga ang may pakulo ng kasalang ito. Kaya pala sabi nito noong nakaraan ay may sorpresa ito para sa kanya. May kung anong init tuloy ang bumalot sa puso niya. Kaya kahit anong pagkasuklam niya kay Zion ay patuloy pa rin siyang nagtitiis sa relasyon para lang kay Zoey. Ito na lang kasi ang natitirang kaibigan at pamilya niya. Kaya naman gagawin niya ang lahat nang walang pag-aalinlangan, mapasaya lang ang matanda. “Salamat, ma,” maikli niyang sambit dahil namamasa na ang mga mata niya. Umakto siyang pinapaypayan ang mukha para hindi matuloy ang luha. “Ito na po yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Salamat.” Ibinida niya bigla ang suot niyang gown at hinawakan sa magkabilang gilid at talagang nag-pose pa siya na parang model. “Ganda ko po ba?” may pagmamalaking aniya habang nakangiti nang pagkatamis. “My lovely groom bought this for me.” Ilang beses siyang pinasadahan ng tingin ni Zoey mula ulo hanggang paa.

    Huling Na-update : 2024-11-22

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 111

    Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 110

    JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 109

    JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 108

    Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 107

    ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 106

    JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 105

    Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 104

    Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 103

    Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status