Ang lalaking kausap ni Gabby sa kabilang linya,na kilala sa pangalang Tope, ay pinuno ng isang maliit na sindikato sa Maynilana mga nagsimula lang bilang kawatan. Sa lalaki nga nanggaling ang drogang pinainom nila Gabby kay Jyla para patulugin ito noon. Si Tope rin ang nagtanim ng ebidensya sa dalagang walang malay. Kung dati ay gusto ni Gabby na makitang naghihirap si Jyla, ngayon ay gusto na lang ni Gabby na burahin ang presensya ng mortal na kaaway. Ayaw sana ni Gabby na magkaroon pa ng problema sa napipintong kasal kay Zion pero hindi na makapaghihintay pa ang dalaga dahil sa tindi ng galit at selos na nadarama. “Sampung milyon,” mabilis pa sa kidlat na sagot ni Tope. Napamaang si Gabby sa narinig. “Sampung milyon? Ang tindi mo naman! Parang hindi tayo magkakilala, ah?”Natawa si Tope sa kabilang linya. “Gabriella… alam ko naman kung sino ang gusto mong ipaligpit. Gusto mo pahirapan ko pa siya sa harapan mo? Para maibsan naman ‘yang galit mo. Madami akong bata dito na tigang na
ZionSalubong ang kilay na pinagmasdan ni Zion ang asawa. Ano ang ginagawa nito rito sa kwarto niya? Parang gusto na naman tuloy manakit ni Zion noong mga oras na ‘yon. Pagkatapos ng pagsasalo-salo nila kanina ay bigla siyang pinatawag ng nobenta’y sais anyos na lolo niya na si Manuel Calvino, ang dating Chairman of the Board ng kumpanya sa loob ng apatnapung taon. Kahit pa matagal na itong nagretiro sa trabaho ay ma-awtoridad pa rin ang matanda at kinatatakutan at sinusunod pa rin ng lahat, kahit ni Zion. Lagpas isang buwan na rin noong napasakamay ni Zion ang pag-aari ng kumpanya sa tulong nga ng matanda, kaya hindi alintana sa matanda ang pagiging brutal niya. Dahil marami siyang pinatanggal na mga tauhan ng kumpanya, ang karamihan ay ginamitan pa nga niya ng dahas. Kaya naman pinagsabihan siya nitong huwag nang guluhin pa ang iba pa nilang kapamilya na sumuko na sa kanya, at nangako naman ang matanda na hindi na nito pakikialaman pa ang pamumuhay niya, mapa-personal man o tun
Mariing napapikit si Jyla nang dumampi ang mainit na hininga ni Zion sa kanyang pisngi. Hindi yata’t handa na siya kahit ano pang klase ng pagpaparusa ang gawin nito sa kanya. After all, it was their honeymoon night. “The next time I see you in here, hihilingin mong sana pinatay na lang kita,” malamig na babala sa kanya ng lalaki. Binuka niya ang mga mata at paulit-ulit na kumurap-kurap rito sa magkahalong pagtataka at panghihinayang. Tumango na lamang siya rito bilang sagot. Binitiwan din siya agad ng lalaki at saka naglakad papunta sa mesang katabi ng higaan nito at saka kinuha ang pulseras na nilapag niya roon. “Keep this. Alam mo naman siguro kung anong mararamdaman ni mama kapag nakita niyang hindi mo suot ‘yan.” “Sabagay,” matipid niyang sagot bago siya napalunok. Oo nga pala, para tuloy siyang tanga. Saka naman walang kahirap-hirap na binuksan ng lalaki ang pintuan nitong halos wasakin na ni Jyla kanina lamang. Tinignan lang siya nito nang malamig bilang hudyat na lumaba
Kahit pa takot na takot na si Jyla para sa buhay niya at ng batang dinadala niya, hindi niya mapigilang irapan si Gabby dahil sa sinabi nito. Para saan pa na malaman niya ang tungkol sa ama ng dinadala kung patay na rin naman ito? Kahit alam niyang alam ng mga Palencia ang totoong katauhan ng lalaki ay hindi niya kinulit ang mga ito. Sigurado naman kasi siyang kung hindi sumisipsip ang mga Palencia sa lalaking ‘yon, paniguradong may kinalaman ang mga ito sa pagkamatay nito. Ayaw na niyang guluhin pa ang isipan. Isa pa ay mamamatay na rin naman siya ngayon. Para saan pa?“Ayoko,” mabilis niyang sagot kay Gabby. Inarko pa nga niya ang kilay dito para mang-inis. Isang malutong na sampal sa pisngi niya ang pinakawalan ni Gabby dahil sa asar nito sa sagot niya. “Talaga ba? Then, I guess I’ll have to tell you, kahit ayaw mong malaman. Para habangbuhay kang magdusa at hindi matahimik kahit nasa kabilang buhay ka na,” singhal nito. Hindi na umimik si Jyla. Siya pa talaga ang hinamon nit
Nangangatog ang buong katawan ni Jyla habang nakapulupot sa leeg ni Zion ang mga braso. Alam niyang likas na arogante at antipatiko ang lalaki, pero kung tutuusin ngayon lang niya nasaksihan kung paano ito maging bayolente.Pero bakit naman niya kokonsensyahin ang sarili? Tama lang ang nangyari sa mga taong ‘yon. Ang hindi lang niya matanggap, bakit hindi man lang naparusahan si Gabby na siyang may pakana ng lahat ng ‘yon. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan si Gabby habang palabas na sila ni Zion. Talagang nginisihan pa siya nito na parang ito ang nagwagi kahit halos saktan na ito ni Zion kanina. Sinarili na lang niya ang hinanakit. Sa halip, dapat nga magpasalamat pa siya sa lalaki at kinaawaan siya nito. Pero hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas at ng lakas ng loob para lalong higpitan ang pagkakapulupot ng mga kamay niya kay Zion. At sinigurado niyang nakita ni Gabby 'yon. Kaagad na dinala ni Zion si Jyla sa ospital. Ayon sa doktor ay wala silang dapat ipag-alala da
“Sorry po, ma.” Tumulo na nga sa kumot ni Zoey ang mga luha ni Jyla. “Nagka-emergency business trip kasi kami. Kinailangan naming puntahan ‘yong isang construction site noong isang gabi, late na kami nakauwi,” pagsisinungaling pa niya. “Bakit ka ba sorry nang sorry, anak? Kasalanan ko naman ito. Masyado nang mahina ang katawan ko. Hindi ko nga alam kung gigising pa ba ako kinabukasan kung matutulog ako ngayon,” medyo paos na sagot ni Zoey. “Huwag mong sabihin ‘yan, ma. Sobrang malulungkot po ako. Ayaw kong isipin na iiwan mo ako. Wala na po akong natitirang kamag-anak o kahit kaibigan man lang. Ikaw na lang ang meron ako. Huwag mo akong iwan, ma,” humihikbing pakiusap ni Jyla sa biyenan. “Anak, hinding-hindi ka naman mag-iisa. Makakasama mo naman si Zion hanggang sa pagtanda niyo.” Lalo lang naiyak si Jyla sa sinabi nito. Hindi na iniwan ni Jyla ang matanda sa higaan kahit pa kailangan din niyang magpahinga. Tuluyan na nga niyang nalimot ang pasakit na inabot kanina. Sinikap niyang
Zion Lalo pa ngang lumakas ang ulan na sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat. Dali-daling kumuha ng payong si Zion at lumabas ng kwarto. Pero natigilan siya nang madaanan ang kwarto ni Jyla. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga impit na pag-iyak ng dalaga. Gusto niyang buksan ang pintuan para yakapin at patahanin ito, and maybe do more. Dahil una sa lahat, kailangan din niyang palisin ang sakit at kalungkutan na nadarama. Hinawakan niya ang doorknob, akmang bubuksan na sana ang pintuan, but he couldn’t. Sa halip, halos durugin niya na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kung meron mang numero unong nanakit kay Jyla, siya ‘yon. He was her main perpetrator. At batid niyang siya ang dahilan kung bakit nagawa ni Gabby na saktan si Jyla. He didn’t deserve to be comforted. At wala siyang karapatang i-comfort ito. Iyon lang at iniwan na ni Zion ang kwarto ng dalaga at bumaba para komprontahin si Gabby. God knew how much he wanted to destroy that bitch, but he couldn’t afford some
ZionAng tawag na iyon ay galing sa lolo ni Zion na si Manuel Calvino. “Dahil nasa kamay mo na ang kumpanya ng pamilya natin, may mga mabibigat kang responsibilidad, Zion. Your grandmother and I will be hosting a matchmaking party for you. You need to find a woman of great caliber. I hope hindi magiging problema ito sa peke mong asawa ngayon.” May pagkadominante pa ang pag-uutos ng matanda sa apo. “Daughters from eligible fa—”“I’m not going,” mabilis na pagtutol ni Zion sa matanda. Hindi pa nga tapos ang kontrata nila ni Jyla. Isa pa ay ikakasal na rin siya kay Gabby. Medyo huminahon ang tinig ni Manuel sa kabilang linya, na para bang nagpipigil ng pasensya. “Do not hang up on me yet. Makinig ka muna sa sasabihin ko.”Medyo ngumiwi si Zion dahil nga puputulin na rin sana niya ang tawag. “Nakikinig ako, lo.”“You know I’m already ninety-six. Gusto ko pang makita kang ikasal, at kung papalarin, gusto ko ring maabutan ang mga apo ko. I’ve invited the best daughters from the most promin
ZionNapansin ni Zion ang mahigpit na pagkuyom ng kamao ni Gabby. Her slightly long nails that were painted white dug into her flesh. Despite that, magalang pa rin siyang tiningnan ng babae. “I’m sorry, Zion. I’m sorry dahil gusto kitang makita araw-araw. Alam kong ayaw mo sa ‘kin, na napipilitan ka lang sa ‘kin, pero ano bang magagawa ko? Mahal kita eh.” Halos masuka si Zion sa sinabi ng babae. He was so giving and so patient with her. Pilit niyang ignorahin lang ito dahil ayaw niyang mawalan ng respeto rito at pagbuhatan ito ng kamay. Pag ito talaga hindi pa umalis….“Zio—” magsisimula sana itong muli, pero hindi na niya natiis at sinakal na niya ito.“Paulit-ulit tayo, Gabriella! Saang parte ba ng pakakasalan kita ang hindi mo maintindihan? Do you really have to fucking disgust me every single day?” Namayani ang takot sa mga mata ng dalaga habang tinitingnan siya. Unti-unti na ring nawawalan ng kulay ang mukha ni Gabby. “Zion, sorry,” naluluhang pagmamakaawa ni Gabby sa kanya
“Alam ko ang mga dapat kong gawin at hindi, Zion,” aniya, mas kalmado sa nauna niyang sinabi. Pagkasabi ay umiwas na siya ng tingin sa lalaki at naglakad pabalik sa pintuan. Wala naman siyang utang sa lalaki, kung tutuusin. Kayang-kaya naman nitong ibawas ang inutang niyang singkwenta mil doon sa magiging alimonya niya sakaling maghiwalay na sila. Lahat naman ng ginawa ng lalaki ay para sa nanay nito. Hindi naman siya niligtas nito at inalagaan dahil gusto nito. Napipilitan lang si Zion na gampanan ang tungkulin nito bilang asawa niya dahil nga kailangan siya ng ina nito. Kaya walang saysay na umakto siyang mabait kay Zion. Isa pa ay alam naman na nito ang mga baho niya. Mabuti pang magpakatotoo na lang siya sa sarili at alagaan si Zoey hangga’t pwede. Hinintay niyang makarating si Zion sa pintuan saka niya ito inismiran. Then she took his hand and laced his fingers with hers, saka niya marahang hinila ang lalaki papasok sa loob. Zion wasn’t ready for that, kaya bahagyang nanlaki
ZionMay gumuhit na galit sa mukha ni Zion habang pinapanood niya ang wagas na pag-ngiti ng asawa kay Andrew. He was itching to wipe off that smug look on that bastard’s face, na para bang siguradong-sigurado itong may gusto si Jyla rito, pero hindi na lang siya nagsalita. Bumaba lang siya ng sasakyan nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Andrew at nang makitang pumasok na sa ospital ang asawa. Bumaba na rin ang assistant niyang si Johann sa driver’s seat matapos igarahe ang sasakyan. “Kotse po yata ni Sir Andrew ‘yon?” pagpapaalam ni Johann sa kanya. “Binisita yata si Ma’am Zoey.”Hindi naman napansin ni Johann na bumaba ng sasakyan ni Andrew si Jyla. Mukha hindi rin nito napansin ang matamis na ngiti na ginawad ni Jyla kay Andrew at maging sa kasama nito. “That's complete bullshit,” sagot niya kay Johann. Wala naman kasi sa mga kamag-anak niya ang tumuring sa nanay niya na bahagi ng pamilyang ‘yon. Pero rinig niya kanina na tinawag ni Andrew na tita ang nanay niya. It was e
Jyla Napansin naman ni Andrew ang pag-aalinlangan ni Jyla. “Take it. That’s just merely ten thousand. Baka nga hindi pa yan kasya sa presyo ng camera, but at least, mababayaran mo na kahit kalahati, and makakamenos ka pa sa rental fee.” Hindi pa rin kumbinsido si Jyla sa sinabi ng amo. Napalingon si Andrew sa likod at nagtama ang mga mata nila ni Jyla. “What? Akala mo ba bibilhin ko ang kaluluwa mo sa halagang sampung libo? Huwag kang mag-alala, you can just pay me back sa sahod mo. And for your information, I don’t like you, okay?” “Take it already. Nangangawit na ako,” utos nito sa kanya. Mabilis na binalik nito ang mata sa kalsada Namula ang mga pisngi ni Jyla dahil sa kahihiyan bago niya kinuha ang pera rito. “Salamat, sir.” For some reason, hindi man lang siya naapektuhan ng pang-iinsulto nito, kumpara sa sinabi ng asawa kahapon sa kanya. Mas mabuti pa nga si Andrew at tinutulungan siya, financially, hindi gaya ng madamot niyang asawa. At mabuti pa si Andrew hindi siya pin
Napansin ni Jyla na mayroong katabing lalaki si Andrew sa sasakyan. Nagtama ang mga mata nila ng hindi pamilyar na lalaki at bahagya itong tumango na para bang binabati siya. May sumilay pa ngang ngiti sa mga labi nito.He looked like a nice guy, pero since kaibigan ito ni Andrew, sa malamang ay kaugali rin ito ng amo niya. “Okay lang ako, sir. Hindi naman mahirap sumakay ng bus dito,” umiiling na pagdadahilan niya sa lalaki. “Ano ka ba? Hindi naman nangangain ‘tong kasama ko. Si Dylan lang ‘to. Bespren ko!” biro pa nga ni Andrew. “Alam kong masyado kang naging busy ngayon dahil first day mo rito. But trust me, it will get better. Kaya sumakay ka na. Ihahatid na kita pauwi.” Napabuga muna si Jyla bago siya pumasok sa sasakyan ni Andrew. Balak sana niyang manahimik lang pero tiningnan siya ni Dylan bago ito nagsalita. “Hello, Mrs. Calvino. I have heard a lot about you from Andrew. I’m Dylan Sanchez, by the way.” “Jyla. Tawagin mo na lang akong Jyla,” pagtama niya rito. Una sa laha
Tutal ganun naman talaga ang buhay. Lagi siyang nasa ilalim at tinatapak-tapakan lang na parang langgam, lagi siyang pinaglalaruan. Wala siyang kakampi tapos ay wala rin siyang pera. Kaya tatanggapin na lang ni Jyla ang kapalaran niya. Pagod na pagod na siyang lumaban. Hinayaan na lang niyang gapusin ni Zion ang dalawa niyang kamay. Then she looked him in the eye. She realized how she wished he’d look at her differently, na hindi puno ng galit ang mga matang pinupukol nito sa kanya, na kung hahalikan man siya nito ay mararamdaman niya ang pagmamahal nito. Gusto tuloy niyang maiyak, pero siguro mamaya na lang, kapag tapos na ito sa gusto nitong gawin sa kanya. Suddenly, the corner of his lips curled into a sneer. Bigla itong bumaba ng sofa and he glared at her, his eyes were full of contempt. “I’m sorry to tell you, but you are never qualified to be my whore. I would never sleep with someone like you, but that doesn’t mean you are free to fuck someone else. Habang may isang buwan p
Napaatras si Jyla sa takot at pagkalito. The fucking darkness just reminded her of that night. And Zion’s deep and haunting voice… Bakit parang may pagkakapareho? Ang masakit lang ay hindi niya man lang namukhaan ang lalaking nakauna sa kanya. Umiling-iling siya at iwinaksi ang iniisip. The moment her eyes adjusted to the darkness, she calmed herself down and switched on the dim lights. Nakita niya ang pigura ni Zion na nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Nakita rin niya ang isang hindi nakasinding sigarilyong nakaipit sa mga labi nito. Lukot ang buong mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Siya kaya ang tinatawag nito? Siya kaya ang hinihintay nito?“Bakit nan—” Itatanong sana ni Jyla kung bakit gising pa ang lalaki, kung bakit narito ito? Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap si Gabby, pero mukhang wala na roon ang dalaga. Kitang-kita na ni Jyla ang poot sa mga mata ng asawa, kaya naman halos tumaas ang balahibo niya sa batok dahil sa kaba. “I said get over her
Zion Inignora ni Jyla ang mga patama ni Gabby at sa halip ay tiningnan si Zion. “Akyat lang ako saglit sa taas, iiwan ko lang yung bag ko pero aalis din ako agad. Babalik ako pagkatapos ng tatlo o apat na oras. Huwag niyo na lang akong intindihin,” malamig na pagpapaliwanag ni Jyla kay Zion.Walang ngiti o kaya ay bahid ng pagkagalit na mababanaag sa mukha ni Jyla. Parang wala lang rito ang makitang magkasama si Zion at Gabby. Halos mapikon tuloy si Zion dahil sa inasal ng asawa. At dahil doon ay gusto niya lalong inisin ito, hanggang sa makakuha siya ng reaksyon dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Pagkatapos nitong aminin ang tungkol sa paggamit nito sa ina niya, pagkatapos nitong aminin sa kanya ang pagbubuntis nito, at ang plano nitong pagpikot sa kanya, sinadya niya pa ring papuntahin sa bahay si Gabby. For what? To elicit some specific reaction from Jyla. Maybe, a tinge of jealousy. Isa pa, a part of him wanted to take his mind off Jyla, kaya rin niya pinagbigyan si
GabbyMedyo matagal ding nakamasid sina Gabby at ang mga magulang niya sa lounge ng emergency ward, kaya ganun na lang yata yung kaba nila nang biglang pumasok si Zion sa emergency room na galit na galit. Kitang-kita din nila kung paano alagaan ng lalaki ang asawa nito at ito mismo ang nagpababa ng lagnat ni Jyla. Ang tagal nilang nakatanga sa upuan matapos masaksihan ‘yon, kinakabahan na tuluyan na talagang nahulog si Zion kay Jyla. Pero saktong may kausap si Zion sa cellphone nang dumaan ito sa lounge nang hindi sila napapansin.“Go ahead. Bayaran mo na lahat ng bill niya. Don’t forget the receipts and make her pay for it afterward. Every. Single. Cent,” dining nilang malamig na komando ni Zion sa kung sinong kausap nito. Pagkarinig noon ay nabuhayang muli si Gabby at ang mga magulang niya. Ibig sabihin noon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng relasyon ng dalawa at wala na yatang ni katiting na pag-asa na magustuhan ni Zion si Jyla. Posible na baka kinabahan lang ang lalaki dahi