Gabby“Zion?” pag-untag ni Gabby sa lalaki. Inignora lamang siya nito at sa halip ay nagdutdot sa cellphone. Tinawagan nito kapagkuwan ang assistant. “I need you to come over right away, Johann. Pakihatid si Gabby sa bahay nila.” Napangiwi si Gabby sa pagka-antipatiko ng lalaki. Ni hindi man lang siya muna nito pinapasok sa loob at abutin ng tuwalya o di kaya’y pagbihisin gayong para na siyang basang sisiw at nanginginig pa nga. Ano ba naman ang bigyan man lang sana siya ng maiinom bago pauwiin, ‘di ba?Agad na pinutol ni Zion ang tawag. “He’ll be here in three minutes,” anito sa kanya. Umalis na ang lalaki at bumalik sa bahay dala-dala ang payong at iniwan si Gabby na nakanganga sa gitna ng ulan. Akala niya kasi ay ipapahiram man lang nito sa kanya ang dinala nitong payong.Mabilis namang humanap ng masisilungan si Gabby at naghintay ng ilang minuto bago dumating si Johann. “Ugh! Napakatagal mong dumating!” sita niya sa assistant ni Zion matapos nitong gumarahe sa harapan niya.
Hindi naman naapektuhan si Zion ng malakas na pagtili ni Jyla at nagawa pa rin nitong sipatin ang kahubaran ng asawa mula ulo hanggang paa. The cold expression on his face didn’t change either. Kaya naman marahas na pinaikot ni Jyla ang lalaki at saka pinulot ang nalaglag na tuwalya sa sahig at mabilis pa sa kidlat na tinapis ito sa katawan bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya. Naluluhang napasandal siya sa pintuan pagkasara na pagkasara nito at halos batukan ang sarili dahil sa katangahan. Shit. Pangalawang beses na ito na nakita ng asawa ang hubad niyang katawan, at baka isipin pa nito na sinasadya niyang maghubad dito para lang akitin ito. Pinunasan niya ng kamay ang kaunting luhang namuo sa mga mata niya dahil nga sa kahihiyan at saka naisipang kumilos at magbihis na nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran niya. Nalaglag ang panga niya nang iluwa ng pintuan ang asawa na may malamlam na ekspresyon. Binalot siya bigla ng takot at napahawak nang mahigpit sa kanyang
Matamang tiningnan ni Jyla ang nabanggang lalaki at paulit-ulit na kumurap-kurap, pilit na inaalala kung sino nga ba ito. “Ah, Sir Andrew,” aniya nang sumagi sa isipan niya ang ginawa ng lalaki sa kasal nila ni Zion. Bigla namang napatayo sa kinauupuan ang boss ni Jyla na si Francis para batiin ang anak ng CEO. “Sir Andrew! Bakit po kayo napadaan dito?” nagtatakang tanong ng lalaki kay Andrew.“Wala lang.” Nagkibit-balikat pa nga ang si Andrew bilang tugon. “Anyway, anong problema rito?” kunot-noong dagdag nitong tanong kay Francis.“Ah! Kasi naman, bagong salta lang ‘yan dito, sir. Tapos kung makapag-absent eh, wagas. Hindi man lang nagpaalam. Kung hindi rin naman siya dedikado sa pagtatrabaho eh mag-resign na lang kamo siya!”“Promise, sir. Hindi na po ako mag-aabsent! Kahit doon lang ako palagi sa construction site, walang problema. Please, bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon,” pagmamakawa niya sa mga ito.“Francis, give her another chance. Kung may pagkakamali man siya eh
AndrewNgumiti muna nang pagkalapad si Andrew at saka sinagot si Jyla. “How about lunch? Your treat?” pagbiro niya sa dalaga.Napansin niya ang pag-aalinlangan sa maganda nitong mukha. Nilinga ni Andrew ang paligid at nadismaya nang makita ang mga sunod-sunod na karinderya sa makitid na eskinita na ‘yon. Bibihira nga lang kumain ang mga empleyado niya sa lugar. Palibhasa ay hindi kaaya-aya ang masasamyo ng kahit na sino sa tuwing dadaan dito. Kaya naman hindi na lang siya humihinga sa ilong para hindi malanghap ang amoy ng lugar— para lang makasama si Jyla. “Libre mo naman ako kahit tapsilog lang,” dagdag na biro pa niya. Baka isipin pa nito na sa isang fine dining restaurant pa siya nagpapalibre. “Okay.” Pumayag naman agad si Jyla sa sinabi ng amo kahit masama sa loob. Tahimik na iginiya ni Jyla si Andrew papunta sa isang karinderya at umorder na nga ng menudong giniling, chopsuey, at dalawang kanin. Pumwesto na sila sa isang maliit na mesa, nakaharap pa nga sa isa’t isa, para
“Anong ginagawa niyo rito?” Pinandilatan ni Jyla sina Gabby at Beth, ngatal ang boses. Ang kapal talaga ng mukha ng mga ito. Matatanggap niya pa kung siya ang insultuhin o ‘di kaya’y saktan ng dalawang ito, pero hinding-hindi niya mapapalampas kung pati si Zoey ay idadamay pa ng mga ito sa gusot nila. May malubhang sakit na nga ang tao. Inalis niya ang pagkakasuot ng bag at mabilis na lumapit sa dalawa. Kapagkuwan ay paulit-ulit niyang hinampas ang bag kay Gabby. “Ang lakas ng loob niyong pumunta rito! Umalis kayo dito!”Nagpakawala ng impit na tili si Gabby at tinakpan ang sarili. “Stop!”“Ano ba, Jyla!” singhal ni Beth kay Jyla habang tinatakpan si Gabby. Iginiya nito ang anak palayo kay Jyla at pumwesto sa pintuan banda. Hindi na hinabol ni Jyla ang dalawa at agad siyang lumapit kay Zoey para sana protektahan din ito mula sa dalawa. “Ma, okay ka lang? Sabihin mo sa ‘kin kung anong ginawa nila sa ‘yo,” nag-aalalang tanong niya sa biyenan. Sinipat pa nga niya ang mukha at pati mga
Kinabahan si Jyla sa makahulugang ngiti ni Zoey bago ito nagsalita. “Alam kong hindi kayo magagawang saktan ni Jyla, kaya bibigyan ko kayo ng pagpipilian, Beth. It’s either I ask my men to hurt your daughter or you hurt her yourself— right here.”Napamaang si Jyla sa sinabi ng matanda. Alam na niya ngayon kung saan nagmana ang asawa. Habang napakislot naman si Beth sa sinabi ni Zoey. “What?” “Isang daang sampal, Beth. I think that will be enough for now.” Napasinghap si Gabby sa narinig at nagkatinginan sila ng ina. “Zoey, please… hindi ito ang ibig kong sabihi—” Sinubukan ni Beth ang magpaliwanag pero pinutol ni Zoey ang sinabi nito. “Nakita niyo naman siguro ang mga lalaking naghihintay riyan sa labas,” angil ni Zoey. Agad na naintindihan ni Jyla ang ibig sabihin ng biyenan. Kaya pala may grupo ng mga lalaki na may malalaking tikas na nakaupo sa lounge sa labas lang ng ward ni Zoey.“Fine!” pasigaw na angal ni Beth. Basang-basa na ng luha ang mga mata nito pero pilit pa ring
ZionHindi man nakikita ni Johann ang reaksyon ni Zion dahil sa ibinalita, nai-imagine na ni Johann ang disappointment nito. “Sir?” untag ni Johann sa amo na ilang segundo na yatang nanahimik. “I see,” malamig na saad ni Zion. Hindi alam ni Johann, pero para bang nasaktan ang amo sa narinig.“What should I do, sir?” dagdag tanong ni Johann. “I’ll extend my stay here for a day. Ikaw na ang bahala magdala kay Gabriella sa mansyon. I’ll just meet her there.” Ang nasabing pagtitipon ay gaganapin sa mansyon ng mga Calvino. The mansion had a specific wing for such occasions. May malawak na bulwagan sa loob ang wing na ito ng mansyon at maging ang hardin at patio nito ay ginagamit din para sa mga selebrasyon. Ang dahilan lang naman kung bakit niya dadalhin si Gabby roon ay para magtigil na ang lolo niya sa kahahanap ng mapapangasawa niya. Sigurado naman siyang magugustuhan nito ang background ng dalaga at maging ang pamilya nito na isa rin naman sa mga kaalyado ng pamilya nila.“Got it,
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Andrew at pinaandar na nga ang sasakyan papunta kay Jyla. Binuksan ng lalaki ang bintana at nginitian si Jyla. “Get in the car, Miss Probi! Pauwi na rin naman ako, sumabay ka na!” Samantala, pamilya si Jyla sa sasakyan na ‘yon dahil minsan na siyang sumakay rito. Pero dumukwang pa rin siya para tingnan kung sino ang driver. “Sir Andrew,” bati niya rito.Sinipat niya ang kabuuan ng sportscar. Sunod niyang sinipat ang sarili na punong-puno ng alikabok. “Sir, okay lang. Hintayin ko na lang po yung bus,” magalang niyang pagtanggi na may kasamang pag-iling. “Are you sure? Gabi na, oh? Baka wala ng bus niyan? Mamaya hindi ka pa makauwi niyan ngayon. Unless, magta-taxi ka.” Taxi? Hirap na hirap na nga siyang budget-in ang pera niya hanggang sa sahod. Kinuyom niya ang mga labi at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa passenger’s seat. Medyo nahirapan pa nga siya umupo dahil masyadong mababa ang sasakyan. “Where to, Miss Probi?” natutuwang tanong sa kan
Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n
Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila
Jyla Nang makarating sa kwarto ay mabilis na pinawi ni Jyla ang mga luha niya at nagsimula na siyang mag-empake ng gamit. Hindi na siya nag-abala na ilagay sa maleta niya ang mga pinamili ni Zion sa kanya na mga damit, maski ang laptop nitong binigay sa kanya. Mamaya ay isumbat pa nito sa kanya sa susunod. There’s no knowing what he’d do next. Mainam na rin ang maging maingat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. She loved wearing those. She loved using the laptop for work. Ngayon tuloy ay wala na siyang magagamit kapag kailangan niyang gumawa ng design sa bahay.Bahala na. Pagkatapos mag-empake ay inayos niya muna ang loob ng silid at nilisan ‘yon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sinipat ang kwartong nilagi niya nang maraming linggo na rin. Matapos niyang masigurado na maayos ang lahat, mabigat ang mga paang lumabas na siya ng silid. Mabilis ang mga hakbang na dumiretso siya sa pintuan palabas ng unit at ni isang beses ay hindi man lang
“How dare you hurt Gabriella right in front of me.” Medyo malalim ang pagkakabanggit noon ni Zion, na para bang hinugot pa nito sa kaibuturan ng pagkatao nito ang boses. His voice wasn’t laced with anger or contempt. And Jyla thought he sounded so sexy, so dangerously sexy, tapos ay malamlam pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon. Hindi malaman ni Jyla kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman kaya namang paulit-ulit siyang napalunok. Matatakot ba siya dahil alam niyang pagbabantaan na naman siya nito dahil sa ginawa niya kanina? O mag-aalala ba siya dahil sa init na sumisingaw sa katawan nilang dalawa ngayon. Not to mention how his warm and smoky breath kept blowing on her face. Para siyang nagagayuma. Imbes na lumaban ay hinayaan na lang niyang hawakan ni Zion ang magkabila niyang pulsuhan. “Since I’ve shown you nothing but kindness this past few days, hindi ba dapat ganun din ang gagawin mo sa iba? Especially to the woman I am marrying someday?” He should be an
Zoey “Huwag kang mag-alala, Zoey. Kapag nagbalik na si Leo rito, sisiguraduhin naming maikasal kayo. May inaasikaso lang siya sa abroad. Kaya magpagaling ka, okay? Para doon ka na rin manirahan sa mansyon,” ani Agnes. Punong-puno ng pagkaawa ang mga mata ng matandaang babae dahil sa kalagayan ng manugang. “Ma….” Hindi maiwasan ni Zoey na lalong maging emosyonal. Muling nagyakapan ang dalawang babae, at maging si Jyla na nakikinig sa labas ng pintuan ay naiyak lalo dahil sa mga ito. Mabuting at maprinsipyong tao si Zoey. Kaya gumuho rin ang mundo niya noong malaman na pamilyadong tao na pala si Leo, at tatlo pa nga ang anak nito sa orihinal na asawa. Siyam na buwan na ang pagbubuntis niya kay Zion, saka lang nalaman ni Zoey na ginawa siyang kabit ni Leo na isa palang Calvino. Akala ni Zoey ay pinalampas na ng asawa ni Leo ang pagkakamali niya, dahil hinayaan lang siya nitong ipanganak nang maayos si Zion. At limang taong nabuhay nang tahimik si Zoey at ang batang Zion, at ginampan
Nanumbalik na naman ang dating malamig at hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha ni Jyla. Kaagad na nawala ang malapad niyang ngiti at ang maningning niyang mga mata. All because of Zion. Hindi niya alam na ganun na pala siya kadaling maapektuhan ng lalaki. Nasiyahan naman si Andrew nang magbalik ang kaawa-awang mukha ni Jyla. He likes her better that way, when she’s desperate and vulnerable. Dahil mas kainteres-interes naman talaga ang isang babae kapag ang alam lang nitong gawin ay itulak ka palayo.“Gee. I was wondering why you’ve been so happy these days. Akala ko talaga ay may bago ka nang sugar-daddy. ‘Yon pala ay pinahagingan ka lang ni Zion ng kaunting bagay. Now you dare challenged his real woman. Were you always that naive, Miss Probi?” pagpapatuloy pa ni Andrew sa panglalait sa kanya.Wala siyang balak na sumagot sa mga pang-iinsulto nito. Hihintayin niya na lang na matapos muna ang pagbisita ng pamilya ni Zion kay Zoey bago siya pumasok doon. Napansin niya sa gilid
GabbyNaglahong bigla ang kumpiyansa ni Gabby sa sarili at nakaramdam siya ng pagkapahiya sa reaksyon ni Manuel Calvino pagkakita sa kanya. Dahan-dahan siyang umatras palapit kay Zion, humihingi ng saklolo. “That’s enough,” sita ni Zion sa lolo nito. “Hindi nakakabuti sa kanya at sa dinadala niya ang stress, lo. I would appreciate it if you treat her nicely.”Napanganga naman si Manuel sa ginawang pagkampi ni Zion kay Gabby at napatingin ito kay Agnes bago muling binalingan si Zion. Magsasalita pa nga sana ang matanda pero naunahan ito ng apo.“Kaya ko siya pinapunta ngayon dito ay para ipakilala siya sa ‘yo. Well, she’s the woman I’m going to marry, no matter what,” mariing pag-imporma ni Zion kay Manuel.“Masyado kang nagmamadali, Zion. Hindi porke’t nabuntis mo siya ay pakakasalan mo kaagad siya. We can just find someone better an—”Kaagad na pinutol ni Zion ang ideya ni Manuel. “I am marrying her for that very reason. Because she’s the mother of my child. So stop setting me up w
JylaHindi na alam ni Jyla kung paano pa magpapaliwanag kay Zion. Umurong na ang dila niya pagkatapos ng retorika nitong pahayag. Hindi niya alam kung ipagtatanggol pa ba niya ang sarili. Lalo namang hindi niya alam kung paano pa gagawin ‘yon, lalo pa’t halatang mas pinapanigan ni Zion si Gabby. Kahit naman siguro magdahilan siya, hindi siya nito papaniwalaan. Napakislot si Jyla nang maramdaman ang kung anong kumurot sa puso niya. Hindi na siya sanay na makita ang nakasanayan naman niyang salbaheng ugali ni Zion, noong para pa silang aso’t pusa. Akala niya ay okay na sila, pagkatapos siya nitong bilhan ng kung ano-ano, pagkatapos siya nitong alagaan, pagkatapos siya nitong pakitaan ng kabutihan.Nalimutan niya ang tunay niyang lugar sa puso nito. Kailanman, hinding-hindi nga pala siya ituturing nitong asawa. Guni-guni lang niya ang lahat. Pero mabuti na lang at nahimasmasan siya ngayon. Nagbaba siya ng tingin. Kagaya ng dati, hindi na lang siya ulit magsasalita. Kagaya ng dati, haha
ZionKakatapos lang ng meeting ni Zion kaninang mga alas nuwebe nang bigla siyang tawagan ni Manuel Calvino.“Zion, iho!” pagbati ng matanda sa kanya. Kaagad namang naningkit ang mga mata niya. Alam niya naman kasi ang pakay ng matanda sa tuwing tatawagan siya nito. “I realized you are right, iho. I am really sorry for what happened in the past. Ginawa lang namin ang kailangang gawin para maging maayos ang pamilya natin. Pasensya na kung pinatapon ka na lang namin sa kung saang bansa nang basta-basta. You didn’t deserve that. Your mother didn’t deserve to be separated from you. Kaya sana, bigyan mo kami ng pagkakataon na makausap si Zoey.”Hindi naman kaagad nakapagsalita si Zion sa narinig. Si Manuel Calvino ba talaga ang kausap niya? Napatingin tuloy siyang muli sa pangalang nakarehistro sa cellphone niya. It was really his grandfather’s number. Where the fúck is he going with this?“At dahil alam ko namang kaunting panahon na lang ang nalalabi kay Zoey, please give me the chance