“Anong ginagawa niyo rito?” Pinandilatan ni Jyla sina Gabby at Beth, ngatal ang boses. Ang kapal talaga ng mukha ng mga ito. Matatanggap niya pa kung siya ang insultuhin o ‘di kaya’y saktan ng dalawang ito, pero hinding-hindi niya mapapalampas kung pati si Zoey ay idadamay pa ng mga ito sa gusot nila. May malubhang sakit na nga ang tao. Inalis niya ang pagkakasuot ng bag at mabilis na lumapit sa dalawa. Kapagkuwan ay paulit-ulit niyang hinampas ang bag kay Gabby. “Ang lakas ng loob niyong pumunta rito! Umalis kayo dito!”Nagpakawala ng impit na tili si Gabby at tinakpan ang sarili. “Stop!”“Ano ba, Jyla!” singhal ni Beth kay Jyla habang tinatakpan si Gabby. Iginiya nito ang anak palayo kay Jyla at pumwesto sa pintuan banda. Hindi na hinabol ni Jyla ang dalawa at agad siyang lumapit kay Zoey para sana protektahan din ito mula sa dalawa. “Ma, okay ka lang? Sabihin mo sa ‘kin kung anong ginawa nila sa ‘yo,” nag-aalalang tanong niya sa biyenan. Sinipat pa nga niya ang mukha at pati mga
Kinabahan si Jyla sa makahulugang ngiti ni Zoey bago ito nagsalita. “Alam kong hindi kayo magagawang saktan ni Jyla, kaya bibigyan ko kayo ng pagpipilian, Beth. It’s either I ask my men to hurt your daughter or you hurt her yourself— right here.”Napamaang si Jyla sa sinabi ng matanda. Alam na niya ngayon kung saan nagmana ang asawa. Habang napakislot naman si Beth sa sinabi ni Zoey. “What?” “Isang daang sampal, Beth. I think that will be enough for now.” Napasinghap si Gabby sa narinig at nagkatinginan sila ng ina. “Zoey, please… hindi ito ang ibig kong sabihi—” Sinubukan ni Beth ang magpaliwanag pero pinutol ni Zoey ang sinabi nito. “Nakita niyo naman siguro ang mga lalaking naghihintay riyan sa labas,” angil ni Zoey. Agad na naintindihan ni Jyla ang ibig sabihin ng biyenan. Kaya pala may grupo ng mga lalaki na may malalaking tikas na nakaupo sa lounge sa labas lang ng ward ni Zoey.“Fine!” pasigaw na angal ni Beth. Basang-basa na ng luha ang mga mata nito pero pilit pa ring
ZionHindi man nakikita ni Johann ang reaksyon ni Zion dahil sa ibinalita, nai-imagine na ni Johann ang disappointment nito. “Sir?” untag ni Johann sa amo na ilang segundo na yatang nanahimik. “I see,” malamig na saad ni Zion. Hindi alam ni Johann, pero para bang nasaktan ang amo sa narinig.“What should I do, sir?” dagdag tanong ni Johann. “I’ll extend my stay here for a day. Ikaw na ang bahala magdala kay Gabriella sa mansyon. I’ll just meet her there.” Ang nasabing pagtitipon ay gaganapin sa mansyon ng mga Calvino. The mansion had a specific wing for such occasions. May malawak na bulwagan sa loob ang wing na ito ng mansyon at maging ang hardin at patio nito ay ginagamit din para sa mga selebrasyon. Ang dahilan lang naman kung bakit niya dadalhin si Gabby roon ay para magtigil na ang lolo niya sa kahahanap ng mapapangasawa niya. Sigurado naman siyang magugustuhan nito ang background ng dalaga at maging ang pamilya nito na isa rin naman sa mga kaalyado ng pamilya nila.“Got it,
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Andrew at pinaandar na nga ang sasakyan papunta kay Jyla. Binuksan ng lalaki ang bintana at nginitian si Jyla. “Get in the car, Miss Probi! Pauwi na rin naman ako, sumabay ka na!” Samantala, pamilya si Jyla sa sasakyan na ‘yon dahil minsan na siyang sumakay rito. Pero dumukwang pa rin siya para tingnan kung sino ang driver. “Sir Andrew,” bati niya rito.Sinipat niya ang kabuuan ng sportscar. Sunod niyang sinipat ang sarili na punong-puno ng alikabok. “Sir, okay lang. Hintayin ko na lang po yung bus,” magalang niyang pagtanggi na may kasamang pag-iling. “Are you sure? Gabi na, oh? Baka wala ng bus niyan? Mamaya hindi ka pa makauwi niyan ngayon. Unless, magta-taxi ka.” Taxi? Hirap na hirap na nga siyang budget-in ang pera niya hanggang sa sahod. Kinuyom niya ang mga labi at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa passenger’s seat. Medyo nahirapan pa nga siya umupo dahil masyadong mababa ang sasakyan. “Where to, Miss Probi?” natutuwang tanong sa kan
Zion“I’m so sorry, Zion.” Pigil na pigil pa si Gabby sa pag-iyak ng sobra sa lagay na ‘yon, dahil nga mas lalo itong papanget sa mata ni Zion. “Siguro okay na rin ‘to. Baka hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Don’t worry. Hindi na ulit ako magpapakita sa ‘yo,” sumisinghot-singhot na pagpapaalam nito. Akmang aalis na sana ang babae nang hablutin ni Zion ang pulsuhan nito kahit masama sa loob niya. Dahil fiancé siya nito, kailangan pa tuloy niyang magpanggap na concerned dito kahit labis na ang pagkadisgusto niya rito. And for fuck’s sake, she deserved this. Maybe she even deserved more.“Anong nangyari sa ‘yo?” he asked. Wala naman kasing nabanggit si Johann sa kanya tungkol dito. Lumabi si Gabby at paulit-ulit na umiling habang lumuluha. “Say it,” naiiritang utos ni Zion. At talagang nagpapabebe pa ito.“Sinampal ako ni mama,” parang batang sumbong ni Gabby sa lalaki. Nalukot ang mukha ng lalaki sa narinig. “What?” “Your mom asked her to. Dahil daw sa ginawa ko kay Jyla,”
Marahang pinalis ni Jyla ang kamay ng katrabaho. “Hindi. Kailangan ko lang talaga ng extra income,” pagsisinungaling pa niya. Totoo naman na kailangan niya talaga ng ekstrang pera, pero hindi naman kasi ‘yon ang pinunta niya rito. Dahil hindi siya imbitado sa okasyong ‘yon, naghanap siya ng ibang paraan kung paano makakapunta para hindi mabigo ang hiling ng biyenan. Saktong nalaman niya sa biyenan kung sino ang caterer ng mga Calvino, ang Elysian Atelier, isang popular na restaurant na maraming branch, hindi lang sa bansa kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. At popular din ang executive chef ng restaurant na si Chef Elyse sa buong mundo. Pasok sa panlasa ng mga sikat at mayayamang personalidad ang mga pagkaing inihahanda sa mga restaurant ng babae. Pero para sa mga taong kagaya ni Jyla, baka nga kahit tubig dito ay hindi niya kayang bilhin. Isa pa, asa namang makapasok talaga siya sa kahit na isa sa mga restaurant nito. Pero kahit na napaka-imposible, agad na nagbaka-sakali si Jy
Paulit-ulit na lumunok si Jyla pagkakita kay Zion. Parang gusto na nga niyang lamunin ng lupa habang tinitingnan ang asawang hawak-hawak ang kapiraso na dokumentong ‘yon na kuha pa noong una siyang nagpacheck-up.Tinapon na nga niya ang pinakaresulta ng laboratory test niya, pero nilagay niya sa wallet ang larawan ng ultrasound ng anak dahil balak niya sanang ipakita ito sa anak kapag lumaki ito. Ang kaso ay nakita nga ito ni Gabby noong pinadukot siya ng babaita. At akala niya ay tinago ng babae ang larawan pang-blackmail sa kanya, o hindi kaya ay nawala na ito sa warehouse na pinagdakipan sa kanya dahil nga nagkagulo na noong dumating si Zion para iligtas siya.Hindi talaga sumagi sa isip niya na nasa kamay na pala ng asawa ang dokumentong ‘yon. “Bakit nasa ‘yo ‘yan?” kunot-noong tanong niya sa asawa. Posible kayang binigay ni Gabby ito sa lalaki?Kaya pala….Kaya pala galit na galit ito pagkakita sa kanya kanina. Kaya pala hinalikan siya nito nang pagkarahas para lang parusahan
Jyla“Fine. Don’t tell me who’s the bastard that got you pregnant. But none of my family should hear about this— kahit si mama! And for your information, hinding-hindi ko aangkinin ang batang ‘yan,” malamig na babala ni Zion kay Jyla. “And since you came here today on your own volition— feel free to suffer,” dagdag pa ng lalaki. Pagkasabi noon ay umalis na rin si Zion at pumasok na sa loob ng mansyon patungo sa malaking bulwagan.Naiwanang mag-isa si Jyla sa parte ng hardin na ‘yon, lumuluha. Putang ina. Dalawang buwan lang naman ang usapan ng kasal nila. Bakit ba hindi maabot ng isip ng magaling niyang asawa na hindi naman makakaapekto ang bata sa panandalian nilang kasal? Bakit ang mga napaka-imposibleng bagay pa talaga ang pumapasok sa isipan nito? At bakit ba hindi niya magawang magdahilan dito? Palagi na lang umuurong ang dila niya sa tuwing nag-aaway sila.Nakailang pahid na si Jyla sa mga luha na nasa mukha niya pero wala pa ring humpay sa pagtulo ang mga ito. Natigil lang
ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla
Dylan‘What a freakin’ spectacle.’Hindi maiwasan ni Dylan ang mabighani sa ginawang pagsagip ng kaibigan niya kay Jyla. Akala niya ay kilalang-kilala na niya si Andrew, but this was a side of him he had never seen before.Hindi siya makapaniwalang may kakayahan pala itong protektahan ang isang babae. Masyado siyang nasanay na kinakama tapos ay pagsasawaan lang nito ang mga babaeng dumarating sa buhay nito. Andrew had never given someone an effort like this. Siguro kung wala lang taong nakahandusay ngayon sa sahig na may tumatagas na dugo sa tiyan nito, baka pinalakpakan na niya si Andrew.But Jyla….May kung anong kumirot sa dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng hindi mapigilan ang paghagulgol sa mga bisig ni Andrew. Nakita niyang handa na itong magpakulong ulit, kahit na kagagaling lang nito halos sa kulungan. She would rather be imprisoned than to be defiled by someone like Daniel.Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaselos sa kaibi
AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina
Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!
JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka
JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si