Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Andrew at pinaandar na nga ang sasakyan papunta kay Jyla. Binuksan ng lalaki ang bintana at nginitian si Jyla. “Get in the car, Miss Probi! Pauwi na rin naman ako, sumabay ka na!” Samantala, pamilya si Jyla sa sasakyan na ‘yon dahil minsan na siyang sumakay rito. Pero dumukwang pa rin siya para tingnan kung sino ang driver. “Sir Andrew,” bati niya rito.Sinipat niya ang kabuuan ng sportscar. Sunod niyang sinipat ang sarili na punong-puno ng alikabok. “Sir, okay lang. Hintayin ko na lang po yung bus,” magalang niyang pagtanggi na may kasamang pag-iling. “Are you sure? Gabi na, oh? Baka wala ng bus niyan? Mamaya hindi ka pa makauwi niyan ngayon. Unless, magta-taxi ka.” Taxi? Hirap na hirap na nga siyang budget-in ang pera niya hanggang sa sahod. Kinuyom niya ang mga labi at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa passenger’s seat. Medyo nahirapan pa nga siya umupo dahil masyadong mababa ang sasakyan. “Where to, Miss Probi?” natutuwang tanong sa kan
Zion“I’m so sorry, Zion.” Pigil na pigil pa si Gabby sa pag-iyak ng sobra sa lagay na ‘yon, dahil nga mas lalo itong papanget sa mata ni Zion. “Siguro okay na rin ‘to. Baka hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Don’t worry. Hindi na ulit ako magpapakita sa ‘yo,” sumisinghot-singhot na pagpapaalam nito. Akmang aalis na sana ang babae nang hablutin ni Zion ang pulsuhan nito kahit masama sa loob niya. Dahil fiancé siya nito, kailangan pa tuloy niyang magpanggap na concerned dito kahit labis na ang pagkadisgusto niya rito. And for fuck’s sake, she deserved this. Maybe she even deserved more.“Anong nangyari sa ‘yo?” he asked. Wala naman kasing nabanggit si Johann sa kanya tungkol dito. Lumabi si Gabby at paulit-ulit na umiling habang lumuluha. “Say it,” naiiritang utos ni Zion. At talagang nagpapabebe pa ito.“Sinampal ako ni mama,” parang batang sumbong ni Gabby sa lalaki. Nalukot ang mukha ng lalaki sa narinig. “What?” “Your mom asked her to. Dahil daw sa ginawa ko kay Jyla,”
Marahang pinalis ni Jyla ang kamay ng katrabaho. “Hindi. Kailangan ko lang talaga ng extra income,” pagsisinungaling pa niya. Totoo naman na kailangan niya talaga ng ekstrang pera, pero hindi naman kasi ‘yon ang pinunta niya rito. Dahil hindi siya imbitado sa okasyong ‘yon, naghanap siya ng ibang paraan kung paano makakapunta para hindi mabigo ang hiling ng biyenan. Saktong nalaman niya sa biyenan kung sino ang caterer ng mga Calvino, ang Elysian Atelier, isang popular na restaurant na maraming branch, hindi lang sa bansa kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. At popular din ang executive chef ng restaurant na si Chef Elyse sa buong mundo. Pasok sa panlasa ng mga sikat at mayayamang personalidad ang mga pagkaing inihahanda sa mga restaurant ng babae. Pero para sa mga taong kagaya ni Jyla, baka nga kahit tubig dito ay hindi niya kayang bilhin. Isa pa, asa namang makapasok talaga siya sa kahit na isa sa mga restaurant nito. Pero kahit na napaka-imposible, agad na nagbaka-sakali si Jy
Paulit-ulit na lumunok si Jyla pagkakita kay Zion. Parang gusto na nga niyang lamunin ng lupa habang tinitingnan ang asawang hawak-hawak ang kapiraso na dokumentong ‘yon na kuha pa noong una siyang nagpacheck-up.Tinapon na nga niya ang pinakaresulta ng laboratory test niya, pero nilagay niya sa wallet ang larawan ng ultrasound ng anak dahil balak niya sanang ipakita ito sa anak kapag lumaki ito. Ang kaso ay nakita nga ito ni Gabby noong pinadukot siya ng babaita. At akala niya ay tinago ng babae ang larawan pang-blackmail sa kanya, o hindi kaya ay nawala na ito sa warehouse na pinagdakipan sa kanya dahil nga nagkagulo na noong dumating si Zion para iligtas siya.Hindi talaga sumagi sa isip niya na nasa kamay na pala ng asawa ang dokumentong ‘yon. “Bakit nasa ‘yo ‘yan?” kunot-noong tanong niya sa asawa. Posible kayang binigay ni Gabby ito sa lalaki?Kaya pala….Kaya pala galit na galit ito pagkakita sa kanya kanina. Kaya pala hinalikan siya nito nang pagkarahas para lang parusahan
Jyla“Fine. Don’t tell me who’s the bastard that got you pregnant. But none of my family should hear about this— kahit si mama! And for your information, hinding-hindi ko aangkinin ang batang ‘yan,” malamig na babala ni Zion kay Jyla. “And since you came here today on your own volition— feel free to suffer,” dagdag pa ng lalaki. Pagkasabi noon ay umalis na rin si Zion at pumasok na sa loob ng mansyon patungo sa malaking bulwagan.Naiwanang mag-isa si Jyla sa parte ng hardin na ‘yon, lumuluha. Putang ina. Dalawang buwan lang naman ang usapan ng kasal nila. Bakit ba hindi maabot ng isip ng magaling niyang asawa na hindi naman makakaapekto ang bata sa panandalian nilang kasal? Bakit ang mga napaka-imposibleng bagay pa talaga ang pumapasok sa isipan nito? At bakit ba hindi niya magawang magdahilan dito? Palagi na lang umuurong ang dila niya sa tuwing nag-aaway sila.Nakailang pahid na si Jyla sa mga luha na nasa mukha niya pero wala pa ring humpay sa pagtulo ang mga ito. Natigil lang
Bago pa man matapakan ng babae ang kamay ni Jyla, may malaking kamay ang pumigil sa swelas ng sapatos nito. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Lauren?” sita ng nakaluhod na lalaking humawak sa sapatos ng babae. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jyla sa babaeng nabangga niya at sa bagong dating na lalaki. Nagtatakang tumayo si Jyla dahil sa nangyari. Ang lumalabas ay balak pala siyang saktan ng babaeng nabangga niya. “What else? Eh ‘di tinuturuan ng leksiyon ang malanding babae na ‘yan.” Pinandilatan pa nga siya ng babae habang naka-arko ang isang kilay. So kaya pala ito nagta-tantrum na parang bata ay dahil nalaman nito ang ginawang paghalik ni Zion sa kanya kanina. Sakto namang napatingin si Jyla sa taas pagkatapos bumuntong-hininga at nakita niya sa ikatlong palapag si Zion, nakasandal sa railing, tila aliw na aliw na pinapanood siya habang sumisipsip ng alak. Para ngang may sumilay pang ngiti sa mga labi ng lalaki. Hindi niya alam kung naduduling lang ba siya dahil sa distansya,
Ilang segundo yata natigilan si Cullen at kumurap-kurap na tumitig ito kay Jyla. Siguro pinagsisisihan na nito ang pagpapakilala sa kanya. Babawiin na sana ni Jyla ang sinabi pero bigla itong nagsalita. “Actually, wala akong cash ngayon. Ibigay mo na lang sa ‘kin ang number mo para ma-send ko sa ‘yo mamaya pagkatapos ng party. Okay lang ba ‘yon?” Agad na tumango si Jyla sa sinabi nito. “Opo. Maraming salamat, Sir Fortejo.” Nangingiting inabot ni Cullen ang cellphone nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang ipinamigay niya nang basta-basta ang numero sa isang lalaking ngayon lang naman niya nakilala. “Cullen, dude!” pasigaw na tinig ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Agad na tiningnan ni Cullen ang lalaking tumawag rito. It was Andrew. Magpapaalam sana muna si Cullen kay Jyla pero sa muling pagharap nito sa dalaga ay wala na pala ito. Naiiling na naglakad si Cullen papunta kay Andrew at kumuha pa siya ng isang baso ng wine sa nalagpasang waiter. “Anong ganap sa buhay natin ngayo
Hindi umimik si Jyla. Alam niya naman kasing pinaglalaruan lang siya ni Andrew. Bakit naman kasi siya pagtutuunan ng pansin ng isang anak-mayaman na kagaya nito? Panigurado ay naghahanap lang ito ng pampalipas-oras. Walang panahon at enerhiya si Jyla para makipaglaro rito, ang kaso ay ayaw niya sana itong insultuhin. Masyado na siyang maraming kaaway para magdagdag pa. Nagpakawala ng pilit na ngiti si Jyla at saka umiling rito. Pinagpatuloy niya ang paglalakad kapagkuwan.“Get in the car, Miss Probi.” Ngumiti ito nang pagkalapad at tinukod pa nga ang braso sa nakabukas nitong bintana. “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita kakainin eh— even if I wanted to….” Tiningnan siya nito nang makahulugan at bigla siyang kinilabutan sa presensya nito kaya’t nalukot nang husto ang mukha niya. “Joke lang,” biglang bawi nito. “I can’t afford to get murdered by your husband right now. Wala pa nga akong naanakan.”Mariin siyang umiling-iling at saka nagpatuloy sa paglalakad. “Damn!” dinig niy
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka
JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si
Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it
Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n
Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila
Jyla Nang makarating sa kwarto ay mabilis na pinawi ni Jyla ang mga luha niya at nagsimula na siyang mag-empake ng gamit. Hindi na siya nag-abala na ilagay sa maleta niya ang mga pinamili ni Zion sa kanya na mga damit, maski ang laptop nitong binigay sa kanya. Mamaya ay isumbat pa nito sa kanya sa susunod. There’s no knowing what he’d do next. Mainam na rin ang maging maingat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. She loved wearing those. She loved using the laptop for work. Ngayon tuloy ay wala na siyang magagamit kapag kailangan niyang gumawa ng design sa bahay.Bahala na. Pagkatapos mag-empake ay inayos niya muna ang loob ng silid at nilisan ‘yon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sinipat ang kwartong nilagi niya nang maraming linggo na rin. Matapos niyang masigurado na maayos ang lahat, mabigat ang mga paang lumabas na siya ng silid. Mabilis ang mga hakbang na dumiretso siya sa pintuan palabas ng unit at ni isang beses ay hindi man lang
“How dare you hurt Gabriella right in front of me.” Medyo malalim ang pagkakabanggit noon ni Zion, na para bang hinugot pa nito sa kaibuturan ng pagkatao nito ang boses. His voice wasn’t laced with anger or contempt. And Jyla thought he sounded so sexy, so dangerously sexy, tapos ay malamlam pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon. Hindi malaman ni Jyla kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman kaya namang paulit-ulit siyang napalunok. Matatakot ba siya dahil alam niyang pagbabantaan na naman siya nito dahil sa ginawa niya kanina? O mag-aalala ba siya dahil sa init na sumisingaw sa katawan nilang dalawa ngayon. Not to mention how his warm and smoky breath kept blowing on her face. Para siyang nagagayuma. Imbes na lumaban ay hinayaan na lang niyang hawakan ni Zion ang magkabila niyang pulsuhan. “Since I’ve shown you nothing but kindness this past few days, hindi ba dapat ganun din ang gagawin mo sa iba? Especially to the woman I am marrying someday?” He should be an