Siyempre, hindi handang pakawalan basta-basta ni Andrew si Jyla. “I’ll pay for today. Basta next time ah, doble na rin ang lilibre mo sa ‘kin,” may pagkindat pang sabi ng lalaki sa kanya. Sa totoo lang, kanina pa gutom na gutom si Jyla. Hindi naman kasi siya nakakain dahil walang tigil ang pagdating ng mga hugasan niya kanina. Hindi na rin siya naglakas-loob na humingi ng pagkain sa mga kasamahan niya kasi nga huli na siyang dumating tapos siya pa ang bukambibig ng mga ito buong magdamag. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Jyla at tinanguan na nga niya ang lalaki. “Okay, sir. Promise. Babayaran kita kapag sumahod na ako.”“Good girl.” Mabuti na lang at dinala siya ni Andrew sa pinakamalapit na kainan at hindi sa mamahaling restaurant. Umorder sila ng dalawang bowl ng mami. Mabilis na nailapag ng tindero ang mami sa harapan nilang dalawa at agad naman nilantakan ni Jyla ang pagkain. Ni hindi nga man lang niya tinapunan ng tingin ni isang beses si Andrew hanggang sa naubos na lang
Zion“Jyla!” Marahang niyugyog ni Zion si Jyla pero hindi man lang nagising ang dalaga. Nang sapuin ni Zion ang noo ng dalaga, halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong lagnat. “Shit!” mura niya sa sarili. Alam ni Zion na hindi pwede sa buntis ang nilalagnat. Kung sana hinatid lang niya ito kagabi ay baka hindi ito nagkaganito ngayon. Wala na siyang panahon pa para sisihin ang sarili. Nagmamadaling tumayo si Zion atwalang kahirap-hirap na binuhat ang dalaga. Mas mabilis pa sa kidlat na tumungo siya sa sasakyan na nakaparada sa reserved parking ng residential building na ‘yon, akala mo ay wala siyang pasan-pasan. Marahan niyang pinaupo ang dalaga sa backseat. Pagkatapos masiguradong naka-seatbelt ito nang maayos, dali-daling sumakay si Zion at pinaandar ang makina. ***GabbyMabilis na naglahong parang bula ang sasakyan ni Zion at itim na usok lang ng sasakyan nito ang tanging nahabol ng tingin ni Gabby. “Zion!” kuyom ang palad na sigaw niya sa lalaki kahit wala na ito. Sa inis ay sin
Zion Halos mapaatras sa kaba sina Gabby, Beth, at Rolly habang nakamasid kay Zion, lalo pa at napatingin sa gawi ng mga ito ang lalaki bago umuusok ang ilong na pumasok sa loob ng emergency room. May kung anong kumirot sa puso ni Zion habang tinitingnan ang asawa sa higaan. Putlang-putla ang mukha nitong halos kasinglaki lang ng palad niya. Salubong ang mga kilay ng asawa at lukot na lukot ang mukha habang paulit-ulit na umiiling at lumuluha nang sarado ang mga mata. “Huwag ang anak ko….” nakakaawang pagsusumamo ni Jyla. Maging ang ibang medical staff sa kwarto na ‘yon ay hindi maiwasang malungkot at maiyak sa dinaramdam ni Jyla. “What’s wrong with her?” naaalarmang tanong ni Zion sa doktor na halos gulpihin na niya kanina. “Delirium, sir. Naapektuhan na po ang utak niya kaya nagkakaroon ng dysfunction.”Hindi na pinilit ni Zion na paturukan ang asawa ng paracetamol kahit na sigurado naman ang mga doktor na ligtas ito sa pagbubuntis. Ang kaso ay matagal pa ang epekto nito. Isa p
Pati pala si Cullen na kakakilala lang naman ni Jyla kahapon. Saglit nga pala itong nagpakita ng interes sa kanya. Ano ba ang meron sa kanya at napagti-trip-an siya ng mga mayayamang lalaki? Hindi naman siya kagandahan. Wala rin sa bokabularyo niya ang pag-aayos. Sobrang nagtataka tuloy siya. Ang kaso lang, kahit magaling na siya ngayon, balik na naman siya sa dating gawi, balik na naman siya sa buhay niyang walang patutunguhan, na puro pagdurusa lang. Umurong na rin ang tapang niya kahapon. Sasabihin niya na sana kay Zion ang buong katotohanan— that she fucked a dying man sa pag-uutos ng mga Palencia, at nabuntis nga siya ng lalaki pero wala na, patay na ang lalaki. Hindi alam ni Jyla, pero hindi na niya gustong isawalat ito magmula nang maabutan ang madamdaming tagpo sa pagitan ni Zion at Gabby kaninang umaga. Wala namang magbabago sakaling umamin siya rito— si Gabby pa rin ang gusto nito at ang tanging babae na pakakasalan nito. Baka nga mapikon pa lalo si Zion kapag nagdahila
Nagbaba ng tingin si Jyla bago nagsalita. “Patay na.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zion sa narinig. “So you killed him after he got you pregnant. Interesting. Mas malala ka pa pala kesa sa naiisip ko sa ‘yo,” paismid na pang-iinsulto ni Zion sa kanya. The corner of his lips were curled into a grin of disbelief.Hindi na tinanggi ni Jyla ang panglalait ng lalaki. Mas mabuti pang ituloy-tuloy na lang niya ang pagkukunwari kesa magdahilan pa at mas lalo pang hahaba ang usapan.Nag-angat siya ng tingin at sakto naman nagtama ang mga mata nila. “So hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?” May kung anong nagkakandarapa sa puso niya habang hinihintay ang sagot ng lalaki, na para bang umaasa siyang huwag sana muna nitong putulin ang peke nilang relasyon.“Why? Naduduwag ka na bang umarte sa harapan ni mama?” paghamon sa kanya ni Zion. “Well, alam mo na ang sikreto ko. Baka lang naman, hindi mo na maatim na magpanggap pa akong asawa mo dahil nga nagbubunt—”Agad na pinutol ni Zion ang si
Narinig pa nila Jyla ang pagbuntong-hininga ni Zoey bago ito nag-umpisa. “Dahil sa hirap ng pinagdaanan namin. Ilang taon kaming nagdusa dahil sa mga maling desisyon, dahil sa mga maling tao na pinagkatiwalaan namin. Prinotektahan namin ang isa’t isa laban sa mga naging kaaway namin bago pa kami magtagumpay. I just… want to make sure na kakayanin ni Zion, sakali mang mawala na ako sa mundong ito.” Zoey’s voice cracked in pain, dahilan para labis ding masaktan si Jyla. Gustuhin man niyang samahan hanggang huli si Zion para protektahan ito para sa ina nito, alam niyang hindi niya ‘yon pwedeng gawin. Wala siyang karapatan para gawin ‘yon.“Ayokong malaman ni Zion na kahit na nasa bingit na ako ng kamatayan eh naghahangad pa rin ako na magkaroon ng lugar sa pamilyang ‘yon. Masasaktan lang ang anak ko at sisisihin niya ang sarili niya kapag nagkataon.” Namasa na ang mga mata ni Jyla ng mga luha. Nakikita niya kasi ang sarili sa lagay ni Zoey. Parehong puno ng pagdurusa ang mga buhay nil
GabbyMedyo matagal ding nakamasid sina Gabby at ang mga magulang niya sa lounge ng emergency ward, kaya ganun na lang yata yung kaba nila nang biglang pumasok si Zion sa emergency room na galit na galit. Kitang-kita din nila kung paano alagaan ng lalaki ang asawa nito at ito mismo ang nagpababa ng lagnat ni Jyla. Ang tagal nilang nakatanga sa upuan matapos masaksihan ‘yon, kinakabahan na tuluyan na talagang nahulog si Zion kay Jyla. Pero saktong may kausap si Zion sa cellphone nang dumaan ito sa lounge nang hindi sila napapansin.“Go ahead. Bayaran mo na lahat ng bill niya. Don’t forget the receipts and make her pay for it afterward. Every. Single. Cent,” dining nilang malamig na komando ni Zion sa kung sinong kausap nito. Pagkarinig noon ay nabuhayang muli si Gabby at ang mga magulang niya. Ibig sabihin noon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng relasyon ng dalawa at wala na yatang ni katiting na pag-asa na magustuhan ni Zion si Jyla. Posible na baka kinabahan lang ang lalaki dahi
Zion Inignora ni Jyla ang mga patama ni Gabby at sa halip ay tiningnan si Zion. “Akyat lang ako saglit sa taas, iiwan ko lang yung bag ko pero aalis din ako agad. Babalik ako pagkatapos ng tatlo o apat na oras. Huwag niyo na lang akong intindihin,” malamig na pagpapaliwanag ni Jyla kay Zion.Walang ngiti o kaya ay bahid ng pagkagalit na mababanaag sa mukha ni Jyla. Parang wala lang rito ang makitang magkasama si Zion at Gabby. Halos mapikon tuloy si Zion dahil sa inasal ng asawa. At dahil doon ay gusto niya lalong inisin ito, hanggang sa makakuha siya ng reaksyon dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Pagkatapos nitong aminin ang tungkol sa paggamit nito sa ina niya, pagkatapos nitong aminin sa kanya ang pagbubuntis nito, at ang plano nitong pagpikot sa kanya, sinadya niya pa ring papuntahin sa bahay si Gabby. For what? To elicit some specific reaction from Jyla. Maybe, a tinge of jealousy. Isa pa, a part of him wanted to take his mind off Jyla, kaya rin niya pinagbigyan si
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka
JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si
Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it
Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n
Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila
Jyla Nang makarating sa kwarto ay mabilis na pinawi ni Jyla ang mga luha niya at nagsimula na siyang mag-empake ng gamit. Hindi na siya nag-abala na ilagay sa maleta niya ang mga pinamili ni Zion sa kanya na mga damit, maski ang laptop nitong binigay sa kanya. Mamaya ay isumbat pa nito sa kanya sa susunod. There’s no knowing what he’d do next. Mainam na rin ang maging maingat. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. She loved wearing those. She loved using the laptop for work. Ngayon tuloy ay wala na siyang magagamit kapag kailangan niyang gumawa ng design sa bahay.Bahala na. Pagkatapos mag-empake ay inayos niya muna ang loob ng silid at nilisan ‘yon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sinipat ang kwartong nilagi niya nang maraming linggo na rin. Matapos niyang masigurado na maayos ang lahat, mabigat ang mga paang lumabas na siya ng silid. Mabilis ang mga hakbang na dumiretso siya sa pintuan palabas ng unit at ni isang beses ay hindi man lang
“How dare you hurt Gabriella right in front of me.” Medyo malalim ang pagkakabanggit noon ni Zion, na para bang hinugot pa nito sa kaibuturan ng pagkatao nito ang boses. His voice wasn’t laced with anger or contempt. And Jyla thought he sounded so sexy, so dangerously sexy, tapos ay malamlam pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya ngayon. Hindi malaman ni Jyla kung ano ba ang una niyang dapat na maramdaman kaya namang paulit-ulit siyang napalunok. Matatakot ba siya dahil alam niyang pagbabantaan na naman siya nito dahil sa ginawa niya kanina? O mag-aalala ba siya dahil sa init na sumisingaw sa katawan nilang dalawa ngayon. Not to mention how his warm and smoky breath kept blowing on her face. Para siyang nagagayuma. Imbes na lumaban ay hinayaan na lang niyang hawakan ni Zion ang magkabila niyang pulsuhan. “Since I’ve shown you nothing but kindness this past few days, hindi ba dapat ganun din ang gagawin mo sa iba? Especially to the woman I am marrying someday?” He should be an