Ilang segundo yata natigilan si Cullen at kumurap-kurap na tumitig ito kay Jyla. Siguro pinagsisisihan na nito ang pagpapakilala sa kanya. Babawiin na sana ni Jyla ang sinabi pero bigla itong nagsalita. “Actually, wala akong cash ngayon. Ibigay mo na lang sa ‘kin ang number mo para ma-send ko sa ‘yo mamaya pagkatapos ng party. Okay lang ba ‘yon?” Agad na tumango si Jyla sa sinabi nito. “Opo. Maraming salamat, Sir Fortejo.” Nangingiting inabot ni Cullen ang cellphone nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang ipinamigay niya nang basta-basta ang numero sa isang lalaking ngayon lang naman niya nakilala. “Cullen, dude!” pasigaw na tinig ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Agad na tiningnan ni Cullen ang lalaking tumawag rito. It was Andrew. Magpapaalam sana muna si Cullen kay Jyla pero sa muling pagharap nito sa dalaga ay wala na pala ito. Naiiling na naglakad si Cullen papunta kay Andrew at kumuha pa siya ng isang baso ng wine sa nalagpasang waiter. “Anong ganap sa buhay natin ngayo
Hindi umimik si Jyla. Alam niya naman kasing pinaglalaruan lang siya ni Andrew. Bakit naman kasi siya pagtutuunan ng pansin ng isang anak-mayaman na kagaya nito? Panigurado ay naghahanap lang ito ng pampalipas-oras. Walang panahon at enerhiya si Jyla para makipaglaro rito, ang kaso ay ayaw niya sana itong insultuhin. Masyado na siyang maraming kaaway para magdagdag pa. Nagpakawala ng pilit na ngiti si Jyla at saka umiling rito. Pinagpatuloy niya ang paglalakad kapagkuwan.“Get in the car, Miss Probi.” Ngumiti ito nang pagkalapad at tinukod pa nga ang braso sa nakabukas nitong bintana. “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita kakainin eh— even if I wanted to….” Tiningnan siya nito nang makahulugan at bigla siyang kinilabutan sa presensya nito kaya’t nalukot nang husto ang mukha niya. “Joke lang,” biglang bawi nito. “I can’t afford to get murdered by your husband right now. Wala pa nga akong naanakan.”Mariin siyang umiling-iling at saka nagpatuloy sa paglalakad. “Damn!” dinig niy
Siyempre, hindi handang pakawalan basta-basta ni Andrew si Jyla. “I’ll pay for today. Basta next time ah, doble na rin ang lilibre mo sa ‘kin,” may pagkindat pang sabi ng lalaki sa kanya. Sa totoo lang, kanina pa gutom na gutom si Jyla. Hindi naman kasi siya nakakain dahil walang tigil ang pagdating ng mga hugasan niya kanina. Hindi na rin siya naglakas-loob na humingi ng pagkain sa mga kasamahan niya kasi nga huli na siyang dumating tapos siya pa ang bukambibig ng mga ito buong magdamag. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Jyla at tinanguan na nga niya ang lalaki. “Okay, sir. Promise. Babayaran kita kapag sumahod na ako.”“Good girl.” Mabuti na lang at dinala siya ni Andrew sa pinakamalapit na kainan at hindi sa mamahaling restaurant. Umorder sila ng dalawang bowl ng mami. Mabilis na nailapag ng tindero ang mami sa harapan nilang dalawa at agad naman nilantakan ni Jyla ang pagkain. Ni hindi nga man lang niya tinapunan ng tingin ni isang beses si Andrew hanggang sa naubos na lang
Zion“Jyla!” Marahang niyugyog ni Zion si Jyla pero hindi man lang nagising ang dalaga. Nang sapuin ni Zion ang noo ng dalaga, halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong lagnat. “Shit!” mura niya sa sarili. Alam ni Zion na hindi pwede sa buntis ang nilalagnat. Kung sana hinatid lang niya ito kagabi ay baka hindi ito nagkaganito ngayon. Wala na siyang panahon pa para sisihin ang sarili. Nagmamadaling tumayo si Zion atwalang kahirap-hirap na binuhat ang dalaga. Mas mabilis pa sa kidlat na tumungo siya sa sasakyan na nakaparada sa reserved parking ng residential building na ‘yon, akala mo ay wala siyang pasan-pasan. Marahan niyang pinaupo ang dalaga sa backseat. Pagkatapos masiguradong naka-seatbelt ito nang maayos, dali-daling sumakay si Zion at pinaandar ang makina. ***GabbyMabilis na naglahong parang bula ang sasakyan ni Zion at itim na usok lang ng sasakyan nito ang tanging nahabol ng tingin ni Gabby. “Zion!” kuyom ang palad na sigaw niya sa lalaki kahit wala na ito. Sa inis ay sin
Zion Halos mapaatras sa kaba sina Gabby, Beth, at Rolly habang nakamasid kay Zion, lalo pa at napatingin sa gawi ng mga ito ang lalaki bago umuusok ang ilong na pumasok sa loob ng emergency room. May kung anong kumirot sa puso ni Zion habang tinitingnan ang asawa sa higaan. Putlang-putla ang mukha nitong halos kasinglaki lang ng palad niya. Salubong ang mga kilay ng asawa at lukot na lukot ang mukha habang paulit-ulit na umiiling at lumuluha nang sarado ang mga mata. “Huwag ang anak ko….” nakakaawang pagsusumamo ni Jyla. Maging ang ibang medical staff sa kwarto na ‘yon ay hindi maiwasang malungkot at maiyak sa dinaramdam ni Jyla. “What’s wrong with her?” naaalarmang tanong ni Zion sa doktor na halos gulpihin na niya kanina. “Delirium, sir. Naapektuhan na po ang utak niya kaya nagkakaroon ng dysfunction.”Hindi na pinilit ni Zion na paturukan ang asawa ng paracetamol kahit na sigurado naman ang mga doktor na ligtas ito sa pagbubuntis. Ang kaso ay matagal pa ang epekto nito. Isa p
Pati pala si Cullen na kakakilala lang naman ni Jyla kahapon. Saglit nga pala itong nagpakita ng interes sa kanya. Ano ba ang meron sa kanya at napagti-trip-an siya ng mga mayayamang lalaki? Hindi naman siya kagandahan. Wala rin sa bokabularyo niya ang pag-aayos. Sobrang nagtataka tuloy siya. Ang kaso lang, kahit magaling na siya ngayon, balik na naman siya sa dating gawi, balik na naman siya sa buhay niyang walang patutunguhan, na puro pagdurusa lang. Umurong na rin ang tapang niya kahapon. Sasabihin niya na sana kay Zion ang buong katotohanan— that she fucked a dying man sa pag-uutos ng mga Palencia, at nabuntis nga siya ng lalaki pero wala na, patay na ang lalaki. Hindi alam ni Jyla, pero hindi na niya gustong isawalat ito magmula nang maabutan ang madamdaming tagpo sa pagitan ni Zion at Gabby kaninang umaga. Wala namang magbabago sakaling umamin siya rito— si Gabby pa rin ang gusto nito at ang tanging babae na pakakasalan nito. Baka nga mapikon pa lalo si Zion kapag nagdahila
Nagbaba ng tingin si Jyla bago nagsalita. “Patay na.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zion sa narinig. “So you killed him after he got you pregnant. Interesting. Mas malala ka pa pala kesa sa naiisip ko sa ‘yo,” paismid na pang-iinsulto ni Zion sa kanya. The corner of his lips were curled into a grin of disbelief.Hindi na tinanggi ni Jyla ang panglalait ng lalaki. Mas mabuti pang ituloy-tuloy na lang niya ang pagkukunwari kesa magdahilan pa at mas lalo pang hahaba ang usapan.Nag-angat siya ng tingin at sakto naman nagtama ang mga mata nila. “So hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?” May kung anong nagkakandarapa sa puso niya habang hinihintay ang sagot ng lalaki, na para bang umaasa siyang huwag sana muna nitong putulin ang peke nilang relasyon.“Why? Naduduwag ka na bang umarte sa harapan ni mama?” paghamon sa kanya ni Zion. “Well, alam mo na ang sikreto ko. Baka lang naman, hindi mo na maatim na magpanggap pa akong asawa mo dahil nga nagbubunt—”Agad na pinutol ni Zion ang si
Narinig pa nila Jyla ang pagbuntong-hininga ni Zoey bago ito nag-umpisa. “Dahil sa hirap ng pinagdaanan namin. Ilang taon kaming nagdusa dahil sa mga maling desisyon, dahil sa mga maling tao na pinagkatiwalaan namin. Prinotektahan namin ang isa’t isa laban sa mga naging kaaway namin bago pa kami magtagumpay. I just… want to make sure na kakayanin ni Zion, sakali mang mawala na ako sa mundong ito.” Zoey’s voice cracked in pain, dahilan para labis ding masaktan si Jyla. Gustuhin man niyang samahan hanggang huli si Zion para protektahan ito para sa ina nito, alam niyang hindi niya ‘yon pwedeng gawin. Wala siyang karapatan para gawin ‘yon.“Ayokong malaman ni Zion na kahit na nasa bingit na ako ng kamatayan eh naghahangad pa rin ako na magkaroon ng lugar sa pamilyang ‘yon. Masasaktan lang ang anak ko at sisisihin niya ang sarili niya kapag nagkataon.” Namasa na ang mga mata ni Jyla ng mga luha. Nakikita niya kasi ang sarili sa lagay ni Zoey. Parehong puno ng pagdurusa ang mga buhay nil
JylaMatagal na tinitigan ni Jyla ang pintuan ng bahay na minsan nilang tinirhan nang magkasama ni Zion. Bumalik sa alaala niya ang lahat, simula sa una nilang pagkikita ni Zion. Napakarami na niyang pinagdaanan sa poder ng asawa, hindi lang malungkot, hindi lang puro inis at galit— meron na ring masasayang alaala kahit papaano. Pero meron talagang paraan ang tadhana para ipangalandakan sa ‘yo na wala ka sa tamang kinalalagyan— na hindi para sa ‘yo ang isang bagay o isang tao.Pagod na pagod na siya sa lahat ng mga nangyayari. Panahon na talaga siguro para sumuko. Kung bakit ba naman kasi meron pang parte ng puso niya ang umaasa.Sa totoo lang, kaya siya naglakas loob na magpunta rito ngayon ay para lang makita niya si Zion. Gusto niyang isumbat dito ang nangyari sa kanya ngayong buong araw dahil hindi man lang siya nito magawang tulungan, kahit na hindi niya pa naman nagagawa ang bagay na ‘yon kahit kailan. But in the end, her heart won. Makita lang niya ang pagod at lungkot sa mg
ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla
Dylan‘What a freakin’ spectacle.’Hindi maiwasan ni Dylan ang mabighani sa ginawang pagsagip ng kaibigan niya kay Jyla. Akala niya ay kilalang-kilala na niya si Andrew, but this was a side of him he had never seen before.Hindi siya makapaniwalang may kakayahan pala itong protektahan ang isang babae. Masyado siyang nasanay na kinakama tapos ay pagsasawaan lang nito ang mga babaeng dumarating sa buhay nito. Andrew had never given someone an effort like this. Siguro kung wala lang taong nakahandusay ngayon sa sahig na may tumatagas na dugo sa tiyan nito, baka pinalakpakan na niya si Andrew.But Jyla….May kung anong kumirot sa dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng hindi mapigilan ang paghagulgol sa mga bisig ni Andrew. Nakita niyang handa na itong magpakulong ulit, kahit na kagagaling lang nito halos sa kulungan. She would rather be imprisoned than to be defiled by someone like Daniel.Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaselos sa kaibi
AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina
Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!
JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka