Share

Chapter 20

Author: Lexa Jams
last update Huling Na-update: 2024-11-23 11:54:58
Mariing napapikit si Jyla nang dumampi ang mainit na hininga ni Zion sa kanyang pisngi. Hindi yata’t handa na siya kahit ano pang klase ng pagpaparusa ang gawin nito sa kanya. After all, it was their honeymoon night.

“The next time I see you in here, hihilingin mong sana pinatay na lang kita,” malamig na babala sa kanya ng lalaki.

Binuka niya ang mga mata at paulit-ulit na kumurap-kurap rito sa magkahalong pagtataka at panghihinayang. Tumango na lamang siya rito bilang sagot. Binitiwan din siya agad ng lalaki at saka naglakad papunta sa mesang katabi ng higaan nito at saka kinuha ang pulseras na nilapag niya roon.

“Keep this. Alam mo naman siguro kung anong mararamdaman ni mama kapag nakita niyang hindi mo suot ‘yan.”

“Sabagay,” matipid niyang sagot bago siya napalunok. Oo nga pala, para tuloy siyang tanga.

Saka naman walang kahirap-hirap na binuksan ng lalaki ang pintuan nitong halos wasakin na ni Jyla kanina lamang. Tinignan lang siya nito nang malamig bilang hudyat na lumaba
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 21

    Kahit pa takot na takot na si Jyla para sa buhay niya at ng batang dinadala niya, hindi niya mapigilang irapan si Gabby dahil sa sinabi nito. Para saan pa na malaman niya ang tungkol sa ama ng dinadala kung patay na rin naman ito? Kahit alam niyang alam ng mga Palencia ang totoong katauhan ng lalaki ay hindi niya kinulit ang mga ito. Sigurado naman kasi siyang kung hindi sumisipsip ang mga Palencia sa lalaking ‘yon, paniguradong may kinalaman ang mga ito sa pagkamatay nito. Ayaw na niyang guluhin pa ang isipan. Isa pa ay mamamatay na rin naman siya ngayon. Para saan pa?“Ayoko,” mabilis niyang sagot kay Gabby. Inarko pa nga niya ang kilay dito para mang-inis. Isang malutong na sampal sa pisngi niya ang pinakawalan ni Gabby dahil sa asar nito sa sagot niya. “Talaga ba? Then, I guess I’ll have to tell you, kahit ayaw mong malaman. Para habangbuhay kang magdusa at hindi matahimik kahit nasa kabilang buhay ka na,” singhal nito. Hindi na umimik si Jyla. Siya pa talaga ang hinamon nit

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 22

    Nangangatog ang buong katawan ni Jyla habang nakapulupot sa leeg ni Zion ang mga braso. Alam niyang likas na arogante at antipatiko ang lalaki, pero kung tutuusin ngayon lang niya nasaksihan kung paano ito maging bayolente.Pero bakit naman niya kokonsensyahin ang sarili? Tama lang ang nangyari sa mga taong ‘yon. Ang hindi lang niya matanggap, bakit hindi man lang naparusahan si Gabby na siyang may pakana ng lahat ng ‘yon. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan si Gabby habang palabas na sila ni Zion. Talagang nginisihan pa siya nito na parang ito ang nagwagi kahit halos saktan na ito ni Zion kanina. Sinarili na lang niya ang hinanakit. Sa halip, dapat nga magpasalamat pa siya sa lalaki at kinaawaan siya nito. Pero hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas at ng lakas ng loob para lalong higpitan ang pagkakapulupot ng mga kamay niya kay Zion. At sinigurado niyang nakita ni Gabby 'yon. Kaagad na dinala ni Zion si Jyla sa ospital. Ayon sa doktor ay wala silang dapat ipag-alala da

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 23

    “Sorry po, ma.” Tumulo na nga sa kumot ni Zoey ang mga luha ni Jyla. “Nagka-emergency business trip kasi kami. Kinailangan naming puntahan ‘yong isang construction site noong isang gabi, late na kami nakauwi,” pagsisinungaling pa niya. “Bakit ka ba sorry nang sorry, anak? Kasalanan ko naman ito. Masyado nang mahina ang katawan ko. Hindi ko nga alam kung gigising pa ba ako kinabukasan kung matutulog ako ngayon,” medyo paos na sagot ni Zoey. “Huwag mong sabihin ‘yan, ma. Sobrang malulungkot po ako. Ayaw kong isipin na iiwan mo ako. Wala na po akong natitirang kamag-anak o kahit kaibigan man lang. Ikaw na lang ang meron ako. Huwag mo akong iwan, ma,” humihikbing pakiusap ni Jyla sa biyenan. “Anak, hinding-hindi ka naman mag-iisa. Makakasama mo naman si Zion hanggang sa pagtanda niyo.” Lalo lang naiyak si Jyla sa sinabi nito. Hindi na iniwan ni Jyla ang matanda sa higaan kahit pa kailangan din niyang magpahinga. Tuluyan na nga niyang nalimot ang pasakit na inabot kanina. Sinikap niyang

    Huling Na-update : 2024-11-24
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 24

    Zion Lalo pa ngang lumakas ang ulan na sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat. Dali-daling kumuha ng payong si Zion at lumabas ng kwarto. Pero natigilan siya nang madaanan ang kwarto ni Jyla. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga impit na pag-iyak ng dalaga. Gusto niyang buksan ang pintuan para yakapin at patahanin ito, and maybe do more. Dahil una sa lahat, kailangan din niyang palisin ang sakit at kalungkutan na nadarama. Hinawakan niya ang doorknob, akmang bubuksan na sana ang pintuan, but he couldn’t. Sa halip, halos durugin niya na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kung meron mang numero unong nanakit kay Jyla, siya ‘yon. He was her main perpetrator. At batid niyang siya ang dahilan kung bakit nagawa ni Gabby na saktan si Jyla. He didn’t deserve to be comforted. At wala siyang karapatang i-comfort ito. Iyon lang at iniwan na ni Zion ang kwarto ng dalaga at bumaba para komprontahin si Gabby. God knew how much he wanted to destroy that bitch, but he couldn’t afford some

    Huling Na-update : 2024-11-26
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 25

    ZionAng tawag na iyon ay galing sa lolo ni Zion na si Manuel Calvino. “Dahil nasa kamay mo na ang kumpanya ng pamilya natin, may mga mabibigat kang responsibilidad, Zion. Your grandmother and I will be hosting a matchmaking party for you. You need to find a woman of great caliber. I hope hindi magiging problema ito sa peke mong asawa ngayon.” May pagkadominante pa ang pag-uutos ng matanda sa apo. “Daughters from eligible fa—”“I’m not going,” mabilis na pagtutol ni Zion sa matanda. Hindi pa nga tapos ang kontrata nila ni Jyla. Isa pa ay ikakasal na rin siya kay Gabby. Medyo huminahon ang tinig ni Manuel sa kabilang linya, na para bang nagpipigil ng pasensya. “Do not hang up on me yet. Makinig ka muna sa sasabihin ko.”Medyo ngumiwi si Zion dahil nga puputulin na rin sana niya ang tawag. “Nakikinig ako, lo.”“You know I’m already ninety-six. Gusto ko pang makita kang ikasal, at kung papalarin, gusto ko ring maabutan ang mga apo ko. I’ve invited the best daughters from the most promin

    Huling Na-update : 2024-11-27
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 26

    Gabby“Zion?” pag-untag ni Gabby sa lalaki. Inignora lamang siya nito at sa halip ay nagdutdot sa cellphone. Tinawagan nito kapagkuwan ang assistant. “I need you to come over right away, Johann. Pakihatid si Gabby sa bahay nila.” Napangiwi si Gabby sa pagka-antipatiko ng lalaki. Ni hindi man lang siya muna nito pinapasok sa loob at abutin ng tuwalya o di kaya’y pagbihisin gayong para na siyang basang sisiw at nanginginig pa nga. Ano ba naman ang bigyan man lang sana siya ng maiinom bago pauwiin, ‘di ba?Agad na pinutol ni Zion ang tawag. “He’ll be here in three minutes,” anito sa kanya. Umalis na ang lalaki at bumalik sa bahay dala-dala ang payong at iniwan si Gabby na nakanganga sa gitna ng ulan. Akala niya kasi ay ipapahiram man lang nito sa kanya ang dinala nitong payong.Mabilis namang humanap ng masisilungan si Gabby at naghintay ng ilang minuto bago dumating si Johann. “Ugh! Napakatagal mong dumating!” sita niya sa assistant ni Zion matapos nitong gumarahe sa harapan niya.

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 27

    Hindi naman naapektuhan si Zion ng malakas na pagtili ni Jyla at nagawa pa rin nitong sipatin ang kahubaran ng asawa mula ulo hanggang paa. The cold expression on his face didn’t change either. Kaya naman marahas na pinaikot ni Jyla ang lalaki at saka pinulot ang nalaglag na tuwalya sa sahig at mabilis pa sa kidlat na tinapis ito sa katawan bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya. Naluluhang napasandal siya sa pintuan pagkasara na pagkasara nito at halos batukan ang sarili dahil sa katangahan. Shit. Pangalawang beses na ito na nakita ng asawa ang hubad niyang katawan, at baka isipin pa nito na sinasadya niyang maghubad dito para lang akitin ito. Pinunasan niya ng kamay ang kaunting luhang namuo sa mga mata niya dahil nga sa kahihiyan at saka naisipang kumilos at magbihis na nang biglang bumukas ang pintuan sa likuran niya. Nalaglag ang panga niya nang iluwa ng pintuan ang asawa na may malamlam na ekspresyon. Binalot siya bigla ng takot at napahawak nang mahigpit sa kanyang

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 28

    Matamang tiningnan ni Jyla ang nabanggang lalaki at paulit-ulit na kumurap-kurap, pilit na inaalala kung sino nga ba ito. “Ah, Sir Andrew,” aniya nang sumagi sa isipan niya ang ginawa ng lalaki sa kasal nila ni Zion. Bigla namang napatayo sa kinauupuan ang boss ni Jyla na si Francis para batiin ang anak ng CEO. “Sir Andrew! Bakit po kayo napadaan dito?” nagtatakang tanong ng lalaki kay Andrew.“Wala lang.” Nagkibit-balikat pa nga ang si Andrew bilang tugon. “Anyway, anong problema rito?” kunot-noong dagdag nitong tanong kay Francis.“Ah! Kasi naman, bagong salta lang ‘yan dito, sir. Tapos kung makapag-absent eh, wagas. Hindi man lang nagpaalam. Kung hindi rin naman siya dedikado sa pagtatrabaho eh mag-resign na lang kamo siya!”“Promise, sir. Hindi na po ako mag-aabsent! Kahit doon lang ako palagi sa construction site, walang problema. Please, bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon,” pagmamakawa niya sa mga ito.“Francis, give her another chance. Kung may pagkakamali man siya eh

    Huling Na-update : 2024-12-02

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 111

    Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 110

    JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 109

    JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 108

    Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 107

    ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 106

    JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 105

    Rolly“Lintek na babaeng ‘yon! Nagulat ako may nilabas bigla na cutter at inambahan ako ng saksak! Ang lakas ng loob! Matapos niyang batuhin si Gabriella ako naman ang sasaksakin niya!” protesta ni Rolly sa asawa at anak na ngayon ay nagkukumpulan sa mahaba nilang sofa. Kaagad namang umismid si Beth sa narinig. “Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niya,” wala sa loob na usal ng babae habang nakatingin sa malayo. Kumunot ang noo ni Rolly sa sinabi ng asawa at bumaling siya ng tingin kay Gabby, nanghihingi ng impormasyon. Kaagad namang umiling si Gabby sa kanya. “I’m tired. Doon lang muna sa kwarto ko, ma, pa,” pagpapaalam ni Gabby sa kanilang dalawa. Hindi na nito hinintay pa ang pagpayag nila at tumayo na ito sa sofa at saka umakyat sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila. Wala silang nagawa kundi sundan lang ito ng tingin. “Hon, what are you talking about?” hindi matiis na tanong na niya kay Beth matapos masiguradong nakapasok na it

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 104

    Hindi maiwasang malungkot ni Jyla. Lumala na nang sobra ang kalagayan ni Zoey. Parang kailangan na niyang ihanda ang sarili niya. And Zion clearly drew a line between them. At dahil nakita ni Gabby ang pagpanig ni Zion dito, panigurado ay mamaya’t mamayain siya ng mga Palencia. She’s now vulnerable. For now, makukuntento muna siya sa mga bato bilang sandata, mabuti na lang din at gumana ang pananakot niya kay Gabby. Pero inisip niyang gumawa ng pepper spray mamaya dahil mahal ‘yon kapag binili niya pa. Nakarating na siya sa wakas sa construction site. Pero bawat minuto yata ay lumilinga-linga siya paligid. Natapos na ang oras ng trabaho at parang napagtanto ni Jyla na na-miss niya ang pagtatrabaho roon. Mas komportable siyang katrabaho ang mga lalaking construction worker. Walang nangmamanipula at nangmamata sa mga ito, walang pinagtitsismisan na mga katrabaho, pawang trabaho lang. Wala pang nag-uutos na magpabili sa kanya ng kung ano-ano.Ang kaso ay mailap pa rin ang pagbiyahe n

  • The Billionaire's Wife is an Ex-convict   Chapter 103

    Lukot na lukot ang mukha ni Jyla habang tinitingnan ang babae. “Anong ginagawa mo rito? Nakuha mo na ang gusto mo, bakit ginugulo mo pa rin ako?” Maarteng humalukipkip si Gabby, at salitan ang pag-arko nito ng kilay habang hindi pa rin naaalis ang nakakainis na ngiti nito sa mga labi. “Yung totoo? Akala mo siguro papanigan ka ni Zion ‘no? Because he treated you nicely these past few days, you thought he’d choose you over me. Akala mo maagaw mo na siya sa ‘kin.” Habang lumilipas ang oras na tinititigan ni Jyla si Gabby ay lalo lang tumitindi ang kagustuhan niyang sakalin ito. Hindi dahil sa pinanigan ito ni Zion, pero dahil sa paulit-ulit na panggugulo nito at ng pamilya nito sa kanya at sa puntod ng ina niya. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit siya pinadala ng ina sa mga Palencia, namatay na lang ito at lahat, pero hindi na talaga niya nalaman ang dahilan. Sinira lang ng mga ito ang buhay niya. Wala siyang balak na saktan si Gabby dahil ayaw niyang bumalik sa bila

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status