ZionSalubong ang kilay na pinagmasdan ni Zion ang asawa. Ano ang ginagawa nito rito sa kwarto niya? Parang gusto na naman tuloy manakit ni Zion noong mga oras na ‘yon. Pagkatapos ng pagsasalo-salo nila kanina ay bigla siyang pinatawag ng nobenta’y sais anyos na lolo niya na si Manuel Calvino, ang dating Chairman of the Board ng kumpanya sa loob ng apatnapung taon. Kahit pa matagal na itong nagretiro sa trabaho ay ma-awtoridad pa rin ang matanda at kinatatakutan at sinusunod pa rin ng lahat, kahit ni Zion. Lagpas isang buwan na rin noong napasakamay ni Zion ang pag-aari ng kumpanya sa tulong nga ng matanda, kaya hindi alintana sa matanda ang pagiging brutal niya. Dahil marami siyang pinatanggal na mga tauhan ng kumpanya, ang karamihan ay ginamitan pa nga niya ng dahas. Kaya naman pinagsabihan siya nitong huwag nang guluhin pa ang iba pa nilang kapamilya na sumuko na sa kanya, at nangako naman ang matanda na hindi na nito pakikialaman pa ang pamumuhay niya, mapa-personal man o tun
Mariing napapikit si Jyla nang dumampi ang mainit na hininga ni Zion sa kanyang pisngi. Hindi yata’t handa na siya kahit ano pang klase ng pagpaparusa ang gawin nito sa kanya. After all, it was their honeymoon night. “The next time I see you in here, hihilingin mong sana pinatay na lang kita,” malamig na babala sa kanya ng lalaki. Binuka niya ang mga mata at paulit-ulit na kumurap-kurap rito sa magkahalong pagtataka at panghihinayang. Tumango na lamang siya rito bilang sagot. Binitiwan din siya agad ng lalaki at saka naglakad papunta sa mesang katabi ng higaan nito at saka kinuha ang pulseras na nilapag niya roon. “Keep this. Alam mo naman siguro kung anong mararamdaman ni mama kapag nakita niyang hindi mo suot ‘yan.” “Sabagay,” matipid niyang sagot bago siya napalunok. Oo nga pala, para tuloy siyang tanga. Saka naman walang kahirap-hirap na binuksan ng lalaki ang pintuan nitong halos wasakin na ni Jyla kanina lamang. Tinignan lang siya nito nang malamig bilang hudyat na lumaba
Kahit pa takot na takot na si Jyla para sa buhay niya at ng batang dinadala niya, hindi niya mapigilang irapan si Gabby dahil sa sinabi nito. Para saan pa na malaman niya ang tungkol sa ama ng dinadala kung patay na rin naman ito? Kahit alam niyang alam ng mga Palencia ang totoong katauhan ng lalaki ay hindi niya kinulit ang mga ito. Sigurado naman kasi siyang kung hindi sumisipsip ang mga Palencia sa lalaking ‘yon, paniguradong may kinalaman ang mga ito sa pagkamatay nito. Ayaw na niyang guluhin pa ang isipan. Isa pa ay mamamatay na rin naman siya ngayon. Para saan pa?“Ayoko,” mabilis niyang sagot kay Gabby. Inarko pa nga niya ang kilay dito para mang-inis. Isang malutong na sampal sa pisngi niya ang pinakawalan ni Gabby dahil sa asar nito sa sagot niya. “Talaga ba? Then, I guess I’ll have to tell you, kahit ayaw mong malaman. Para habangbuhay kang magdusa at hindi matahimik kahit nasa kabilang buhay ka na,” singhal nito. Hindi na umimik si Jyla. Siya pa talaga ang hinamon nit
Nangangatog ang buong katawan ni Jyla habang nakapulupot sa leeg ni Zion ang mga braso. Alam niyang likas na arogante at antipatiko ang lalaki, pero kung tutuusin ngayon lang niya nasaksihan kung paano ito maging bayolente.Pero bakit naman niya kokonsensyahin ang sarili? Tama lang ang nangyari sa mga taong ‘yon. Ang hindi lang niya matanggap, bakit hindi man lang naparusahan si Gabby na siyang may pakana ng lahat ng ‘yon. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan si Gabby habang palabas na sila ni Zion. Talagang nginisihan pa siya nito na parang ito ang nagwagi kahit halos saktan na ito ni Zion kanina. Sinarili na lang niya ang hinanakit. Sa halip, dapat nga magpasalamat pa siya sa lalaki at kinaawaan siya nito. Pero hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas at ng lakas ng loob para lalong higpitan ang pagkakapulupot ng mga kamay niya kay Zion. At sinigurado niyang nakita ni Gabby 'yon. Kaagad na dinala ni Zion si Jyla sa ospital. Ayon sa doktor ay wala silang dapat ipag-alala da
“Sorry po, ma.” Tumulo na nga sa kumot ni Zoey ang mga luha ni Jyla. “Nagka-emergency business trip kasi kami. Kinailangan naming puntahan ‘yong isang construction site noong isang gabi, late na kami nakauwi,” pagsisinungaling pa niya. “Bakit ka ba sorry nang sorry, anak? Kasalanan ko naman ito. Masyado nang mahina ang katawan ko. Hindi ko nga alam kung gigising pa ba ako kinabukasan kung matutulog ako ngayon,” medyo paos na sagot ni Zoey. “Huwag mong sabihin ‘yan, ma. Sobrang malulungkot po ako. Ayaw kong isipin na iiwan mo ako. Wala na po akong natitirang kamag-anak o kahit kaibigan man lang. Ikaw na lang ang meron ako. Huwag mo akong iwan, ma,” humihikbing pakiusap ni Jyla sa biyenan. “Anak, hinding-hindi ka naman mag-iisa. Makakasama mo naman si Zion hanggang sa pagtanda niyo.” Lalo lang naiyak si Jyla sa sinabi nito. Hindi na iniwan ni Jyla ang matanda sa higaan kahit pa kailangan din niyang magpahinga. Tuluyan na nga niyang nalimot ang pasakit na inabot kanina. Sinikap niyang
Zion Lalo pa ngang lumakas ang ulan na sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat. Dali-daling kumuha ng payong si Zion at lumabas ng kwarto. Pero natigilan siya nang madaanan ang kwarto ni Jyla. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga impit na pag-iyak ng dalaga. Gusto niyang buksan ang pintuan para yakapin at patahanin ito, and maybe do more. Dahil una sa lahat, kailangan din niyang palisin ang sakit at kalungkutan na nadarama. Hinawakan niya ang doorknob, akmang bubuksan na sana ang pintuan, but he couldn’t. Sa halip, halos durugin niya na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kung meron mang numero unong nanakit kay Jyla, siya ‘yon. He was her main perpetrator. At batid niyang siya ang dahilan kung bakit nagawa ni Gabby na saktan si Jyla. He didn’t deserve to be comforted. At wala siyang karapatang i-comfort ito. Iyon lang at iniwan na ni Zion ang kwarto ng dalaga at bumaba para komprontahin si Gabby. God knew how much he wanted to destroy that bitch, but he couldn’t afford some
ZionAng tawag na iyon ay galing sa lolo ni Zion na si Manuel Calvino. “Dahil nasa kamay mo na ang kumpanya ng pamilya natin, may mga mabibigat kang responsibilidad, Zion. Your grandmother and I will be hosting a matchmaking party for you. You need to find a woman of great caliber. I hope hindi magiging problema ito sa peke mong asawa ngayon.” May pagkadominante pa ang pag-uutos ng matanda sa apo. “Daughters from eligible fa—”“I’m not going,” mabilis na pagtutol ni Zion sa matanda. Hindi pa nga tapos ang kontrata nila ni Jyla. Isa pa ay ikakasal na rin siya kay Gabby. Medyo huminahon ang tinig ni Manuel sa kabilang linya, na para bang nagpipigil ng pasensya. “Do not hang up on me yet. Makinig ka muna sa sasabihin ko.”Medyo ngumiwi si Zion dahil nga puputulin na rin sana niya ang tawag. “Nakikinig ako, lo.”“You know I’m already ninety-six. Gusto ko pang makita kang ikasal, at kung papalarin, gusto ko ring maabutan ang mga apo ko. I’ve invited the best daughters from the most promin
Gabby“Zion?” pag-untag ni Gabby sa lalaki. Inignora lamang siya nito at sa halip ay nagdutdot sa cellphone. Tinawagan nito kapagkuwan ang assistant. “I need you to come over right away, Johann. Pakihatid si Gabby sa bahay nila.” Napangiwi si Gabby sa pagka-antipatiko ng lalaki. Ni hindi man lang siya muna nito pinapasok sa loob at abutin ng tuwalya o di kaya’y pagbihisin gayong para na siyang basang sisiw at nanginginig pa nga. Ano ba naman ang bigyan man lang sana siya ng maiinom bago pauwiin, ‘di ba?Agad na pinutol ni Zion ang tawag. “He’ll be here in three minutes,” anito sa kanya. Umalis na ang lalaki at bumalik sa bahay dala-dala ang payong at iniwan si Gabby na nakanganga sa gitna ng ulan. Akala niya kasi ay ipapahiram man lang nito sa kanya ang dinala nitong payong.Mabilis namang humanap ng masisilungan si Gabby at naghintay ng ilang minuto bago dumating si Johann. “Ugh! Napakatagal mong dumating!” sita niya sa assistant ni Zion matapos nitong gumarahe sa harapan niya.
Jyla“Fine. Don’t tell me who’s the bastard that got you pregnant. But none of my family should hear about this— kahit si mama! And for your information, hinding-hindi ko aangkinin ang batang ‘yan,” malamig na babala ni Zion kay Jyla. “And since you came here today on your own volition— feel free to suffer,” dagdag pa ng lalaki. Pagkasabi noon ay umalis na rin si Zion at pumasok na sa loob ng mansyon patungo sa malaking bulwagan.Naiwanang mag-isa si Jyla sa parte ng hardin na ‘yon, lumuluha. Putang ina. Dalawang buwan lang naman ang usapan ng kasal nila. Bakit ba hindi maabot ng isip ng magaling niyang asawa na hindi naman makakaapekto ang bata sa panandalian nilang kasal? Bakit ang mga napaka-imposibleng bagay pa talaga ang pumapasok sa isipan nito? At bakit ba hindi niya magawang magdahilan dito? Palagi na lang umuurong ang dila niya sa tuwing nag-aaway sila.Nakailang pahid na si Jyla sa mga luha na nasa mukha niya pero wala pa ring humpay sa pagtulo ang mga ito. Natigil lang
Paulit-ulit na lumunok si Jyla pagkakita kay Zion. Parang gusto na nga niyang lamunin ng lupa habang tinitingnan ang asawang hawak-hawak ang kapiraso na dokumentong ‘yon na kuha pa noong una siyang nagpacheck-up.Tinapon na nga niya ang pinakaresulta ng laboratory test niya, pero nilagay niya sa wallet ang larawan ng ultrasound ng anak dahil balak niya sanang ipakita ito sa anak kapag lumaki ito. Ang kaso ay nakita nga ito ni Gabby noong pinadukot siya ng babaita. At akala niya ay tinago ng babae ang larawan pang-blackmail sa kanya, o hindi kaya ay nawala na ito sa warehouse na pinagdakipan sa kanya dahil nga nagkagulo na noong dumating si Zion para iligtas siya.Hindi talaga sumagi sa isip niya na nasa kamay na pala ng asawa ang dokumentong ‘yon. “Bakit nasa ‘yo ‘yan?” kunot-noong tanong niya sa asawa. Posible kayang binigay ni Gabby ito sa lalaki?Kaya pala….Kaya pala galit na galit ito pagkakita sa kanya kanina. Kaya pala hinalikan siya nito nang pagkarahas para lang parusahan
Marahang pinalis ni Jyla ang kamay ng katrabaho. “Hindi. Kailangan ko lang talaga ng extra income,” pagsisinungaling pa niya. Totoo naman na kailangan niya talaga ng ekstrang pera, pero hindi naman kasi ‘yon ang pinunta niya rito. Dahil hindi siya imbitado sa okasyong ‘yon, naghanap siya ng ibang paraan kung paano makakapunta para hindi mabigo ang hiling ng biyenan. Saktong nalaman niya sa biyenan kung sino ang caterer ng mga Calvino, ang Elysian Atelier, isang popular na restaurant na maraming branch, hindi lang sa bansa kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. At popular din ang executive chef ng restaurant na si Chef Elyse sa buong mundo. Pasok sa panlasa ng mga sikat at mayayamang personalidad ang mga pagkaing inihahanda sa mga restaurant ng babae. Pero para sa mga taong kagaya ni Jyla, baka nga kahit tubig dito ay hindi niya kayang bilhin. Isa pa, asa namang makapasok talaga siya sa kahit na isa sa mga restaurant nito. Pero kahit na napaka-imposible, agad na nagbaka-sakali si Jy
Zion“I’m so sorry, Zion.” Pigil na pigil pa si Gabby sa pag-iyak ng sobra sa lagay na ‘yon, dahil nga mas lalo itong papanget sa mata ni Zion. “Siguro okay na rin ‘to. Baka hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Don’t worry. Hindi na ulit ako magpapakita sa ‘yo,” sumisinghot-singhot na pagpapaalam nito. Akmang aalis na sana ang babae nang hablutin ni Zion ang pulsuhan nito kahit masama sa loob niya. Dahil fiancé siya nito, kailangan pa tuloy niyang magpanggap na concerned dito kahit labis na ang pagkadisgusto niya rito. And for fuck’s sake, she deserved this. Maybe she even deserved more.“Anong nangyari sa ‘yo?” he asked. Wala naman kasing nabanggit si Johann sa kanya tungkol dito. Lumabi si Gabby at paulit-ulit na umiling habang lumuluha. “Say it,” naiiritang utos ni Zion. At talagang nagpapabebe pa ito.“Sinampal ako ni mama,” parang batang sumbong ni Gabby sa lalaki. Nalukot ang mukha ng lalaki sa narinig. “What?” “Your mom asked her to. Dahil daw sa ginawa ko kay Jyla,”
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Andrew at pinaandar na nga ang sasakyan papunta kay Jyla. Binuksan ng lalaki ang bintana at nginitian si Jyla. “Get in the car, Miss Probi! Pauwi na rin naman ako, sumabay ka na!” Samantala, pamilya si Jyla sa sasakyan na ‘yon dahil minsan na siyang sumakay rito. Pero dumukwang pa rin siya para tingnan kung sino ang driver. “Sir Andrew,” bati niya rito.Sinipat niya ang kabuuan ng sportscar. Sunod niyang sinipat ang sarili na punong-puno ng alikabok. “Sir, okay lang. Hintayin ko na lang po yung bus,” magalang niyang pagtanggi na may kasamang pag-iling. “Are you sure? Gabi na, oh? Baka wala ng bus niyan? Mamaya hindi ka pa makauwi niyan ngayon. Unless, magta-taxi ka.” Taxi? Hirap na hirap na nga siyang budget-in ang pera niya hanggang sa sahod. Kinuyom niya ang mga labi at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan sa passenger’s seat. Medyo nahirapan pa nga siya umupo dahil masyadong mababa ang sasakyan. “Where to, Miss Probi?” natutuwang tanong sa kan
ZionHindi man nakikita ni Johann ang reaksyon ni Zion dahil sa ibinalita, nai-imagine na ni Johann ang disappointment nito. “Sir?” untag ni Johann sa amo na ilang segundo na yatang nanahimik. “I see,” malamig na saad ni Zion. Hindi alam ni Johann, pero para bang nasaktan ang amo sa narinig.“What should I do, sir?” dagdag tanong ni Johann. “I’ll extend my stay here for a day. Ikaw na ang bahala magdala kay Gabriella sa mansyon. I’ll just meet her there.” Ang nasabing pagtitipon ay gaganapin sa mansyon ng mga Calvino. The mansion had a specific wing for such occasions. May malawak na bulwagan sa loob ang wing na ito ng mansyon at maging ang hardin at patio nito ay ginagamit din para sa mga selebrasyon. Ang dahilan lang naman kung bakit niya dadalhin si Gabby roon ay para magtigil na ang lolo niya sa kahahanap ng mapapangasawa niya. Sigurado naman siyang magugustuhan nito ang background ng dalaga at maging ang pamilya nito na isa rin naman sa mga kaalyado ng pamilya nila.“Got it,
Kinabahan si Jyla sa makahulugang ngiti ni Zoey bago ito nagsalita. “Alam kong hindi kayo magagawang saktan ni Jyla, kaya bibigyan ko kayo ng pagpipilian, Beth. It’s either I ask my men to hurt your daughter or you hurt her yourself— right here.”Napamaang si Jyla sa sinabi ng matanda. Alam na niya ngayon kung saan nagmana ang asawa. Habang napakislot naman si Beth sa sinabi ni Zoey. “What?” “Isang daang sampal, Beth. I think that will be enough for now.” Napasinghap si Gabby sa narinig at nagkatinginan sila ng ina. “Zoey, please… hindi ito ang ibig kong sabihi—” Sinubukan ni Beth ang magpaliwanag pero pinutol ni Zoey ang sinabi nito. “Nakita niyo naman siguro ang mga lalaking naghihintay riyan sa labas,” angil ni Zoey. Agad na naintindihan ni Jyla ang ibig sabihin ng biyenan. Kaya pala may grupo ng mga lalaki na may malalaking tikas na nakaupo sa lounge sa labas lang ng ward ni Zoey.“Fine!” pasigaw na angal ni Beth. Basang-basa na ng luha ang mga mata nito pero pilit pa ring
“Anong ginagawa niyo rito?” Pinandilatan ni Jyla sina Gabby at Beth, ngatal ang boses. Ang kapal talaga ng mukha ng mga ito. Matatanggap niya pa kung siya ang insultuhin o ‘di kaya’y saktan ng dalawang ito, pero hinding-hindi niya mapapalampas kung pati si Zoey ay idadamay pa ng mga ito sa gusot nila. May malubhang sakit na nga ang tao. Inalis niya ang pagkakasuot ng bag at mabilis na lumapit sa dalawa. Kapagkuwan ay paulit-ulit niyang hinampas ang bag kay Gabby. “Ang lakas ng loob niyong pumunta rito! Umalis kayo dito!”Nagpakawala ng impit na tili si Gabby at tinakpan ang sarili. “Stop!”“Ano ba, Jyla!” singhal ni Beth kay Jyla habang tinatakpan si Gabby. Iginiya nito ang anak palayo kay Jyla at pumwesto sa pintuan banda. Hindi na hinabol ni Jyla ang dalawa at agad siyang lumapit kay Zoey para sana protektahan din ito mula sa dalawa. “Ma, okay ka lang? Sabihin mo sa ‘kin kung anong ginawa nila sa ‘yo,” nag-aalalang tanong niya sa biyenan. Sinipat pa nga niya ang mukha at pati mga
AndrewNgumiti muna nang pagkalapad si Andrew at saka sinagot si Jyla. “How about lunch? Your treat?” pagbiro niya sa dalaga.Napansin niya ang pag-aalinlangan sa maganda nitong mukha. Nilinga ni Andrew ang paligid at nadismaya nang makita ang mga sunod-sunod na karinderya sa makitid na eskinita na ‘yon. Bibihira nga lang kumain ang mga empleyado niya sa lugar. Palibhasa ay hindi kaaya-aya ang masasamyo ng kahit na sino sa tuwing dadaan dito. Kaya naman hindi na lang siya humihinga sa ilong para hindi malanghap ang amoy ng lugar— para lang makasama si Jyla. “Libre mo naman ako kahit tapsilog lang,” dagdag na biro pa niya. Baka isipin pa nito na sa isang fine dining restaurant pa siya nagpapalibre. “Okay.” Pumayag naman agad si Jyla sa sinabi ng amo kahit masama sa loob. Tahimik na iginiya ni Jyla si Andrew papunta sa isang karinderya at umorder na nga ng menudong giniling, chopsuey, at dalawang kanin. Pumwesto na sila sa isang maliit na mesa, nakaharap pa nga sa isa’t isa, para