The Sweet Beautiful Romance

The Sweet Beautiful Romance

last updateLast Updated : 2024-07-04
By:   byeoluvve  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
147Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Paano kung malaman mo na ang papel na pinirmahan mo na akala mo ay para sa insurance lang ay marriage certificate na pala? Paano kung magising ka na lang isang araw tapos malaman mong matagal ka na palang kasal sa isang lalake na hindi mo pa nakikita o nakikilala? Paano haharapin ni Mikael Mendoza ang panibagong buhay niya kasama ang isang lalake na ayaw makita ni anino niya? Damon Monverde, isang magaling at kilalang Doctor. Kinatakutan din siya dahil sa taglay na kagaspangan ng ugali nito na kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi niya pinapalampas. A man with few words, but when he speaks it is sharper than the sharpest thing on earth. Paano matitiis ni Mikael Mendoza ang katulad niya? May pag-asa rin kayang mahulog sila sa isa't-isa? THE SWEET BEAUTIFUL ROMANCE

View More

Latest chapter

Free Preview

KABANATA 1

Year 2017, Barangay 1003 Trese Mapayapa, Philippines MIKAY Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng almusal, at makapag-ayos na rin para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Kahit antok na antok pa ako ay wala akong choice kundi bumangon. Mamaya mabubungangaan na naman ako ni Mama. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at malazombie na tinungo ang banyo. May maliit akong banyo sa kwarto ko, sakto lang talaga para sa mga hindi katangkarang tulad ko. Nag shower ako para marefresh naman kahit papaano ang braincells ko na gagamitin ko na naman mamaya. Simple lang ang buhay ko. Hindi ako lumaki sa isang mayamang pamilya, sakto lang. Nakakakain kami at nakakatulog ng maayos, hindi rin kami nagigipit sa pera. May mga part time jobs din ako kaya naman pagdating sa school nag sha-shutdown na ang utak ko. Hindi rin ako masyadong matalino, kaya nga laging pasang-awa ang grades ko, hindi kasi talaga ako para aral, dahil makita ko palang ang libro ko inaantok agad ako. Para kasi akong...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Josa Catada
napaka ganda nang kwento. Nakakatawa.
2024-09-13 22:07:55
0
147 Chapters
KABANATA 1
Year 2017, Barangay 1003 Trese Mapayapa, Philippines MIKAY Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng almusal, at makapag-ayos na rin para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Kahit antok na antok pa ako ay wala akong choice kundi bumangon. Mamaya mabubungangaan na naman ako ni Mama. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at malazombie na tinungo ang banyo. May maliit akong banyo sa kwarto ko, sakto lang talaga para sa mga hindi katangkarang tulad ko. Nag shower ako para marefresh naman kahit papaano ang braincells ko na gagamitin ko na naman mamaya. Simple lang ang buhay ko. Hindi ako lumaki sa isang mayamang pamilya, sakto lang. Nakakakain kami at nakakatulog ng maayos, hindi rin kami nagigipit sa pera. May mga part time jobs din ako kaya naman pagdating sa school nag sha-shutdown na ang utak ko. Hindi rin ako masyadong matalino, kaya nga laging pasang-awa ang grades ko, hindi kasi talaga ako para aral, dahil makita ko palang ang libro ko inaantok agad ako. Para kasi akong
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more
KABANATA 2
Year 2022, Present MIKAYIbinagsak ko ang katawan ko sa hindi kalambutan kong kama nang makauwi ako, kaya napadaing ako ng medyo slight. Putik! Parang kailangan ko na ng bagong foam, kulang na lang maramdaman ko na 'yong papag ko. "Nakakapagod na buhay," pagmamaktol ko saka ako humikab. Inaantok na ako pero sa tuwing papasok sa isip ko yung class card ko ay tila ba nabubuhay ang katawang lupa ko. Para akong isang batang nagwawala sa kama ko dahil sa frustration! "Nakakainis talaga! Ayoko talaga sa mga komplikadong tanungan dahil madalas nagiging komplikado rin ang pag-iisip ko." Katatapos lang ang ng exam ko, at kahit papaano ay sumasabit naman ako. Fourth year na ako sa nursing, sa wakas! Malapit na ring matatapos ang hinagpis ko, at malapit na rin akong kumaldag. Huwag na kayong magtaka kung bakit fourth year palang ako, dahil sa kapasidad ng utak ko isang himala para sa akin ang makatungtong ng fourth year. Pagkatapos kong magshower ay bumaba na ako para kumain kaya lang nap
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more
KABANATA 3
ThreeMIKAY"Ano? Matagal na akong kasal sa lalakeng hindi ko pa nakikita?" Hindi ko maitago ang aking pagkayamot dahil sa sinabi ng attorney na nasa harapan ko ngayon. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag sa akin ang lahat ay hindi ko pa rin ito lubos maintindihan. Noong nakaraang linggo lamang ay sinabi niyang tagapagmana ako, tapos ngayon naman sasabihin niya sa akin na kasal ako sa kung sino mang nilalang? Paano naman ang magandang dignidad ko? Kasal ako? Kanino? Sa anino ko? Konti na lang talaga maiiyak na ako sa sitwasyon ko. Tinignan ko si Papa na nanatili namang tahimik. Ni hindi siya umaangal sa sinasabi ng attorney, hindi gaya nung huli itong nagpunta rito. Natatakot na nga ako dahil baka totoo nga ang sinasabi ni Attorney at alam ni Papa ang buong nangyayari. Pero paano naman ako magiging kasal? Wala naman akong experience sa ganyan! "Paano pong nangyari na kasal ako eh hindi pa nga ako nagkaboyfriend? Nag-aabay ako pero puro pagsindi lang ng kandila ang role ko," pa
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more
Kabanata 4
MIKAYKabayaran ng ginawa ng magulang ko?Kanina pa iyan tumatakbo sa isip ko. Gusto kong tanungin si Papa kung ano ba ang ginawa nila para ako ang maging bayad sa kung ano man ang ginawa nila, pero ayoko ng dagdagan pa ang iisipin ni Papa dahil panigurado naman ako na gaya ko ay ayaw niya rin sa sitwasyon na kinasasangkutan ko ngayon.Hindi ko rin naman sila p'wedeng sisihin dahil sure rin ako na may dahilan ang lahat."Hija, from now on, you're going to live now to your husband's place," saad ni Mr. Ynares na kahit kanina pa niya ako sinasabihan na lolo na lang ang itawag ko ay hindi ko magawa.Kahit sobrang dami kong tanong at reklamo ay mas pinili ko na lamang na itikom ang bibig ko. Hindi rin naman sila makikinig sa akin, magsasayang lang ako ng oras at laway kung magsasalita ako.Damon Monverde? Kilalang-kilala nga siya ng lahat, dahil gaya ng sabi nila mahusay talaga siyang Doctor. Pero sa kabila ng kahusayan niya ay gano'n naman kalupit ng ugali niya sa sobrang pangit. Istrikt
last updateLast Updated : 2024-06-13
Read more
Kabanata 5
MIKAYDivorce? Seryoso ba siya? Ngayon ko pa nga lang nalaman na kasal ako tapos divorce agad? Well, ayoko rin namang matali sa isang tao na hindi ko mahal, kaya good thing na rin na may plano siyang putulin ang ugnayan namin once na grumaduate ako. Divorce pala ang nais ah. Sana kasi hindi na lang siya pumayag. "May rules at say din ako sa contract," wika ko habang nakataas ang aking kilay. Lahat ng rules na sinulat niya para sa bahay at contract, siya lang ang makikinabang. At ano ako? Tanga? Hindi. Kaya hindi ako papayag na isahan niya ako sa mga ganito. Sabi nga sa kasabihan matuso man ang matsing, matsing pa rin? Ha? Tama ba? Basta yun na yun. "Huwag mo akong taasan ng kilay. Hindi mo bagay," saad niya sa isang bugnot na tinig. Panira 'to ng taray moments. Sapakin ko ito eh. Kanina sa meeting akala mo kung isang bata na oo na lang ng oo, tapos ngayon ipapakita niya sa akin ang masagwa niyang pagkatao. Napaka plastik ng lokong ito. Sarap pektusan sa veins! "Ah basta!" saad ko
last updateLast Updated : 2024-06-13
Read more
Kabanata 6
DAMON "Congratulation with the successful operation, Doc. You're indeed have the golden hands." I just nodded. Panay ang papuri nila sa akin na madalas ko namang marinig. I didn't bother to speak nor even cast them a glance, I continued walking until I reach my office. I massage my back as soon as I get inside my office. Such a tiring operation. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I check the time. It's already 2:32 in the morning. I closed my eyes for a second, and when I open it the paperbag that she gave me caught my attention. I was about to check it when suddenly the door opens. "Dame, let's go eat." Nabaling ang atensyon ko sa pagpasok ni Caitlyn. May hawak itong paperbag na sa tingin ko ay may laman itong pagkain. Katulad ng madalas niyang gawin ay siya ang naghahatid sa akin ng pagkain o kaya naman sinasabayan niya ako sa pagkain. She knows my schedule and I know hers too. "I know you're tired with your operation, so I bought you something to eat." She placed the p
last updateLast Updated : 2024-06-13
Read more
Kabanata 7
MIKAYBagsak ang aking balikat nang makauwi ako. Binagsak ko ang aking katawan sa malaking sofa saka ako humilata. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sobrang bigat ng ulo ko kahit alam ko namang limitado lang space sa utak. "Mikay, ayos ka lang ba? Nagluto ako ng miryenda."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng teacher ko sa akin. Naapprove ang application ko para sa internship sa pinakamalaking hospital sa bansa. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? "Hindi naman siguro ako naapprove dahil nalaman ng school na related ako sa Ynares di ba?" tanong ko sa aking sarili.Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kabado bente na talaga ako. Paano kung alam pala ng mga teachers ko na isa talaga akong Ynares? Baka mag expect sila sa akin. Jusmiyo naman! "Mikay?" "Ano ng gagawin ko?" Para akong kiti-kiti sa sofa na hindi mapakali. Nasabunutan ko pa ang aking buhok. "Ah hindi!" Bumangon ako mula sa aking pagkakaupo. "Nakapasok ako dahil sa magaling... p
last updateLast Updated : 2024-06-17
Read more
Kabanata 8
MIKAYPara akong natat*e na ewan. Grabe ang paghilab ng tiyan ko. Basang-basa na rin ang kamay at pinagpapawisan na ako kahit na nakatutok naman sa amin ang aircon na mukhang bago pa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang matatanggal na ito sa katawan ko. Kanina pa ako taimtim na nagdadasal, nagmamakaawa sa mga santo at santa, at nagmamanifest na huwag gumawa si Damonyo ng isang bagay na ikakapahamak ko."Hoy! Okay ka lang?" tanong ni Juday na siniko pa ako ng malala. "Para kang natat*e na ewan," dagdag pa nito. Kung alam niya lang ang nagbabadyang panganib sa akin ay baka tulungan niya pa akong magdasal at magmakaawa. Focus na focus ang lahat. Nakikinig na akala mo naman may pumapasok talaga sa isip nila, nag t-take note... nag tatanong. Jusmiyo! Kabado bente na talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. "As person who will going to wear white coat, we have the duty and responsibility to saves life...."Sobrang dami niyang sinasabi pero ilang porsyento lang ng sinasabi niya ang
last updateLast Updated : 2024-06-17
Read more
Kabanata 9
MIKAYAlas syete na ng gabi, at kakauwi ko lang galing school dahil si Dean pinag-ayos ba naman ako ng files bilang parusa ko sa pagsagot ko ng edi wow kay Damonyo. Tch! Dapat nga minura ko na lang siya eh. Ugh! Nakakairita talaga. Ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako ng gano'n, akala mo naman super perpect niya."Mikay, kumain ka na ba? Mukhang pagod na pagod ka ata," ani Nanay Cristy na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Nanatili naman akong nakahiga sa sofa na para bang pagod na pagod. Wala akong energy. Pakiramdam ko ay nabugbog ako o kaya naman tumakbo ng ilang kilometro. Kasalanan talagan 'to ng Damonyo na iyon eh. Kung hindi ba naman niya ako tinarget, edi sana hindi ko naranasan ang bagsik ni Dean. Humanda talaga sa akin iyon."Maghahanda na ako ng pagkain. Mag pahinga ka na muna, tatawagin na lang kita," pagkakwa'y saad ni Nay Cristy.Walang gana akong tumango, pagkatapos ay iniwan na ako ni Nanay Cristy. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako tinarget kanina, hindi k
last updateLast Updated : 2024-06-18
Read more
Kabanata 10
MIKAYForda preparation ang ferson ngayon dahil nga naglabas na ang M.Y ng schedule para sa interview. Kabado bente na nga ako dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko at kung anong mangyayari sa interview. Kanina nga nanood ako ng sample interview sa website ng M.Y kaya lang dinugo utak ko dahil hindi ko rin naintindihan ang content ng interview. "Mikay, ayos ka lang?" Binalingan ko ng tingin si Nay Cristy na umupo sa harapan ako. Nandito ako ngayon sa maluwang at malaparaisong garden ni Damonyo, nagmumuni at nag e-emote dahil pakiramdam ko tatapak pa lang ako sa interview room ay babagsak na ako. "Kanina ko pa napapansin ang pagbuntong hininga mo. May problema ba?" tanong ni Nay Cristy habang mataman itong nakatingin sa akin. Marahas akong bumuntong hininga. "Sobrang laki po ng problema ko. Malapit na po kasi ang interview para sa mga mag i-intern sa M.Y, eh kinakabahan na po ako. Tapos sabi pa ni Damonyo kaya lang naman nakapasok ako ay dahil isa akong Ynares. Gusto ko
last updateLast Updated : 2024-06-18
Read more
DMCA.com Protection Status