Share

Kabanata 4

Author: byeoluvve
last update Last Updated: 2024-06-13 08:56:13

MIKAY

Kabayaran ng ginawa ng magulang ko?

Kanina pa iyan tumatakbo sa isip ko. Gusto kong tanungin si Papa kung ano ba ang ginawa nila para ako ang maging bayad sa kung ano man ang ginawa nila, pero ayoko ng dagdagan pa ang iisipin ni Papa dahil panigurado naman ako na gaya ko ay ayaw niya rin sa sitwasyon na kinasasangkutan ko ngayon.

Hindi ko rin naman sila p'wedeng sisihin dahil sure rin ako na may dahilan ang lahat.

"Hija, from now on, you're going to live now to your husband's place," saad ni Mr. Ynares na kahit kanina pa niya ako sinasabihan na lolo na lang ang itawag ko ay hindi ko magawa.

Kahit sobrang dami kong tanong at reklamo ay mas pinili ko na lamang na itikom ang bibig ko. Hindi rin naman sila makikinig sa akin, magsasayang lang ako ng oras at laway kung magsasalita ako.

Damon Monverde? Kilalang-kilala nga siya ng lahat, dahil gaya ng sabi nila mahusay talaga siyang Doctor. Pero sa kabila ng kahusayan niya ay gano'n naman kalupit ng ugali niya sa sobrang pangit. Istrikto ito at perfectionist, wala itong pinapalampas na maliit na detalye ng pagkakamali. Kahit nga ata kapiranggot na pagkakamali ay hindi niya papalampasin. Minsan na akong nakinig sa lecture niya, at hindi na iyon naulit pa dahil nga sobrang demanding nito sa mga sagot. May pa quiz at exam pa siya pagkatapos. Hindi pa naman keri ng braincells ko ang mga gano'n.

"P'wede po ba akong manatili muna sa bahay kahit ilang araw lang po?" tanong ko.

Sa totoo lang ayoko talaga, kaya lang wala na akong magagawa. Nakapirma na rin naman ako sa kontrata dahil sa katangahan ko.

"No. You will stay at my place at the end of this meeting."

Napatingin ako sa nagsalita. Sobrang lalim ng boses niya, kalmado man ito ngunit mababakas ang pagkairita sa kanyang mga mata.

Bumusangot ako. "Bakit hindi p'wede?" tanong ko habang nakanguso.

Pero sa halip na sagutin niya ako ay mataman niya lang akong tinignan na para bang pinag-aaralan niyang mabuti ang aking mukha.

"Hija, if you're concern about your life, you don't need to. My son Damon is nice, and he can take good care of you. In fact, for the mean time no one will know about your marriage. We still want your safety and privacy at times like this, especially you're still studying,"saad ni Mrs. Monverde na may ngiti sa kanyang labi.

Buti pa 'to, sobrang hinahon. Makikita mo talaga sa mukha niya na sobrang bait nito. Friends kaya siya ng mama ko? Siguro, dahil nga pinagkasundo nga nila kami.

"However, we will make it publicly when you graduate," saad naman ni Mr. Monverde.

Kahit na anong sabihin nila, hindi ito nakakagaan ng loob. Mas lalo pa akong nanlulumo dahil sa mga sinasabi nila. Ibig sabihin mananatiling sikreto ang kasal namin? Tapos ang pagtira ko rin sa bahay niya? Mas pinapahirap nilang lalo ang buhay ko.

Kahit na ano naman ata ang sasabihin ko ay hindi nila ako pakikinggan, kaya mas pinili ko na lang na tumahimik. Hinayaan ko na lang sila na mag-usap at magdesisyon para sa amin. Sila nga nagdecide tungkol sa buhay ko eh.

"May gusto ka bang sabihin, Hija? You can tell everything you want," saad ni Mrs. Monverde. Nakangiti pa rin siya sa akin.

"Sigurado na po ba talaga 'to? Sa totoo lang po ayokong matali sa ganitong sitwasyon," umpisa ko. Naglaro ang aking daliri sa laylayan ng suot kong damit. "Sobrang dami ko pong pangarap, ayokong masira iyon dahil lang sa kontrata o kasunduang ginawa niyo. For sure rin naman na ayaw ni Damon ito."

Tinignan ko si Damon na nagtaas ng kilay sa akin at nanatiling pacool. Wala ba siyang balak magsalita laban sa mga matatanda? Kita naman sa mukha niya na napipilitan lang din siya, na ayaw niya rin ang ideyang ito.

"Hija, hindi niyo man mahal ang isa't isa sa ngayon, panigurado na darating ang panahon na mahuhulog din kayo sa isa't isa," ani Mrs. Monverde na mukhang naniniwala sa mga gano'ng bagay.

"Di mo sure," bulong ko saka ako bumusangot.

"What is it, Hija?"

Nanlaki ng bahagya ang mata ko. "Ah w-wala po." Jusmiyo! Baka mamaya isipin nila na hindi ako pinalaki ng maayos ng mga magulang ko.

Pero mahuhulog sa isa't isa? Parang napakaimposible naman ata 'yon. Parang hindi si Damon Monverde ang tipo ng tao na mahuhulog sa isang katulad ko. Oo, siguro ay pareho na kami ngayon ng estado sa buhay, pero iba pa rin ang buhay na kinagisnan namin.

"P'wede ko ba itong ichismis sa kaibigan ko?" tanong ko nang bigla kong maalala ang mga kaibigan ko na for sure magtataka kung bakit bigla akong mawawala sa bahay.

Nagkatinginan sila na para bang pinag-iisipan nilang mabuti ang isasagot nila sa akin.

Marahas na bumuntong hininga si lolo. "Not for now, Hija."

"Hala! Bakit po?" pagmamaktol ko.

Gusto ko sanang panatilihin na maging kalmado at maging isang presentableng binibini sa kanilang mga mata kaya lang parang hindi keri ng sistema ko ang lahat.

"Hindi naman po mga marites ang mga kaibigan ko. Mapagkakatiwalaan po sila ng bongga. At saka po hindi naman po ako makakapagsinungaling sa kanila..."

"Then learn to lie." Napatigil ako ng bahagya dahil sa pagputol ni Damon sa aking sasabihin.

Mas lalo akong napabusangot. Magsisinungaling ako?

"This is not only about you. Kung meron mang isang tao na mas apektado sa sitwasyon na ito, ako iyon at hindi ikaw," wika nito habang matamang nakatingin sa akin.

Bigla akong natameme.

"Kaya sundin mo na lang ang gusto nila para wala tayong problema." He's cold. Nakapakasuplado.

---

DAMON

She probably cursing me out right now, but I don’t give a hell damn to her. Kung sa tingin niya apektado siya, mas apektado ang buhay ko. I'm being tied up in a situation with no out again. This is not the life I have plan to live.

Nanatili sa babaeng katabi ko sa sasakyan ang aking tingin. Nakabusangot ito at hindi maipinta ang kanyang mukha. Wala na rin naman siyang nagawa nang sabihin sa kanya na tumira sa bahay ko. Oh damn! Thinking about her living in my house makes my system uncomfortable. Kaya naman bago pa ako masiraan ng ulo, nagsulat ako ng rules na kailangan niyang sundin.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya, dahil matagal ko ng alam ang buong pagkatao niya. Alam kong darating ang araw na ito, kaya naman inihanda ko ang sarili ko para rito.

Nang marating namin ang bahay ko ay kita ko ang paghanga sa kanyang mga mata. I smirk arrogantly. Hindi ko maintindihan kung bakit inilihim ng mga Mendoza ang tungkol sa pagkatao niya.

"Bahay mo 'to? Mag-isa ka lang dito?" tanong niya habang patuloy niyang inililibot ang kanyang mga mata sa paligid.

"It's mine, and yes I'm living alone," I answered in a plain tone.

Akmang maglalakad na sana ako sa hagdang nang muli itong nagsalita.

"Edi ang lungkot," saad niya.

Salubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin.

"What do you know?" I asked coldly.

"Wala. Wala akong alam sa buhay mo. Kaya lang kung mag-isa kang nakatira sa malaking bahay na ito, ang lungkot. Ang lungkot pa naman mag-isa." She's now staring at me as if I'm the saddest person she ever seen.

Sino siya para tignan ako ng ganyan? Anong karapatan niya para kaawaan ako?

"Saan pala ang kwarto ko?" pagkakwa'y tanong niya. "Hindi naman tayo magkatabi di ba? Ganito yung napapanood ko sa T.V, tungkol sa mga puwersang ipinakasal. Pero wala tayo sa T.V kaya alam ko ang limitasyon ng lahat ng 'to."

Muli ko siyang tinalikuran.

"Second floor, left side the first door," saad ko saka ako naunang naglakad sa kanya.

I'm so sick listening to her shits.

---

MIKAY

Suplado talaga. Sinasabi ko lang naman ang saloobin ko. Totoo naman kasi na malungkot talaga mag-isa, kaya nga kung tutuusin ayokong nag-iisa ako.

Bago ko tinungo ang kwarto ko ay nilibot ko na muna ang buong bahay niya. Sobrang laki at luwang! Para akong nasa isang mamahaling hotel. May garden, may pool... meron ang lahat. Grabe! Sobrang yaman niya.

"Wow!" bulalas ko nang makita ko ang laman ng malaki niyang refrigerator. "Ang daming laman!" Bigla akong naexcite. Kumpleto ang laman ng refrigerator niya, like... I can't talaga! Parang ang sarap tumambay dito sa kusina.

May mga gamit din siya na sobrang hirap hawakan dahil baka mas mahal pa ang gamit niya kesa sa buhay ko. Jusmiyo! Ang T.V, pang sine sa sobrang laki. Ang sofa, kasya hanggang sampung katao. I can't naman this house.

"Let's talk."

"Ay kabayo!" gulat na sigaw ko nang biglang sumulpot si Damon sa kung saan.

Namilog ang aking labi nang makita ko ang presentable niyang itsura. Simpleng pambahay na short at plain shirt lang ang suot niya pero halatang mamahalin ang mga ito.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko habang hindi ko pa rin magawang alisin na idescribe siya.

Grabe ang body proportion niya. Para siyang model. Bumagay ang pagkasuplado niya sa kanya kahit papaano.

"Are you done fantasizing me? Can we start talking now?" tanong niya sa isang iritableng tinig.

"Uy grabe ka! Hindi naman kita pina-fantasize 'no. Huwag mo ngang isalubong madalas ang kilay mo, parang lagi kang may galit sa mundo eh," saad ko ng may ngiti sa aking labi.

Umirap ito sa akin bago umupo sa sofa. Nabaling naman ang atensyon ko sa folder na inilapag niya sa mesa.

"Here's my house rules," wika niya sa isang seryosong tinig.

House rules? Kinuha ko ang folder at halos malukot ang mukha ko dahil sa sandamakmak na house rules na nakasulat. Seryoso ba siya rito?

"Babalaan na kita ngayon pa lang, sundin mo ang rules na 'yan para wala tayong problema. Titira ka sa bahay ko, pero hindi ibig sabihin no'n gagawin mo na ang lahat ng gusto mo. Respect my privacy, and I respect yours too."

Lahat ata na p'wede niyang isulat at ipagbawal ay naisulat niya.

"Paano tayo mag-uusap kung ayaw mo ng maingay? Magbubulungan tayo gano'n?" tanong ko habang nakangiwi.

Mas lalong napakunot ang noo ko nang makabasa ulit ako ng kakaibang rules.

"Ayaw mong makita ang mukha ko? Seryoso ka? Anong gagawin ko magsusuot ng maskara?"

Napapatampal na lang ako ng noo dahil sa mga nababasa ko.

"Seryoso ba talaga 'to?" tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" pagtataray niya.

"Eh napakaimposible naman ata ng gusto mong mangyari. Itong ayaw mo pa lang makita ang mukha ko napakaimposible na eh."

"It's not my problem anymore."

Napabusangot na lang ako.

"I had also written a contract between us. Basahin mo at kung may gusto kang idagdag, we'll talk about it," saad niya.

Napakaimposible talaga ng lalakeng 'to.

Mataman kong binasa ang kontrata na isinulat niya. Medyo okay naman ito kumpara sa house rules niya.

"So ibig sabihin, saka lang tayo magsasama sa isang kwarto kung nandito ang magulang mo o nandito si lolo?" tanong ko.

"Why? You want to sleep with me now?"

"Uy hindi ah!" saad ko with hand gesture pa. "Grabe ka naman. Ang akin lang, bakit kailangan pa nating magsama sa isang kwarto kung meron sila? Alam naman nila na hindi natin magugustuhan ang isa't isa," dagdag ko.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Uy! Baka iniisip mo mafall sa akin ah, wala akong interes sa loob sa totoo lang," saad ko, para naman magkaroon kami ng ideya sa isa't isa.

Ngumisi ito na para bang napakaimposible ng sinabi ko.

"Mataas ang standard ko sa mga babae, at kung ikaw ang pagbabasehan ng standard ko, you're not worthy."

Napamaang ako sa sinabi niya. Ang sama ng ugali nito.

"Madami kayang nanliligaw sa akin. Ayoko lang kasi study first ako," saad ko saka ako umirap ng bongga.

"Madami ngang nanligaw sa'yo, pero same standard kayo. Too low."

Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Ginagago mo ba ako?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa pagkairitang nararamdaman ko.

Nakakainis naman kausap ng lalakeng ito. Pareho ng pangalan niya ang ugali niya... Damonyo. Gigil!

"Check the last part," saad niya at kahit naiinis ako ay tinignan ko pa rin.

Nagtaas ng bahagya ang kilay ko. "Divorce?"

"Yes. As soon as you graduate, we will divorce."

---

Related chapters

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 5

    MIKAYDivorce? Seryoso ba siya? Ngayon ko pa nga lang nalaman na kasal ako tapos divorce agad? Well, ayoko rin namang matali sa isang tao na hindi ko mahal, kaya good thing na rin na may plano siyang putulin ang ugnayan namin once na grumaduate ako. Divorce pala ang nais ah. Sana kasi hindi na lang siya pumayag. "May rules at say din ako sa contract," wika ko habang nakataas ang aking kilay. Lahat ng rules na sinulat niya para sa bahay at contract, siya lang ang makikinabang. At ano ako? Tanga? Hindi. Kaya hindi ako papayag na isahan niya ako sa mga ganito. Sabi nga sa kasabihan matuso man ang matsing, matsing pa rin? Ha? Tama ba? Basta yun na yun. "Huwag mo akong taasan ng kilay. Hindi mo bagay," saad niya sa isang bugnot na tinig. Panira 'to ng taray moments. Sapakin ko ito eh. Kanina sa meeting akala mo kung isang bata na oo na lang ng oo, tapos ngayon ipapakita niya sa akin ang masagwa niyang pagkatao. Napaka plastik ng lokong ito. Sarap pektusan sa veins! "Ah basta!" saad ko

    Last Updated : 2024-06-13
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 6

    DAMON "Congratulation with the successful operation, Doc. You're indeed have the golden hands." I just nodded. Panay ang papuri nila sa akin na madalas ko namang marinig. I didn't bother to speak nor even cast them a glance, I continued walking until I reach my office. I massage my back as soon as I get inside my office. Such a tiring operation. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I check the time. It's already 2:32 in the morning. I closed my eyes for a second, and when I open it the paperbag that she gave me caught my attention. I was about to check it when suddenly the door opens. "Dame, let's go eat." Nabaling ang atensyon ko sa pagpasok ni Caitlyn. May hawak itong paperbag na sa tingin ko ay may laman itong pagkain. Katulad ng madalas niyang gawin ay siya ang naghahatid sa akin ng pagkain o kaya naman sinasabayan niya ako sa pagkain. She knows my schedule and I know hers too. "I know you're tired with your operation, so I bought you something to eat." She placed the p

    Last Updated : 2024-06-13
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 7

    MIKAYBagsak ang aking balikat nang makauwi ako. Binagsak ko ang aking katawan sa malaking sofa saka ako humilata. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sobrang bigat ng ulo ko kahit alam ko namang limitado lang space sa utak. "Mikay, ayos ka lang ba? Nagluto ako ng miryenda."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng teacher ko sa akin. Naapprove ang application ko para sa internship sa pinakamalaking hospital sa bansa. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? "Hindi naman siguro ako naapprove dahil nalaman ng school na related ako sa Ynares di ba?" tanong ko sa aking sarili.Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kabado bente na talaga ako. Paano kung alam pala ng mga teachers ko na isa talaga akong Ynares? Baka mag expect sila sa akin. Jusmiyo naman! "Mikay?" "Ano ng gagawin ko?" Para akong kiti-kiti sa sofa na hindi mapakali. Nasabunutan ko pa ang aking buhok. "Ah hindi!" Bumangon ako mula sa aking pagkakaupo. "Nakapasok ako dahil sa magaling... p

    Last Updated : 2024-06-17
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 8

    MIKAYPara akong natat*e na ewan. Grabe ang paghilab ng tiyan ko. Basang-basa na rin ang kamay at pinagpapawisan na ako kahit na nakatutok naman sa amin ang aircon na mukhang bago pa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang matatanggal na ito sa katawan ko. Kanina pa ako taimtim na nagdadasal, nagmamakaawa sa mga santo at santa, at nagmamanifest na huwag gumawa si Damonyo ng isang bagay na ikakapahamak ko."Hoy! Okay ka lang?" tanong ni Juday na siniko pa ako ng malala. "Para kang natat*e na ewan," dagdag pa nito. Kung alam niya lang ang nagbabadyang panganib sa akin ay baka tulungan niya pa akong magdasal at magmakaawa. Focus na focus ang lahat. Nakikinig na akala mo naman may pumapasok talaga sa isip nila, nag t-take note... nag tatanong. Jusmiyo! Kabado bente na talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. "As person who will going to wear white coat, we have the duty and responsibility to saves life...."Sobrang dami niyang sinasabi pero ilang porsyento lang ng sinasabi niya ang

    Last Updated : 2024-06-17
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 9

    MIKAYAlas syete na ng gabi, at kakauwi ko lang galing school dahil si Dean pinag-ayos ba naman ako ng files bilang parusa ko sa pagsagot ko ng edi wow kay Damonyo. Tch! Dapat nga minura ko na lang siya eh. Ugh! Nakakairita talaga. Ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako ng gano'n, akala mo naman super perpect niya."Mikay, kumain ka na ba? Mukhang pagod na pagod ka ata," ani Nanay Cristy na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Nanatili naman akong nakahiga sa sofa na para bang pagod na pagod. Wala akong energy. Pakiramdam ko ay nabugbog ako o kaya naman tumakbo ng ilang kilometro. Kasalanan talagan 'to ng Damonyo na iyon eh. Kung hindi ba naman niya ako tinarget, edi sana hindi ko naranasan ang bagsik ni Dean. Humanda talaga sa akin iyon."Maghahanda na ako ng pagkain. Mag pahinga ka na muna, tatawagin na lang kita," pagkakwa'y saad ni Nay Cristy.Walang gana akong tumango, pagkatapos ay iniwan na ako ni Nanay Cristy. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako tinarget kanina, hindi k

    Last Updated : 2024-06-18
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 10

    MIKAYForda preparation ang ferson ngayon dahil nga naglabas na ang M.Y ng schedule para sa interview. Kabado bente na nga ako dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko at kung anong mangyayari sa interview. Kanina nga nanood ako ng sample interview sa website ng M.Y kaya lang dinugo utak ko dahil hindi ko rin naintindihan ang content ng interview. "Mikay, ayos ka lang?" Binalingan ko ng tingin si Nay Cristy na umupo sa harapan ako. Nandito ako ngayon sa maluwang at malaparaisong garden ni Damonyo, nagmumuni at nag e-emote dahil pakiramdam ko tatapak pa lang ako sa interview room ay babagsak na ako. "Kanina ko pa napapansin ang pagbuntong hininga mo. May problema ba?" tanong ni Nay Cristy habang mataman itong nakatingin sa akin. Marahas akong bumuntong hininga. "Sobrang laki po ng problema ko. Malapit na po kasi ang interview para sa mga mag i-intern sa M.Y, eh kinakabahan na po ako. Tapos sabi pa ni Damonyo kaya lang naman nakapasok ako ay dahil isa akong Ynares. Gusto ko

    Last Updated : 2024-06-18
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 11

    MIKAY"Family dinner?" ulit ko sa sinabi niya.Nandito ako ngayon sa pool, nagpapakasenti habang nakababad ang aking mga paa sa tubig tapos sasabihin niya sa akin na mag-ayos na ako dahil may family dinner eklabu raw."Kasama ba ang Papa ko?" tanong ko. Binalingan ko siya ng tingin. Sa totoo niyan, hindi naman ako marunong lumangoy kaya hanggang laro lang talaga sa pool ang tangi kong nagagawa."No," tipid na sagot nito. Tapos ang pagsumbat pa niya sa akin ay akala mo naman ikakabawas iyon ng pagkatao niya. Apaka suplado!"Oh bakit natawag pang family dinner kung wala naman ang papa ko? Sabihin mo pass, hindi ako gogora," saad ko pero isang matalim na tingin ang ibinaling niya sa akin, tingin na maaaring ikapahamak ko. "Oh bakit ang sama mo na namang makatingin?"Kung makatingin kasi akala mo naman kung ang laki na naman ng kasalanan ko. Mukhang lagi na lang siyang galit sa mundo."Your grandfather is the one who called for the dinner."Nanatiling nakataas ang kilay ko nang muling ba

    Last Updated : 2024-06-18
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 12

    MIKAYWala na talaga siyang bukambibig kundi puro privilege na lang. Konti na nga lang palalayasin ko na siya sa sarili niyang bahay eh."What is this trash?"Marahas niyang inilapag ang folder na hawak niya sa mesa. Galit na galit na naman ito na akala mo naman ang laki na naman ng kasalanan ko. Lagi na lang galit ang Damonyong ito. Wala pang araw na naging payapa ang loob ng bahay niya dahil sa kagaspangan ng ugali niya."Sabi mo isulat ko ang lahat ng tungkol sa akin. Isinulat ko naman ah," saad ko sa isang inosenteng tinig.Lahat na lang ng gawin ko ay pinupuna niya, pati nga maliliit na bagay nakikita niya. Apaka perfectionist akala mo naman hindi siya nagkakamali."Stupid." Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at akala mo naman katapusan na ng mundo kung makaasta ito.Napairap na lang ako nang mag walk out ito. Naku! Konti na lang talaga... konting-konti na lang ang pasensya ko sa kanya. Siya ang tipo ng tao na hindi mo kayang masikmura ang ugali dahil sa kagaspangan nito

    Last Updated : 2024-06-18

Latest chapter

  • The Sweet Beautiful Romance   EPILOGUE

    MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 146

    MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 145

    MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 144

    MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 143

    MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 142

    MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 141

    MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 140

    MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 139

    MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status