Share

The Sweet Beautiful Romance
The Sweet Beautiful Romance
Author: byeoluvve

KABANATA 1

Author: byeoluvve
last update Huling Na-update: 2024-06-09 21:25:43

Year 2017, Barangay 1003 Trese Mapayapa, Philippines

MIKAY

Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng almusal, at makapag-ayos na rin para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Kahit antok na antok pa ako ay wala akong choice kundi bumangon. Mamaya mabubungangaan na naman ako ni Mama.

Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at malazombie na tinungo ang banyo. May maliit akong banyo sa kwarto ko, sakto lang talaga para sa mga hindi katangkarang tulad ko. Nag shower ako para marefresh naman kahit papaano ang braincells ko na gagamitin ko na naman mamaya.

Simple lang ang buhay ko. Hindi ako lumaki sa isang mayamang pamilya, sakto lang. Nakakakain kami at nakakatulog ng maayos, hindi rin kami nagigipit sa pera. May mga part time jobs din ako kaya naman pagdating sa school nag sha-shutdown na ang utak ko.

Hindi rin ako masyadong matalino, kaya nga laging pasang-awa ang grades ko, hindi kasi talaga ako para aral, dahil makita ko palang ang libro ko inaantok agad ako. Para kasi akong hinehele ng mga notes at libro ko, kaya minsan napapasarap din ang tulog ko. First year nursing students ako, at konting kembot na samahan ng dasal na lang mairaraos ko na ang first year ko, at sa susunod secon year na; kung papalarin

Sa totoo lang hindi ko totoong mama ang inang tinuturing kong mama ngayon, namatay na ang tunay kong mama kaya naman nag-asawa ulit si papa. May stepsister din ako, nursing student din siya kaya lang mas matalino siya sa akin ng point zero one percent.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga habang matamang tinitignan ang class card ko na kahit ilang beses kong titigan ay wala rin namang magbabago, at kahit makiusap ako sa mga professors ko ay mukhang wala na talagang pag-asa para masolusyonan ko ito.

Oh jusko! Paano na ito? Nasubunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa pagkadismaya.

"Mikay! Kahit na maghapon mo pa iyang titigan at dasalan, hindi 'yan maghihimala at magbabago."

Sinimangutan ko si Suzy dahil sa sinabi niya bago siya naglapag ng paborito kong frappuccino, umupo siya sa tapat ko saka niya inagaw ang class card ko na sana nga maghimala at magbago. I sip onto my frappuccino while staring closely at her face, pinagmamasdan ko ang magiging reaksyon ng mukha niya at halos masabunutan ko siya nang malakas itong tumawa.

"Nakakainis ka talaga!" Inagaw ko ulit ang class card ko sa kanya. "Pinaghirapan ko pa rin 'to 'no." Umirap ako pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Pinaghirapan daw! Utuin mo pa ako! Ang tamad mo ngang mag-aral, titignan mo pa nga lang notes mo inaantok ka na agad."

Mas lalo akong napabusangot. Tama naman siya. Hindi naman kasi ako pala review, magrereview man ako five minutes before exam or quiz lang. Sinubukan ko namang magreview kaya lang mas inuunahan ako ng antok at katamaran. Sumama na nga rin ako sa group study, kaya lang chismisan lang ang nagawa namin instead na mag review.

"Sige, ipagpatuloy mo na lang ang pagdadalamhati mo sa grades mo na kahit papaano ay sumabit," saad niya saka ito tumayo. Bago niya ako nilayasan sa mesa ko para kumuha ng order ay mapang-asar pa niya akong tinapik.

Ang hirap naman kasi ng exam namin, puro na lang numbers. Hindi naman kami mag co-compute habang nag a-assist sa hospital kung sakali. Ano ba kasi itong napasok kong course? Ang sakit sa bangs! Baka una pang malagas ang buhok ko sa baba kesa makapasa.

"Babawi na lang ako sa susunod," kumbinsi ko sa aking sarili. Hindi pa naman huli ang lahat. Hindi man pang latin honor ang mga grades ko, ang mahalaga sa akin ay pasado ako.

Nabaling ang atensyon ko sa phone ko nang umilaw ito. Patay! May duty nga pala ako sa karinderya namin. Baka matalakan na naman ako ni mama. Inayos ko ang bag ko bago ko ito sinukbit sa balikat ko. Sinenyasan ko naman si Suzy na ngayon ay busy na sa counter, tinanguhan niya ako bago ako tuluyang sumibat. Sakto naman paglabas ko ay may jeep na nakahinto kaya nakasakay agad ako. Literal na palaman ako sa loob ng jeep kasi nga siksikan, at dahil na rin mukhang hindi makuntento si manong sa sakay niya kaya dagdag siya nang dagdag ng pasahero.

Sumakay ako ng jeep na fresh, pagbaba ko losyang ang lola mo. Tagaktak ang pawis ko at para akong sumabak sa gyera.

"Ang init," pagmamaktol ko habang gamit ko ang kamay ko sa pagpaypay sa sarili ko. Dinukot ko ang panyo ko na nasa bulsa ko.

"Oh Mikay, anong nangyari sa'yo? Para kang nalugi riyan," tawag pansin sa akin ni Mang Mario na nasa labas ng bahay nila at tila binabantayan ang paninda niyang balut habang nagpapaypay ito nang hawak niyang maliit na karton. Sobrang inip naman kasi ng panahon, para akong nasa loob ng oven.

Lumapit ako sa kanya. "Paano naman po kasi yung jeep na sinakyan ko kung makatawag ng pasahero akala mo kasya ang isang daan sa loob," pagmamaktol ko na ikinahalakhak niya, lumabas pa nga ang asawa nitong si Manang Denia.

"Oh? Mikay, anong nangyari sa'yo?" Gaya ng tanong ng asawa niya ay ganoon din ang naging tanong nito, kaya naman si Mang Mario na ang nagsabi kung anong nangyari sa akin.

Hindi na ako nagtagal pa sa pakikipagchismisan sa kanila, dahil nga nakatanggap na ako ng pagbabanta kay mama sa message na sinend niya.

Pagdating ko sa karinderya ay sobrang daming tao kaya naman nang makita ako ni mama ay agad niya akong binato ng basahan na nasapo ko naman.

"Magpunas ka ng mga mesa. Bilisan mo, huwag kang pabagal-bagal dahil maraming customer," aniya sa isang iritableng boses, ni hindi niya man lang ako binalingan ng tingin o tinanong man lang kung kamusta ang grades ko, o kaya naman kung kamusta ang kagandahan kong taglay.

Kesa mas matalakan pa ako, ginawa ko na lang ang inuutos niya. Nagpunas ako ng mga mesa, nagligpit ng mga pinagkainan, naghugas, at kumuha ng mga orders.

"Mikay, yung order ko?"

Binalingan ko ng tingin ang dati kong kaklase noong high school na si Peter.

"Ano bang order mo?" Nagkamot ako ng ulo. "Hindi naman kasi ito restaurant para iserve sa'yo. Pumunta ka sa counter saka mo tanungin kay Mama ang order mo, ipakita mo rin yung listahan na ibinigay sa'yo kanina para maverify kung order mo nga yung kukunin mo," paliwanag ko. "At for the record, hindi ako galit, nagpapaliwanag lang," dagdag ko na ikinatawa nila.

"Pabiro ka pa rin talaga hanggang ngayon." Tumayo siya saka tinapik ang balikat ko. "May jowa ka na?"

Agad akong napakunot noo dahil sa sinabi niya, at saka ko bahagyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Mamaya maissue pa ako, madami pa namang matang mapanghusga sa paligid.

"Waley no. Aanhin ko naman ang jowa? Hindi ko nga maalagaan sarili ko magdadagdag pa ako ng problema at iisipin," iiling-iling na saad ko.

Mas lalo kang natawa. "Bakit kasi aalagaan mo? Hayaan mong siya ang mag-aalaga sa'yo."

Bahagyang nagtaas ang aking kilay. "Bakit ako magpapaalaga? Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko." Ngumiti ako. "Sige una na muna ako. Madami pa akong gagawin." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, tinalikuran ko na siya.

Narinig ko pa ang panunukso sa kanya ng mga kaibigan niya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Bumalik na lang ako sa likod at naghugas ng mga pinggan dahil panigurado ay tambak na naman ang huhugasan ko.

Ganito madalas ang routine ko, pagkatapos ko sa school ay didiretso agad ako sa karinderya para tumulong. Pero minsan ay hindi ako nakakatulong dahil na rin may mga commitment din ako sa buhay. Nagpapakadalubhasa kasi ako sa kurso kong nursing dahil I believe the world needs someone like me... charot!

Pagkatapos ko sa karinderya ay dumiretso na ako sa pag-uwi dahil nga kailangan ko pang magbihis, may part time job pa ako.

"Excuse me Manong."

Mahina kong tinapik sa balikat ang isang formal na formal na lalake na mukhang sumisilip-silip sa bahay.

"May kailangan po ba kayo?" nakangiting tanong ko nang lingunin niyo ako.

"Kilala mo ba si Mr. Mendoza, Hija? May kailangan lang kasi akong ibigay na mahalagang papel sa kanya."

Napatingin ako sa pulang envelope na hawak niya na may nakaprint na puting oras. Parehong-pareho sa rosas na madalas iguhit ng Mama ko.

"Hija?"

Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagkuha niya sa aking atensyon.

"Ay si Papa po ba ang hanap mo? Wala po kasi siya ngayon, nasa karinderya po. Ano po ba 'yon?" Mukhang matinong lalake naman siya. "Ano po palang pangalan niyo?" Baka mamaya pala ginogoyo lang niya ako.

"I'm attorney Sanchez, hija." Naglabas siya ng pitaka at ipinakita niya sa akin ang I.D. Attorney pala siya. "Kailangan kasi ng kahit na sino sa pamilya niya ang pumirma sa papeles para maproseso na ang papel."

"Ay gano'n po ba?" Baka ito yung insurance na tinutukoy ni Papa no'ng nakaraang araw. "Ako na po ang pipirma. Pasok po muna kayo sa bahay."

Ngumiti sa akin ang lalake. "Naku Hija, baka makaabala pa ako sa'yo. Dito mo na lang pirmahan."

Inabot niya sa akin ang pulang papel.

"Sigurado ho kayo?" Baka kasi isipin niya hindi ako hospitable eh. Tumango siya kaya hindi na ako nagpumilit pa. "Ang ganda naman po ng rosas na ito. Alam mo po ganito rin ang madalas iguhit ni Mama." Pinakita ko sa kanya ang panyo ko. Katulad na katulad nga.

Hindi ko na binasa pa ang laman ng papel. Itinuro niya lang sa akin kung saan ako pipirma. May mga nababasa pa akong pangalan pero hindi ko na inabala pa ang sarili ko.

"Salamat po," saad ko pagkatapos kong pumirma. "Sasabihin ko na lang po kay Papa ang tungkol dito."

"Congratulations Miss Mendoza. Babalik ulit ako matapos ang limang taon."

Tinanggap ko ang kamay niya.

"Salamat po. See you po."

Hindi nagtagal ay umalis na rin ang lalake sakay ng isang magarang sasakyan.

"Anak, sino 'yon?"

"Ay butiki!" gulat na sigaw ko dahil sa biglang pagsulpot ni Papa. "Papa, buti naman nandito ka na. Hinahanap ka kanina nang lalake na iyon dahil may kailangan daw siyang ipapirma. Si attorney Sanchez."

Nawala ang pagkakangiti ko dahil tila ba nababahala ang mukha ni Papa.

"Papa, may problema ba —"

"Pumirma ka ba?!" Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Papa.

"O-Opo."

Mas lalo akong kinabahan dahil mas lalong nadepina ang galit sa mukha ni Papa.

"May iba pa ba siyang sinabi?"

"Wala na po. Basta sabi niya babalik po siya sa pagkatapos ang limang taon. Papa, may problema po ba?"

Sa halip na sagutin niya ako ay niyakap niya lang ako ng mahigpit.

---

THIRD PERSON

"Maayos na po ang lahat, Chairman. Ito po ang mga papel."

Inabot ni Attorney Sanchez ang pulang envelope na hawak niya sa tinawag niyang Chairman.

"Good. How is she?"

Ni hindi man lang niya binalingan ng tingin ang attorney na nanatiling nakatayo sa harapan niya. Prente itong nakaupo habang tinitignan ang bawat pahina ng files.

Hindi nagtagal ay nag-umpisa namang magkuwento si Attorney Sanchez sa mga bagay na napansin niya kay Mikay nang magtagpo sila kanina.

"Parehong-pareho siya sa kanyang ina, Chairman. Sigurado ho ba kayo na bibigyan niyo pa siya ng limang taon..." Hindi nagawang ituloy ni Attorney Sanchez ang sasabihin niya nang itaas ng Chairman ang kamay niya. Yumuko namin ang attorney.

"Five years, and I will make sure that they won't get away with this."

---

Kaugnay na kabanata

  • The Sweet Beautiful Romance   KABANATA 2

    Year 2022, Present MIKAYIbinagsak ko ang katawan ko sa hindi kalambutan kong kama nang makauwi ako, kaya napadaing ako ng medyo slight. Putik! Parang kailangan ko na ng bagong foam, kulang na lang maramdaman ko na 'yong papag ko. "Nakakapagod na buhay," pagmamaktol ko saka ako humikab. Inaantok na ako pero sa tuwing papasok sa isip ko yung class card ko ay tila ba nabubuhay ang katawang lupa ko. Para akong isang batang nagwawala sa kama ko dahil sa frustration! "Nakakainis talaga! Ayoko talaga sa mga komplikadong tanungan dahil madalas nagiging komplikado rin ang pag-iisip ko." Katatapos lang ang ng exam ko, at kahit papaano ay sumasabit naman ako. Fourth year na ako sa nursing, sa wakas! Malapit na ring matatapos ang hinagpis ko, at malapit na rin akong kumaldag. Huwag na kayong magtaka kung bakit fourth year palang ako, dahil sa kapasidad ng utak ko isang himala para sa akin ang makatungtong ng fourth year. Pagkatapos kong magshower ay bumaba na ako para kumain kaya lang nap

    Huling Na-update : 2024-06-09
  • The Sweet Beautiful Romance   KABANATA 3

    ThreeMIKAY"Ano? Matagal na akong kasal sa lalakeng hindi ko pa nakikita?" Hindi ko maitago ang aking pagkayamot dahil sa sinabi ng attorney na nasa harapan ko ngayon. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag sa akin ang lahat ay hindi ko pa rin ito lubos maintindihan. Noong nakaraang linggo lamang ay sinabi niyang tagapagmana ako, tapos ngayon naman sasabihin niya sa akin na kasal ako sa kung sino mang nilalang? Paano naman ang magandang dignidad ko? Kasal ako? Kanino? Sa anino ko? Konti na lang talaga maiiyak na ako sa sitwasyon ko. Tinignan ko si Papa na nanatili namang tahimik. Ni hindi siya umaangal sa sinasabi ng attorney, hindi gaya nung huli itong nagpunta rito. Natatakot na nga ako dahil baka totoo nga ang sinasabi ni Attorney at alam ni Papa ang buong nangyayari. Pero paano naman ako magiging kasal? Wala naman akong experience sa ganyan! "Paano pong nangyari na kasal ako eh hindi pa nga ako nagkaboyfriend? Nag-aabay ako pero puro pagsindi lang ng kandila ang role ko," pa

    Huling Na-update : 2024-06-09
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 4

    MIKAYKabayaran ng ginawa ng magulang ko?Kanina pa iyan tumatakbo sa isip ko. Gusto kong tanungin si Papa kung ano ba ang ginawa nila para ako ang maging bayad sa kung ano man ang ginawa nila, pero ayoko ng dagdagan pa ang iisipin ni Papa dahil panigurado naman ako na gaya ko ay ayaw niya rin sa sitwasyon na kinasasangkutan ko ngayon.Hindi ko rin naman sila p'wedeng sisihin dahil sure rin ako na may dahilan ang lahat."Hija, from now on, you're going to live now to your husband's place," saad ni Mr. Ynares na kahit kanina pa niya ako sinasabihan na lolo na lang ang itawag ko ay hindi ko magawa.Kahit sobrang dami kong tanong at reklamo ay mas pinili ko na lamang na itikom ang bibig ko. Hindi rin naman sila makikinig sa akin, magsasayang lang ako ng oras at laway kung magsasalita ako.Damon Monverde? Kilalang-kilala nga siya ng lahat, dahil gaya ng sabi nila mahusay talaga siyang Doctor. Pero sa kabila ng kahusayan niya ay gano'n naman kalupit ng ugali niya sa sobrang pangit. Istrikt

    Huling Na-update : 2024-06-13
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 5

    MIKAYDivorce? Seryoso ba siya? Ngayon ko pa nga lang nalaman na kasal ako tapos divorce agad? Well, ayoko rin namang matali sa isang tao na hindi ko mahal, kaya good thing na rin na may plano siyang putulin ang ugnayan namin once na grumaduate ako. Divorce pala ang nais ah. Sana kasi hindi na lang siya pumayag. "May rules at say din ako sa contract," wika ko habang nakataas ang aking kilay. Lahat ng rules na sinulat niya para sa bahay at contract, siya lang ang makikinabang. At ano ako? Tanga? Hindi. Kaya hindi ako papayag na isahan niya ako sa mga ganito. Sabi nga sa kasabihan matuso man ang matsing, matsing pa rin? Ha? Tama ba? Basta yun na yun. "Huwag mo akong taasan ng kilay. Hindi mo bagay," saad niya sa isang bugnot na tinig. Panira 'to ng taray moments. Sapakin ko ito eh. Kanina sa meeting akala mo kung isang bata na oo na lang ng oo, tapos ngayon ipapakita niya sa akin ang masagwa niyang pagkatao. Napaka plastik ng lokong ito. Sarap pektusan sa veins! "Ah basta!" saad ko

    Huling Na-update : 2024-06-13
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 6

    DAMON "Congratulation with the successful operation, Doc. You're indeed have the golden hands." I just nodded. Panay ang papuri nila sa akin na madalas ko namang marinig. I didn't bother to speak nor even cast them a glance, I continued walking until I reach my office. I massage my back as soon as I get inside my office. Such a tiring operation. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I check the time. It's already 2:32 in the morning. I closed my eyes for a second, and when I open it the paperbag that she gave me caught my attention. I was about to check it when suddenly the door opens. "Dame, let's go eat." Nabaling ang atensyon ko sa pagpasok ni Caitlyn. May hawak itong paperbag na sa tingin ko ay may laman itong pagkain. Katulad ng madalas niyang gawin ay siya ang naghahatid sa akin ng pagkain o kaya naman sinasabayan niya ako sa pagkain. She knows my schedule and I know hers too. "I know you're tired with your operation, so I bought you something to eat." She placed the p

    Huling Na-update : 2024-06-13
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 7

    MIKAYBagsak ang aking balikat nang makauwi ako. Binagsak ko ang aking katawan sa malaking sofa saka ako humilata. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sobrang bigat ng ulo ko kahit alam ko namang limitado lang space sa utak. "Mikay, ayos ka lang ba? Nagluto ako ng miryenda."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng teacher ko sa akin. Naapprove ang application ko para sa internship sa pinakamalaking hospital sa bansa. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? "Hindi naman siguro ako naapprove dahil nalaman ng school na related ako sa Ynares di ba?" tanong ko sa aking sarili.Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kabado bente na talaga ako. Paano kung alam pala ng mga teachers ko na isa talaga akong Ynares? Baka mag expect sila sa akin. Jusmiyo naman! "Mikay?" "Ano ng gagawin ko?" Para akong kiti-kiti sa sofa na hindi mapakali. Nasabunutan ko pa ang aking buhok. "Ah hindi!" Bumangon ako mula sa aking pagkakaupo. "Nakapasok ako dahil sa magaling... p

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 8

    MIKAYPara akong natat*e na ewan. Grabe ang paghilab ng tiyan ko. Basang-basa na rin ang kamay at pinagpapawisan na ako kahit na nakatutok naman sa amin ang aircon na mukhang bago pa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang matatanggal na ito sa katawan ko. Kanina pa ako taimtim na nagdadasal, nagmamakaawa sa mga santo at santa, at nagmamanifest na huwag gumawa si Damonyo ng isang bagay na ikakapahamak ko."Hoy! Okay ka lang?" tanong ni Juday na siniko pa ako ng malala. "Para kang natat*e na ewan," dagdag pa nito. Kung alam niya lang ang nagbabadyang panganib sa akin ay baka tulungan niya pa akong magdasal at magmakaawa. Focus na focus ang lahat. Nakikinig na akala mo naman may pumapasok talaga sa isip nila, nag t-take note... nag tatanong. Jusmiyo! Kabado bente na talaga ako sa sitwasyon ko ngayon. "As person who will going to wear white coat, we have the duty and responsibility to saves life...."Sobrang dami niyang sinasabi pero ilang porsyento lang ng sinasabi niya ang

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 9

    MIKAYAlas syete na ng gabi, at kakauwi ko lang galing school dahil si Dean pinag-ayos ba naman ako ng files bilang parusa ko sa pagsagot ko ng edi wow kay Damonyo. Tch! Dapat nga minura ko na lang siya eh. Ugh! Nakakairita talaga. Ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako ng gano'n, akala mo naman super perpect niya."Mikay, kumain ka na ba? Mukhang pagod na pagod ka ata," ani Nanay Cristy na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Nanatili naman akong nakahiga sa sofa na para bang pagod na pagod. Wala akong energy. Pakiramdam ko ay nabugbog ako o kaya naman tumakbo ng ilang kilometro. Kasalanan talagan 'to ng Damonyo na iyon eh. Kung hindi ba naman niya ako tinarget, edi sana hindi ko naranasan ang bagsik ni Dean. Humanda talaga sa akin iyon."Maghahanda na ako ng pagkain. Mag pahinga ka na muna, tatawagin na lang kita," pagkakwa'y saad ni Nay Cristy.Walang gana akong tumango, pagkatapos ay iniwan na ako ni Nanay Cristy. Sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako tinarget kanina, hindi k

    Huling Na-update : 2024-06-18

Pinakabagong kabanata

  • The Sweet Beautiful Romance   EPILOGUE

    MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 146

    MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 145

    MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 144

    MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 143

    MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 142

    MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 141

    MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 140

    MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s

  • The Sweet Beautiful Romance   Kabanata 139

    MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew

DMCA.com Protection Status