Zion
“Babe, ayaw mo na ba sa ‘kin?” paawang sambit ni Gabby sa kabilang linya. Bigla na lang itong nagpanggap na humihikbi. “Naiintindihan ko. I gave myself to you that night because I like you so much. Pero hinding-hindi ko ‘yon pagsisisihan kahit hindi mo ako pakasalan.” Medyo nahimasmasan si Zion nang marinig ang mga katagang iyon. “I’m just… not free today. But tomorrow night works for me,” bahagyang pagpapaliwanag ng lalaki. “Really? Thank you, babe!” natutuwang bulalas ni Gabby. “Yeah, see you.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag. Sa totoo lang, walang nararamdaman si Zion para sa babae. Pero hindi niya pwedeng ipagwalang-bahala ang pinagsaluhan nila ng gabing ‘yon, when he was at his lowest. Ibinigay nito ang sarili sa kanya, at dahil isa siyang disenteng lalaki, he had to marry her. Isa pa, natuklasan niya noong gabing 'yon na he was her first. Kung hindi nga lang nakiusap ang ina niya na pakasalan niya si Jyla ay malamang kinasal na siya kay Gabby. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang tumawad ng dalawa pang buwan bago pakasalan ito, pagkatapos niyang hiwalayan si Jyla. *** Gabby Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi ni Gabby sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. “Mom, dad. Guess what? Pupunta si Zion dito bukas para mapag-usapan na natin ang kasal,” masayang anunsiyo niya at talagang tumili pa pagkatapos. Napapalakpak naman si Beth sa sinabi ng anak. “Mabuti naman! Pero, hindi ba ngayon mo pinapapunta si Jyla?” Nabahiran naman ng pag-aalala ang mukha ni Rolly. “Paano kung makilala ni Jyla si Zion?” “Zion firmly believed na ako ang babaeng nakasama niya nang gabing ‘yon. Now, it all depends on Jyla. Kung sakaling hindi niya makilala si Zion, then it’s fine. But if she does find out, then we need to get rid of her.” Nalaman lang ni Gabby ang totoong nangyari noong gabing ‘yon sa nanay niya na si Beth. At kagaya ng ina niya, handa siyang patayin si Jyla kung kinakailangan. “Isa pa, Zion should never find out na you wanted him dead,” aniya sa ama. Napabuntong-hininga na lang si Rolly sa sinabi ng anak. “Salamat sa konsiderasyon, anak.” Maya-maya pa ay hinanda na ng pamilya ang lahat ng kailangan para sa darating na bisita nila kinabukasan, nang biglang pumasok ang kasambahay nila. “Ma’am, Sir, nandito na po si Ma’am Jyla,” pagbalita nito. “Sabihin mo sa kanyang bumalik siya bukas. We’re busy,” mataray na sagot ni Gabby. Agad naman lumabas ang katulong para sabihin kay Jyla ang sinabi ng amo. *** Jyla Gutom lang ang napala ni Jyla sa pinuntahan niya kaya naman nagpasya na lang siyang umuwi. Habang naglalakad siya pabalik sa apartment niya ay may nadaanan siyang nagtitinda ng fishball at kikiam kaya huminto muna siya at bumili. Habang nilalantakan ang mga biniling kwek-kwek at kikiam na binuhusan niya ng maraming suka ay napansin niya ang paghinto ng isang pamilyar na pigura sa harapan niya— si Johann, ang assistant ni Zion. Nagpasya siyang ignorahin ang lalaki at nagsimula nang maglakad at nilampasan na nga ito. Hindi naman niya obligasyon na kaibiganin ang mga tauhan ni Zion, dahil ang tanging koneksyon lang nilang dalawa ay si Zoey. “Miss Jyla,” pukaw sa kanya ni Johann. Medyo bakas sa mukha ng lalaki ang pagkagulat dahil sa pang-iignora ni Jyla. Tumigil si Jyla sa paglalakad at pumihit patalikod. “Bakit?” “Pinapasundo po kayo ni Sir Zion,” deretsong sagot ng lalaki. “Bakit daw?” naiinip niyang tanong. “Baka raw kasi tumawag si Ma’am Zoey sa bahay at magalit kapag nalaman niyang hindi ka doon nakatira.” “Ah. Okay.” Naintindihan naman niya. Kailangan walang sabit ang pagpapanggap niya bilang asawa ni Zion. Agad naman siyang sumunod sa lalaki at sumakay na nga sa dala nitong kotse. Medyo nagtaka siya dahil hindi siya nito dinala sa kabundukan. Sa halip ay dinala siya nito sa isang duplex suite na nasa magarang subdivision sa siyudad. Iginiya lang ni Johann si Jyla papasok sa loob ng magandang bahay at sinalubong sila ng isang babae na siguro ay nasa edad kwarenta na. Umalis din kaagad ang tagasunod ni Zion. Nginitian ng babae si Jyla at saka nagsalita. “Ikaw pala ang asawa ni Sir Zion. Medyo nahiya si Jyla sa tinuran ng babae. “Opo. Sino po sila?” “Tawagin mo na lang akong Manang Dindin. Sampung taon na rin ang nagtatrabaho dito kila sir. Sabi ni Madam sa ‘kin, ako na raw ang bahala sa’ yo. Halika, sumunod ka sa ‘kin,” yaya nito sa kanya. Kung kamangha-mangha ang labas ng bahay, mas makapigil-hininga ang interior nito. Halatang hindi ordinaryong pamilya ang mga Calvino. “Manang Dindin, sino hong nakatira rito ngayon?” “Ay hindi ba nabanggit sa ‘yo? Dito dating nakatira si Sir Zion.” So kaya siya dinala rito ni Johann dahi hindi na rito nakatira si Zion. Tamang-tama. Hindi na niya kailangang alalahanin ang upa. Isa pa ay hindi sila magkikita ni Zion madalas dahil mukhang sa mansyon naman ito umuuwi. Bukas ay plano na ni Jyla na kunin ang kaunting gamit niya sa bahay na kasya lang sa isang maliit na maleta. Umupo muna siya sa sofa nang mag-ring ang telepono. Agad na sinagot ni Dindin ang tawag. “Hello, ma’am? Opo! Opo, nandito siya. Nakaupo siya ngayon sa sofa. Sige, Ma’am!” sunud-sunod na sagot ni Dindin bago nito inabot kay Jyla ang telepono. “Kausapin ka raw ni ma’am.” Nakangiti niyang tinanguan ito at saka kinuha ang receiver. “Hello, Ma? Okay lang po ba kayo diyan?” nag-aalalang tanong niya. “Oo naman! Ikaw ba anak? Nakapag-adjust ka na ba sa bahay?” “Medyo hindi pa, Ma. Masyadong maganda ang bahay niyo, eh,” biro niya sa biyenan. Tumawa lang ang ginang sa kabilang linya. “Nasaan na nga pala ang lalaking ‘yon? Nandyan ba siya?” Alam niyang hinding-hindi pupunta roon si Zion dahil nga naroon din siya, pero kailangan niyang magsinungaling nang kaunti para rito. “Pauwi na siya, Ma. Hintayin ko siya para sa hapunan.” “O siya, sige. Ikaw na muna ang bahala sa asawa mo. Pag inaway ka tawagan mo lang ako, ah?” “Oo naman, ma. Pahinga na po kayo diyan. At maraming salamat po.” Pagkatapos ng tawag na iyon ay agad na binusog ni Jyla ang sarili sa napakaraming handa ni Manang Dindin. Pagkatapos ng masaganang hapunan ay inakay na siya nito papunta sa malaking banyo. Ito pa nga ang naghanda ng tubig niya sa bathtub na nilagyan pa nito ng oil, bath milk at maski mababangong rose petals. “Ayan, madam. Para gumanda lalo ang kutis mo. Ikukuha na rin kita ng roba, Madam. Hala siya, magbabad ka muna riyan. Aayusin ko na rin ang higaan mo.” Iyon lang at naglakad na ang babae palabas. “Manang Dindin,” pagtawag niya rito bago ito tuluyang lumabas ng banyo. “Maraming salamat po.” “Ay sus. Wala ‘yon! Sige na!” At tuluyan na ngang umalis ang matanda. Hindi maiwasan ni Jyla ang maging emosyonal. Grabe naman kasi siyang pagsilbihan ni Manang Dindin. Tapos, solo pa niya ang ganito kalaking banyo. Masyado na kasi siyang nasanay sa banyo sa kulungan na marami siyang kasabay kung maligo. She decided to enjoy the temporary luxury. Mamaya ay bigla itong bawiin sa kanya kinabukasan. Who knows? Kaya naman nagbabad na siya sa bathtub, pinapanood ang mga isda na naghahabulan sa aquarium. Hindi niya alam kung gaano siya nagtagal sa pagligo. Halos ayaw na niya umahon, sa totoo lang. Sobrang gaan at ganda sa pakiramdam. Pero pinilit nya ang sarili niyang umahon. Ang kaso ay kinabahan siya nang hindi makita ang roba na sinasabi ni Dindin. Ni wala rin siyang makitang tuwalya sa loob. Siguro ay iniwan na lang ni Dindin sa labas dahil inisip nitong nag-umpisa na siyang maligo. Kaya naman binuksan niya ang pintuan ng banyo para sana kunin kung saan banda nilagay ni Dindin ang roba. Imbes na makita ang roba ay nabangga niya ang isang matipunong pangangatawan. Ganoon na lang ang tili niya nang makita kung sino ang nabangga.Nagulat si Zion nang bumukas ang pintuan ng banyo. Agad namang napaigting ang panga ng lalaki habang tinitingnan ang babaeng walang saplot sa harapan. Mamula-mula pa ang mapusyaw na balat ni Jyla na halatang kaaahon lang sa bathtub. Medyo magulo ang basang-basa na buhok ng babae na abot balikat. Basang-basa pa rin ang maliit na mukha naman ng dalaga na halos kasinglaki lang ng mga palad ni Zion. Halos lamunin si Jyla ng hiya nang mga sandaling iyon. Pinasadahan pa niya ng tingin ang halos hubad ding katawan ni Zion bago niya naisipang isara ang pintuan. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang maalala ang hitik na hitik na katawan ng lalaki. Napakalapad ng balikat nito at sa may bandang braso nito ay may dalawang kapansin-pansin na peklat kaya lalo itong nagmukhang delikadong kantihin. Mabuti na lang at may tapis itong tuwalya sa ibaba nito kahit papaano, hindi kagaya niya. “Anong ginagawa mo rito?” malakas na tanong niya. “I should be the one asking you that. Anyway, jus
Hindi maipaliwanag ni Jyla ang lungkot na bigla niyang naramdaman nang makita si Zion. She was prepared for the fact na marami nga sigurong babaeng magkakandarapa kay Zion dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay ubod nang gwapo ito at mayaman pa. At ang tanging dahilan lang naman ng kasal nilang dalawa ay dahil sa huling hiling ni Zoey. Pero bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo ay si Gabby pa talaga ang girlfriend nito? Para bang sinasadya talaga ng pagkakataon. Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay nang masaya samantalang siya, sunod-sunod na trahedya ang dinaranas. May criminal record na nga siya at walang trabaho. Tapos ngayon ay buntis pa siya, ni hindi man lang niya kilala ang ama ng dinadala. Hindi niya mapigilan mangliit habang tinitingnan ang perpektong magkapares sa harapan niya. So wala talagang mga kukuning litrato. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ng mga ito ngayon ay para ibalandra sa kanya ang lalaki. Ngumiti siya nang mapakla kay Gabby. “At t
Hindi makapagsalita si Jyla dahil sa tinuran ni Gabby. Gustong-gusto na nga niyang tawirin ang mesa at kalmutin ang mukha nitong puno ng make-up pero nagtimpi siya dahil baka kung saan pa humantong ang pisikalan nila kapag sinimulan niya. Masasaktan lang ang anak niyang nasa sinapupunan. Nginitian na lang niya ang impaktita at sumagot. “Why are you so interested? Na-miss mo bang magka-customer?” Gabby chuckled. “Concerned lang naman ako. Mamaya kung ano pang sakit ang makuha mo sa mga customer mo. Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sa pamilya na nagpalaki sa ‘yo, hindi ba?” Dahil sa tindi ng eksena sa pagitan ng dalawa, wala nang nakapansin na nagngingitngit na sa galit si Zion habang tinititigan si Jyla. Walang ano ano ay mariin nitong binagsak ang kubyertos sa pinggan at saka dinampot ang susi ng kotse na nasa mesa lang din. “Babe?” nagtatakang tawag ni Gabby dito. “Galit ka ba?” Bakas na sa mukha ng dalaga ang pag-aalala sa inaasal ng lalaki. “I don’t want my name to get s
“What?” Gusot na gusot ang mukha ni Zion sa narinig. “Bigyan mo ako ng singkwenta mil. Hindi ko na sila guguluhin, promise,” kalmadong saad niya. Tinaas pa talaga niya ang kanang kamay bilang panata. Hindi mapigilan ni Zion ang matawa sa tindi ng disgusto na nararamdaman para sa babae. Ibang klase talaga ang isang Jyla. “Was it just yesterday? Noong sinabi mo sa ‘kin na hinding-hindi ka na hihingi sa ‘kin ng pera? You are so shameless,” nanggigigil na pahayag ni Zion sa babae. Medyo sinariwa ni Jyla ang mga ala-ala pero hindi niya matandaan ang sinasabi nito. “Ikaw na ang nagsabi. Ibang-iba nga ako kay Gabby ‘di ba? Sa tingin mo ba may katiting pang hiya na natitira sa ‘kin?” Hindi talaga makapaniwala si Zion sa babae. “You think because I got you out of jail hindi na kita kayang ibalik doon?” Batid ni Jyla na hindi na uubra kay Zion kung magpapabebe pa siya. Pero magpapatalo ba siya? Kung hindi niya ito makukumbinsi ngayon, paano na ang katawan ng nanay niya? “You think
Nakaramdam ng lungkot si Jyla nang marinig ang balita. Oo, legal nga silang kasal ngayon ni Zion kahit daig pa nila ang dalawang estranghero. Pero ang tunay na nilalaman ng puso ni Zion ay ang mortal niyang kaaway. Gabriella Palencia. Masayang lumapit si Beth sa asawa, at talagang kinuha pa nito ang kamay ng huli. “Totoo ba? Bibigyan niya talaga ng engagement party ang anak natin? Hindi ba natin kailangang makita muna ang pamilya ni Zion? Talaga bang okay lang sa kanila na ampon lang si Gabby?” sunod-sunod na tanong ni Beth. Lalo namang nakaramdam ng pagkalungkot si Jyla nang marinig ang salitang ‘ampon.’ Dalawang taon si Gabby nang ampunin ito ni Rolly at Beth. She instantly became the apple of their eye. Habang si Jyla ay labindalawang taon na nang mapilitan siyang lumipat sa bahay ng mga Palencia na nagsilbi nang impyerno niya, mas malala pa sa buhay niya sa piitan. Kung tutuusin mas tinrato pa siyang tao doon, kesa sa bahay na ito. Saan ba siya nagkamali? Bakit ganoon na l
Sobrang gulo ng kwarto ni Jyla. At ang malupit pa, wala rito ang dalaga. Pumasok si Zion sa loob ng kwarto at tinignan ang mga damit ni Jyla na nagkalat sa higaan at ang iba ay nasa sahig pa. Halos mukhang basahan pa nga ang lahat. Nakabukadkad ang maleta ng babae, akala mo ay pinasok ang kwarto ng magnanakaw. ‘Where the fuck is she? Did she just run away with my money?’ Kumukulo ang dugo ni Zion sa mga naiisip. Agad na kinuha ni Zion ang susi ng kotse at pinuntahan ang ina sa ospital. Ngunit wala rin doon ang babae. Tinawagan ni Zion si Jyla, nanggagalaiti na sa galit. Jyla could mess with him, but not his mom! Isang ring lang at sinagot agad ni Jyla ang tawag. “Hindi muna ako dumaan sa mama mo. May importante lang ako nilakad.” “Nasaan ka?” nagtitimping turan ng lalaki. “Actually, nasa construction site ako. Meron kasi akong—” Hindi na siya pinatapos ni Zion at nagsalita ito. “I’ll send you an address. Malapit lang ‘yon sa ospital so you better come right away! After I
Bahagyang nabighani si Jyla sa ganda ni Gabby. Saka lang din sumagi sa isip niya na ngayon nga pala ang engagement party ni Gabby at Zion, ayon nga sa tiyuhin niya noong pumunta siya sa mga Palencia noong nakaraan. Nagningning bigla ang dyamanteng kwintas ni Gabby at napansin ni Jyla na may mga dyamante rin ito sa magkabilang tenga. Meron ding tiara na gawa sa bulaklak sa ulo ng babae. Kahit sino talaga ay aakalain na isa itong diwata. Mukha itong bida, kaya hindi niya maiwasang maghinanakit. Ano ba ang ginagawa niya rito ngayon? Tinignan niya ang sariling damit. May mga bakas pa nga ng semento sa puti niyang t-shirt, tapos ang itim niyang palda ay puro rin himulmol. Akala mo tuloy ay mamamalimos siya ng pagkain. Ano bang naisip ni Zion at bakit pa siya nito inimbitahan? Anong connect niya sa engagement nito? O, hindi kaya pinapunta lang siya nito ngayon para pagmukhain siyang tanga? Nakaramdam tuloy siya bigla ng pagkayamot. Pero kahit na napupuno ng inggit ang puso niya ay k
Lalo namang nanlaki ang mga mata ni Jyla sa narinig. “Wedding dress?” Kahit pa iniisip muna niya madalas ang mga sasabihin niya, hindi niya maiwasang ibulalas ang gulat kapag si Zion ang kausap. At isa pa ay ang sobrang presko nitong itsura ngayon. He looked so damn good in white suit. At iba rin ang pagkaparte ng buhok nito. Shit. Ano bang naiisip niya?“You know what’s one of the things I hated the most? Waiting. Kanina pa ubos ang pasensya ko.” Mahigpit ang hawak ni Zion sa kamay ng asawa habang inaakay ito papunta sa kung saan.Sa likuran nila ay medyo natataranta na si Andrew kahit kanina pa ito pinakawalan ni Zion. Kasi naman, nagmagandang loob lang naman itong ihatid si Jyla rito, tapos nadamay pa ito sa kung anong gusot ng buhay ng dalaga. At konektado pa pala ang babae kay Zion Calvino. Sapo ang noo, tinawagan ni Andrew ang kaibigang si Dylan na agad namang sumagot. “Dude! I’m so fucked!” halos maiyak na balita ni Andrew sa kaibigan. Natawa na lang si Dylan sa usal ng kai
“Alam ko ang mga dapat kong gawin at hindi, Zion,” aniya, mas kalmado sa nauna niyang sinabi. Pagkasabi ay umiwas na siya ng tingin sa lalaki at naglakad pabalik sa pintuan. Wala naman siyang utang sa lalaki, kung tutuusin. Kayang-kaya naman nitong ibawas ang inutang niyang singkwenta mil doon sa magiging alimonya niya sakaling maghiwalay na sila. Lahat naman ng ginawa ng lalaki ay para sa nanay nito. Hindi naman siya niligtas nito at inalagaan dahil gusto nito. Napipilitan lang si Zion na gampanan ang tungkulin nito bilang asawa niya dahil nga kailangan siya ng ina nito. Kaya walang saysay na umakto siyang mabait kay Zion. Isa pa ay alam naman na nito ang mga baho niya. Mabuti pang magpakatotoo na lang siya sa sarili at alagaan si Zoey hangga’t pwede. Hinintay niyang makarating si Zion sa pintuan saka niya ito inismiran. Then she took his hand and laced his fingers with hers, saka niya marahang hinila ang lalaki papasok sa loob. Zion wasn’t ready for that, kaya bahagyang nanlaki
ZionMay gumuhit na galit sa mukha ni Zion habang pinapanood niya ang wagas na pag-ngiti ng asawa kay Andrew. He was itching to wipe off that smug look on that bastard’s face, na para bang siguradong-sigurado itong may gusto si Jyla rito, pero hindi na lang siya nagsalita. Bumaba lang siya ng sasakyan nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Andrew at nang makitang pumasok na sa ospital ang asawa. Bumaba na rin ang assistant niyang si Johann sa driver’s seat matapos igarahe ang sasakyan. “Kotse po yata ni Sir Andrew ‘yon?” pagpapaalam ni Johann sa kanya. “Binisita yata si Ma’am Zoey.”Hindi naman napansin ni Johann na bumaba ng sasakyan ni Andrew si Jyla. Mukha hindi rin nito napansin ang matamis na ngiti na ginawad ni Jyla kay Andrew at maging sa kasama nito. “That's complete bullshit,” sagot niya kay Johann. Wala naman kasi sa mga kamag-anak niya ang tumuring sa nanay niya na bahagi ng pamilyang ‘yon. Pero rinig niya kanina na tinawag ni Andrew na tita ang nanay niya. It was e
Jyla Napansin naman ni Andrew ang pag-aalinlangan ni Jyla. “Take it. That’s just merely ten thousand. Baka nga hindi pa yan kasya sa presyo ng camera, but at least, mababayaran mo na kahit kalahati, and makakamenos ka pa sa rental fee.” Hindi pa rin kumbinsido si Jyla sa sinabi ng amo. Napalingon si Andrew sa likod at nagtama ang mga mata nila ni Jyla. “What? Akala mo ba bibilhin ko ang kaluluwa mo sa halagang sampung libo? Huwag kang mag-alala, you can just pay me back sa sahod mo. And for your information, I don’t like you, okay?” “Take it already. Nangangawit na ako,” utos nito sa kanya. Mabilis na binalik nito ang mata sa kalsada Namula ang mga pisngi ni Jyla dahil sa kahihiyan bago niya kinuha ang pera rito. “Salamat, sir.” For some reason, hindi man lang siya naapektuhan ng pang-iinsulto nito, kumpara sa sinabi ng asawa kahapon sa kanya. Mas mabuti pa nga si Andrew at tinutulungan siya, financially, hindi gaya ng madamot niyang asawa. At mabuti pa si Andrew hindi siya pin
Napansin ni Jyla na mayroong katabing lalaki si Andrew sa sasakyan. Nagtama ang mga mata nila ng hindi pamilyar na lalaki at bahagya itong tumango na para bang binabati siya. May sumilay pa ngang ngiti sa mga labi nito.He looked like a nice guy, pero since kaibigan ito ni Andrew, sa malamang ay kaugali rin ito ng amo niya. “Okay lang ako, sir. Hindi naman mahirap sumakay ng bus dito,” umiiling na pagdadahilan niya sa lalaki. “Ano ka ba? Hindi naman nangangain ‘tong kasama ko. Si Dylan lang ‘to. Bespren ko!” biro pa nga ni Andrew. “Alam kong masyado kang naging busy ngayon dahil first day mo rito. But trust me, it will get better. Kaya sumakay ka na. Ihahatid na kita pauwi.” Napabuga muna si Jyla bago siya pumasok sa sasakyan ni Andrew. Balak sana niyang manahimik lang pero tiningnan siya ni Dylan bago ito nagsalita. “Hello, Mrs. Calvino. I have heard a lot about you from Andrew. I’m Dylan Sanchez, by the way.” “Jyla. Tawagin mo na lang akong Jyla,” pagtama niya rito. Una sa laha
Tutal ganun naman talaga ang buhay. Lagi siyang nasa ilalim at tinatapak-tapakan lang na parang langgam, lagi siyang pinaglalaruan. Wala siyang kakampi tapos ay wala rin siyang pera. Kaya tatanggapin na lang ni Jyla ang kapalaran niya. Pagod na pagod na siyang lumaban. Hinayaan na lang niyang gapusin ni Zion ang dalawa niyang kamay. Then she looked him in the eye. She realized how she wished he’d look at her differently, na hindi puno ng galit ang mga matang pinupukol nito sa kanya, na kung hahalikan man siya nito ay mararamdaman niya ang pagmamahal nito. Gusto tuloy niyang maiyak, pero siguro mamaya na lang, kapag tapos na ito sa gusto nitong gawin sa kanya. Suddenly, the corner of his lips curled into a sneer. Bigla itong bumaba ng sofa and he glared at her, his eyes were full of contempt. “I’m sorry to tell you, but you are never qualified to be my whore. I would never sleep with someone like you, but that doesn’t mean you are free to fuck someone else. Habang may isang buwan p
Napaatras si Jyla sa takot at pagkalito. The fucking darkness just reminded her of that night. And Zion’s deep and haunting voice… Bakit parang may pagkakapareho? Ang masakit lang ay hindi niya man lang namukhaan ang lalaking nakauna sa kanya. Umiling-iling siya at iwinaksi ang iniisip. The moment her eyes adjusted to the darkness, she calmed herself down and switched on the dim lights. Nakita niya ang pigura ni Zion na nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Nakita rin niya ang isang hindi nakasinding sigarilyong nakaipit sa mga labi nito. Lukot ang buong mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Siya kaya ang tinatawag nito? Siya kaya ang hinihintay nito?“Bakit nan—” Itatanong sana ni Jyla kung bakit gising pa ang lalaki, kung bakit narito ito? Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap si Gabby, pero mukhang wala na roon ang dalaga. Kitang-kita na ni Jyla ang poot sa mga mata ng asawa, kaya naman halos tumaas ang balahibo niya sa batok dahil sa kaba. “I said get over her
Zion Inignora ni Jyla ang mga patama ni Gabby at sa halip ay tiningnan si Zion. “Akyat lang ako saglit sa taas, iiwan ko lang yung bag ko pero aalis din ako agad. Babalik ako pagkatapos ng tatlo o apat na oras. Huwag niyo na lang akong intindihin,” malamig na pagpapaliwanag ni Jyla kay Zion.Walang ngiti o kaya ay bahid ng pagkagalit na mababanaag sa mukha ni Jyla. Parang wala lang rito ang makitang magkasama si Zion at Gabby. Halos mapikon tuloy si Zion dahil sa inasal ng asawa. At dahil doon ay gusto niya lalong inisin ito, hanggang sa makakuha siya ng reaksyon dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Pagkatapos nitong aminin ang tungkol sa paggamit nito sa ina niya, pagkatapos nitong aminin sa kanya ang pagbubuntis nito, at ang plano nitong pagpikot sa kanya, sinadya niya pa ring papuntahin sa bahay si Gabby. For what? To elicit some specific reaction from Jyla. Maybe, a tinge of jealousy. Isa pa, a part of him wanted to take his mind off Jyla, kaya rin niya pinagbigyan si
GabbyMedyo matagal ding nakamasid sina Gabby at ang mga magulang niya sa lounge ng emergency ward, kaya ganun na lang yata yung kaba nila nang biglang pumasok si Zion sa emergency room na galit na galit. Kitang-kita din nila kung paano alagaan ng lalaki ang asawa nito at ito mismo ang nagpababa ng lagnat ni Jyla. Ang tagal nilang nakatanga sa upuan matapos masaksihan ‘yon, kinakabahan na tuluyan na talagang nahulog si Zion kay Jyla. Pero saktong may kausap si Zion sa cellphone nang dumaan ito sa lounge nang hindi sila napapansin.“Go ahead. Bayaran mo na lahat ng bill niya. Don’t forget the receipts and make her pay for it afterward. Every. Single. Cent,” dining nilang malamig na komando ni Zion sa kung sinong kausap nito. Pagkarinig noon ay nabuhayang muli si Gabby at ang mga magulang niya. Ibig sabihin noon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng relasyon ng dalawa at wala na yatang ni katiting na pag-asa na magustuhan ni Zion si Jyla. Posible na baka kinabahan lang ang lalaki dahi
Narinig pa nila Jyla ang pagbuntong-hininga ni Zoey bago ito nag-umpisa. “Dahil sa hirap ng pinagdaanan namin. Ilang taon kaming nagdusa dahil sa mga maling desisyon, dahil sa mga maling tao na pinagkatiwalaan namin. Prinotektahan namin ang isa’t isa laban sa mga naging kaaway namin bago pa kami magtagumpay. I just… want to make sure na kakayanin ni Zion, sakali mang mawala na ako sa mundong ito.” Zoey’s voice cracked in pain, dahilan para labis ding masaktan si Jyla. Gustuhin man niyang samahan hanggang huli si Zion para protektahan ito para sa ina nito, alam niyang hindi niya ‘yon pwedeng gawin. Wala siyang karapatan para gawin ‘yon.“Ayokong malaman ni Zion na kahit na nasa bingit na ako ng kamatayan eh naghahangad pa rin ako na magkaroon ng lugar sa pamilyang ‘yon. Masasaktan lang ang anak ko at sisisihin niya ang sarili niya kapag nagkataon.” Namasa na ang mga mata ni Jyla ng mga luha. Nakikita niya kasi ang sarili sa lagay ni Zoey. Parehong puno ng pagdurusa ang mga buhay nil