Pagkalabas na pagkalabas nila sa huwes ay agad na nagpaalam si Jyla kay Zion. “Since bawal naman ang bisita ng hapon, hindi na ako sasabay sa ‘yo pagbalik sa hospital. Bukas ko na lang pupuntahan si Tita Zoey,” aniya kay Zion.
Wala naman sila sa harapan ni Zoey kaya hindi niya kailangang magpanggap na gusto niyang makasama ang lalaki. “Suit yourself,” malamig na tugon nito sa kanya. Sa loob ng kotse ay mausisang nagtanong si Johann Santiago kay Zion, ang sekretarya, assistant, bodyguard, at driver ng lalaki. “Sir, tingin mo ba hindi ka niya tatakasan?” Bahagyang umismid si Zion. “If she wanted to, hindi sana siya magpapakita sa bar na lagi kong pinupuntahan; hindi sana siya lalapit kay mama para humingi ng tulong. That recent escape was just one of her manipulative tricks.” “Okay, sir. If you say so,” tugon ni Johann. “Just drive,” medyo naiinis na utos ni Zion dito. Pinaharurot na nga ni Johann ang sasakyan at ni isang beses ay hindi tinapunan ng tingin ni Zion ang dalaga. Agad na bumalik si Jyla sa nirentahan niyang apartment na nasa kalagitnaan ng magulong eskinita. Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay nagulantang siya sa taong naghihintay sa kanya roon; walang iba kundi ang magaling na si Gabriella. “Gabby?” “So dito ka lang pala nagtatago,” intrimitidang bati nito sa kanya. Umakyat ang dugo niya sa ulo nang mamataan ang babae. Paanong hindi? Ito ang dahilan ng pagkakulong niya ng dalawang taon. Gabriella was allegedly raped by an ugly, old man na pinatay nito on the spot gamit lang ang takong ng sapatos nito. To clean up Gabriella’s mess, pinainom ng mga magulang nito si Jyla ng kung anong pampatulog at saka ito dinala sa crime scene dahilan para siya ang maging suspect sa pagkamatay ng matandang lalaki. Napatawan ng sampung taon sentensiya si Jyla para sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Kaya naman sa tuwing nakikita ni Jyla ang babaita ay gustong-gusto niya itong sakalin. “Paano mo nalamang nandito ako?” singhal niya sa babae. “I can’t believe na nakatira ka talaga sa squatter. Sa bagay, bagay ka naman dito. May mga kumikita rito ng limang daan or isang libo kada gabi. Now, that’s an easy money,” pang-iinis pa nito. “Are you speaking from experience?” mataray na tanong ni Jyla rito. Pag ito talaga ang kausap niya hindi niya maiwasang mapa-ingles sa pikon. Namula sa galit si Gabby. Akto sanang sasampalin siya nito pero bigla itong nagpigil. “Pasalamat ka ayaw kong madumihan ngayon. Anyway, nabanggit ko ba sa ‘yong ikakasal na ako?” Ngumisi pa ito nang pagkalapad sa kanya. “We’re renovating the house. And unfortunately, nakita namin ang mga kalat mo. Mostly, pictures niyo ng mama mo.” “Talaga? Huwag na huwag mong papakialaman ‘yon. Kukunin ko ‘yon lahat.” Iyon na nga lang ang natitirang alaala nila ng nanay niya. “Okay. Kelan mo naman balak kunin?” “Bukas ng tanghali,” mabiis niyang sagot. “Great! Make sure na makuha mo bukas, or else sa payatas mo na pupulutin ‘yon.” Iyon lang at umalis na si Gabby, at halos marindi si Jyla sa tunog ng yapak ng takong nito habang naglalakad palayo. Pagkaalis ng babae ay agad ding natulog si Jyla. Dahil nasa first trimester siya ng pagbubuntis, madali siyang makaramdam ng pagod. Isa pa ay kailangan niyang gumising ng maaga bukas para sa ultrasound niya. Kinabukasan ay masaya siyang tumungo ng ospital para sa check-up. Halos oras din ang hinintay niya. Ang kaso bago siya tawagin ng doktor ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Zion’s name flashed on her screen kaya naman agad siyang napangiwi. “Come here. Mom’s looking for you,” malamig nitong utos sa kanya. Isa na lang ang pasyente bago siya kaya tinantiya niya ang oras. “Okay. Bigyan mo ako ng isang oras at kalahati.” “Okay.” Tumikhim si Jyla at nagbakasakali. “Since gagawin ko naman ang lahat para mapasaya ang mama mo, baka naman pwede mo nang dagdagan ‘yong pera?” “Let’s talk about it kapag nandito ka na.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag para hindi na makahirit pa si Jyla. Jyla pursed her lips, pinipigilan ang sarili na ipakulam si Zion. Tinuloy na lang niya ang paghihintay. Papasok na sana siya nang may igulong pasyente na nakaratay sa higaan para sa emergency ultrasound. Halos kalahating oras din ang ginugol ng radiologist sa pag-ultrasound dito. Nang mailabas na ang pasyente na iyon ay pumasok na si Jyla. Pero marami pa itong dokumento na pinagawa sa kanya dahil ito raw ang una niyang ultrasound, kaya naman lalo siyang natagalan. Kakaripas na sana siya ng takbo papunta sa ward ni Zoey, pero hindi niya magawa dahil sa ipinagbubuntis niya. Narinig niya kaagad ang mga iyak ni Zoey habang nasa pintuan siya. “Nasaan na ang manugang ko? Nasaan na si Jyla? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?” “I told you, we already got married yesterday,” pagpapatahan ni Zion sa ina. Inaabot pa nga sana nito ang marriage certificate nila, perro hindi iyon tinatanggap ni Zoey. “Dalhin mo siya rito, bago ako maniwala sa ‘yo.” “Fine.” Pumihit na si Zion papunta sa pintuan at saka nito nakita si Jyla na kanina pa palang nakamasid sa kanila. Agad na ngumiti si Jyla at pumasok na ng kwarto. “Hi, Tita! May pasalubong ako sa inyo!” Nilapag niya sa mesa katabi ng higaan ng matanda ang isang box ng siopao ng gustong-gusto nito kahit noong nasa kulungan pa sila. Napansin niyang lumabas na ng ward si Zion at bahagya siyang nakahinga. Umaliwalas naman ang mukha ni Zoey at ngumiti pa pagkakita sa siopao. “Naalala mo pa ‘yon, iha! Salamat dito!” “Oo naman, Tita. Ako pa ba?” Kumuha si Jyla ng isang siopao at saka ito inabot sa matanda. “Ito po. Kumain na kayo.” Masayang tinaggap ng matanda ang siopao at saka tumitig kay Jyla. “Pero hindi ba dapat mama na rin ang tawag mo sa ‘kin?” nakakalokong tanong nito sa kanya. “Ma, kain na po at huwag magpapagutom,” matamis na pag-utos niya rito. Zoey let out a deep sigh. “At least, kapag tumawid na ako sa kabilang buhay, sigurado akong hindi mag-iisa itong anak ko dahil kapiling ka na niya.” “Mama, naman!” pagmamaktol niya rito habang nangingilid na ang mga luha sa mata niya. “Matagal pa po tayong magkakasama.” Agad niyang niyakap nang mahigpit ang matanda habang tumatangis, hanggang sa nakatulog na ito. Agad siyang lumabas ng kwarto at lumapit kay Zion na nasa lounge lang sa labas ng ward. “Nasaan na ang pera ko?” tanong niya rito. Asar na asar lang itong tiningnan siya. “You said you’d be here in an hour and a half. Three hours mo siyang pinaghintay,” he protested flatly. “Akala mo madadala mo ako sa pasalubong mo sa kanya? Next time this happens, hindi lang pera ang poproblemahin mo.” Kahit pa medyo kalmado ito ngayon, ramdam niyang ang nakakamatay na talim ng mga salita nito at hindi niya maiwasang kabahan muli sa mga sinabi nito na alam niyang kayang-kaya nitong totohanin. “Totoo nga ang sabi nila, ang hirap humingi ng tulong sa mga mayaman. Naiintindihan ko na. But I want to know about the stuff I asked you; yung titirhan ko sana.” “You signed the contract. Why do you keep pestering me about that?” Salubong na ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. “Okay.” She held her hands up in an act of surrender. Hindi naman nito kailangang singhalan pa siya. Nagtatanong lang naman nang maayos ‘yong tao. “May gagawin pa ako kaya mauuna na ako.” With that, Jyla left the hospital. “Zion, anak…” mahinang tawag ni Zoey galing sa loob ng kwarto. Agad na pumasok si Zion at lumapit sa ina. “Yes?” “Alam ko… alam ko na ayaw mo kay Jyla. Pero ang batang ‘yon, siya lang ang tumulong sa ‘kin noong nasa piitan kami. Maniwala ka sa ‘kin, kilalang-kilala ko ang batang ‘yon. Tinuring ko na rin siyang anak. Natatakot ako… natatakot ako na baka pag naiwan kitang mag-isa, kung anong mangyari sa ‘yo. Kailangan mo ng taong hindi ka iiwan sa kahit anong pagsubok. Sana naman ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin, anak.” Tumango lang si Zion sa litanya ng ina. “I understand.” Pinakuha ni Zoey sa anak ang cellphone. “Tatawagan ko si Manang Dindin. Itatanong ko kung nakapag-adjust na ba nang maayos si Jyla sa bahay natin.” Agad kinabahan si Zion sa sinabi ng ina. Saka naman nag-ring bigla ang cellphone niya. He pursed his lips upon seeing Gabby’s name flashing on his screen. Sinagot niya agad ang tawag. “What’s the matter?” “I just missed you so much, babe….” malambing na pagbati ni Gabby. “Anyway, papuntahin sana kita rito ngayon. My parents want to discuss our wedding na.” He glared, irritated at the sudden distraction. “I can’t. I’m busy today,” he said firmly.Zion “Babe, ayaw mo na ba sa ‘kin?” paawang sambit ni Gabby sa kabilang linya. Bigla na lang itong nagpanggap na humihikbi. “Naiintindihan ko. I gave myself to you that night because I like you so much. Pero hinding-hindi ko ‘yon pagsisisihan kahit hindi mo ako pakasalan.” Medyo nahimasmasan si Zion nang marinig ang mga katagang iyon. “I’m just… not free today. But tomorrow night works for me,” bahagyang pagpapaliwanag ng lalaki. “Really? Thank you, babe!” natutuwang bulalas ni Gabby. “Yeah, see you.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag. Sa totoo lang, walang nararamdaman si Zion para sa babae. Pero hindi niya pwedeng ipagwalang-bahala ang pinagsaluhan nila ng gabing ‘yon, when he was at his lowest. Ibinigay nito ang sarili sa kanya, at dahil isa siyang disenteng lalaki, he had to marry her. Isa pa, natuklasan niya noong gabing 'yon na he was her first. Kung hindi nga lang nakiusap ang ina niya na pakasalan niya si Jyla ay malamang kinasal na siya kay Gabby. Ang tangin
Nagulat si Zion nang bumukas ang pintuan ng banyo. Agad namang napaigting ang panga ng lalaki habang tinitingnan ang babaeng walang saplot sa harapan. Mamula-mula pa ang mapusyaw na balat ni Jyla na halatang kaaahon lang sa bathtub. Medyo magulo ang basang-basa na buhok ng babae na abot balikat. Basang-basa pa rin ang maliit na mukha naman ng dalaga na halos kasinglaki lang ng mga palad ni Zion. Halos lamunin si Jyla ng hiya nang mga sandaling iyon. Pinasadahan pa niya ng tingin ang halos hubad ding katawan ni Zion bago niya naisipang isara ang pintuan. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang maalala ang hitik na hitik na katawan ng lalaki. Napakalapad ng balikat nito at sa may bandang braso nito ay may dalawang kapansin-pansin na peklat kaya lalo itong nagmukhang delikadong kantihin. Mabuti na lang at may tapis itong tuwalya sa ibaba nito kahit papaano, hindi kagaya niya. “Anong ginagawa mo rito?” malakas na tanong niya. “I should be the one asking you that. Anyway, jus
Hindi maipaliwanag ni Jyla ang lungkot na bigla niyang naramdaman nang makita si Zion. She was prepared for the fact na marami nga sigurong babaeng magkakandarapa kay Zion dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay ubod nang gwapo ito at mayaman pa. At ang tanging dahilan lang naman ng kasal nilang dalawa ay dahil sa huling hiling ni Zoey. Pero bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo ay si Gabby pa talaga ang girlfriend nito? Para bang sinasadya talaga ng pagkakataon. Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay nang masaya samantalang siya, sunod-sunod na trahedya ang dinaranas. May criminal record na nga siya at walang trabaho. Tapos ngayon ay buntis pa siya, ni hindi man lang niya kilala ang ama ng dinadala. Hindi niya mapigilan mangliit habang tinitingnan ang perpektong magkapares sa harapan niya. So wala talagang mga kukuning litrato. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ng mga ito ngayon ay para ibalandra sa kanya ang lalaki. Ngumiti siya nang mapakla kay Gabby. “At t
Hindi makapagsalita si Jyla dahil sa tinuran ni Gabby. Gustong-gusto na nga niyang tawirin ang mesa at kalmutin ang mukha nitong puno ng make-up pero nagtimpi siya dahil baka kung saan pa humantong ang pisikalan nila kapag sinimulan niya. Masasaktan lang ang anak niyang nasa sinapupunan. Nginitian na lang niya ang impaktita at sumagot. “Why are you so interested? Na-miss mo bang magka-customer?” Gabby chuckled. “Concerned lang naman ako. Mamaya kung ano pang sakit ang makuha mo sa mga customer mo. Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sa pamilya na nagpalaki sa ‘yo, hindi ba?” Dahil sa tindi ng eksena sa pagitan ng dalawa, wala nang nakapansin na nagngingitngit na sa galit si Zion habang tinititigan si Jyla. Walang ano ano ay mariin nitong binagsak ang kubyertos sa pinggan at saka dinampot ang susi ng kotse na nasa mesa lang din. “Babe?” nagtatakang tawag ni Gabby dito. “Galit ka ba?” Bakas na sa mukha ng dalaga ang pag-aalala sa inaasal ng lalaki. “I don’t want my name to get s
“What?” Gusot na gusot ang mukha ni Zion sa narinig. “Bigyan mo ako ng singkwenta mil. Hindi ko na sila guguluhin, promise,” kalmadong saad niya. Tinaas pa talaga niya ang kanang kamay bilang panata. Hindi mapigilan ni Zion ang matawa sa tindi ng disgusto na nararamdaman para sa babae. Ibang klase talaga ang isang Jyla. “Was it just yesterday? Noong sinabi mo sa ‘kin na hinding-hindi ka na hihingi sa ‘kin ng pera? You are so shameless,” nanggigigil na pahayag ni Zion sa babae. Medyo sinariwa ni Jyla ang mga ala-ala pero hindi niya matandaan ang sinasabi nito. “Ikaw na ang nagsabi. Ibang-iba nga ako kay Gabby ‘di ba? Sa tingin mo ba may katiting pang hiya na natitira sa ‘kin?” Hindi talaga makapaniwala si Zion sa babae. “You think because I got you out of jail hindi na kita kayang ibalik doon?” Batid ni Jyla na hindi na uubra kay Zion kung magpapabebe pa siya. Pero magpapatalo ba siya? Kung hindi niya ito makukumbinsi ngayon, paano na ang katawan ng nanay niya? “You think
Nakaramdam ng lungkot si Jyla nang marinig ang balita. Oo, legal nga silang kasal ngayon ni Zion kahit daig pa nila ang dalawang estranghero. Pero ang tunay na nilalaman ng puso ni Zion ay ang mortal niyang kaaway. Gabriella Palencia. Masayang lumapit si Beth sa asawa, at talagang kinuha pa nito ang kamay ng huli. “Totoo ba? Bibigyan niya talaga ng engagement party ang anak natin? Hindi ba natin kailangang makita muna ang pamilya ni Zion? Talaga bang okay lang sa kanila na ampon lang si Gabby?” sunod-sunod na tanong ni Beth. Lalo namang nakaramdam ng pagkalungkot si Jyla nang marinig ang salitang ‘ampon.’ Dalawang taon si Gabby nang ampunin ito ni Rolly at Beth. She instantly became the apple of their eye. Habang si Jyla ay labindalawang taon na nang mapilitan siyang lumipat sa bahay ng mga Palencia na nagsilbi nang impyerno niya, mas malala pa sa buhay niya sa piitan. Kung tutuusin mas tinrato pa siyang tao doon, kesa sa bahay na ito. Saan ba siya nagkamali? Bakit ganoon na l
Sobrang gulo ng kwarto ni Jyla. At ang malupit pa, wala rito ang dalaga. Pumasok si Zion sa loob ng kwarto at tinignan ang mga damit ni Jyla na nagkalat sa higaan at ang iba ay nasa sahig pa. Halos mukhang basahan pa nga ang lahat. Nakabukadkad ang maleta ng babae, akala mo ay pinasok ang kwarto ng magnanakaw. ‘Where the fuck is she? Did she just run away with my money?’ Kumukulo ang dugo ni Zion sa mga naiisip. Agad na kinuha ni Zion ang susi ng kotse at pinuntahan ang ina sa ospital. Ngunit wala rin doon ang babae. Tinawagan ni Zion si Jyla, nanggagalaiti na sa galit. Jyla could mess with him, but not his mom! Isang ring lang at sinagot agad ni Jyla ang tawag. “Hindi muna ako dumaan sa mama mo. May importante lang ako nilakad.” “Nasaan ka?” nagtitimping turan ng lalaki. “Actually, nasa construction site ako. Meron kasi akong—” Hindi na siya pinatapos ni Zion at nagsalita ito. “I’ll send you an address. Malapit lang ‘yon sa ospital so you better come right away! After I
Bahagyang nabighani si Jyla sa ganda ni Gabby. Saka lang din sumagi sa isip niya na ngayon nga pala ang engagement party ni Gabby at Zion, ayon nga sa tiyuhin niya noong pumunta siya sa mga Palencia noong nakaraan. Nagningning bigla ang dyamanteng kwintas ni Gabby at napansin ni Jyla na may mga dyamante rin ito sa magkabilang tenga. Meron ding tiara na gawa sa bulaklak sa ulo ng babae. Kahit sino talaga ay aakalain na isa itong diwata. Mukha itong bida, kaya hindi niya maiwasang maghinanakit. Ano ba ang ginagawa niya rito ngayon? Tinignan niya ang sariling damit. May mga bakas pa nga ng semento sa puti niyang t-shirt, tapos ang itim niyang palda ay puro rin himulmol. Akala mo tuloy ay mamamalimos siya ng pagkain. Ano bang naisip ni Zion at bakit pa siya nito inimbitahan? Anong connect niya sa engagement nito? O, hindi kaya pinapunta lang siya nito ngayon para pagmukhain siyang tanga? Nakaramdam tuloy siya bigla ng pagkayamot. Pero kahit na napupuno ng inggit ang puso niya ay k
ZionIt was already the dead of the night. Sobrang lamig pa ng simoy ng hangin, parang nagbabadya ng lagim.Nanlulumong umuwi na si Zion ng bahay kahit hindi niya alam kung makakatulog pa ba siya o makakapagpahinga pa ang utak niya. But the moment he saw that familiar figure waiting on his doorstep, he immediately softened up. He suddenly felt the urge to get it done with and just hug his wife. Gusto niyang magpaalo. Gusto niya nang masasandalan dahil pagod na pagod na siyang tumayo mag-isa. Napakaraming nakikisimpatya sa kanya at sa lagay ng ina niya, pero alam niya sa sarili niyang yakap lang ni Jyla ang kailangan niya.Pero bigla niyang naalala ang tagpo kanina, her being with Daniel Montero. Kaagad tuloy nagbago ang timpla niya. Why? Why did she have that power over him? Alam niya ang motibo ni Jyla kaya nilapitan siya nito, pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling mahulog sa patibong nito— ang mahulog dito. “Anong ginagawa mo rito?” Kaagad na napatingin sa kanya si Jyla
Dylan‘What a freakin’ spectacle.’Hindi maiwasan ni Dylan ang mabighani sa ginawang pagsagip ng kaibigan niya kay Jyla. Akala niya ay kilalang-kilala na niya si Andrew, but this was a side of him he had never seen before.Hindi siya makapaniwalang may kakayahan pala itong protektahan ang isang babae. Masyado siyang nasanay na kinakama tapos ay pagsasawaan lang nito ang mga babaeng dumarating sa buhay nito. Andrew had never given someone an effort like this. Siguro kung wala lang taong nakahandusay ngayon sa sahig na may tumatagas na dugo sa tiyan nito, baka pinalakpakan na niya si Andrew.But Jyla….May kung anong kumirot sa dibdib niya habang tinitingnan ang babaeng hindi mapigilan ang paghagulgol sa mga bisig ni Andrew. Nakita niyang handa na itong magpakulong ulit, kahit na kagagaling lang nito halos sa kulungan. She would rather be imprisoned than to be defiled by someone like Daniel.Nag-iwas na siya ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaunting pagkaselos sa kaibi
AndrewPinagpatuloy ni Andrew ang pagsunod sa sasakyan ni Daniel Montero. Pamilyar sa kanya ang dahan na tinatahak ng matandang lalaki. It was a shady nightclub, at lahat yata ng mga pinagbabawal na gawain ay malayang gawin ng mga ekslusibong miyembro ng club na ‘yon, na minsan ay hindi pa niya napuntahan.Tama nga ang hinala ni Andrew. Nakita niyang bumaba sila Jyla at Daniel sa harapan ng nasabing club. Bumaba kaagad sila ni Dylan ng sasakyan at sinundan ang lalaki na hatak-hatak pa rin si Jyla na para bang wala sa sarili ngayon. Hindi man lang kasi ito nagpumiglas o ano. Basta na lang nagpatianod ang babae. Wala ring pagtanggi sa mukha ni Jyla, na para bang hindi lang siya napipilitan. Napaka-weirdo ng kakalmahan ngayon ng mukha nito.Kasunod nina Jyla at Daniel ay dalawang bodyguard ng lalaki na malalaki ang katawan.“I want the best private room!” mayabang na saad ni Daniel sa receptionist. Pinasadahan pa ng lalaki ng tingin si Jyla mula mukha hanggang dibdib na siya namang kina
Bigla na lang hinilan ng matanda si Jyla palapit dito, may hindi maipaliwanag na ngiting nakapinta sa mukha. “Jyla, oh Jyla. Bakit parang nakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Ako ‘to, si Daniel Montero.” nakakalokong sambit ng matanda na parang dalawang dekada ang tanda kay Rolly. Kaagad na nagtaasan ang balahibo ni Jyla. Hindi niya kilala ang lalaking kaharap, pero bakit alam nito ang pangalan niya?“Sino ho kayo?” namimilog ang mga matang tanong niya sa lalaki. “Wow! After everything I’ve done for you? Parang asawa na nga ang turing natin sa isa’t isa noong nasa kolehiyo ka pa. Daddy pa nga ang tawag mo sa ‘kin. Tapos ngayon tatawagin mo akong lolo?” “Hindi ho kita kilala! Bitawan niyo ho ako bago tumawag ngayon ng pulis!” Kahit anong gawin niya para mabawi ang kamay ay hindi siya nagtagumpay. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Bigla na lang pumalatak ng tawa ang lalaki. “Pulis? Noong nakikinabang ka pa sa ‘kin hindi mo naisipang humanap ng pulis!
JylaIsang beses na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Andrew. Naka-long sleeves na polo ito na kulay pink at itim na slacks at balat na sapatos. Meron itong suot na kulay kahel na safety hat. Sa likod ni Andrew ay ang malaking surveying equipment na ginagamit sa pagsukat ng ektarya ng lupain. “Why do you look so out of it, Miss Probi?” medyo iritableng sita sa kanya ng lalaki. Kahit na wala naman siyang nakikitang talim sa mga mata nito ay ramdam niya ang inis na kalakip ng tinig nito. Kaagad na nawala ang panandaliang kasabikan sa mga mata niya. Nahihiyang yumuko na lang siya para humingi ng paumanhin. “I’m sorry, sir. Hindi kita napansin.” Marahang dinuro ni Andrew ang noo niya para mag-angat ang tingin niya sa lalaki. “Look here, Miss Probi. This is a construction site. Hindi pwedeng maglalakad ka rito basta-basta nang wala sa sarili. Learn to look out, hindi lang para sa sarili mo, kundi para na rin sa mga pwede mong madisgrasya.” “Okay po. Pasensya na ulit.” Kaagad
JylaFor a moment, Jyla and Zion remained entangled in each other’s arms. Ilang segundo o minuto na siguro ang lumilipas, pero walang nagtangkang kumalas sa kanila, wala ring nagtangkang magsalita. Parang saglit na tumigil ang mundo at hindi alintana sa kanila pareho kung may makakakita ba sa kanila. But good things never last, just like how the warmth of that fleeting embrace was supposed to fade.Si Zion ang unang kumalas, and just like that, nagbalik sila sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa’t isa. Blanko ngunit malamig na naman ang espresyon sa gwapong mukha nito, dahilan para hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito ngayon. But the remnants of tears remained in his hopeless eyes. At habang tinititigan ni Jyla ang mga mata ng asawa, lalo lang nadaragdagan ang kirot sa dibdib niya. Hindi niya tuloy magawang tapusin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.Ng-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha gamit ang kamay. Natuon ang mga mata ni Jyla sa puting polo ni Zio
Kaagad na napaatras si Jyla at akmang hihingi na sana siya ng paumanhin sa nakabangga niya nang mamukhaan niya ito. Walang iba kundi ang matapobreng si Marcel Fortejo, ang lolo ni Cullen. “Sorry,” medyo napipilitan na saad niya. Maglalakad na sana siya at lalampasan ang lalaki nang bigla itong humarang sa dadaanan sana niya. As usual, pinasadahan na naman siya ng tingin ng matanda mula ulo hanggang paa bago ito umismid. “Noong una kitang nakita para kang púta sa kanto! Ngayon mukha ka namang pulubi! What the fúck is wrong with you?” sita pa nito sa kanya. Ayaw sana niyang patulan ang pagtatantrums ng matandang ‘yon at sinubukan niya sanang maglakad pero hinarang na naman siya nito. “Bakit ba nakapabastos mo? Kinakausap pa kita!” Napabuga na lang si Jyla sa pagkainis at humalukipkip pa nga siya. “Ano pa bang problema niyo ho sa ‘kin? May bahid na rin ng pagkairita ang tinig niya. Kung tutuusin, mas bastos pa nga ito sa kanya. Hindi naman niya ito inaano pero kung makapanglait tag
ZionSaglit na napangiti si Zion sa nabasa. Agad din naman niyang pinawi ang ngiti nang makitang may nakasulat pa pala sa likuran ng card. ‘P.S.Alam ko kung gaano kahalaga sa ‘yo ang paninigarilyo. Mahirap kasing tigilan ang tanging bagay na nagpapakalma sa ‘yo, kaya sana gamitin mo ito para kahit papaano ay hindi mo masinghot ang abo ng sigarilyo. Sana ay alagaan mo pa rin ang sarili mo.Sincerely,Jyla.’Sa pagkakataong ito ay may katabing smiling emoticon ang pangalan ni Jyla na may halo pa na parang anghel. Hindi maintindihan ni Zion kung paano ito nasulat ni Jyla kung inorder lang naman nito sa online store ang produkto. Muli na naman siyang napangiti nang hindi niya napapansin. Nakaalis na lang at lahat si Johann at nakaakyat na siya unit nila ni Jyla, pero hindi pa rin napapawi ang pagkagaan na naramdaman niya mula ng matanggap niya ang regalo ni Jyla. Ang kaso ay binalot siya bigla ng lumbay pagkapasok niya ng bahay. Masyado na kasi siyang nasanay sa presensya ni Jyla, ka
JylaHalos lahat yata ng ugat ni Zoey ay naturukan na ng kung anong medisina para lang bumaba ang lagnat nito at para mabawasan ang sakit na iniinda, pero nanunumbalik lang ang sakit nito kapag humuhupa na ang bisa ng gamot. Hindi na rin nito naimumulat ang mga mata pero laging may luhang lumalandas mula sa mga mata nito. Pero tila naghimala ngayong araw at nagising ang matanda, at simula nang mamulat ang mga mata nito ay sinisigaw nito ang pangalan ni Jyla. At ganun na lang ang pagluha ng matanda dahil hindi mahagilap ng mga mata nito ang presensiya niya. Kaya naman pagkarating na pagkarating ni Jyla sa kwarto ng matanda noong hapong ‘yon ay kaagad niyang hinawakan nang mahigpit ang mga kamay nito kahit pa halos mapaso siya sa nag-aapoy nitong temperatura. “Ma, sorry, ma!” humahagulgol na paghingi niya ng paumanhin. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng pagkakataon ay ngayon pa siya pinapunta sa construction site? Bakit ngayon pa siya hinarang ni Rolly? Bakit?Kung sana matagal lang si