Freaking Zion Calvino? Of course! Sino pa nga ba ang inaasahan ni Jyla?
May bahagyang ngiti sa mga labi ng lalaki habang nakatingin sa kanya. At ang natural na nakakasurang tono ng boses nito ay medyo magalang ngayon na kahit sino siguro ang makakarinig ay hindi maiiwasan ang mabuntis na lang nang bigla. “Let’s not bother mom for now, okay? Kailangan niyang magpahinga. If you need something, you can just tell me.” Napanganga na lang si Jyla sa nakita at narinig, lalo pa noong lumapit sa kanya si Zion at niyakap siya nito nang biglaan. Akala mo kung gaano ito kabait at ka-gentleman. “Anak, pag-usapan niyong mabuti ang kasal ninyo, ah? Huwag na huwag mong aawayin si Jyla, ah?” sigaw ni Zoey sa anak. “Of course! You don’t have to worry about that,” tugon ni Zion dito habang inaakay nito palabas si Jyla. Ang kaso ay pagkalabas na pagkalabas nila ng ward ay hinablot na naman ng lalaki ang pulsuhan niya at saka siya nito walang habas na hinatak palayo sa kwarto. Nang makarating sila sa dulong parte ng pasilyo ay agad na lumabas ang tunay na kulay nito. Ang kanina lang na nakangiting mga mata nito ay bigla na lang nagbaga habang mariin na nakatitig sa kanya. Marahas siyang tinulak nito sa dingding at saka hinawakan nang mahigpit ang leeg niya gamit ang isang kamay. “Talagang inuubos mo ang pasensya ko. How dare you bother my mom like that. Pag may nangyari lang sa kanyang masama, I will hurt you in the worst way possible,” nagngingitngit na turan nito. Pulang-pula na ang mukha ni Jyla at hindi na halos makahinga sa pagkakasakal ni Zion sa kanya pero sinikap niya pa rin na depensahan ang sarili. “Hindi ko alam na… anak ka niya.” Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit bigla na lang nagyaya ang lalaki na pakasalan siya kahit halos isumpa na nito ang presensya niya sa mundo. Habang nasa kulungan sila ay madalas siyang binibiro ni Zoey na ipapakasal siya nito sa binata niya kapag nakalaya na sila. Ang akala niya ay normal na biruan lang nila itong magkaibigan, pero tinotoo pala nito ang sinabi. “Fucking liar!” Lalo pang hinigpitan nito ang pagkakakapit sa leeg niya. “You’re playing hard to get para magpaawa sa akin. You really want to become my wife that bad?” Hearing him, nawalan na siya ng dahilan para ipagtanggol ang sarili, kaya naman ipinikit na lang niya ang mga mata at tinanggap ang napipintong kamatayan sa kamay nito. Mas mainam nga siguro ang matapos na ang paghihirap niya. Hindi lang ang nanay niya ang makakasama niya sa kabilang mundo, maging ang batang nasa sinapupunan niya. Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata niya dahilan para pakawalan siya ni Zion. Hindi siya magkamayaw sa paghabol ng hininga at pag-ubo habang hinihimas ang leeg. “She only has two months left,” ani ng binata. Natigilan si Jyla sa narinig at litong-lito na napatingin kay Zion? Hinihintay niyang bawiin nito ang sinabi pero nagpatuloy lang ito. “That’s why this marriage has to happen. And you already wasted our one month.” Jyla gasped, cupping her mouth with both hands, trying to suppress her sobs. Hindi niya maiwasang masaktan nang lubos sa narinig. “Don’t get funny ideas dahil hinding-hindi kita ituturing na asawa. In two months, we will get a divorce. And then you’ll get your compensation,” malamig na anito. Napatango na lang si Jyla sa tinuran nito habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa nararamdamang sakit. “Fine. Pumapayag na akong pakasalan ka.” Napaigting naman ang bagang ni Zion sa narinig at agad na tumingin sa leeg ng dalaga. Oo nga pala. Noong nakaraan lang ay nakita nito ang sandamakmak na kiss mark sa leeg ni Jyla dahilan para pandirihan siya nito nang malala. “Pumapayag na ako, pero… meron akong kondisyon,” dagdag ni Jyla. Zion scoffed. “Of course, what did I expect? What is it?” naiinis na tanong nito. “Gusto ko ng matitirhan. Any place will do. Huwag lang dito sa Maynila,” mariin niyang pahayag na ikina arko ng kilay ni Zion. “At kailangan ko ng advance, mga trenta mil,” dagdag pa niya. Sapat na siguro iyon para sa routine check-up niya, pati pambili ng mga gamit ng bata. At kung makakatipid man siya, mabibigyan niya pa nang maayos na lugar na paghihimlayan ng yumaong ina. Napaismid si Zion sa kakapalan ng mukha ng dalaga. After mentioning the alimony, she still had the audacity to ask for an advance. At kung manghihingi si Jyla ng trenta mil ngayon, magkano kaya ang hihingiin ng babae sa makalawa? Such a hateful woman. He couldn’t wait to get rid of her, the way he had gotten rid of people like her in the past. Pero walang magagawa si Zion ngayon. His mom must come first. Dinukot ni Zion ang cellphone sa bulsa at lumayo kay Jyla. Maya-maya ay dumating ang sekretarya nito na may dalang puting sobre. Kinuha ni Zion ang sobre sa sekretarya at humugot ng limang libo galing dito at saka akmang iaabot ang pera kay Jyla. “You will be getting the thirty thousand in installments; only if you do a good job playing the role of my wife, especially in front of my mom.” Wait. Limang libo? Parang hindi sapat iyon para pang-check-up. Balak din niyang maghanap ng mapagtatrabahuan. Paano niya iyon pagkakasyahin? “Masyadong maliit yung limang libo, Mr. Calvino. Sampung libo,” paghamon niya rito. “You’re not the one calling the shots here. Two thousand,” balik paghamon nito sa kanya. Huh? Lalo pa nitong niliitan ang presyo. “Fine! Okay na ako sa limang libo,” pagbawi ni Jyla. “Dahil inubos mo ang pasensya ko, magtiis ka sa isang libo,” singhal sa kanya ni Zion. “What?” tanong niya rito, naakaawang nang malapad ang mga mata. Halos maiyak na siya sa pangmamaliit nito sa kanya. “F-fine,” sagot na lang niya rito, aktong kukunin na ang pera. Kesa naman hindi na siya nito bigyan. Imbes na iabot kay Jyla ay tinapon ni Zion ang pera papunta sa babae. “Do your job well. And I’ll think about the rest. Who knows? Baka bigyan pa kita ng komisyon kapag maayos mong nagawa ang trabaho mo within two months.”” Tahimik na pinulot ni Jyla ang pera sa sahig, pilit na iniignora ang mga salita ni Zion. Mahirap na, baka mamaya ay hindi pa siya makapagpigil. Pero kung tutuusin, mas okay pang magpanggap siyang asawa ni Zion kesa tumanggap ng tulong galing sa magaling niyang tiyahin at tiyuhin. “Let’s go back. Do not ever mention anything to my mom. Kung ayaw mong magsisi,” banta pa nito sa kanya. “Hindi ako tanga, Mr. Calvino. Huwag kang mag-alala,” naiinis na sagot niya rito. Hindi naman sa gusto niyang umaktong asawa talaga ng lalaki. Pero kasi, malalim ang pinagsamahan nila ni Zoey. Para na talaga silang mag-ina sa kulungan dati. Kaya kahit muhing-muhi siya sa lalaki ay gagawin pa rin niya nang maayos ang pagiging asawa kuno nito para sa kaligayahan ni Zoey sa mga huling sandali nito. Pagkapasok nila ng sa kwarto ni Zoey ay agad na kumapit si Jyla sa braso ni Zion at saka ngumiti nang pagkatamis habang lumalapit sa matanda. “Sorry, Tita. Medyo natagalan ang pag-uusap namin. Inaayos na po kasi namin ang kasal.” “Jusko, salamat, iha. Sobrang excited na ako sa kasal ninyo,” natutuwang ani ng matanda. Ginagap nito ang kamay “Kamusta naman ang anak ko sa ‘yo? Tinatrato ka ba niya nang maayos?” mahinang bulong nito sa kanya. Umakto pa siyang kinikilig at nahihiya bago sumagot. “Oo naman po, Tita. Sobrang nagmana po sa inyo yung anak niyo. Napakabait. Napaka–gentle man. Wala na po yata akong mahihiling pa.” Gusto niyang masuka sa nasambit. “Magpakasal na kayo sa huwes, ah? Gustong-gusto ko nang tawagin mo akong mama,” seryosong hiling sa kanya ng matanda. The old woman’s words warmed her heart, kaya naman napapisil siya sa malambot nitong kamay. “Opo. Magpapakasal na kami ngayon.” Kinahapunan ay nagpakasal na nga silang dalawa. They exchanged vows, signed and stamped a series of documents. Kumuha din sila ng maraming litrato. And just like that, she got married.Pagkalabas na pagkalabas nila sa huwes ay agad na nagpaalam si Jyla kay Zion. “Since bawal naman ang bisita ng hapon, hindi na ako sasabay sa ‘yo pagbalik sa hospital. Bukas ko na lang pupuntahan si Tita Zoey,” aniya kay Zion. Wala naman sila sa harapan ni Zoey kaya hindi niya kailangang magpanggap na gusto niyang makasama ang lalaki. “Suit yourself,” malamig na tugon nito sa kanya. Sa loob ng kotse ay mausisang nagtanong si Johann Santiago kay Zion, ang sekretarya, assistant, bodyguard, at driver ng lalaki. “Sir, tingin mo ba hindi ka niya tatakasan?” Bahagyang umismid si Zion. “If she wanted to, hindi sana siya magpapakita sa bar na lagi kong pinupuntahan; hindi sana siya lalapit kay mama para humingi ng tulong. That recent escape was just one of her manipulative tricks.” “Okay, sir. If you say so,” tugon ni Johann. “Just drive,” medyo naiinis na utos ni Zion dito. Pinaharurot na nga ni Johann ang sasakyan at ni isang beses ay hindi tinapunan ng tingin ni Zion ang dalaga.
Zion “Babe, ayaw mo na ba sa ‘kin?” paawang sambit ni Gabby sa kabilang linya. Bigla na lang itong nagpanggap na humihikbi. “Naiintindihan ko. I gave myself to you that night because I like you so much. Pero hinding-hindi ko ‘yon pagsisisihan kahit hindi mo ako pakasalan.” Medyo nahimasmasan si Zion nang marinig ang mga katagang iyon. “I’m just… not free today. But tomorrow night works for me,” bahagyang pagpapaliwanag ng lalaki. “Really? Thank you, babe!” natutuwang bulalas ni Gabby. “Yeah, see you.” Iyon lang at pinutol na ni Zion ang tawag. Sa totoo lang, walang nararamdaman si Zion para sa babae. Pero hindi niya pwedeng ipagwalang-bahala ang pinagsaluhan nila ng gabing ‘yon, when he was at his lowest. Ibinigay nito ang sarili sa kanya, at dahil isa siyang disenteng lalaki, he had to marry her. Isa pa, natuklasan niya noong gabing 'yon na he was her first. Kung hindi nga lang nakiusap ang ina niya na pakasalan niya si Jyla ay malamang kinasal na siya kay Gabby. Ang tangin
Nagulat si Zion nang bumukas ang pintuan ng banyo. Agad namang napaigting ang panga ng lalaki habang tinitingnan ang babaeng walang saplot sa harapan. Mamula-mula pa ang mapusyaw na balat ni Jyla na halatang kaaahon lang sa bathtub. Medyo magulo ang basang-basa na buhok ng babae na abot balikat. Basang-basa pa rin ang maliit na mukha naman ng dalaga na halos kasinglaki lang ng mga palad ni Zion. Halos lamunin si Jyla ng hiya nang mga sandaling iyon. Pinasadahan pa niya ng tingin ang halos hubad ding katawan ni Zion bago niya naisipang isara ang pintuan. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang maalala ang hitik na hitik na katawan ng lalaki. Napakalapad ng balikat nito at sa may bandang braso nito ay may dalawang kapansin-pansin na peklat kaya lalo itong nagmukhang delikadong kantihin. Mabuti na lang at may tapis itong tuwalya sa ibaba nito kahit papaano, hindi kagaya niya. “Anong ginagawa mo rito?” malakas na tanong niya. “I should be the one asking you that. Anyway, jus
Hindi maipaliwanag ni Jyla ang lungkot na bigla niyang naramdaman nang makita si Zion. She was prepared for the fact na marami nga sigurong babaeng magkakandarapa kay Zion dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya ay ubod nang gwapo ito at mayaman pa. At ang tanging dahilan lang naman ng kasal nilang dalawa ay dahil sa huling hiling ni Zoey. Pero bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo ay si Gabby pa talaga ang girlfriend nito? Para bang sinasadya talaga ng pagkakataon. Ang mga taong nanakit sa kanya ay namumuhay nang masaya samantalang siya, sunod-sunod na trahedya ang dinaranas. May criminal record na nga siya at walang trabaho. Tapos ngayon ay buntis pa siya, ni hindi man lang niya kilala ang ama ng dinadala. Hindi niya mapigilan mangliit habang tinitingnan ang perpektong magkapares sa harapan niya. So wala talagang mga kukuning litrato. Ang dahilan kung bakit siya pinapunta ng mga ito ngayon ay para ibalandra sa kanya ang lalaki. Ngumiti siya nang mapakla kay Gabby. “At t
Hindi makapagsalita si Jyla dahil sa tinuran ni Gabby. Gustong-gusto na nga niyang tawirin ang mesa at kalmutin ang mukha nitong puno ng make-up pero nagtimpi siya dahil baka kung saan pa humantong ang pisikalan nila kapag sinimulan niya. Masasaktan lang ang anak niyang nasa sinapupunan. Nginitian na lang niya ang impaktita at sumagot. “Why are you so interested? Na-miss mo bang magka-customer?” Gabby chuckled. “Concerned lang naman ako. Mamaya kung ano pang sakit ang makuha mo sa mga customer mo. Ano na lang ang sasabihi ng mga tao sa pamilya na nagpalaki sa ‘yo, hindi ba?” Dahil sa tindi ng eksena sa pagitan ng dalawa, wala nang nakapansin na nagngingitngit na sa galit si Zion habang tinititigan si Jyla. Walang ano ano ay mariin nitong binagsak ang kubyertos sa pinggan at saka dinampot ang susi ng kotse na nasa mesa lang din. “Babe?” nagtatakang tawag ni Gabby dito. “Galit ka ba?” Bakas na sa mukha ng dalaga ang pag-aalala sa inaasal ng lalaki. “I don’t want my name to get s
“What?” Gusot na gusot ang mukha ni Zion sa narinig. “Bigyan mo ako ng singkwenta mil. Hindi ko na sila guguluhin, promise,” kalmadong saad niya. Tinaas pa talaga niya ang kanang kamay bilang panata. Hindi mapigilan ni Zion ang matawa sa tindi ng disgusto na nararamdaman para sa babae. Ibang klase talaga ang isang Jyla. “Was it just yesterday? Noong sinabi mo sa ‘kin na hinding-hindi ka na hihingi sa ‘kin ng pera? You are so shameless,” nanggigigil na pahayag ni Zion sa babae. Medyo sinariwa ni Jyla ang mga ala-ala pero hindi niya matandaan ang sinasabi nito. “Ikaw na ang nagsabi. Ibang-iba nga ako kay Gabby ‘di ba? Sa tingin mo ba may katiting pang hiya na natitira sa ‘kin?” Hindi talaga makapaniwala si Zion sa babae. “You think because I got you out of jail hindi na kita kayang ibalik doon?” Batid ni Jyla na hindi na uubra kay Zion kung magpapabebe pa siya. Pero magpapatalo ba siya? Kung hindi niya ito makukumbinsi ngayon, paano na ang katawan ng nanay niya? “You think
Nakaramdam ng lungkot si Jyla nang marinig ang balita. Oo, legal nga silang kasal ngayon ni Zion kahit daig pa nila ang dalawang estranghero. Pero ang tunay na nilalaman ng puso ni Zion ay ang mortal niyang kaaway. Gabriella Palencia. Masayang lumapit si Beth sa asawa, at talagang kinuha pa nito ang kamay ng huli. “Totoo ba? Bibigyan niya talaga ng engagement party ang anak natin? Hindi ba natin kailangang makita muna ang pamilya ni Zion? Talaga bang okay lang sa kanila na ampon lang si Gabby?” sunod-sunod na tanong ni Beth. Lalo namang nakaramdam ng pagkalungkot si Jyla nang marinig ang salitang ‘ampon.’ Dalawang taon si Gabby nang ampunin ito ni Rolly at Beth. She instantly became the apple of their eye. Habang si Jyla ay labindalawang taon na nang mapilitan siyang lumipat sa bahay ng mga Palencia na nagsilbi nang impyerno niya, mas malala pa sa buhay niya sa piitan. Kung tutuusin mas tinrato pa siyang tao doon, kesa sa bahay na ito. Saan ba siya nagkamali? Bakit ganoon na l
Sobrang gulo ng kwarto ni Jyla. At ang malupit pa, wala rito ang dalaga. Pumasok si Zion sa loob ng kwarto at tinignan ang mga damit ni Jyla na nagkalat sa higaan at ang iba ay nasa sahig pa. Halos mukhang basahan pa nga ang lahat. Nakabukadkad ang maleta ng babae, akala mo ay pinasok ang kwarto ng magnanakaw. ‘Where the fuck is she? Did she just run away with my money?’ Kumukulo ang dugo ni Zion sa mga naiisip. Agad na kinuha ni Zion ang susi ng kotse at pinuntahan ang ina sa ospital. Ngunit wala rin doon ang babae. Tinawagan ni Zion si Jyla, nanggagalaiti na sa galit. Jyla could mess with him, but not his mom! Isang ring lang at sinagot agad ni Jyla ang tawag. “Hindi muna ako dumaan sa mama mo. May importante lang ako nilakad.” “Nasaan ka?” nagtitimping turan ng lalaki. “Actually, nasa construction site ako. Meron kasi akong—” Hindi na siya pinatapos ni Zion at nagsalita ito. “I’ll send you an address. Malapit lang ‘yon sa ospital so you better come right away! After I
“Alam ko ang mga dapat kong gawin at hindi, Zion,” aniya, mas kalmado sa nauna niyang sinabi. Pagkasabi ay umiwas na siya ng tingin sa lalaki at naglakad pabalik sa pintuan. Wala naman siyang utang sa lalaki, kung tutuusin. Kayang-kaya naman nitong ibawas ang inutang niyang singkwenta mil doon sa magiging alimonya niya sakaling maghiwalay na sila. Lahat naman ng ginawa ng lalaki ay para sa nanay nito. Hindi naman siya niligtas nito at inalagaan dahil gusto nito. Napipilitan lang si Zion na gampanan ang tungkulin nito bilang asawa niya dahil nga kailangan siya ng ina nito. Kaya walang saysay na umakto siyang mabait kay Zion. Isa pa ay alam naman na nito ang mga baho niya. Mabuti pang magpakatotoo na lang siya sa sarili at alagaan si Zoey hangga’t pwede. Hinintay niyang makarating si Zion sa pintuan saka niya ito inismiran. Then she took his hand and laced his fingers with hers, saka niya marahang hinila ang lalaki papasok sa loob. Zion wasn’t ready for that, kaya bahagyang nanlaki
ZionMay gumuhit na galit sa mukha ni Zion habang pinapanood niya ang wagas na pag-ngiti ng asawa kay Andrew. He was itching to wipe off that smug look on that bastard’s face, na para bang siguradong-sigurado itong may gusto si Jyla rito, pero hindi na lang siya nagsalita. Bumaba lang siya ng sasakyan nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Andrew at nang makitang pumasok na sa ospital ang asawa. Bumaba na rin ang assistant niyang si Johann sa driver’s seat matapos igarahe ang sasakyan. “Kotse po yata ni Sir Andrew ‘yon?” pagpapaalam ni Johann sa kanya. “Binisita yata si Ma’am Zoey.”Hindi naman napansin ni Johann na bumaba ng sasakyan ni Andrew si Jyla. Mukha hindi rin nito napansin ang matamis na ngiti na ginawad ni Jyla kay Andrew at maging sa kasama nito. “That's complete bullshit,” sagot niya kay Johann. Wala naman kasi sa mga kamag-anak niya ang tumuring sa nanay niya na bahagi ng pamilyang ‘yon. Pero rinig niya kanina na tinawag ni Andrew na tita ang nanay niya. It was e
Jyla Napansin naman ni Andrew ang pag-aalinlangan ni Jyla. “Take it. That’s just merely ten thousand. Baka nga hindi pa yan kasya sa presyo ng camera, but at least, mababayaran mo na kahit kalahati, and makakamenos ka pa sa rental fee.” Hindi pa rin kumbinsido si Jyla sa sinabi ng amo. Napalingon si Andrew sa likod at nagtama ang mga mata nila ni Jyla. “What? Akala mo ba bibilhin ko ang kaluluwa mo sa halagang sampung libo? Huwag kang mag-alala, you can just pay me back sa sahod mo. And for your information, I don’t like you, okay?” “Take it already. Nangangawit na ako,” utos nito sa kanya. Mabilis na binalik nito ang mata sa kalsada Namula ang mga pisngi ni Jyla dahil sa kahihiyan bago niya kinuha ang pera rito. “Salamat, sir.” For some reason, hindi man lang siya naapektuhan ng pang-iinsulto nito, kumpara sa sinabi ng asawa kahapon sa kanya. Mas mabuti pa nga si Andrew at tinutulungan siya, financially, hindi gaya ng madamot niyang asawa. At mabuti pa si Andrew hindi siya pin
Napansin ni Jyla na mayroong katabing lalaki si Andrew sa sasakyan. Nagtama ang mga mata nila ng hindi pamilyar na lalaki at bahagya itong tumango na para bang binabati siya. May sumilay pa ngang ngiti sa mga labi nito.He looked like a nice guy, pero since kaibigan ito ni Andrew, sa malamang ay kaugali rin ito ng amo niya. “Okay lang ako, sir. Hindi naman mahirap sumakay ng bus dito,” umiiling na pagdadahilan niya sa lalaki. “Ano ka ba? Hindi naman nangangain ‘tong kasama ko. Si Dylan lang ‘to. Bespren ko!” biro pa nga ni Andrew. “Alam kong masyado kang naging busy ngayon dahil first day mo rito. But trust me, it will get better. Kaya sumakay ka na. Ihahatid na kita pauwi.” Napabuga muna si Jyla bago siya pumasok sa sasakyan ni Andrew. Balak sana niyang manahimik lang pero tiningnan siya ni Dylan bago ito nagsalita. “Hello, Mrs. Calvino. I have heard a lot about you from Andrew. I’m Dylan Sanchez, by the way.” “Jyla. Tawagin mo na lang akong Jyla,” pagtama niya rito. Una sa laha
Tutal ganun naman talaga ang buhay. Lagi siyang nasa ilalim at tinatapak-tapakan lang na parang langgam, lagi siyang pinaglalaruan. Wala siyang kakampi tapos ay wala rin siyang pera. Kaya tatanggapin na lang ni Jyla ang kapalaran niya. Pagod na pagod na siyang lumaban. Hinayaan na lang niyang gapusin ni Zion ang dalawa niyang kamay. Then she looked him in the eye. She realized how she wished he’d look at her differently, na hindi puno ng galit ang mga matang pinupukol nito sa kanya, na kung hahalikan man siya nito ay mararamdaman niya ang pagmamahal nito. Gusto tuloy niyang maiyak, pero siguro mamaya na lang, kapag tapos na ito sa gusto nitong gawin sa kanya. Suddenly, the corner of his lips curled into a sneer. Bigla itong bumaba ng sofa and he glared at her, his eyes were full of contempt. “I’m sorry to tell you, but you are never qualified to be my whore. I would never sleep with someone like you, but that doesn’t mean you are free to fuck someone else. Habang may isang buwan p
Napaatras si Jyla sa takot at pagkalito. The fucking darkness just reminded her of that night. And Zion’s deep and haunting voice… Bakit parang may pagkakapareho? Ang masakit lang ay hindi niya man lang namukhaan ang lalaking nakauna sa kanya. Umiling-iling siya at iwinaksi ang iniisip. The moment her eyes adjusted to the darkness, she calmed herself down and switched on the dim lights. Nakita niya ang pigura ni Zion na nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Nakita rin niya ang isang hindi nakasinding sigarilyong nakaipit sa mga labi nito. Lukot ang buong mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Siya kaya ang tinatawag nito? Siya kaya ang hinihintay nito?“Bakit nan—” Itatanong sana ni Jyla kung bakit gising pa ang lalaki, kung bakit narito ito? Luminga-linga siya sa paligid, hinahanap si Gabby, pero mukhang wala na roon ang dalaga. Kitang-kita na ni Jyla ang poot sa mga mata ng asawa, kaya naman halos tumaas ang balahibo niya sa batok dahil sa kaba. “I said get over her
Zion Inignora ni Jyla ang mga patama ni Gabby at sa halip ay tiningnan si Zion. “Akyat lang ako saglit sa taas, iiwan ko lang yung bag ko pero aalis din ako agad. Babalik ako pagkatapos ng tatlo o apat na oras. Huwag niyo na lang akong intindihin,” malamig na pagpapaliwanag ni Jyla kay Zion.Walang ngiti o kaya ay bahid ng pagkagalit na mababanaag sa mukha ni Jyla. Parang wala lang rito ang makitang magkasama si Zion at Gabby. Halos mapikon tuloy si Zion dahil sa inasal ng asawa. At dahil doon ay gusto niya lalong inisin ito, hanggang sa makakuha siya ng reaksyon dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Pagkatapos nitong aminin ang tungkol sa paggamit nito sa ina niya, pagkatapos nitong aminin sa kanya ang pagbubuntis nito, at ang plano nitong pagpikot sa kanya, sinadya niya pa ring papuntahin sa bahay si Gabby. For what? To elicit some specific reaction from Jyla. Maybe, a tinge of jealousy. Isa pa, a part of him wanted to take his mind off Jyla, kaya rin niya pinagbigyan si
GabbyMedyo matagal ding nakamasid sina Gabby at ang mga magulang niya sa lounge ng emergency ward, kaya ganun na lang yata yung kaba nila nang biglang pumasok si Zion sa emergency room na galit na galit. Kitang-kita din nila kung paano alagaan ng lalaki ang asawa nito at ito mismo ang nagpababa ng lagnat ni Jyla. Ang tagal nilang nakatanga sa upuan matapos masaksihan ‘yon, kinakabahan na tuluyan na talagang nahulog si Zion kay Jyla. Pero saktong may kausap si Zion sa cellphone nang dumaan ito sa lounge nang hindi sila napapansin.“Go ahead. Bayaran mo na lahat ng bill niya. Don’t forget the receipts and make her pay for it afterward. Every. Single. Cent,” dining nilang malamig na komando ni Zion sa kung sinong kausap nito. Pagkarinig noon ay nabuhayang muli si Gabby at ang mga magulang niya. Ibig sabihin noon ay hindi pa rin maayos ang lagay ng relasyon ng dalawa at wala na yatang ni katiting na pag-asa na magustuhan ni Zion si Jyla. Posible na baka kinabahan lang ang lalaki dahi
Narinig pa nila Jyla ang pagbuntong-hininga ni Zoey bago ito nag-umpisa. “Dahil sa hirap ng pinagdaanan namin. Ilang taon kaming nagdusa dahil sa mga maling desisyon, dahil sa mga maling tao na pinagkatiwalaan namin. Prinotektahan namin ang isa’t isa laban sa mga naging kaaway namin bago pa kami magtagumpay. I just… want to make sure na kakayanin ni Zion, sakali mang mawala na ako sa mundong ito.” Zoey’s voice cracked in pain, dahilan para labis ding masaktan si Jyla. Gustuhin man niyang samahan hanggang huli si Zion para protektahan ito para sa ina nito, alam niyang hindi niya ‘yon pwedeng gawin. Wala siyang karapatan para gawin ‘yon.“Ayokong malaman ni Zion na kahit na nasa bingit na ako ng kamatayan eh naghahangad pa rin ako na magkaroon ng lugar sa pamilyang ‘yon. Masasaktan lang ang anak ko at sisisihin niya ang sarili niya kapag nagkataon.” Namasa na ang mga mata ni Jyla ng mga luha. Nakikita niya kasi ang sarili sa lagay ni Zoey. Parehong puno ng pagdurusa ang mga buhay nil