Zion
Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang ipahanap ni Zion ang dalaga sa mga tauhan niya.
Ang akala niya nagkamali talaga siya sa paghusga sa dalaga. Tapos ngayon malalaman niyang sa bar na nilalagi niya lang pala ito matatagpuan. He had really underestimated her masterful deceits.
“Mr. Calvino, what’s going on?” nanginginig na tanong ng bar manager sa kanya.
“How long has she been working here?” usisa niya sa lalaking halatang nangangatog sa presensya niya.
“Isang buwan na rin po siya halos dto, Mr. Calvino.”
Zion smirked at the realization. Isang buwan na rin simula ng tumakas ang dalaga sa pamamahay niya.
Palabas lang talaga ang ginawang pagtakas nito.
***
Jyla
Punung-puno ng inis si Jyla kay Zion. Bakit ba napakaliit ng mundo.
“Pakawalan mo ako, o tatawag ako ng pulis,” babala niya kay Zion.
“Show some respect, Roxanne,” naiinis na sita sa kanya ng manager. “He’s our most esteemed guest.”
Makahulugan siyang tiningnan ni Zion at saka itong nakakairitang ngumisi. “Roxanne? Did you just switch identities? Natatakot ka bang malaman ng lahat na isa kang ex-convict?” nanunuring tanong ni Zion sa kanya.
Sakto naman ang pagdating ng lobby supervisor at maging ang waitress na nakatoka sana sa kwartong iyon. Hindi sila makapagsalita sa takot.
Hindi na alam ni Jyla ang gagawin. Dalawang araw na lang sana at makukuha na niya ang sahod niya para sa buong buwan. Pero ngayon ay wala na.
“Ano bang nagawa kong kasalanan sa ‘yo, at bakit mo sinisira ang buhay ko?” naluluhang pagkuwestiyon ni Jyla kay Zion. TInaas niya ang kamay niyang hawak ni Zion at saka kinagat ang kamay nito dahilan para mapabitaw ito sa pagkakahawak sa kanya.
“Fuck!” medyo pigil na pagsigaw ni Zion dahil sa sakit.
Mabilis na tumakbo si Jyla palabas ng club habang distracted pa ang binata sa sakit, at agad na sumakay sa kung anong bus na dumaan.
Paglabas ni Zion ng bar ay wala na roon ang dalaga.
Hindi rin nagtagal si Jyla sa bus at bumaba siya kaagad pagkatapos ng dalawang stop. Mula roon ay naglakad na nga si Jyla pauwi habang humahagulgol. Paano ay lahat na yata ng kamalasan sa buhay ay sinalo na niya.
Nakulong siya ng dalawang taon imbes na ang bruha niyang pinsan. Kinailangan niyang ibenta ang sarili sa isang estranghero na namatay matapos makipagniig sa kanya para lang mailigtas ang nanay niya. Nakalaya na nga siya ngayon pero wala na ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Para bang sinasabi sa kanya ng mundo na wala nang saysay ang buhay niya.
At dumating pa ang asungot na mahaderong lalaki na iyon na walang ibang ginawa kundi ang pahirapan siya.
Bakit? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan dito? Ano ba ang nahihita nito sa kanya?
Bigla na lang kumulo ang sikmura niya nang maisip ang lalaki at tuluyan na nga siyang dumukwang sa gilid ng kalsada para sumuka.
Isang mabait na matandang babae ang umalalay sa kanya habang naglalabas ng sama ng loob at talagang hinagod pa nito ang likuran niya.
“”Buntis ka ba, iha?” tanong nito sa kanya matapos niyang dumuwal.
“Po?” naguguluhang tanong niya sa matandang babae. Umuwi siyang puno ng pag-aalala ang isipan at halos hindi nakatulog.
Shit. Malaki ang posibilidad na buntis nga siya. Nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam niya. At isang buwan na rin ang nakalipas… pagkatapos ng gabing iyon.
Kinaumagahan, pumunta siya sa pinakamalapit na hospital kahit na kapiranggot na lang ang natitirang pera niya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin.
The doctor gave her a pregnancy test kit.
Buntis nga siya.
“No! Hindi pwede,” mahinang protesta niya sa anunsyo ng OB-Gyne
“You can always opt for an abortion,” malamig na suhestiyon sa kanya ng doctor bago siya nito iginiya sa pintuan na para bang hindi buhay ang pinag-usapan nila.
Lalong bumigat ang kalooban niya pagkalabas ng opisina ng doktor. Naglalakad-lakad siya nang walang siguradong patutunguhan at dinala nga siya ng mga paa sa outdoor park ng hospital.
Naupo siya sa isang bakanteng bench at doon nagmuni-muni hanggang sa hindi niya namamalayang humahagulgol na naman siya, thinking about that pitiful soul in her tummy.
Nagulat siya sa pagtapik ng munting mga kamay sa hita niya. May isang cute na batang masayang nakangiti sa kanya. “Stop crying na….” yaya nito sa kanya.
Napangiti siya sa inakto ng bata.
“Sorry, miss,” ani ng ina ng bata.
“Ang cute ng baby mo,” sagot niya sa nanayy.
Nakaramdam siya ng inggit habang pinagmamasdan ang bata at ang ina nito. The Lord might have taken everything from her, but He gave her someone in exchange— someone she could love and cherish.
At dahil doon, buo na ang loob niya. Hindi niya ipapalaglag ang bata. Pero paano nga ba niya ito buubuhayin lalo pa’t wala na siyang trabaho ngayon?
And then it hit her. She actually knew someone who could help her.
Hindi na siya nagsayang pa ng oras at bumalik sa piitan para bisitahin ang kaibigan niyang si Zoey.
Medyo matagal na sa bilangguan si Zoey bago pa man makulong si Jyla dalawang taon ang nakalipas. Ito ang nagsilbing ina niya sa piitan at inalagaan siya nito na parang tunay siyang anak nito.
Hindi alam ni Jyla kung saan nanggaling si Zoey pero alam niyang mayaman ito dahil ito lang yata ang inmate na laging maraming allowance sa pagkain. Sa totoo nga, ito rin ang nagbigay sa kanya ng allowance noong nakalaya siya nang unang beses.
“Wala na rito si Ma’am Zoey. Isang buwan mahigit na rin, ah,” sagot ng guard na nasa entrance sa kanya.
“Huh?” nagtatakang tanong niya. Paano nangyari iyon?
“Wait. Ikaw ba si Jyla Palencia?” balik-tanong nito sa kanya.
“”Oo, bakit?”
“Ah, ikaw pala! May iniwan siya ritong sulat para sa ‘yo eh. Tinatawag nga kita noon, kaso may mga sumundo kasi sa ‘yo. Hindi mo ako napansin.”
“Talaga ba? Naku, maraming salamat ah.”
Nagmamadali siyang umalis at saka tinawagan ang numero sa card. Doon niya napagtanto na nasa hospital pala si Zoey simula noong nakaraang buwan.
Agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan nito na isang VIP Room sa pinaka modernong ospital sa siyudad. May kung anong kumurot sa dibdib niya nang makita itong nakaratay sa higaan. Ganunpaman, napangiti pa rin si Jyla nang makita ang hindi maitatangging ganda ng ginang kahit pa ito ay may sakit.
“Tita Zoey?” mahinang pagpukaw ni Jyla sa atensyon nito.
Dahan-dahan itong dumilat at pagkakita na pagkakita nito kay Jyla ay bigla itong ngumiti nang pagkatamis bago ito inatake ng ubo.
“Dumating ka rin, Jyla, anak. Akala ko nakalimutan mo na ako. Sinabi ko sa lalaking iyon na dalhin ka rito. Ang sabi naman niya ay umuwi ka na raw sa probinsya niyo. Mabuti at bumalik ka,” sunod-sunod na litanya ng matanda.
“Opo, eh. Umuwi nga po ako. Pasensya na at natagalan ang pagbalik ko,” pagsisinungaling niya para mapagtakpan ang lalaki na binanggit nito.
Alam niyang anak nito ang lalaking tinutukoy nito. Ang anak din nito ang dahilan kung bakit napawalang-bisa ang kaso laban sa kanya. Hindi man niya nakita pa ang lalaki ay alam niyang marami na ang nagawa ng anak nito para sa kanya. Ano ba naman ang magsinungaling nang kaunti para rito.
“Hinding-hindi ko makakalimutan ang pag-aalaga mo sa akin sa lugar na ‘yon, Jyla. Dahil sa’ yo, nakasama ko pa ang anak ko ngayon. Habang-buhay kong tatanawin ang utang na loob na ‘yon sayo.”
“Tita naman.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Jyla. “Inalagaan lang po natin ang isa’t isa. Gusto ko ring magpasalamat dahil naging tunay na kaibigan at pamilya ko kayo sa lugar na iyon.”
Jyla hesitated. Sobrang mali ng timing ng pangungutang niya kung kailan na may sakit na ito. Ang kaso ay kailangan niyang kapalan ang mukha para sa batang lumalaki sa sinapupunan niya.
“Tita Zoey, hihingi sana ako ng pabor.” Kinagat niya ang ibabang labi sa at nagdalawang-isip. “I know this is not the right time pero—”
“What’s wrong, anak? Anything I can do to help you?” nag-aalalang tanong ni Zoey sa kanya.
“Kailangan ko lang talaga ng pera, Tita Zoey.” Hindi sniya na tuloy magawang tignan ang matanda.
“How much?” ani ng isang pamilyar na tinig ng lalaki.
Agad na napatingin si Jyla sa may-ari ng boses at agad na nilukob ng takot ang kalooban niya.
“Ikaw?”