Share

Chapter 3

Zion

“What?” lukot na lukot ang mukhang tanong ni Zion sa katulong. 

Naggpunta silang banyo at maabiliis niyang napansin ang nakasulat sa salamin na malalaking mga letrang kulay pula. 

I AM NOT MARRYING YOU! OVER MY DEAD BODY!

Hindi maitatatwa ni Zion na seryosong-seryoso ang pagka-disgusto ng babae sa kanya base nga sa madugong pahayag nito na siyang kinagulat niya. 

Nagkamali nga lang kaya siya ng hinuha tungkol sa babae?

“Find her. Hindi naman ‘yon basta-basta makakatakas!” 

Ayaw niyang mamatay ang ina niyang malungkot.

***

Jyla

Panay sugat at galos ang inabot ni Jyla sa pagtakas niya sa mansyon na iyon, lalo pa’t puro matitininik ang mga baging at iba pang halamang nakatanim sa gubat palabas ng kabundukan na iyon. Pero ang mga iyon din ang mga nakakapitan niya sa mga pagkakataong nawawalan siya ng balanse at muntik nang mahulog sa kanyang kamatayan dahil sa tarik ng landas pababa ng bundok. 

Muntikan pa nga siyang mahuli ng mga alagad ni Zion, mabuti na lang at nakapagtago siya sa makakapal na talahib. Gabi na nang tumigil ang mga ito sa paghahanap kaya naman gabi na rin siyang nakaalis ng bundok. Sa kabilang ibayo siya dumaan para lang maiwasang mamataan ng kung sino. 

Halos umaga na nang makasakay siya ng bus patungong muli sa bahay ng mga Palencia.

Ganoon na lang ang gulat ng mga ito nang pumasok siyang bigla sa nakabukas nitong gate. 

“Jyla? Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakatakas sa—” kinakabahang bulalas ni Beth. 

“Nakatakas? Hindi ba pwedeng pinalaya lang?” pagputol niya sa sinabi ng tiyahin. 

Bahagyang natawa si Beth sa sinabi ng pamangkin. “Paano ka naman nakalaya, aber? At bakit ka nandito? Hindi ba sinabi ko sayong ayaw na kitang makita sa pamamahay na ito? Tignan mo nga ang hitsura mo? Hindi ka ba nahihiya?” panunuya ni Beth, matapos tignan mula ulo hanggang talampakan si Jyla. 

Hinayaan na lang ni Jyla ang intrimitida niyang tiyahin at pinukulan ng tingin ang asawa nito na kanina pa walang imik. “Tito Rolly, nakalimutan niyo na ba kung bakit ako nagtiis sa kulungan ng dalawang taon? Nakalimutan niyo rin ba ang sinabi niyo sa akin apat na araw lang ang nakalipas? Pinangako niyo sa ‘kin na ililigtas niyo si mama basta gawin ko lang ang inutos niyo. Pero hinayaan niyo lang si mama mamatay!” 

“Bakit kami ang sinisisi mo? Kung oras na ng nanay mo ang mawala sa mundong ito, walang makakapigil doon kahit na sino! Wala kaming kasalanan sa ‘yo!” sigaw ni Rolly sa kanya. 

Tinapunan niya nang matalim na tingin ang lalaki, kuyom ang mga palad sa poot. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na sakalin ang mag-asawa, pero wala rin naman siyang mapapala kung gagawin niya iyon. Kailangan niyang malaman ang buong katotohanan. 

“Nasaan si mama ngayon?” kalmado niyang tanong na ikinagulat ng dalawa. 

“Saan pa ba? Eh, ‘di roon sa sementeryo sa lugar niyo! Walong taon kitang binuhay, Jyla! Gusto mo pa yata pati patay mong nanay eh bilhan ko pa ng lupain!” 

“Narinig mo na ang gusto mong marinig. Umalis ka na,” sabat ni Beth. 

Hindi na nakipagbuno pa si Jyla at akmang aalis na sana ng tapunan siya ng isang libo sa mukha ng magaling niyang tiyuhin. 

“Nang matahimik ka! Sa ‘yo na ‘yan!” 

“Hindi ko ‘yan kailangan, Tito Rolly. Ang kailangan ko ay yung buhay ng nanay ko. Isa pa, patay na rin naman yung taong dapat na magbayad sa akin, di ba? Mukhang mas kailangan niyo ‘yan ni Tita Beth. Pero simula ngayon, bayad na ang walang taon na pagpapalaki niyo sa akin.” 

Iyon lang at lumabas na siya sa impyernong iyon na nilagi niya nang walong taon. 

***

Rolly

May kung anong kumurot sa puso ni Rolly nang makitang umalis si Jyla. Agad naman itong napansin ng asawa niya.

“Don’t tell me naaawa ka sa babaeng ‘yon, Rolly! Baka nakakalimutan mong siya ang dahilan ng pagkamatay ng anak natin!”

Sabay na iniluwal si Jyla at ang anak ng dalawa, pero hindi nila matanggap ang maagang pagkamatay ng anak habang si Jyla ay patuloy lang sa paglaki. 

“Tingin mo ba ‘yon ang pinoproblema ko? Hindi mo ba naiisip na nakalaya na siya ngayon. Paano pag nalaman niya ang tungkol kay Zion?” naririnding sagot ni Rolly sa asawa.

“Paano niya naman malalaman na si Zion ang lalaking iyon, aber? Ang importante ay maikasal agad si Gabby kay Zion! At kapag buntis na si Gabby, wala nang habol ang ipokritang iyon kay Zion. At kahit na sino ay wala nang laban sa atin.”

Nagpakawala ng impit na tawa si Beth na ikinaasar lalo ni Rolly. “At tingin mo bang papayag ang ama ni Zion na maitali ang anak niya sa isang ampon?” 

“Dear, wala siyang karapatang mag-react sa pagiging ampon ni Gabby. Tingnan mo naman ang narating ng bastardo niya, hindi ba?” bwelta ni Beth. 

“We just have to make sure na si Gabby ang alam niyang nagsalba sa kanya ng gabing iyon. Gabriella will become the most powerful woman in this city,” dagdag pa ng delusyonal na babae. 

Napawi ang lahat ng bumabagabag sa puso ni Rolly, at maging ang natitira niyang konsensya.

***

Jyla

Wala pang ilang metro ang layo ni Jyla sa bahay ng tiyahin ay hinarang siya ng nakakabulag na pulang sports car. She rolled her eyes back when she saw her cousin, Gabriella, stepping out of the luxury car. 

“Oh, my gosh! You stink so much!” maarteng dagdag pa nito, sabay takip ng ilong. “Ginugulo mo na naman ang tahimik naming buhay. Hindi ka na ba kumikita sa pagpuputa mo?” 

Umalingawngaw ang paglapat ng palad niya sa maputi nitong pisngi. Bumakat pa nga ang limang daliri niya at maging ang dumi ng mga nito sa makinis at puno ng make-up nitong mukha. 

Napanganga si Gabbyy habang sinasapo ang pisngi, pero halos masuka ito nang maamoy ang dumi sa mukha nito.

“How dare you slap me, bitch!” naiiyak na protesta nito. 

“Ngayon wala na tayong pinagkaiba.” 

***

Nagtiyaga si Jyla na humanap ng mapagtatrabahuan at pansamantalang matitirhan sa pinakamagulong parte na iyon ng siyudad. Ni hindi nga siya makauwi ng probinsya para makita man lang ang puntod ng ina. Kailangan niya pang mag-ipon. 

At dahil nga ex-convict siya ay kumapit siya sa patalim at nagpagawa ng pekeng ID sa katauhan ni Roxanne de Leon. Agad siyang natanggap sa isang sikat na bar bilang isang waitress. 

Mababa nga lang ang sahod, pero sapat na para makapagsimula siyang muli. Dahil sa angkin niyang kasipagan at determinasyon ay kaagad siyang na-promote sa VIP section ng bar sa loob lang ng tatlong linggo. 

“Ayan, Roxanne. Ibang-iba ang galawan natin sa VIP, ah? Dito bawal ka magkamali, or else—” pagpapaliwanag sa kanya ng lalaking manager niya.

“Got it, boss!” 

Isang linggo agad ang lumipas and the days went by smoothly. Not until today. 

Kasalukuyang break-time nila at ang ibang staff ng bar ay nagtitipon-tipon para makapag-chikahan. 

“Ang swerte mo talaga, Roxanne. Wala ka pang isang buwan na-promote ka kaagad sa VIP. Inggit much!” sabi sa kanya ng isang ka-close na katrabaho.

“Paanong hindi, eh, pang-artista ang datingan ng mukha niyan ni Roxanne eh. Ang liit kasi ng mukha niya tapos ang cute-cute pa niya!” sabi pa ng isa.

“Kamo pang-flight attendant din siya sa tangkad niya. Or pwede ring model. Because, girl, look at them legs!” hirit pa nga ng isang bakla nilang katrabaho. 

“Thank you,” tipid niyang sagot sa mga ito. Ni hindi nga siya makatingin ng diretso sa iba dahil hindi siya sanay na pinupuri. “Una na ako,” pagpapaalam niya. 

Pagkaalis niya ay nagtinginan ang mga katrabaho niya at saka siya inirapan ng mga ito. “Kala mo kung sino. Girl, GRO ka lang sa VIP,” anang bakla na kanina lang ay puring-puri si Jyla. 

“Kaya nga. Ang yabang lang. Dinaan sa ganda? Wala namang pinag-aralan. Tignan mo yung ugali. Bida-bida.”

“Tahimik lang yata talaga siya. Saka masipag din kasi,” bahagyang pagtatanggol sa kanya ng isa.

Tinawag ng isang katrabaho si Jyla kaya siya biglang umalis sa usapan. 

“Rox! Ikaw muna sa room ko, please! Nag-LBM ako. For serving na yung food nila, okay? Sa Platinum VIP Room, okay?” Iyon lang at naglaho na nga ang nasabing katrabaho niya. 

Umakyat na nga siya sa nasabing kwarto at  nagsimula nang i-serve ang mga pagkain sa mga guest. Ang mga mata niya ay nakapako lang sa ginagawa niya para iwas distraction at para sa privacy na rin ng mga guest. 

Lumapit siya sa pinakagitnang lamesa at nilapat na ang mga pagkain at inumin nang hablutin ng isang lalaki ang kamay niya. Agad siyang napatingin sa lalaki sa sobrang gulat niya, at mas lalo naman siyang nagulat nang mamukhaan ang lalaki and that cold murderous glare of his. 

“Paano mo nalaman na nandito ako? Sinusundan mo ba ako?” Zion questioned her through gritted teeth. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status