Share

Chapter 2

Jyla

“You heard me,” turan ni Zion nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Jyla.

Patagong nilamukos ni Jyla ang dulo ng suot niyang puting T-shirt na halos naninilaw na. “Kung joke man ‘to, Mr. Calvino, hindi nakakatawa.”

Napapihit ng tingin sa kanya ang lalaki, nag-iigting ang panga. “Hindi ba ito ang gusto mong mangyari?”

Agad na nagbawi ng tingin si Jyla matapos makita ang pagtiim ng bagang ng lalaki pero mabilis nitong sinapo ang pisngi niya at pwersahan nitong hinarap ang mukha niya rito.

Noon lang napansin ni Jyla ang angking kagwapuhan ng lalaki. His fair angular face was emphasized by the dark stubbles on his chin. Di hamak din na mas de-kalidad ang suot nitong suit.

Masyadong malayo ang estado nito kumpara sa kanya na ilang araw nang walang ligo at suklay. So bakit bigla itong mag-aaya ng kasal out of nowhere?

At saka lang napansin ni Jyla ang nakamamatay nitong mga titig sa ilalim ng suot na salamin.

She let out a smirk habang malumanay na inalis ang pagkakahawak nito sa mukha niya. “Hindi ako gano’n ka-uhaw sa lalaki para itapon ang sarili ko sa kung sino-sino lang.”

Muli siya nitong tinapunan ng iritableng tingin. He scoffed. “You think provoking me makes you look interesting in my eyes? It doesn’t work on me.”

“Ano pang hinihintay mo,” utos ni Zion sa driver niya bago pa man makasagot si Jyla na bahagyang nakaramdam ng takot sa lalaki.

“Humanap ka na lang ng ibang papakasalan, Mr. Calvino.” Sinubukan ni Jyla na lumabas ng kotse pero hindi niya mabuksan ang pintuan. Shit.

Matuling hinablot ni Zion ang pulsuhan niya at hinatak siya nito palapit. “It’s either a marriage or a death certificate. Choose wisely,” babala nito sa kanya. “So sigurado ka talagang gusto mong mamamatay?”

Muling nabalot ng takot si Jyla. Hindi pa pala siya handang mamatay. Ni hindi pa nga niya naihahatid sa huling hantungan ang ina. “O-okay.”

Binalingan na ni Zion ng tingin ang driver. “Now.”

“Sir Zion. I suggest na ayusan po muna natin si Ma’am. Within an hour po siguro, pwede na,” mungkahi ng sekretarya ni Zion habang nakatingin kay Jyla.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Zion bago sumagot. “Fine.”

Walang imikan ang mga tao sa loob ng sasakyan hanggang sa nakarating sila sa isang malaking estado na nasa kalagitnaan din halos ng bundok na siyang ipinagtataka ni Jyla.

Pero kumpara sa mala-haunted house na mansyon na napuntahan niya noong nakaraan, mas maaliwalas at moderno ang bahay ni Zion.

Pakiramdam tuloy ni Jyla ay kriminal ang nakasiping niya noong nakaraan.

Naputol ang pagmumuni-muni niyang nang bigla na namang hablutin ni Zion ang kamay at sapilitan siyang iginiya nito sa loob ng mansyon. Hanggang dibdib lang nito ang taas niya pero para siyang aso kung hatakin na lang nito.

Nagtipon-tipon ang mga tauhan sa mansyon at sabay-sabay pa talagang yumuko at binati ng mga ito si Zion.

Halos itulak naman ng lalaki si Jyla sa mga katulong nito. “Get her ready in an hour.”

“Yes, sir,” sabay-sabay na sagot ng mga katulong kay Zion.

Umalis na rin ang lalaki at inakay ng mga katulong si Jyla papunta sa banyo ng isang malaking guest room. Agad niyang tinantiya ang kabuuan ng kwarto at nag-isip ng paraan kung paano makatakas sa kamay ng marahas na lalaki.

Nungka namang pakasalan niya ito matapos siya nitong lait-laitin at pagbantaan. That guy was seriously dangerous.

Dahil wala na naman siya sa sarili, huli na nang mapagtanto niyang halos nahubaran na pala siya ng mga katulong

“Kiss mark ba ‘yan, Ma’am?” tanong ng isa sa kanya bago nagkatinginan ang mga ito.

“Kaya ko namang maligo mag-isa. Pwede na kayong lumabas,” utos niya sa mga ito, kagat ang ibabang labi dahil sa kahihiyan.

“Hindi naman ikaw ang boss namin,” pagprotesta ng isa na halatang naiinis na kay Jyla.

“Ayun naman pala. Bakit hindi na lang siya ang paliguan niyo?” naiinis na rin niyang sambit.

“Bahala ka nga!” At sumigaw na nga ang isa bago nag-alisan ang mga ito.

Sa labas ay nag-tsismisan pa ang mga katulong sa inis. “Kita nyo ‘yon? Kala mo kung sino. Bayarin naman yatang baba—” napatigil ang isa sa pagrereklamo ng makita ang amo na nakatayo sa hindi kalayuan.

Samantalang, sinipat ni Jyla ang mga kiss mark niya sa leeg matapos hubarin ang T-shirt.

Nakaramdam siya ng panghihinayang because she would never get to see him again— the very first man she had in her entire existence.

“I didn’t take you for a slut.”

Mabilis na napapihit patalikod si Jyla para tignan ang bagong dating na si Zion. Kitang-kita niya ang pagka-disgusto sa mga mata ng lalaki.

“For your information, hindi ko pinipilit ang sarili ko sa ‘yo. Kung nandidiri ka sa ‘kin, then itigil mo na ‘tong kahibangan mo,” singhal niya sa lalaki.

Bahagyang napamaang si Zion sa tinuran ng babae na akala mo ay totoo ang mga sinasabi nito. Believe rin siya sa galing nitong mag-panggap.

“Make it quick. And also for your information, I only needed to be married to you for three months. Pero hindi ibig sabihin noon ay aasta kang asawa ko, because I will never treat you as one.”

Iyon lang at lumabas na si Zion ng banyo.

***

Zion

Dumeretso ang binata sa hardin para magpalamig ng ulo. Halos hindi makahinga ang mga tauhan sa takot sa kanya dahil alam ng mga ito ang totoong niyang pagkatao.

Si Zion ang bunso sa apat na magkakapatid na Calvino—

At siya ang nag-iisang bastardo, because his mom was a mistress. Ni walang katiting na karapatan si Zion sa kung ano mang ari-arian ng mga Calvino dahil dito.

Agad na pinadala ng ama si Zion sa abroad pagka-graduate niya ng elementarya at ni isang beses ay hindi siya pinayagan ng ama na umuwi kahit ano pang okasyon.

Kaya naman sinarili ng lalaki ang mga plano para patunayan ang sarili sa ama at naging mailap sa tao. Hanggang sa nagkaroon na siya ng pagkakataon na magbalik bansa, ang dahilan kung bakit nakulong ang ina sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

Magmula noon, wala nang ibang inisip ang binata kundi ang maghiganti at mapasakamay ang kumpanya ng ama at ang lahat ng pag-aari nito.

Him faking his death was merely a ploy that granted him control to everything— and everyone.

Maging ang ina ay napalaya na ni Zion. Pero ang isang bagay na hindi niya kailanman makokontrol ay ang oras na nalalabi ng ina.

Matinding pang-aalipusta ang sinapit ng ina ni Zion sa kamay ng mga Calvino. Ang tanging kasalanan lang naman ng ina niya ay ang magmahal ng maling tao.

Siyam na buwan na ang tiyan ng ina ni Zion bago nito nalaman ang totoong pagkatao ng taong minahal nito nang labis.

Tatlong buwan.

Iyan na lang ang natitirang oras na makakapiling ni Zion ang ina. Kaya naman gagawin niya ang lahat para mapasaya man lang ang ina sa natitira nitong sandali.

Kahit pa pakasalan niya ang pinaka-nakasusuklam na babae sa buong mundo.

Jyla Palencia.

Matapos pa-imbestigahan ay napagtanto ni Zion na kinaibigan ni Jyla ang ina para maikasal lang sa kanya.

Naputol ang pag-iisip ni Zion nang maulinigan ang sigaw ng mga tauhan niya. Isang katulong ang patakbong lumapit sa kanya at nagsisigaw.

“Sir! Sorry po!” halos mangiyak-ngiyak na pagsabi nito.

“What is it?” kunot-noong tanong niya.

“Si ma’am! Tumakas si ma’am! Tumalon siya sa bintana sa banyo!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status