Halos dapit-hapon na nang maglakad palabas ng bilangguan si Jyla dahil pansamantala siyang nakapagpiyansa ng isang araw.
Tangan ang isang papel na may nakasulat na address, sumakay siya ng kotse na nakaparada malapit sa gate ng piitan. Madilim na nang dumating sila sa tapat ng isang malaking mansyon na nasa kalagitnaan ng malawak na hacienda, halos paakyat na ng bundok. Nilapitan siya ng gatekeeper at iginiya siya nito sa isang kwarto sa loob ng mansyon. Pagpasok ni Jyla sa kwarto ay nalanghap niya agad ang masangsang na amoy ng dugo sa loob. Wala siyang maaninag kahit na ano kaya naman ganun na lamang ang gulat niya nang yapusin siya ng malalakas na mga braso. Dumampi pa nga sa mukha niya ang mainit na hininga ng lalaki. “Paligayahin mo ako sa mga huli kong sandali, baby.” Baby? Hindi mapigilan ni Jyla ang mapaluha sa narinig. “M-may sakit ka?” nanginginig na tanong ni Jyla sa lalaki. Nakaramdam siya bigla ng takot. “Bakit?” nanunuyang sagot ng lalaki. “Nagsisisi ka na bang pumayag ka sa proposisyon ko?” “Hindi. Wala akong pinagsisisihan,” malungkot na aniya. Jyla had no room for regrets dahil kailangan niyang iligtas ang nanay niya. Sobrang dilim pa rin ng kwarto at ni isang beses ay hindi man lang naaninag ni Jyla ang mukha ng lalaki pero tila wala naman itong sakit na iniinda. Matapos ang halos dalawa o tatlong oras ay nakatulog din ang lalaki. O hindi kaya ay patay na ito? Wala nang puwang ang takot sa puso niya kaya naman dali-dali siyang umalis ng mansyon. Bumuhos ang ulan habang papunta na siya sa tahanan ng mga Palencia. Halos alas onse na ng gabi at sarado na ang bahay, ngunit dinig ni Jyla ang tila kasiyahang nagaganap sa loob. “Tao po? Tao po” malakas na pagtawag niya at pagkatok niya pero nanatiling sarado ang pinto. Medyo pagod at nahihilo pa nga siya dahil sa byahe ng bus, dagdag pa ang patuloy na pagbuhos ng ulan at ang malakas na hangin, pero kailangan niyang maging kalmado at ipagpatuloy ang pagkatok dahil hinihintay siya ng ina. Bumukas din sa wakas ang gate at halos mabulag siya sa ilaw ng flashlight na tinutok sa mga mata niya. Sinalubong siya nang nangungutyang titig ng mga tao sa loob na akala mo ay diring-diri sa itsura niya. Daig pa kasi niya ang isang pulubi sa lagay niya ngayon lalo pa’t basang-basa siya sa ulan. Pero hindi nagpadala si Jyla sa inasal ng dalawa at agad na lumapit sa tiyahin. “Ginawa ko na po ang inutos niyo. Nasaan na po ang pera ko? Kailangan ko na iyon. Alam niyo naman po ang lagay ni mama.” “Hindi mo na kailangan ng pera, Jyla— dahil patay na ang nanay mo. Hinagis nito sa dalaga ang isang funeral portrait bago pabagsak na isinarado ang gate. “What?” hindi makapaniwalang bulalas ni Jyla. Matapos ang ilang minuto ay saka lamang tumulo ang luha niya habang tinititigan ang larawan. “Ma?” “Huli na ba ako, ma? \hindi na ba talaga kita maililigtas? Nawalan siya ng balanse at napasadlak sa sahig. Maghigpit niyang niyakap ang litrato ng ina habang humahagulgol at nagsisisigaw sa sakit na nadarama sa gitna ng ulan. Matapos ang ilang sandali ay napalitan ng galit ang nararamdaman niyang pighati. Tumayo siya at halos gibain na ang gate ng tiyahin niya sa pagkatok. “Sabi niyo ililigtas niyo si mama! Bakit niyo siya hinayaang mamatay? Mga sinungaling kayo! Sinungaling kayo! Ibalik niyo si mama sa akin!” Lumipas ang maraming minuto at wala siyang humpay sa pagluha at pagwawala hanggang sa bigla na lang siyang nawalan ng malay sa labas ng bahay ng mga Palencia. *** Nang magkamalay si Jyla ay nasa klinika na siya ng piitan kung saan siya nakakulong. Tatlong araw ang nilagi niya roon dahil inaapoy siya ng lagnat. Binalik din siya sa dating selda na pinaglagian niya, kasama ang pito pang preso na nanlilisik ang tingin sa kanya ngayon. “Akala naman namin iniwan mo na talaga kami,” kutya sa kanya ng isa. “Tatlong araw lang pala a****a,” dagdag ng isa. At nagtawanan pa nga ang mga ito. “Balita ko nakipagkantunan ka lang daw sa mga guard!” biro ng isa pa. Hinila ng pinakamalaking babae ang buhok ni Jyla. “Yung mga taong sinuswerte dapat ginuggulpi eh.” Inignora lamang sila ni Jyla, ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang mga ito. “Ay gusto yatang sumunod sa nanay niya.” Akmang huhubaran na sana siiya ng mga ka-selda niya nang umalingawngaw ang malakas na boses sa labas ng selda. “Anong ginagawa niyo riyan?” sita sa kanila ng isang guard na lumapit pala sa selda nila. Ngumisi lang ang malaking preso sa gwardya. “Ah, wala naman, Ma’am! Tsine-check lang namin kung may sakit pa ba ito. Kawawa naman, eh,” pangangatuwiran ng babaeng nanakit sa kanya. Hindi na sinagot ng gwardya ang babae att tinatawag na lang nito si Jyla “Inmate 036, malaya ka na.” “Huh?” nagtatakang tanong niya. Akala niya ay panaginip lang ang lahat hanggang sa muli siyang nakatapak sa kalsada sa labas ng bilangguan. She once again teared up, thinking about her mom. Pasensya na, ma, kung hindi man lang kita nailigtas. Sana mapatawad mo ako. Nasaan ka na kaya ngayon? “Ms. Jyla Palencia?” pagpukaw sa kanya ng isang baritonong tinig. Agad siyang napatingin sa may-ari ng boses. “Yes po?” Tinitigan ni Jyla ang lalaking naka-three-piece suit at leather shoes. Napansin niyang may itim na kotseng nakaparke sa likod ng lalaki, at sa passenger’s seat ay naroon ang isang lalaking naka-shades na bahagyang nakatingin sa kanya. The man didn’t respond to her. Bagkus ay humarap ito sa kotse at bahagyang tumango sa lalaking naka-shades. “Let her in,” matipid na sambit ng lalaking nasa kotse. Mabilis siyang iginiya ng lalaking naka-suit sa loob ng kotse, at nagmistula naman siyang robot na sumusunod lang sa kung anong gusto ng mga ito. Sumakay na nga siya sa kotse at umupo sa tabi ng lalaking naka-shades. “I’m Zion Calvino,” malamig na pagpapakilala nito sa sarili. “Talaga bang malaya na ako? O bibitayin lang talaga ako?” tanong niya rito. “We’re going to apply for marriage. Get ready,” walang kaurat-urat na dagdag ng lalaki. But his voice— It sounded familiar. Medyo kasing timbre ng boses nito ang boses ng lalaking namatay pagkatapos makipagniig sa kanya. Nasapo niya ang magkabilang pisngi sa kilabot. Imposible! Patay na ang lalaking iyon. Teka, wait. Totoo bang nakalaya na siya? Hindi kaya’t tauhan ang mga ito ng lalaking namatay at baka— Napanganga siya sa tinuran nito. “Wait. Anong sabi mo?”Jyla“You heard me,” turan ni Zion nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Jyla. Patagong nilamukos ni Jyla ang dulo ng suot niyang puting T-shirt na halos naninilaw na. “Kung joke man ‘to, Mr. Calvino, hindi nakakatawa.” Napapihit ng tingin sa kanya ang lalaki, nag-iigting ang panga. “Hindi ba ito ang gusto mong mangyari?” Agad na nagbawi ng tingin si Jyla matapos makita ang pagtiim ng bagang ng lalaki pero mabilis nitong sinapo ang pisngi niya at pwersahan nitong hinarap ang mukha niya rito. Noon lang napansin ni Jyla ang angking kagwapuhan ng lalaki. His fair angular face was emphasized by the dark stubbles on his chin. Di hamak din na mas de-kalidad ang suot nitong suit.Masyadong malayo ang estado nito kumpara sa kanya na ilang araw nang walang ligo at suklay. So bakit bigla itong mag-aaya ng kasal out of nowhere?At saka lang napansin ni Jyla ang nakamamatay nitong mga titig sa ilalim ng suot na salamin. She let out a smirk habang malumanay na inalis ang pagkakahawak n
Zion“What?” lukot na lukot ang mukhang tanong ni Zion sa katulong. Naggpunta silang banyo at maabiliis niyang napansin ang nakasulat sa salamin na malalaking mga letrang kulay pula. I AM NOT MARRYING YOU! OVER MY DEAD BODY!Hindi maitatatwa ni Zion na seryosong-seryoso ang pagka-disgusto ng babae sa kanya base nga sa madugong pahayag nito na siyang kinagulat niya. Nagkamali nga lang kaya siya ng hinuha tungkol sa babae?“Find her. Hindi naman ‘yon basta-basta makakatakas!” Ayaw niyang mamatay ang ina niyang malungkot.***JylaPanay sugat at galos ang inabot ni Jyla sa pagtakas niya sa mansyon na iyon, lalo pa’t puro matitininik ang mga baging at iba pang halamang nakatanim sa gubat palabas ng kabundukan na iyon. Pero ang mga iyon din ang mga nakakapitan niya sa mga pagkakataong nawawalan siya ng balanse at muntik nang mahulog sa kanyang kamatayan dahil sa tarik ng landas pababa ng bundok. Muntikan pa nga siyang mahuli ng mga alagad ni Zion, mabuti na lang at nakapagtago siya sa
ZionHalos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang ipahanap ni Zion ang dalaga sa mga tauhan niya. Ang akala niya nagkamali talaga siya sa paghusga sa dalaga. Tapos ngayon malalaman niyang sa bar na nilalagi niya lang pala ito matatagpuan. He had really underestimated her masterful deceits.“Mr. Calvino, what’s going on?” nanginginig na tanong ng bar manager sa kanya. “How long has she been working here?” usisa niya sa lalaking halatang nangangatog sa presensya niya. “Isang buwan na rin po siya halos dto, Mr. Calvino.” Zion smirked at the realization. Isang buwan na rin simula ng tumakas ang dalaga sa pamamahay niya.Palabas lang talaga ang ginawang pagtakas nito.***JylaPunung-puno ng inis si Jyla kay Zion. Bakit ba napakaliit ng mundo.“Pakawalan mo ako, o tatawag ako ng pulis,” babala niya kay Zion. “Show some respect, Roxanne,” naiinis na sita sa kanya ng manager. “He’s our most esteemed guest.”Makahulugan siyang tiningnan ni Zion at saka itong nakakairitang ngumisi.