Luna’s POV Pagkatapos ng masalimuot naming pag-uusap sa Los Angeles, nagpatuloy ang trabaho ko nang parang wala akong kinikimkim na emosyon. Isa itong pagtatangka na panatilihin ang propesyonalismo, pero sa loob ko, nagngangalit ang damdamin ko—halo-halo: lungkot, galit, at isang damdaming hindi ko kayang itanggi—ang tuwang nararamdaman ko tuwing nasa paligid si Alexus, kahit pa galit siya sa akin. Ang flight namin patungong Mexico ay puno ng mga pasaherong masigla, karamihan ay pawang mga turista na excited sa kanilang bakasyon. Ginawa ko ang lahat ng makakaya upang mag-focus sa trabaho. Ngumiti ako sa mga pasahero, nag-alok ng pagkain at inumin, at sumagot ng may maayos na tono. Ngunit sa bawat saglit na tahimik ako, ang presensya ni Alexus ay parang anino na bumabalot sa akin. Sa gitna ng flight, tumunog ang intercom. “This is your captain speaking. We are now cruising at 35,000 feet. Sit back, relax, and enjoy the flight to Mexico.” Ramdam ko ang pamilyar na lamig sa boses
Last Updated : 2025-01-26 Read more