Luna’s POV Parang lumulubog ang buong mundo ko habang nakatitig sa akin si Alexus. Alam kong may iniisip na siyang hindi maganda. Kita sa paraan ng pagkunot ng noo niya, sa malamig na tingin niya. Napakapit ako sa wine glass ko, pilit pinapanatili ang composure ko. Huwag kang kabahan, Luna. “You two know each other?” tanong ni Mr. Chavez, halatang nagtataka sa reaksyon ni Alexus. Alexus let out a chuckle—pero hindi ‘yon tunog masaya. Tunog mapanganib. “Oh, I think we do.” Napalunok ako. “No, Sir,” mabilis kong sagot. “Ngayon ko lang siya nakita.” Muli siyang tumawa nang mahina, pero kita sa mata niya ang hindi pagsang-ayon. “Ganoon ba?” Hindi ako sumagot. Pero sa isang iglap, lumapit si Alexus at hinawakan ang braso ko ng mahigpit. “Ano ka ba, Alexus?” mariing bulong ko habang pilit siyang tinatapik para bitiwan ako. Ngumiti siya, pero may halong inis. “Mr. Chavez, kung hindi mo mamasamain, can I borrow Lesley for a while?” “Of course, of course.” Napatingin si Mr. Chavez sa
Last Updated : 2025-02-06 Read more