Don't forget to like, leave a, comment, gem vote, and rate this book. Thank you!
Luna’s POV Habang bumababa kami mula sa helicopter, ramdam ko ang kabog ng puso ko sa bawat hakbang. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—masaya ba ako? Takot? O baka... umaasa? Nasa gilid ko si Alexus, tahimik, pero ramdam ko ang mga mata niyang sumusunod sa bawat galaw ko. Para bang may isang pwersa sa pagitan namin na hindi ko maipaliwanag, isang koneksyon na hindi nawawala, kahit gaano pa kami kalayo mula sa isa’t isa sa nakaraan. “Luna,” tawag ni Alexus, may bahid ng pag-aalala sa tinig niya. “Baka pagod ka na. Kung gusto mo, pwede na tayong magpahinga.” Tumigil ako saglit. Sa harap ko, ang malawak na tanawin ng lungsod ng Manila na parang binubuo ng mga bituin. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, ang liwanag ng mga gusali at kalsada ay kumikislap, parang mga alitaptap na nagbabalik sa akin ng mga alaala—mga magagandang sandali noong kami pa ni Alexus. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. “I’m okay,” sagot ko, pilit iniiwasan ang mga mata niyang puno ng pangako. “I
Luna’s POV Hindi ko na kayang magtago pa ng nararamdaman ko para kay Alexus. Puno ng mga tanong ang isip ko, at bawat tanong na iyon ay may isang kasagutan na hindi ko alam kung handa na akong tanggapin. Pagdampi ng mga labi niya sa noo ko kanina, parang isang pangako na maghihilom ang lahat ng sugat—pero nag-aalangan pa rin ako. Pagkatapos ng halik na iyon, tanging ang malalim na katahimikan ang naririnig ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang init ng katawan niya, at ang malalalim niyang hininga. Tumayo kami ng magkatabi sa gilid ng building, ang mga mata namin ay nakakatingin sa malawak na lungsod ng Manila. Ang mga ilaw ng mga kalsada at ang mga kabahayan sa ibaba ay nagiging alitaptap sa mata ko, at sa sandaling iyon, parang ang lahat ng problema at takot ko ay naglaho. “Luna,” tawag ni Alexus, at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking braso. “Huwag mong gawing mas komplikado ang mga bagay. Kung matatakot ka pa rin, walang mangyayari sa atin. But I’m here for you,
Luna’s POV Nasa sala ako ng bahay ni Alexus, pinapakalma ang sarili ko matapos ang nakakapagod na araw. Tinutulungan ako ni Alexus sa lahat ng aspeto ng buhay ko, lalo na sa mga problemang pinansyal at personal. Hindi ko na kayang magtago pa ng nararamdaman ko para sa kanya. Sa mga simpleng galak at magaan na sandali, ramdam ko ang suportang ibinibigay niya sa akin. Ngunit kahit anong saya at sigla, hindi ko maikakaila na may isang bagay na patuloy na nagpapabigat sa aking dibdib. Nasa ganoong pag-iisip ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Nang tiningnan ko ang screen, ang pangalan ni Cara, ang pinsan kong hindi ko na alam kung paano pa tatawagin, ang tumambad sa akin. Nanlamig ang pakiramdam ko, at ang mga alaala ng mga nakaraang hidwaan namin ay muling bumangon. Alam ko na hindi ito magandang tawag. Matagal ko nang iniiwasan ang mga ganitong sitwasyon, ngunit alam ko na darating din ang panahon na kailangan kong harapin siya. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang
Luna’s POV Nakaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko. Hindi ko maipaliwanag ang bigat sa dibdib ko habang dahan-dahang ine-enter ang login credentials ng online banking account ko. Para akong isang kriminal na hinihintay ang hatol, at ang hatol na iyon ay nasa loob ng account balance ko. Pagka-click ko ng view balance, nanlumo ako. ₱404,500.75 Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napapikit ako at napasinghap ng hangin. Ilang beses kong kinurap ang screen, umaasang baka namamalikmata lang ako. Pero hindi. Hindi ito panaginip. Wala pa ako ni kalahati ng perang kailangan ko. Paano ko makakahanap ng ₱1,000,000 sa loob ng isang linggo? Kahit pa ipunin ko ang susunod na sweldo ko bilang flight attendant, kahit pa magbawas ako ng gastusin, hindi pa rin aabot. Wala rin akong ibang investments na pwedeng kunin sa ganitong biglaang pagkakataon. Ang ipon ko ay para sana ito sa operasyon ni Bella. Gusto kong umiyak. Gusto kong humikbi nang walang pakialam sa paligid ko
Luna’s POV Nakahawak ako sa cellphone ko, nanginginig ang mga daliri habang isang pangalan ang tinititigan ko sa screen. Isa sa mga kaibigan ko sa industriya. Alam kong mahirap ang hinihingi ko, pero wala na akong ibang choice. Kailangan ko ng isang milyon bago matapos ang linggo, at wala akong ideya kung saan ako kukuha. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapalakas ang loob ko. Kailangan kong subukan. Kahit na isang maliit na porsyento lang ang maipon ko mula sa kanila, malaking tulong na rin iyon. Dahan-dahan kong pinindot ang dial button. “Luna?” sagot ni Lyca sa kabilang linya. “Lyca…” Napalunok ako. “Pasensya na kung istorbo, pero gusto ko sanang humingi ng tulong.” Agad niyang naramdaman ang bigat ng boses ko. “Ano ‘yon, girl? Sabihin mo lang.” Huminga ako nang malalim. “Kailangan ko ng pera, Lyca. Alam kong mahirap, pero kahit magkano lang na kaya mo. Nangangailangan talaga ako ngayon.” Tumahimik siya saglit. “Luna…” bumuntong-hininga siya. “Alam mo namang gusto kita
Luna’s POV Napatingin ako sa malaking gusali sa harapan ko—isang sikat na bangko na madalas lapitan ng mga nangangailangan ng pera. Sa dami ng lumalabas-pasok na tao, parang lahat sila may kanya-kanyang laban sa buhay. Ngayon, isa ako sa kanila. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko habang nilalakad ang pasilyo papasok sa loob. Ito na lang ang natitirang option ko. Nagdesisyon akong mangutang sa bangko. Kung walang ibang handang tumulong sa akin, baka may paraan pa para makahanap ako ng solusyon dito. Dapat lang akong magpakatatag. Para kay Bella. Malamig ang aircon sa loob, at kahit gusto kong maramdaman ang ginhawa, hindi ko magawang i-relax ang sarili ko. Tumungo ako sa isang counter kung saan nakapila ang mga taong may kanya-kanyang transaksyon. Maya-maya pa, ako na ang tinawag. “Good morning, Ma’am. Ano pong maitutulong ko?” Ngumiti ang babaeng teller, halatang sanay na sa ganitong klase ng trabaho. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. “Gusto ko sanang mag-apply ng loan.” Sumulyap
Luna’s POV Matamlay akong naglakad sa gilid ng kalsada, bitbit ang mabigat kong bag at mas mabigat pang problema. Wala na akong ibang mapuntahan. Wala nang ibang lalapitan. Napatingin ako sa malayo, sa walang katapusang daloy ng mga sasakyan. Parang ganito ang buhay ko ngayon—walang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin. Napapikit ako, pinipigilan ang luhang gustong pumatak. Dalawang araw. Dalawang araw na lang ang natitira sa akin. Napatingin ako sa isang poste na nadaanan ko. May isang papel na nakadikit doon—kulubot na at tila matagal nang nakapaskil, pero malinaw pa rin ang nakasulat. HIRING: HIGH-PAYING ESCORTS WANTED ₱250,000 PER NIGHT. Parang natigil ang mundo ko sa pagbasa sa nakasulat. Two hundred fifty thousand per night? Nanlaki ang mga mata ko habang patuloy kong binabasa ang ad. Exclusive clientele. VIP events. Confidential arrangement. Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo. Escort? Napatingin ako sa baba ng papel. May nakasulat na contact number at address
Luna’s POV Nakaupo ako sa loob ng opisina, hawak pa rin ang ballpen matapos kong lumagda sa kontrata. Parang biglang bumigat ang mundo ko. “Congratulations, Luna,” nakangiting sabi ng babaeng recruiter sa akin. “You can start tonight.” Napatigil ako. “T-Tonight?” Tumango siya. “Yes. 7 PM to 11 PM. That’s your schedule for now. We will introduce you to your first client.” Parang nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—takot, kaba, o desperasyon. “You will be working at an exclusive event,” dagdag niya. “Formal setting. You don’t have to worry, our clients are gentlemen.” Napakagat ako sa labi. Wala na akong choice. Ito ang pinili ko. “Come with me. Ipapakita ko sa 'yo ang magiging transformation mo.” Dinala niya ako sa isang dressing room. Parang boutique sa loob. May racks ng magagarang gown, designer heels, at mamahaling alahas. May sariling vanity mirror na may nakapalibot na mga bombilya. “This is where you’ll prepare before each event,” pal
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng
Bella's POV Maingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia. "Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. "Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit. "Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?" Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko. Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—" "Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok." "At ikaw? Ano'ng ginawa mo
Bella’s POV Hapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin. Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain! “Manong, pahabol po!” halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda. Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko. “Ano ba?!” galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo. Si Claudia. Ang ex-fiancée ni Brent. Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So
Bella's POV Ang simoy ng hangin ay may halong alat ng dagat, at ang malalakas na hampas ng alon sa baybayin ay tila musika sa tenga ko.Pagkatapos ng emosyonal na usapan namin kanina ni Brent, gusto kong mag-relax ngayon. I needed to breathe, to shake off the heaviness in my chest. Kaya naisip kong maghanda ng isang simpleng piknik malapit sa dalampasigan.Habang inaayos ko ang mga pagkain sa basket—may fruits, sandwiches, at isang bote ng red wine—narinig ko ang pagaspas ng kurtina sa kwarto. Doon ko lang napansin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.Suot ko ang black bikini na matagal ko nang hindi nagagamit. Sakto lang ito—hindi sobrang revealing, pero sapat para ipakita ang maayos kong hubog.I smiled. Wala namang masama kung mag-swimwear ako, ‘di ba? Nasa beach naman kami!Kaya nang matapos akong maghanda, agad akong lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko sa veranda, naabutan ko si Brent na nakatayo malapit sa picnic spot. Suot niya ang navy blue swimming trunks at isang pu
Bella's POV Muli akong napatingin kay Brent. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan sa braso para pigilan siya, o hayaan siyang ilabas ang matagal nang kinikimkim niyang sakit. Parang naninikip ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon. Ngayon ko lang nakita ang totoong lalim ng sugat na iniwan ng babaeng ito sa kanya. Si Claudia ay tahimik lang na nakatayo sa harap namin, namumula ang mga mata, para bang gustong ipaliwanag ang sarili pero hindi alam kung paano magsisimula. "I never meant to hurt her," mahina niyang sabi, pero halatang hirap na hirap siyang bitawan ang mga salitang iyon. Biglang bumigat ang paligid. "Pero nasaktan siya, Claudia," malamig na sagot ni Brent. "At hindi lang siya. Nawala siya. Dahil sa’yo, hindi na siya bumalik." Napasinghap ako. Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyong ito. Hindi ko rin alam kung paano ako dapat mag-react. Ang alam ko lang ay hindi lang ito ordinaryong away ng dating magkasintahan. Ito ay sugat ng nakaraan na hin
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na ‘to, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin. Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko. Knock. Knock. "Bella, get up. May pupuntahan tayo." Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal." "Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na." Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang inii
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim. Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon. "Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan." "Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent. "Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?" Napabuntong-hininga ako. "At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?" Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? M