Lahat ng Kabanata ng Reclaiming the Billionaire's Love: Kabanata 71 - Kabanata 80

246 Kabanata

Chapter 71

Luna’s POV Pagpasok ko sa kwarto, bumungad sa akin si Bella na masayang nakahiga sa gitna ng king-sized bed, nakangiti mula tenga hanggang tenga. “Mommy! Tito Alexus! Dali na! Ang lambot-lambot ng bed!” Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang excitement sa mukha ng anak ko. Hindi ko alam kung paano ako napapayag sa sitwasyong ‘to, pero heto na nga kami—matutulog sa iisang kama kasama ang ex ko. "Alright, baby," sagot ko, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses ko. Lumapit ako sa kama at naupo sa gilid. “But after this, no more weird requests, okay?” “Okay, Mommy! Promise!” sagot niya sabay pakita ng munting pinky finger niya. Napangiti ako at tinanggap ang pinky promise niya. Maya-maya, lumapit si Alexus sa kabilang side ng kama at umupo rin. “Mukhang ready na si Bella.” Tumingin siya sa akin at saka ngumiti ng bahagya. “Ikaw ba, Luna? Ready ka na?” Nanlaki ang mata ko. "H-ha?" “Ready na ba kayong matulog, I mean?” nakangising sagot niya, pero ramdam kong may mal
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 72

Luna’s POV Matapos naming kumain ng breakfast, agad kong inayos ang pinagkainan habang si Bella ay nanonood ng cartoons sa sala. Si Alexus naman, nagkukumpuni ng kung anong gamit sa kusina. Para bang gusto niyang ipakita na marunong siya sa bahay, na hindi lang siya isang billionaire pilot na sanay sa luho. “Huwag mo nang asikasuhin ‘yan,” sabi ko habang nililigpit ang pinagkainan. “May maid naman dito, ‘di ba?” “Gusto ko ‘to, Luna,” sagot niya nang hindi man lang lumingon. “Bakit ba parang hindi ka sanay na may ginagawa akong mabuti?” Napabuntong-hininga ako. “Kasi hindi naman talaga normal ‘yan.” Sa wakas, lumingon siya sa akin, ang mga mata niya ay may halong amusement. “Bakit, ano bang normal para sa ‘yo?” Nagkibit-balikat ako. “Ikaw na laging bossy. Ikaw na gusto lahat ng bagay kontrolado. Ikaw na gusto lahat ng desisyon ay ikaw ang may hawak.” Lumapit siya sa akin, at kahit hindi ko gustong umatras, parang kusa akong umatras hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng counterto
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 73

Luna’s POV Napatingin ako sa labas ng malaking bintana ng hotel room ko, pinagmamasdan ang Eiffel Tower na kumikinang sa ilaw ng gabi. Paris—ang city of love. Pero wala namang love na nangyayari sa buhay ko ngayon. Napabuntong-hininga ako. Kahit ilang beses na akong nakarating sa lugar na ‘to dahil sa trabaho ko bilang flight attendant, iba pa rin ang pakiramdam ngayon. Siguro dahil kasama ko si Alexus. "Are you just going to stare at the view all night?" Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Napalingon ako at nakita siyang nakasandal sa doorframe, nakasuot lang ng white dress shirt na nakabukas ang unang dalawang botones. Kitang-kita ang ganda ng porma ng katawan niya, na para bang gusto niyang ipaalala sa akin kung ano ang tinanggihan ko noon. Napairap ako. "Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Pumasok siya nang walang paalam at dumiretso sa mini bar. Kumuha siya ng isang bote ng champagne at dalawang baso. "Because I can," sagot niya, saka b
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 74

Luna’s POV "Luna, sino ang totoong ama ni Bella?" Halos maputol ang hininga ko sa tanong ni Alexus. Parang nanigas ang buong katawan ko, at bigla akong nakaramdam ng matinding panlalamig. "Tell me, sino ang ama ng anak mo?" Nagbukas-sara ang bibig ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Pero paano? Paano ko ipagtatapat ang isang bagay na itinago ko sa loob ng maraming taon? Napalunok ako. I can feel my heartbeat pounding loudly against my chest. Para bang sa isang iglap, mabubunyag ang matagal kong lihim. Pero bago ko pa mabigkas ang anumang salita, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Napatingin ako sa screen—Cara. Perfect timing. O baka hindi. Napakapit ako sa cellphone at agad na lumayo ng ilang hakbang kay Alexus. "I need to take this," paalam ko sa kanya bago mabilis na lumakad papunta sa isang sulok ng kwarto. "Cara, bakit?" tanong ko, ramdam ang kaba sa dibdib ko. "Binigyan na kita ng isang milyon. Ano pa ba ang kailangan mo?" Sa kabilang l
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 75

Luna’s POV Hindi ko alam kung paano ako nakatayo pa ngayon. Pakiramdam ko, bigla akong naging estatwa nang makita ko ang mensaheng natanggap ko mula kay Cara. Cara: "Just in case you're still in denial, sweetheart. Here's the proof. Oh, and some memories too. Enjoy. ;)" Kasunod ng mensahe ay isang attachment ng mga larawan. Nanginig ang mga kamay ko habang dahan-dahang binubuksan ang mga ito. DNA Test Result: 99.9% Probability—Father: Alexus Laurent Del Fuego Sunod kong nakita ang ilang litrato nina Cara at Alexus. May mga stolen shots ng isang gabi kung saan tila nasa isang hotel room sila. May larawan ding natutulog si Alexus—topless, may kumot na nakatakip sa katawan, pero sapat na upang magmukhang may nangyari sa kanila. Kasabay ng pagtingin ko sa mga larawan ay ang mabilis na pagbagsak ng luha ko. Impossible. Naninigas akong nakatayo sa tabi ng kama. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang pilit na iniintindi ang nakikita ko sa harapan ko. Hindi. Hindi pwede. Bakit
last updateHuling Na-update : 2025-02-10
Magbasa pa

Chapter 76

Luna’s POV Nakayakap pa rin sa akin ang init ng palad ni Alexus sa pisngi ko. Pakiramdam ko, saglit na tumigil ang oras—parang sa isang kisapmata, bumalik ang lahat ng alaala namin noon. Ang mga gabing nakahiga kami sa ilalim ng mga bituin, ang mga bulong niyang puno ng pangako, at ang mga yakap niyang kailanman ay hindi ko gustong pakawalan… pero ako ang umalis. Napapikit ako, pilit na iniipit sa kailaliman ng isip ko ang mga damdaming pilit na bumabalik. Hindi ko maaaring hayaan ang sarili kong mahulog ulit. Lalo na ngayon. "Alexus," bulong ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa pisngi ko. "Stop this." Pero hindi siya natinag. Sa halip, lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. "Bakit, Luna?" may pait sa boses niya. "Dahil ba sa lalaking tumawag sa 'yo kanina? May iba ka bang mahal?" Nanlaki ang mga mata ko. "What? No! Huwag mong gawing komplikado ang lahat, Alexus. Kaibigan ko lang ang tumawag sa akin kagabi," I lied. Nag-iba ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung g
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

Chapter 77

Luna’s POVMuli akong nagising sa loob ng malawak at marangyang silid ni Alexus. Malambot ang kama, presko ang hangin mula sa bukas na bintana, at tahimik ang buong paligid—pero sa loob ko, gulo-gulo ang lahat.Napatingin ako sa tabi ko.Wala na si Alexus.Napakunot ang noo ko at agad akong bumangon. Ramdam ko ang init ng katawan ko mula sa mga nangyari kagabi. Mabilis kong kinuha ang kumot at binalot ito sa katawan ko.God, Luna. What did you do again?Huminga ako nang malalim at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pero bago pa ako makatayo, may napansin akong isang papel na nakapatong sa ibabaw ng study table ni Alexus.Agad akong tumayo at lumapit doon. Kinuha ko ang papel at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong isa itong cheque.Amount: 1,000,000 pesos.Payee: Luisa Natasha ReidNapasinghap ako.Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nag-issue nito. Malinaw na si Alexus ang nagbigay.Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang pagbaha ng iba't ibang emosyon sa
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

Chapter 78

Luna’s POV Gusto kong itigil ang oras. Kahit saglit lang. Kahit isang gabi lang. Alam kong pagkatapos nito, babalik na naman ako sa reyalidad—sa katotohanang hindi akin si Alexus, at kailanman ay hindi na magiging akin. Pero ngayong gabi, gusto kong ipikit ang mga mata ko sa katotohanang iyon. Ngayon lang. Napatingin ako sa kanya. Naka-relax siyang nakasandal sa upuan, habang iniikot ang baso ng alak sa kanyang mga daliri. He looks effortlessly breathtaking. Yung tipong kahit hindi siya magsalita, kaya niyang punuin ng presensya niya ang buong kwarto. Mahal ko pa rin siya. Nakakainis. “Luna,” tawag niya, bago niya hinigpitan ang hawak sa wine glass niya. “You’re spacing out again.” Napilitan akong ngumiti. “Sorry. Naisip ko lang kung paano mo nagawang ibalik ako sa buhay mo.” Nagtaas siya ng kilay. “Nagagawa ko naman ang lahat ng gusto ko, Luna. Alam mo ‘yan.” “Hindi lahat.” Mabilis kong sagot. “Hindi mo ako napilit noon na manatili.” Napansin ko ang bahagyang pagbabago sa e
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

Chapter 79

Alexus’ POV Mabilis na isinara ni Luna ang pinto ng kwarto niya. Ilang segundo lang akong nakatayo roon, nag-aalangan kung susundan ko ba siya o hahayaan ko na lang siyang umiwas na naman sa akin. Pero hindi na ako ang dating Alexus na hahayaang lumayo siya. Hindi na ako ang lalaking tahimik na lang na maghihintay. Dahil sa gabing ‘to, sigurado na ako. I want her back. Kahit pa anong mangyari. Mabilis kong tinungo ang pinto ng kwarto niya at kumatok. “Luna, open the door.” Tahimik. “Luna.” Muli akong kumatok, mas malakas ngayon. Pero wala pa rin. Napaawang ang labi ko sa frustration. Ayaw ko nang hintayin na mawala na naman siya. Dahil hindi ko na kayang mawala ulit siya. Wala nang babala, binuksan ko ang pinto gamit ang spare key card na nakuha ko kanina. Kung aayawan niya ako, kailangan niya akong harapin ng harapan. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakatalikod sa akin, nakatayo sa tabi ng bintana at nakatingin sa city lights ng Paris. Pero kita ko ang bahagyang paggalaw ng
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa

Chapter 80

Alexus’ POV Hindi ko alam kung ilang segundo lang kaming tumitig sa isa’t isa, pero pakiramdam ko, isang buong buhay na ang lumipas. Luna looked at me with hesitation, pero may halong lungkot sa mga mata niya. Para bang gusto niyang maniwala sa mga sinabi ko, pero natatakot siyang umasa. Naiintindihan ko siya. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin, matapos ang sakit na pinagdaanan namin pareho, paano ko ba siya mapapaniwala ulit? Paano ko ba siya mapapakalma, kung sa loob-loob ko, ako mismo hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat? Huminga ako nang malalim at marahang hinawakan ang kamay niya. Ramdam ko ang bahagyang panginginig niya sa pagdampi ng palad ko sa kaniya, pero hindi siya umiwas. Isang mahinang ngiti ang lumabas sa labi ko. "Are you scared of me, Luna?" "Hindi," mahina niyang sagot, pero hindi pa rin niya ako matitigan nang diretso. "Hindi?" Umangat ang isang kilay ko. "Then why do you look like you’re about to run away again?" Napakagat siya sa labi at iniiw
last updateHuling Na-update : 2025-02-11
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
25
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status