All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 91 - Chapter 100

250 Chapters

Chapter 91

Alexus’ POV Halos hindi ko namalayan ang oras habang nasa waiting area ng ospital. Si Luna ay nasa tabi ko, yakap-yakap ang sarili, tila sinasakal ng matinding takot. Tahimik lang siya, ngunit ang luha sa kaniyang pisngi ang nagsisigaw ng pangamba. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa pinto ng emergency room kung saan dinala si Bella. Bella. Sa ilang oras na kasama ko ang batang iyon, pakiramdam ko’y may hindi maipaliwanag na koneksyon ako sa kaniya. Hindi lang dahil sa birthmark niya—hindi lang dahil sa mga mata niyang tila nakikita ko tuwing tumitingin ako sa salamin. Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Luna sa tabi ko. Nakayuko siya, nanginginig ang balikat. "Luna…" mahina kong tawag sa pangalan niya. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin, puno ng luha ang mga mata niya. "Alexus… p-parang hindi ko kaya ‘to…" bulong niya, at doon na siya tuluyang bumagsak sa dibdib ko. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Ramdam ko ang bigat ng bawat hikbi niya habang mahigpit siyang kumapit s
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 92

Alexus’ POV Halos hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng puso ko habang mabilis kong tinatahak ang hallway. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang nag-aalab na galit at pagkabigla sa dibdib ko. Si Bella… anak ko siya. Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit kailangang umabot pa sa ganitong punto bago ko matuklasan ang katotohanan? Sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Bella, agad na napatingin sa akin si Luna. Nakatayo siya malapit sa kama ng bata, ang mga mata niya namumugto sa kakaiyak. Pero sa ngayon, hindi iyon ang iniintindi ko. "Luna," mariin kong tawag sa pangalan niya. Halos mapaatras siya sa tono ng boses ko. "A-Alexus…" "Ikaw." Itinuro ko siya, hindi alintana kung gaano katigas ang boses ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit lumaki akong hindi alam na may anak ako!" "Alexus, please—" "Don’t you dare ask me to calm down, Luna!" Malakas kong sigaw. "Five years, Luna. Five f*cking years akong walang alam! Fi
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 93

Luna’s POV Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo ako sa isang sulok ng ospital. Hindi ko magawang lumapit kay Alexus. Hindi ko rin magawang lumapit kay Bella. Baka mas lalong magalit si Alexus. Baka kunin niya si Bella. Napalunok ako at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko magawang itigil ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko magawang pigilan ang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Alexus na nakaupo sa tabi ni Bella. Nakasandal siya sa kama ng anak namin, mahigpit na hawak ang maliit na kamay nito. Tahimik lang siya, pero alam kong sa loob-loob niya, puno siya ng sakit at galit. At natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong gagawin niya pagkatapos nito. Natatakot akong isang araw, magpadala siya ng abogado. Na isang araw, isang sulat na lang ang matatanggap ko na nagsasabing may kustodiya na siya kay Bella. Na isang araw, magigising ako nang wala na ang anak ko. Hindi ko kaya. Napalunok ako nang makita kong bumukas ang pinto at pumasok ang
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 94

Luna’s POV Naninikip ang dibdib ko habang nakatitig kay Alexus. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Kukunin niya si Bella. Ang anak ko. Ang anak namin. Agad akong umiling, pilit na tinatanggal sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya. Hindi puwede. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. "Hindi mo puwedeng kunin si Bella," mariin kong sabi, ramdam ang panginginig ng boses ko. Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam’s apple niya habang nakatitig sa akin. Kita sa mga mata niya ang paninindigan niya sa sinabi niya. "She’s my daughter too, Luna." "I know!" Iyon lang ang nagawa kong isagot. "Pero ako ang nagpalaki sa kanya! Ako ang kasama niya simula nang ipanganak siya. Ako ang nandiyan para sa kanya sa lahat ng pagkakataon! Hindi mo basta-basta puwedeng sabihin na kukunin mo siya sa akin!" Nakita ko ang paninigas ng panga niya. "At ano sa tingin mo ang naramdaman ko nang malaman kong may anak pala ako na hindi ko man lang nakasama sa loob ng limang taon?" Napaatras ako sa bigat ng emosyon
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 95

Luna’s POV Tahimik kong pinagmamasdan si Alexus habang nakaupo siya sa tabi ng kama ni Bella. Hindi siya umaalis doon mula nang nagising ang anak ko—hindi, ang anak namin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hinayaan ko lang si Alexus na hawakan ang kamay ni Bella. He looked like a man who just found something he thought he had lost forever. His eyes were filled with so much emotion—love, regret, and pain. At para akong tinutusok ng libu-libong karayom sa bawat segundo na nakikita ko iyon. “Daddy…” mahina, pero malinaw ang pagtawag ni Bella kay Alexus. Nakita kong bahagyang nanginig ang balikat niya. “Yes, baby?” Alexus responded almost instantly, his voice breaking. Bella blinked at him. “Galit ka po ba kay Mommy?” Parang biglang huminto ang puso ko. I felt my breath hitch, my stomach clenching at the innocent question. Alexus turned his gaze at me, and in that moment, nakita ko ang emosyon sa mga mata niya—hindi lang galit, kung 'di ang sakit ng pa
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 96

Luna’s POV Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa veranda, pero pakiramdam ko ay isang mahabang siglo ang lumipas. Ang bigat ng hangin sa pagitan namin ni Alexus—parang isang bagyong handa akong tangayin anumang oras. “I don’t know, Luna.” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya. Alam kong nasaktan ko siya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko alam kung paano ko ito aayusin. Mahal ko si Alexus. Pero sapat ba ang pagmamahal para punan ang mga taon ng kasinungalingan at pagkawala? Mabigat ang hakbang na humarap ako sa kanya. Nakatingin siya sa malayo, halatang ninanamnam ang sakit at galit na ngayon lang niya pinakawalan. “Alexus…” I whispered, unsure how to start. Dahan-dahan siyang bumaling sa akin. His eyes were filled with emotions I couldn’t decipher—anger, betrayal, sadness, and something else… something deeper. “Luna, hindi ko alam kung kaya kitang patawarin.” His voice was cold, and it cut straight to my heart. Parang piniga
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 97

Luna’s POV Para akong nakalutang sa hangin habang nakatitig kay Alexus. Ang dating mapupungay niyang mga mata na puno ng init at pagmamahal ay napalitan na ngayon ng poot at matinding hinanakit. Nakayuko siya, mariing nakapikit habang ang mga kamay niya ay nakakuyom sa magkabilang gilid. Ramdam ko ang tensyon sa bawat paghinga niya, at nang tuluyan siyang tumingin sa akin, para akong pinutulan ng hininga. "Ako ang pinagkatiwalaan mo ng buhay mo, Luna," malamig niyang sabi. "Pero kahit kailan, hindi ko pala dapat ginawa ‘yon." Nanatili akong nakatayo sa tabi ng kama ni Bella, mahigpit na yakap ang sarili. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot sa kung anong susunod niyang sasabihin. "Alexus, please… Let me explain," pakiusap ko, pero napailing lang siya, mapait ang ngiti. "Explain?" Tumawa siya, pero walang halong saya. "Gusto mong ipaliwanag kung paano mo itinago sa akin na ang taong dahilan ng pagkamatay ng tatay ko ay ang sariling ama mo?" Napakagat ako sa labi. Iyon ang hi
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 98

Alexus’ POV Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na buong panahon, buong limang taon, buong panahong kasama ko si Luna… alam niya. Alam niya kung sino ang pumatay sa ama ko. At pinili niyang manahimik. Pinili niyang hindi sabihin sa akin. Nagmaneho ako nang walang direksyon, pilit iniiwasan ang sakit na bumabalot sa dibdib ko, pero kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik ang mukha niya sa isipan ko. Ang mga mata niyang puno ng lungkot nang iwan ko siya sa ospital. Ang mga kamay niyang pilit akong inaabot, na parang pinipigilan niya akong tuluyang lumayo. Pero paano? Paano ko siya babalikan kung hindi ko na alam kung paano siya pagkatiwalaan? Pinilit kong palamigin ang sarili ko, pero masyadong mainit ang dugo ko. Pakiramdam ko, bibigay ang dibdib ko sa bigat ng nararamdaman ko. Kaya sa halip na bumalik sa ospital, dumiretso ako sa isang bar. Pagpasok ko, agad akong dumiretso sa counter at umorder ng whiskey. Hindi ko na inalintana kung maraming tao o kung may makakakil
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 99

Alexus’ POV Maaga akong nagising kinabukasan, pero kahit nakapikit pa ang mga mata ko, gising na ang isipan ko. Kagabi pa ako hindi mapakali. Hindi ako mapalagay sa natuklasan ko. Hindi ko alam kung paano ko dapat harapin si Luna matapos ang lahat. Mahal ko siya, pero paano ko ipagpapatuloy ang pagmamahal na ‘yon kung ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang ama ko? Mabilis akong nagbihis. Itim na polo at dark jeans ang sinuot ko. Wala akong planong dumaan pa sa kompanya o sa airport. May mas mahalaga akong kailangang gawin. Pumunta ako sa kulungan kung saan nakakulong si James Reid—ang ama ni Luna. Dati ko na siyang nakilala. Bata pa lang ako, kilala ko na siya. Isa siya sa mga tauhan ng pamilya namin noon, isang pinagkakatiwalaang kaibigan ng ama ko. Pero ang pinagkakatiwalaang ‘yon… siya rin ang taong diumano ay bumasag sa buhay ko. Pagdating ko sa kulungan, sinalubong ako ng isang pulis at tinanong kung anong pakay ko. "May gusto lang akong kausapin," sagot
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

Chapter 100

Alexus’ POV Tahimik ang buong ospital nang makarating ako. Madaling-araw na, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng araw na lumipas. Para akong binabayo ng samu’t saring emosyon—galit, sakit, pagkalito. Hindi ko alam kung paano ko pipigilin ang sumisirit na apoy sa loob ko. Kaninang hapon, pumunta ako sa kulungan para harapin si James Reid, ang lalaking itinuturong pumatay sa ama ko. Pero umalis akong mas maraming tanong kaysa sagot. Hindi niya itinanggi ang akusasyon, pero hindi rin siya umamin. Sa halip, nag-iwan siya ng malalim na palaisipan—kung totoo nga ba ang lahat ng pinaniwalaan ko sa loob ng ilang araw mula nang malaman ko ang tungkol sa pagkamatay ni Daddy. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Bella, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Tahimik. Ang maliit na ilaw sa bedside table lang ang nagbibigay-liwanag sa loob ng silid. Sa kama, mahimbing na natutulog si Bella. Katabi niya si Luna, yakap-yakap ang anak namin. Parang wala silang problema, parang hindi kal
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more
PREV
1
...
89101112
...
25
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status