Reclaiming the Billionaire's Love의 모든 챕터: 챕터 101 - 챕터 110

250 챕터

Chapter 101

Luna’s POV Isang linggo. Isang linggo simula nang inamin ko kay Alexus ang katotohanang itinago ko sa loob ng limang taon. Alam na rin ng pamilya niya ang tungkol kay Bella at ang ginawa ni Papa. Alam kong galit sila sa akin, pero hindi lang nila pinapakita. Isang linggo simula nang nakita ko ang galit at sakit sa mga mata niya. Isang linggo simula nang tinanggap niya si Bella bilang anak niya, pero hindi ako sigurado kung matatanggap niya rin ako sa buhay niya. At ngayon, sa wakas, makakalabas na kami ng ospital. Dapat masaya ako, ‘di ba? Dapat gumaan na ang pakiramdam ko dahil ligtas na si Bella. Pero bakit pakiramdam ko, mas lalong bumibigat ang bawat hakbang ko? Sa loob ng tatlong araw, naging maingat si Alexus sa pag-aalaga kay Bella. Naging maasikaso siya bilang ama. Walang oras na hindi niya binantayan ang anak namin. Kahit halos hindi siya natutulog, hindi siya lumalayo kay Bella. Pero sa akin? Maliban sa mga saglit na pag-uusap tungkol sa kondisyon ng anak namin, halo
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 102

Luna’s POV Makalipas ang isang linggo, natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang uniform ko bilang flight attendant. Matagal kong pinagmasdan ang tela, pilit inaalala ang pakiramdam ng pagiging nasa ere—malaya, hindi nakakulong sa sakit ng nakaraan. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang katotohanang babalik pa rin ako sa lupa… sa realidad kung saan galit pa rin sa akin si Alexus. Hindi ko siya masisisi. Sinira ko ang tiwala niya. Itinago ko ang anak namin. Itinago ko ang sikreto tungkol sa pagkamatay ng ama niya. Kaya kahit ilang beses niyang sinasabi na hindi niya ako kayang iwan para kay Bella, ramdam kong may distansyang unti-unting namamagitan sa amin. Ayokong dumating ang araw na tuluyan niya akong itulak palayo. At ayokong maging pabigat sa kanya. Kaya heto ako ngayon, handang bumalik sa trabaho. *** “Are you sure about this?” tanong ni Ate Brielle habang tinutulungan akong ilagay ang huling gamit ko sa maleta. “Of course,” sagot ko
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 103

Luna’s POV Mula sa likuran, narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Hindi ko alam kung sinadya iyon ni Alexus para iparamdam sa akin ang galit niya, pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko maitatangging parang may kung anong mabigat na bumagsak sa puso ko. Tumingala ako at pumikit ng mariin, pilit na pinipigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Ilang hakbang lang ang layo ko mula sa bahay na iyon, pero pakiramdam ko, isang buong mundo ang pagitan namin ngayon. Nagpaalam ako kay Ate Brielle at Kuya TJ bago sumakay sa taxi na naghihintay sa akin. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa condo unit na pansamantala kong uupahan. Nang makarating ako roon, agad akong bumagsak sa kama at hinayaan ang sariling malugmok sa katahimikan. Akala ko magiging madali ang lahat. Akala ko, kapag nakabalik na ako sa trabaho, unti-unti kong mabubuo muli ang sarili ko. Pero bakit parang mas lalo lang akong nawawala? Napalingon ako sa maleta ko
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 104

Luna’s POV Imbes na sagutin ang mga tanong ni Alexus, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Walang pag-aalinlangan, lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “Luna—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Para bang kung bibitawan ko siya, tuluyan na siyang mawawala sa akin. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, ang paraan ng paghinto ng kanyang paghinga. Alam kong naguguluhan siya, galit pa rin, pero wala akong pakialam. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap na kaya kong mabuhay nang wala siya. “Sorry,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa pagitan ng hikbi. “I’m so sorry, Alexus...” Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang salitang iyon, pero pakiramdam ko, kahit ilang ulit ko pang sabihin, hindi pa rin sapat para burahin ang sakit na naidulot ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahang pag-angat ng kamay niya. Napaawang ang mga labi ko nang maramdaman kong lumapat iyon sa likod ko—hindi upan
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 105

Luna’s POV Pagkalipas ng halos dalawang linggong pamamahinga dahil inaalagaan ko si Bella, bumalik na ako sa trabaho ko bilang flight attendant. Isang parte sa akin ang nasasabik bumalik sa ere, pero hindi ko rin maitanggi ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Mula nang mangyari ang lahat—ang rebelasyon tungkol kay Bella, ang galit ni Alexus, at ang matinding emosyon na pinagdaanan namin—ramdam ko ang pagbabago. Hindi lang sa pagitan namin, kundi pati na rin sa sarili ko. Dati, tuwing may flight ako, sabik akong umaalis. Sabik akong makatakas, makalayo sa mga problema. Pero ngayon, ibang pakiramdam. Mas gusto kong manatili. Mas gusto kong nariyan lang siya… si Alexus, at si Bella. Ngunit kailangan kong gawin ito. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin kay Bella. *** “Luna!” Tawag sa akin ni Trina, isa sa mga matagal ko nang kasamahan. “Oh my God, you’re finally back! We missed you!” Niyakap niya ako nang mahigpit, at hindi ko mapigilang mapangiti kahit na may bumabagabag
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 106

Luna’s POV Pagkatapos ng gabing iyon sa rooftop, hindi ko na maitatanggi—may bahagi sa akin na gustong bumalik ang lahat sa dati. Pero alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. Ngayong gabi, wala akong flight. Nasa bahay ako, nakaupo sa sofa, at nagbabasa ng libro habang si Bella naman ay mahimbing nang natutulog sa kwarto niya. Tahimik ang paligid, pero hindi ang isip ko. Dahil kay Alexus. Napaungol ako sa frustration at ipinatong ang libro sa dibdib ko. Bakit kasi ang lakas ng tama ko sa lalaking ‘yon? Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad akong napaupo nang maayos. Alexus. Napalunok ako bago sinagot ang tawag. “Hello?” “Bukas ang pinto mo.” Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Bukas ang pinto mo, Luna,” ulit niya, mas mababa ang tono ng boses niya. Dahil sa sinabi niya, agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nakita. Si Alexus. Nakatayo sa harap ng pinto ko, suot ang isan
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 107

Luna’s POV Pagpasok ko pa lang sa lounge ng crew, agad kong napansin ang kakaibang atmospera. Tahimik. Lahat ng mga kasamahan ko ay tila nakatingin sa akin, ang iba ay bumubulong-bulong sa isa’t isa, habang ang ilan ay diretsahang nakatingin na para bang may malaking mali sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari? Lumapit sa akin si Mia, isa sa mga flight attendants na matagal ko nang nakatrabaho. May pag-aalalang nakasulat sa mukha niya habang hinawakan ang kamay ko. “Luna...” mahina niyang tawag. “Ano’ng problema?” naguguluhan kong tanong. Bago pa siya makasagot, isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng lounge. “Wow, ang kapal ng mukha mo para pumasok pa, Luna.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Tricia, isa sa mga hindi ko gaanong kasundo sa trabaho. Naka-cross arms siya, nakataas ang isang kilay, at puno ng pang-aalipusta ang tingin sa akin. “Anong sinasabi mo?” malamig kong tanong. Nagkatinginan ang iba pang nasa loob, tila sabik sa susunod n
last update최신 업데이트 : 2025-02-15
더 보기

Chapter 108

Luna’s POV Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng lounge. Ramdam ko ang matinding paninikip ng dibdib ko habang pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na apektado ako. Hindi ko dapat ipakita kay Stephanie na nanalo siya. Pero Diyos ko, ang bigat. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sumabog sa galit. Napaka-unfair! Wala silang alam sa pinagdaanan ko! Wala silang alam kung bakit ko ginawa ang lahat ng iyon! At ngayon, sila ang huhusga sa akin? Pagkalabas ko ng lounge, agad akong naglakad nang mabilis papunta sa restroom. Hindi ko na inalintana ang mga nakakasalubong ko. Hindi ko na rin pinansin ang ilang crew na napatingin sa akin habang nagbubulungan. Alam kong pinag-uusapan na nila ako. Alam kong ako na ang usap-usapan sa buong airline. Pagkapasok ko ng restroom, mabilis kong sinara ang pinto ng cubicle at sumandal doon. Saka ko lang hinayaang tumulo ang luha ko. Bakit ganito? Bakit sa tuwing sinusubukan kong bumangon, may
last update최신 업데이트 : 2025-02-16
더 보기

Chapter 109

Luna’s POV Madilim na nang tuluyan akong lumabas ng airport. Bitbit ko ang aking maliit na bag habang hinahanap ang taxi stand. Pagod ako mula sa biyahe, at ang tanging gusto ko lang ay makauwi at makasama si Bella. Ngunit bago pa ako tuluyang makatawid sa kalsada, isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. "Miss Luisa Natasha Reid." Napahinto ako. Mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi… Hindi maaari… Dahan-dahan akong lumingon, at halos hindi ako makahinga nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Si Wilfredo Chavez. At kasama niya ang walang iba kung 'di ang pinsan kong si Cara. Nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang totoong pangalan ko. Hindi ko inaasahan ang pagkikita naming ito—hindi sa ganitong sitwasyon, hindi sa ganitong paraan. "It’s been a while, Miss Reid," wika ni Mr. Chavez, may mapanuksong ngiti sa kaniyang labi. "Hindi mo ba ako na-miss?" Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang paligid. Mula sa gi
last update최신 업데이트 : 2025-02-17
더 보기

Chapter 110

Luna’s POVNang maisara ang pinto ng kotse, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.Gusto kong pigilan, gusto kong manatiling matatag, pero hindi ko na kaya. Ang takot, hiya, at pangamba na matagal ko nang kinikimkim ay parang isang malaking alon na biglang bumagsak sa akin.Napayuko ako, itinakip ang mga palad sa mukha ko habang tuluyang bumigay ang emosyon ko."Luna..."Narinig ko ang boses ni Alexus—mababa, puno ng pag-aalala. Ilang saglit lang, naramdaman kong may dumampi sa likod ko. Dahan-dahan niyang hinagod ang likuran ko gamit ang malalakas pero malambot niyang palad.Hindi ko pa rin maialis ang kamay ko sa mukha ko. "A-Alexus..." humikbi ako. "Paano kung kumalat ang sinabi ni Cara? Paano kung malaman ng lahat? Baka hindi na ako makabalik sa trabaho... Baka kamuhian ako ng lahat..."Muli kong naalala ang nakangising mukha ni Cara at ang panunuya ni Mr. Chavez. Ang paraan ng pagtawa nila, na parang isa akong bagay na puwedeng ipagbili at gamitin. Diyos ko, hindi ko
last update최신 업데이트 : 2025-02-17
더 보기
이전
1
...
910111213
...
25
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status