Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko. Anyway, sa mga hindi ba nabasa ang Book 1 to 3, pwede ninyong mabasa. The Billionaire's Substitute Bride ang title. Nakapaloob na sa isang libro ang tatlong stories. Book 1: Anabelle and Raheel Book 2: Kaisha and TJ (Si TJ ay panganay na anak) Book 3: Mark and Brielle (Ikalawang anak) Tapos ang Book 4 naman ay itong kwento nina Luna at Alexus Laurent (May kambal si Alexus. Si Alexis Leigh) Pagkatapos kong isulat ito ay isusunod ko agad ang story ni Alexis which is Book 5. Sana ay suportahan n'yo rin ang iba ko pang mga bagong libro.
Luna’s POV Pagkalipas ng halos dalawang linggong pamamahinga dahil inaalagaan ko si Bella, bumalik na ako sa trabaho ko bilang flight attendant. Isang parte sa akin ang nasasabik bumalik sa ere, pero hindi ko rin maitanggi ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Mula nang mangyari ang lahat—ang rebelasyon tungkol kay Bella, ang galit ni Alexus, at ang matinding emosyon na pinagdaanan namin—ramdam ko ang pagbabago. Hindi lang sa pagitan namin, kundi pati na rin sa sarili ko. Dati, tuwing may flight ako, sabik akong umaalis. Sabik akong makatakas, makalayo sa mga problema. Pero ngayon, ibang pakiramdam. Mas gusto kong manatili. Mas gusto kong nariyan lang siya… si Alexus, at si Bella. Ngunit kailangan kong gawin ito. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin kay Bella. *** “Luna!” Tawag sa akin ni Trina, isa sa mga matagal ko nang kasamahan. “Oh my God, you’re finally back! We missed you!” Niyakap niya ako nang mahigpit, at hindi ko mapigilang mapangiti kahit na may bumabagabag
Luna’s POV Pagkatapos ng gabing iyon sa rooftop, hindi ko na maitatanggi—may bahagi sa akin na gustong bumalik ang lahat sa dati. Pero alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. Ngayong gabi, wala akong flight. Nasa bahay ako, nakaupo sa sofa, at nagbabasa ng libro habang si Bella naman ay mahimbing nang natutulog sa kwarto niya. Tahimik ang paligid, pero hindi ang isip ko. Dahil kay Alexus. Napaungol ako sa frustration at ipinatong ang libro sa dibdib ko. Bakit kasi ang lakas ng tama ko sa lalaking ‘yon? Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad akong napaupo nang maayos. Alexus. Napalunok ako bago sinagot ang tawag. “Hello?” “Bukas ang pinto mo.” Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Bukas ang pinto mo, Luna,” ulit niya, mas mababa ang tono ng boses niya. Dahil sa sinabi niya, agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nakita. Si Alexus. Nakatayo sa harap ng pinto ko, suot ang isan
Luna’s POV Pagpasok ko pa lang sa lounge ng crew, agad kong napansin ang kakaibang atmospera. Tahimik. Lahat ng mga kasamahan ko ay tila nakatingin sa akin, ang iba ay bumubulong-bulong sa isa’t isa, habang ang ilan ay diretsahang nakatingin na para bang may malaking mali sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari? Lumapit sa akin si Mia, isa sa mga flight attendants na matagal ko nang nakatrabaho. May pag-aalalang nakasulat sa mukha niya habang hinawakan ang kamay ko. “Luna...” mahina niyang tawag. “Ano’ng problema?” naguguluhan kong tanong. Bago pa siya makasagot, isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng lounge. “Wow, ang kapal ng mukha mo para pumasok pa, Luna.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Tricia, isa sa mga hindi ko gaanong kasundo sa trabaho. Naka-cross arms siya, nakataas ang isang kilay, at puno ng pang-aalipusta ang tingin sa akin. “Anong sinasabi mo?” malamig kong tanong. Nagkatinginan ang iba pang nasa loob, tila sabik sa susunod n
Luna’s POV Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng lounge. Ramdam ko ang matinding paninikip ng dibdib ko habang pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na apektado ako. Hindi ko dapat ipakita kay Stephanie na nanalo siya. Pero Diyos ko, ang bigat. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sumabog sa galit. Napaka-unfair! Wala silang alam sa pinagdaanan ko! Wala silang alam kung bakit ko ginawa ang lahat ng iyon! At ngayon, sila ang huhusga sa akin? Pagkalabas ko ng lounge, agad akong naglakad nang mabilis papunta sa restroom. Hindi ko na inalintana ang mga nakakasalubong ko. Hindi ko na rin pinansin ang ilang crew na napatingin sa akin habang nagbubulungan. Alam kong pinag-uusapan na nila ako. Alam kong ako na ang usap-usapan sa buong airline. Pagkapasok ko ng restroom, mabilis kong sinara ang pinto ng cubicle at sumandal doon. Saka ko lang hinayaang tumulo ang luha ko. Bakit ganito? Bakit sa tuwing sinusubukan kong bumangon, may
Luna’s POV Madilim na nang tuluyan akong lumabas ng airport. Bitbit ko ang aking maliit na bag habang hinahanap ang taxi stand. Pagod ako mula sa biyahe, at ang tanging gusto ko lang ay makauwi at makasama si Bella. Ngunit bago pa ako tuluyang makatawid sa kalsada, isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. "Miss Luisa Natasha Reid." Napahinto ako. Mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi… Hindi maaari… Dahan-dahan akong lumingon, at halos hindi ako makahinga nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Si Wilfredo Chavez. At kasama niya ang walang iba kung 'di ang pinsan kong si Cara. Nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang totoong pangalan ko. Hindi ko inaasahan ang pagkikita naming ito—hindi sa ganitong sitwasyon, hindi sa ganitong paraan. "It’s been a while, Miss Reid," wika ni Mr. Chavez, may mapanuksong ngiti sa kaniyang labi. "Hindi mo ba ako na-miss?" Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang paligid. Mula sa gi
Luna’s POVNang maisara ang pinto ng kotse, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.Gusto kong pigilan, gusto kong manatiling matatag, pero hindi ko na kaya. Ang takot, hiya, at pangamba na matagal ko nang kinikimkim ay parang isang malaking alon na biglang bumagsak sa akin.Napayuko ako, itinakip ang mga palad sa mukha ko habang tuluyang bumigay ang emosyon ko."Luna..."Narinig ko ang boses ni Alexus—mababa, puno ng pag-aalala. Ilang saglit lang, naramdaman kong may dumampi sa likod ko. Dahan-dahan niyang hinagod ang likuran ko gamit ang malalakas pero malambot niyang palad.Hindi ko pa rin maialis ang kamay ko sa mukha ko. "A-Alexus..." humikbi ako. "Paano kung kumalat ang sinabi ni Cara? Paano kung malaman ng lahat? Baka hindi na ako makabalik sa trabaho... Baka kamuhian ako ng lahat..."Muli kong naalala ang nakangising mukha ni Cara at ang panunuya ni Mr. Chavez. Ang paraan ng pagtawa nila, na parang isa akong bagay na puwedeng ipagbili at gamitin. Diyos ko, hindi ko
Luna’s POV Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko na binuksan ang mga mata ko dahil ramdam ko pa ang pagod mula sa nangyari kagabi. Nasa tabi ko pa rin si Alexus, mahigpit akong niyayakap, na para bang ayaw na niya akong pakawalan kahit isang segundo. Napangiti ako at mas lalo pang isiniksik ang sarili ko sa mainit niyang katawan. Pero hindi tumitigil ang pagtunog ng phone ko. Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang kinuha ang cellphone ko mula sa bedside table. Napakunot-noo ako nang makitang hindi pamilyar ang numero. Agad akong kinabahan. "Sino 'yan?" mahinang tanong ni Alexus, bahagya nang nagigising. "Hindi ko alam," sagot ko habang sinagot ang tawag. "Hello?" "Good morning. Kami po ay mula sa city police station. Kayo po ba si Luisa Natasha Reid?" Biglang lumamig ang pakiramdam ko. Mga pulis? Napatingin ako kay Alexus na ngayon ay tuluyan nang nagising. "Opo, ako po si Luisa Natasha Reid. Ano pong kailangan ninyo?" tanong ko habang hindi mapakali sa kaba. "Ka
Luna’s POV Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong natulala habang pinagmamasdan si Papa habang walang malay. Pakiramdam ko, bumagal ang oras. Parang lumulutang ang buong katawan ko, at ang tanging naririnig ko lamang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko. "Huwag kang sumuko, Papa..." "Hurry! Dalhin na siya sa ambulance!" sigaw ng isang doktor. Para akong natauhan nang makita kong isinakay na nila si Papa sa stretcher. Agad akong napahawak sa kamay niya kahit pa unti-unti na siyang inilalayo sa akin. "P-Papa…" nanginginig kong tawag, pilit pinipigilan ang sarili kong bumagsak sa sahig. "Please… lumaban ka." Ramdam ko ang kamay ni Alexus sa likod ko, pinapalakas ang loob ko. "Luna, sumama tayo sa ospital," mahinang sabi niya. Wala na akong nagawa kung 'di sumunod. Hindi ko pwedeng iwan si Papa sa ganitong kondisyon. *** Mabilis ang naging kilos ng mga doktor pagdating namin sa ospital. Agad nilang dinala si Papa sa emergency room. Hindi ko alam kung paano ako na
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon