Luna’s POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa waiting area sa labas ng operating room. Pakiramdam ko, isang siglo na ang lumipas, pero ang totoo, dalawang oras pa lang ang nakakalipas simula nang isalang si Bella sa operasyon. Magkatabi lang kami ni Alexus, pero pareho kaming tahimik. Wala akong lakas para magsalita, at sa tingin ko, ganoon din siya. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya—kahit walang salitang lumalabas sa bibig niya, alam kong natatakot din siya. Minsan, napapatingin siya sa relo niya, tapos mapapabuntong-hininga. Minsan naman, pipikit siya na parang pinipilit pigilan ang sarili niyang mag-panic. Ako? Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang pinunasan ang mga luha ko. Napayuko ako at pinaglaruan ang laylayan ng suot kong sweater. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na kahapon lang, inililibing ko ang ama ko. Ngayon naman, nasa ospital ako, nagdarasal na huwag mawala ang anak ko. Masyado bang malupit ang tadhana para iparanas sa akin ang gan
Huling Na-update : 2025-02-19 Magbasa pa