Share

Chapter 119

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-20 12:45:54
Luna’s POV

Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ko habang nakatayo sa harapan ng kabaong ng aking ama. Sa loob ng isang linggo, parang naging malabo ang lahat ng nangyari—mula sa pagkamatay ni Papa, hanggang sa operasyon ni Bella, at ngayon, sa kanyang libing.

Mabigat ang pakiramdam ko. Parang hindi ko alam kung paano ko nagagawang lumakad, magsalita, at huminga ng normal, pero kailangan kong gawin. Kailangan kong maging matatag.

"Condolence, Luna," mahina ngunit tapat na sabi ng ilan sa mga nakiramay. Tumango lang ako bilang sagot, pilit na ngumingiti kahit ang totoo, parang hindi ko na alam kung paano ngumiti nang totoo.

Sa gitna ng mataimtim na seremonya, hinanap ng paningin ko si Alexus. Alam kong hindi siya makakadalo dahil naiwan siya sa ospital kasama si Bella. Siya na ang nagprisintang magbantay sa anak namin upang makapag-focus ako sa libing ng aking ama.

"Luna…" mahina ang boses ni Yaya Ana nang lapitan niya ako. "Kumain ka muna, anak. Kanina ka pa walang kinakain.
Deigratiamimi

Good afternoon. Stay tuned for more updates! 💕

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
hala, salamat pooo
goodnovel comment avatar
Jennifer Pallermo Ybanez
ngayon nlang ulit ako nakapag basa thank you ms.A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 120

    Luna’s POV Isang mahimbing na tulog ang bumawi sa lahat ng pagod at emosyonal na pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. Nang imulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang sikat ng araw na dumadaloy sa malalaking bintana ng kwarto. Ngunit mas ikinagulat ko ang mas kaakit-akit na tanawin sa harapan ko—isang napakalaking bouquet ng red roses na nakapatong sa bedside table ko. Napakurap ako, pilit na iniisip kung gising na ba talaga ako o nananaginip pa. Tiningnan ko ang paligid at doon ko napansin ang maliit na card na nakasabit sa bouquet. Agad ko itong kinuha at binasa. “Good morning, love. Just a little something to brighten your day. – A” Nanlaki ang mga mata ko. A? Napatingin ako sa pinto, at parang hinihintay kong biglang lumitaw si Alexus para kumpirmahin ang iniisip ko. Pero wala. Tahimik ang buong bahay. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit parang hindi ko mapigilang kiligin? Bago pa ako tuluyang lunurin ng sarili kong emosyon, bumangon na ako at naglakad palabas ng

    Last Updated : 2025-02-20
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 121

    Luna’s POV Katatapos lang kumain ni Bella, at ngayon ay masaya siyang nanonood ng cartoons sa sala habang yakap-yakap ang kanyang stuffed unicorn. Habang nakatingin ako sa kanya, biglang umupo si Alexus sa tabi ko at marahang hinawakan ang kamay ko. "You need a break," bulong niya, saka marahang hinaplos ang likod ng kamay ko gamit ang hinlalaki niya. Nagtaas ako ng kilay. "Huh? Break saan?" "Sa lahat. Sa stress, sa pag-aalala, sa pagod." Tumingin siya diretso sa mga mata ko, seryoso ang mukha. "Come with me. Magpa-salon tayo." Nanlaki ang mata ko. "Salon?" Tumango siya. "Yes. Gusto kitang dalhin sa isang luxury salon. Gusto kong i-pamper ka. Spa, hair treatment, mani-pedi, massage—kahit ano pang gusto mo." Napahinga ako nang malalim. "Alexus, hindi ko kailangan niyan." Umiling siya. "You do. You’ve been through so much these past weeks. You need time for yourself, Luna." Tumingin ako kay Bella. "Paano si Bella? Hindi ko siya pwedeng iwan." Ngumiti si Alexus. "Don’t worry. Ti

    Last Updated : 2025-02-20
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 122

    Luna’s POV Napahinto ako. Pakiramdam ko, natigil ang buong mundo sa mga salitang lumabas sa bibig ni Alexus. "I want to marry you, Luna." Parang hindi ko agad na-absorb ang sinabi niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang gustong kumawala mula sa dibdib ko. Hindi ako makapagsalita. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan siya—ang lalaking nasa harapan ko, seryoso, puno ng pagmamahal ang mga mata habang hinihintay ang magiging sagot ko. "Alexus..." Mahina kong bulong, hindi pa rin makapaniwala. "Are you serious?" Tumango siya. "Yes, I am. I’ve never been more sure of anything in my life, Luna." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. "I know ang daming nangyari sa atin. I know may mga bagay na nasaktan tayo, may mga bagay na hindi pa natin tuluyang naaayos. Pero ang sigurado ako, gusto kong ayusin lahat ‘yun kasama ka. Gusto kong lumaban para sa atin. Ayoko nang maghintay ng mas matagal pa." Napalunok ako. "Pero Alexus... what if I’m not ready? What if..." Hina

    Last Updated : 2025-02-20
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 123

    Luna’s POV Napahawak ako sa dibdib ni Alexus habang ninanamnam ang init ng labi niya. Para akong nasa ibang mundo—isang mundo kung saan kaming dalawa lang ang naroroon. Ang bawat haplos niya sa balat ko ay parang apoy na nagpapainit sa buong pagkatao ko. "Luna..." mahina niyang bulong habang dinadama ang mukha ko gamit ang magaspang, pero maingat niyang palad. "I love you." Napasinghap ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa ganitong sandali. Kahit pa ilang beses na niyang pinatunayan sa akin kung gaano niya ako kamahal, iba pa rin kapag maririnig mo itong lumalabas mula sa labi niya. Nagtagpo ang mga mata namin at nakita ko ang katapatan sa titig niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti. "I love you too, Alexus." Muli niyang idinikit ang noo niya sa noo ko, habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso niya laban sa dibdib ko. "Hindi mo alam kung gaano ko hinintay ang moment na 'to," bulo

    Last Updated : 2025-02-20
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 124

    Luna's POV “Alexus, sabihin mo sa akin kung anong binabalak mo,” seryoso kong sabi habang nakasakay kami sa kotse niya. Ngunit ngumisi lang siya habang nakatingin sa daan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin sa ngiting iyon—dahil madalas, kapag ganyan ang ngiti niya, may binabalak siyang ikagugulat ko. “Just trust me, love,” sagot niya, hinawakan saglit ang kamay ko bago muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Napabuntong-hininga na lang ako at sumandal sa upuan. Wala rin naman akong magagawa kung hindi sumunod. Isa pa, knowing Alexus, hindi naman niya ako dadalhin sa isang lugar na hindi ko magugustuhan. Makalipas ang halos trenta minutos na biyahe, bigla siyang huminto sa harap ng isang eleganteng boutique. Napatingin ako sa labas—isang kilalang designer store ang nasa harapan ko, at sa laki ng logo, hindi ko na kailangang basahin para malaman kung gaano ito ka-sosyal. Tumingin ako sa kanya, napakunot-noo. “Alexus… bakit tayo nandito?” Ngumiti siya at bumaba ng

    Last Updated : 2025-02-20
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 125

    Luna's POV Pagkatapos ng dinner date namin ni Alexus, inaya niya akong maglakad-lakad sa garden ng restaurant. Ang lugar ay napapalibutan ng magagandang fairy lights, at sa gitna nito ay isang maliit na fountain na marahang bumubulwak ng tubig. Ramdam ko ang lamig ng gabi, pero hindi ko iyon iniinda dahil mainit ang palad ni Alexus na mahigpit na nakahawak sa akin. Tahimik kaming naglalakad, ninanamnam ang presensya ng isa’t isa. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ganitong sitwasyon—mula sa isang babaeng pilit na iniiwasan ang lalaking pinakamamahal ko, hanggang sa ngayon na nasa tabi niya at masaya. Napalingon ako kay Alexus. Nakatingin siya sa akin na para bang ako lang ang babaeng mahalaga sa mundo niya. “You’re staring again,” bulong niya habang nakangiti. Napangiti rin ako at umiling. “Hindi ko lang akalain na ganito tayo ngayon. Na kahit ang dami nating pinagdaanan, nandito pa rin tayo.” Hinila niya ako palapit sa kanya at ikinulong sa yakap. “I promised you, love.

    Last Updated : 2025-02-21
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 126

    Luna's POV Nakatingin ako sa kumikinang na singsing sa daliri ko habang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Magpapakasal na kami ni Alexus. Ang lalaking minahal ko noon at minamahal ko pa rin ngayon—ang ama ng anak ko, ang lalaking dumaan sa lahat ng pagsubok kasama ko. Nakatayo kami sa garden, yakap-yakap niya ako nang mahigpit. Ramdam ko ang tibok ng puso niya laban sa akin, at sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay buo na ulit ang mundo ko. “You have no idea how happy you just made me, love,” bulong ni Alexus habang hinahaplos ang buhok ko. Napangiti ako at bahagyang humiwalay para tingnan siya sa mata. “Bakit parang ikaw lang ang masaya?” biro ko. “Ako kaya ang pinaka-masayang babae ngayon.” Muli siyang ngumiti, saka marahang inilapat ang noo niya sa noo ko. “I love you, Luna. No matter what happens, I will never let you go again.” “I love you too, Alexus.” Nagtagpo ang mga labi namin sa isang halik—isang matamis at puno ng emosyon na halik. Para akong lumulutang sa ulap

    Last Updated : 2025-02-21
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 127

    Luna's POV Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Alexus habang pinagmamasdan siyang nakayuko, nakahawak pa rin sa kamay ng ina niya. Hindi siya gumagalaw, hindi nagsasalita—para siyang estatwa na pilit nilulunok ang sakit na nararamdaman niya. “Sir, Ma’am…” Tumikhim ang doktor sa tabi namin. “We will continue monitoring her condition, but as of now, she is still unstable. We need to observe her for the next 24 hours and see how her body responds.” Tumango si Alexus, pero hindi niya binitiwan ang kamay ng ina niya. “Sige, doc. Please do everything you can,” sagot ko na lang. Alam kong wala pa sa tamang pag-iisip si Alexus para makipag-usap nang maayos. Nang makaalis na ang doktor, nanatili pa rin kaming tahimik sa loob ng kwarto. Ang tunog lang ng heart monitor at ang mahihinang hinga ng ina niya ang maririnig. “Alexus,” mahina kong tawag. Hindi siya sumagot. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang likod niya. “Do you want to rest for a bit? Pagod ka na, hindi ka pa kumakain—”

    Last Updated : 2025-02-21

Latest chapter

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 31

    Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 30

    Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 29

    Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 28

    Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 27

    Bella's POV Ang tubig sa Twin Lagoon ay kasing linaw ng kristal, at ang sikat ng araw na dumadampi sa ibabaw nito ay nagpapakintab sa tila salamin na dagat. Hindi ako mapakali sa excitement habang hinahaplos ng hangin ang balat ko.Nasa loob na ako ng bangka, handang-handa nang lumusong, nang mapansin kong nakapamulsa si Brent sa gilid, malalim ang titig sa akin na para bang may hindi siya gustong mangyari. At nang magtama ang mga mata namin—ayun na, alam ko na.Napailing ako nang bahagya. “Brent, what’s your problem now?”Hindi siya sumagot. Bagkus, marahang lumapit siya sa akin at may iniaabot—isang tuwalya.Tinaasan ko siya ng kilay. “Seriously?”Nakatikom lang ang panga niya. “Takpan mo ‘yan.”“Excuse me?”Tinapunan niya ng tingin ang suot kong navy blue two-piece swimwear. Hindi ito sobrang revealing, pero halata sa mukha niya na hindi siya komportable."Maliligo ako," madiin kong sabi, habang hinahatak ang tuwalya palayo sa kamay niya.“Sa villa ka na lang maligo.”Halos matawa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 26

    Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 25

    Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 24

    Bella’s POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 23

    Bella's POV Maingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia. "Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. "Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit. "Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?" Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko. Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—" "Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok." "At ikaw? Ano'ng ginawa mo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status