All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 131 - Chapter 140

256 Chapters

Chapter 131

Luna's POV Hindi ko maitago ang excitement ko habang naghahanda para sa sorpresang sinasabi ni Alexus. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya, pero sa tono ng boses at sa kinang ng mga mata niya kanina, alam kong isang espesyal na bagay ito. Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin, hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Parang high school lang ako na kinikilig sa crush ko. "Saan ka pupunta, Mommy?" tanong ni Bella mula sa kama habang yakap-yakap ang paborito niyang stuffed toy. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "May pupuntahan lang kami ni Daddy, baby. Pero babalik din kami agad." "Date po?" aniya, kumikislap ang malalaking mata niya. Tumawa ako. "Ewan ko. Surprise daw eh." "Ayieee!" hirit niya bago bumaling sa kabilang side ng kama. "Yaya Ana! Si Mommy at Daddy po, magde-date!" Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos. Excited ako, pero hindi ko rin maiwasang kabahan. Bihira lang magplano ng ganito si Alexus, kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-an
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 132

Luna's POV Napuno ng tensyon ang buong paligid. Si Alexus ay tila nagpipigil ng inis, habang si Daniela naman ay nakapamewang na, may bahagyang ngisi sa labi—isang ngising pamilyar sa akin. Ngiting nanunukso. Ngiting may binabalak. Huminga ako nang malalim at tumingin kay Alexus. “Can we talk?” Alam kong naiintindihan niya na hindi ito isang simpleng hiling lang. Alam niyang kailangan naming pag-usapan ito nang kami lang dalawa. Mabilis siyang tumango. “Let’s go to my office.” Bago ako tumalikod, binalingan ko muna si Daniela. Hindi ko na kailangang magsalita—ang tingin ko pa lang ay sapat nang ipaalam sa kaniya na hindi ko siya tinatanggap sa bahay namin. Dumiretso kami ni Alexus sa opisina niya sa loob ng bahay. Pagkapasok namin, sinara ko ang pinto at humarap sa kaniya. "Alexus, ano ba ‘to?" hindi ko na napigilang itanong, puno ng frustration ang boses ko. "Bakit nandito na naman siya?" Bumuntong-hininga siya, halatang pagod na sa argumento. "Luna, hindi ko na siya pwedeng p
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 133

Luna's POV Nasa kwarto na kami ni Alexus, at kasalukuyang nakahiga siya sa kama habang ako naman ay palakad-lakad sa harapan niya, hindi mapakali. "You're overthinking, baby," aniya, bago ako hinila sa tabi niya. "Maupo ka nga rito. You're wearing out the floor." Tiningnan ko siya nang masama pero hindi siya natinag. Hinatak niya ako kaya napaupo ako sa tabi niya. Napabuntong-hininga ako. "Hindi mo ba nakikita, Alexus? Daniela is trying to stir things up between us. Alam mong matagal na niyang gusto kang maagaw sa akin!" Napangiti siya, bago ipinatong ang baba niya sa balikat ko. "Kahit anong gawin niya, Luna, wala siyang laban sa 'yo." "Bakit parang ang gaan-gaan lang ng tingin mo sa sitwasyon?" lumingon ako sa kanya, nag-aalalang nakatingin. "Alexus, she's here. In your house. She has access to everything, including you." Muling bumuntong-hininga si Alexus at iniharap ako sa kanya. "Luna, trust me. I let her stay here because she has nowhere else to go. Alam kong ayaw mong man
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 134

Luna's POV Pagkalabas ko ng kwarto upang kumuha ng tubig sa kusina, tumambad sa akin ang hindi ko inaasahang eksena—si Daniela, nakatayo sa sala, may hawak na baso ng alak, at nakataas ang isang kilay habang nakangisi sa akin. Oh, great. Round two na agad? "Ano pa bang ginagawa mo rito?" malamig kong tanong habang naglakad papunta sa kusina. Napangisi siya at sumunod sa akin, dala pa rin ang baso ng alak. "Hmm. Ang taray naman ng tanong mo, Luna. Bakit, bawal na ba akong gumala dito sa bahay ni Alexus? Kasi, to be honest, mas matagal ko nang nakakasama si Alexus kesa sa 'yo." Napabuntong-hininga ako habang nilalagay ang tubig sa baso. "And? Gusto mong bigyan kita ng award?" Tumawa siya nang mahina. "Gusto ko lang naman ipaalala sa'yo kung sino ako sa buhay ni Alexus noon." Binalingan ko siya at sumandal sa counter, iniikot ang baso sa aking kamay. "At gusto kong ipaalala sa 'yo kung sino ako sa buhay niya ngayon." Naningkit ang mata niya. "You think you won just because Alexus
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 135

Luna's POV Pagkagising ko kinabukasan, bumaba ako sa kusina para magkape, at doon ko nadatnan si Daniela—nakatayo sa harap ng counter, naka-cross arms, at nakangiti nang nakakaloko. "Wow, ang aga mo namang manggulo," sabi ko habang inaabot ang coffee mug sa may cabinet. Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko lang makasigurado na hindi ka na naman nagtatangkang agawin ang posisyon ko sa buhay ni Alexus." Napahinto ako saglit sa pagsalin ng kape sa tasa ko. Posisyon? Napatawa ako nang mahina bago humarap sa kanya. "Daniela, in the first place, hindi ka naman na relevant sa buhay ni Alexus. So paano ko aagawin ang isang bagay na hindi naman sa 'yo?" Naningkit ang mga mata niya. "Huwag mo akong gawing tanga, Luna. Matagal ko nang kilala si Alexus. Mas matagal pa kaysa sa "yo. Ako ang nauna sa buhay niya. At kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo mabubura ang nakaraan namin." Nilagyan ko ng asukal ang kape ko at marahang hinalo ito. "Tama ka. Hindi ko mabubura ang nakaraan ninyo. Pero ikaw
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more

Chapter 136

Luna's POV Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa harap ng pintuan ng private room kung saan naka-confine ang mommy ni Alexus. Matagal ko nang gustong bumisita, pero hindi ko rin maiwasang kabahan. Alam kong hindi naging madali para sa kaniya ang aksidenteng nangyari, kaya gusto kong iparamdam na nandito ako para sa kaniya. Huminga ako nang malalim bago ko dahan-dahang itinulak ang pinto. Ngunit sa pagpasok ko, agad akong natigilan sa nakita. Si Daniela. Kasama niya ang anak niyang si Danica, at pareho silang nakangiti habang kausap ang mommy ni Alexus. Hindi lang ‘yon, pati ang kapatid ni Alexus at ibang kamag-anak nila ay nandoon din—at halatang komportable sila sa presensiya ni Daniela. Parang sumikip ang dibdib ko sa nakita. Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa may pintuan, hindi makagalaw. Pakiramdam ko, para akong isang estranghera sa loob ng kwartong ito—sa pamilya ni Alexus. "Mahal na mahal ka namin, Tita," malambing na sabi ni Daniela habang hawak ang kamay ng
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 137

Luna's POV Matapos ang tensyonadong pag-uusap namin ni Daniela, nanatili akong tahimik sa tabi ng kama ni Mommy Anabelle habang iniisip ang lahat ng nangyari. Kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Daniela. Gusto niya akong guluhin, lituhin, at paalisin sa buhay ni Alexus. Pero hindi ako basta-basta magpapadala. Nagising si Mommy Anabelle ilang minuto matapos siyang muling makatulog. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko. "Luna, anak... Pasensya ka na kung hindi kita masyadong nakakausap nitong mga nakaraang araw," mahina niyang sabi. "Mom, huwag niyo na pong isipin ‘yon," sagot ko, pilit na ngumingiti. "Ang mahalaga, magpagaling po kayo." "Alam mo, anak, masaya ako na ikaw ang babaeng kasama ni Alexus ngayon," aniya habang pinagmamasdan ako. "Alam kong marami kang pinagdaanan, at hindi naging madali ang lahat para sa iyo. Pero tandaan mo, hindi kita huhusgahan sa kung ano ang nakaraan mo." Napatingin ako sa kaniya at do
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 138

Luna's POV Tahimik akong naglakad palabas ng ospital kasama si Alexus, ngunit hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin si Daniela. Nakita kong nakatitig siya sa kamay naming magkahawak ni Alexus—at doon ko lang nakita ang tunay na nararamdaman niya. Hindi lang ito tungkol sa pride. Hindi lang ito tungkol sa pagiging close niya kay Alexus noon. Gusto niya talaga si Alexus. Napangisi ako nang bahagya. Kung akala niyang matatakot niya ako sa mga salita niya, nagkakamali siya. "Luna, let’s just go," bulong ni Alexus, hinihigpitan ang hawak sa kamay ko. Pero bago pa ako makasagot, isang malakas na boses ang umalingawngaw sa hallway. "Ano ba talaga ang meron ka na wala ako, Luna?!" sigaw ni Daniela. Napahinto ako sa paglalakad. Napahinto rin si Alexus. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, kita sa mukha niya ang matinding emosyon—galit, selos, at hinanakit. "Ano bang meron ako?" ulit ko, tinataasan siya ng kilay. "Ang tanong, Daniela, ano ba ang wala ka?" "I’m serious!" sigaw niya
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 139

Luna's POV Ilang linggo matapos ang sunod-sunod na gulong dumaan sa amin ni Alexus, sa wakas ay isang magandang balita ang dumating—nakalabas na sa ospital si Mommy Anabelle. Sa totoo lang, kahit hindi pa kami masyadong close, hindi ko maitago ang tuwa ko. Alam kong mahal na mahal ni Alexus ang ina niya, at kahit paano, gusto kong makabawi sa kanya. Nang makarating kami sa mansion ng mga Del Fuego, agad akong sinalubong ng ilan sa mga kasambahay. Masigla nilang inasikaso ang lahat, mula sa mga gamit ni Mommy Anabelle hanggang sa pagkain na inihanda para sa kanya. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko si Alexus na inalalayan ang ina niya paupo sa sofa. "Are you comfortable, Mom?" tanong ni Alexus habang inaayos ang unan sa likod ni Mommy Anabelle. "Yes, anak. Salamat," sagot ni Mommy Anabelle bago siya lumingon sa akin. Medyo kinabahan ako, pero agad siyang ngumiti at itinuro ang espasyo sa tabi niya. "Luna, come sit beside me." Agad akong sumunod at umupo sa tabi niya. Hindi ko maiwa
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 140

Luna's POV Pagkalabas namin ni Alexus mula sa kwarto ni Tita Anabelle, agad akong napabuntong-hininga. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang sinabi ni Daniela. Pero ayokong sayangin ang oras ko sa kanya—hindi siya ang priority ko. Ang mahalaga ngayon ay ang pamilya ni Alexus, lalo na si Mommy Anabelle. "You okay?" tanong ni Alexus habang hawak ang kamay ko. Tumingala ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Yeah, I’m fine. Let’s just focus on your mom." Tumango siya at hinila ako papunta sa isang bench sa hallway ng ospital. Naupo kami, at saka niya sinimulang talakayin ang plano niya. "I want my mom to relax after everything she’s been through," sabi niya, nakatingin sa kawalan. "Gusto kong bigyan siya ng oras para makalimutan ang stress, at naisip ko na baka makakatulong kung aalis muna kami sandali." "That’s a good idea," sagot ko. "Saan mo balak dalhin si Mommy?" Ngumiti siya. "Dubai." Nanlaki ang mata ko. "Dubai? Alexus, that’s a big trip!" "I know," sagot niya, "pero mataga
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
26
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status