Stay tuned for more updates! ✨
Luna's POV Pagkalabas namin ni Alexus mula sa kwarto ni Tita Anabelle, agad akong napabuntong-hininga. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang sinabi ni Daniela. Pero ayokong sayangin ang oras ko sa kanya—hindi siya ang priority ko. Ang mahalaga ngayon ay ang pamilya ni Alexus, lalo na si Mommy Anabelle. "You okay?" tanong ni Alexus habang hawak ang kamay ko. Tumingala ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Yeah, I’m fine. Let’s just focus on your mom." Tumango siya at hinila ako papunta sa isang bench sa hallway ng ospital. Naupo kami, at saka niya sinimulang talakayin ang plano niya. "I want my mom to relax after everything she’s been through," sabi niya, nakatingin sa kawalan. "Gusto kong bigyan siya ng oras para makalimutan ang stress, at naisip ko na baka makakatulong kung aalis muna kami sandali." "That’s a good idea," sagot ko. "Saan mo balak dalhin si Mommy?" Ngumiti siya. "Dubai." Nanlaki ang mata ko. "Dubai? Alexus, that’s a big trip!" "I know," sagot niya, "pero mataga
Luna's POV Paglapag pa lang namin sa Dubai, ramdam ko na agad ang kakaibang init ng lugar. Pero sa kabila ng init ng panahon, mas mainit ang excitement na bumalot sa amin. It had been a long flight, but seeing the breathtaking cityscape of Dubai made all the exhaustion worth it. "We're finally here," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng airport. "Excited?" biglang tanong ni Alexus habang inaayos ang straps ng bag na nakasabit sa balikat niya. "Sobra," sagot ko, hindi maitago ang ngiti. "Then let's make this trip unforgettable," sagot niya bago niya ako hinawakan sa kamay. Nasa unahan namin sina Mommy Anabelle at Bella. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng matanda habang palinga-linga sa paligid, para bang isang batang unang beses makakita ng ganito kagandang lugar. Masaya rin si Bella na tuwang-tuwa sa mga malalaking screen at magagarang gusali. Pagdating namin sa hotel, hindi ako makapaniwala sa lugar na tinutuluyan namin. Five-star hotel ito na may overlooking v
Luna's POV Pagkarating namin sa hotel suite namin, agad niyang hinila ang kamay ko papunta sa balcony. "Alexus, saan mo na naman ako dadalhin?" natatawa kong tanong. "Just trust me, baby. Close your eyes." Natawa ako pero sumunod pa rin. "Fine. Pero dapat maganda ‘to ha." "You’ll love it." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at dahan-dahang ipinihit paharap sa balcony. "Okay, open your eyes." Pagdilat ko, napatigil ako sa nakita ko. Fireworks. Mula sa taas ng Burj Khalifa, isang napakagandang fireworks display ang sumabog sa langit. Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko. Parang bumagal ang mundo habang nakatitig ako sa kumikislap na ilaw sa kalangitan. "Oh my God… Alexus…" "Do you like it?" tanong niya habang nakayakap sa akin mula sa likod. "I love it," sagot ko, halos hindi makapaniwala. "You deserve this and more, Luna." Dahil sa sobrang tuwa ko, napaharap ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "You always make me feel so special," bulong ko habang nakasu
Luna's POV Nakayakap ako kay Alexus habang pareho kaming nakahiga sa malambot na kama sa loob ng cabin. Ang init ng katawan niya ay parang isang matibay na pader na nagbibigay ng seguridad at kapanatagan sa akin. Ang ilaw mula sa maliit na lampshade ang tanging nagbibigay-liwanag sa buong silid, pinapatingkad ang bawat anino sa aming katawan. "You okay?" mahina niyang tanong, habang hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti ako, mas inilapit ang sarili ko sa kaniya. "Hmm. I feel... safe. And loved." Hinalikan niya ang noo ko, marahan at puno ng lambing. "That’s because you are, Luna. Always." Napatitig ako sa kaniya. Kahit sa ganitong mga tahimik na sandali, hindi ko pa rin mapigilang humanga sa lalaking ito. Ang lalim ng titig niya, ang tapang sa mukha niya, at ang init sa mga mata niyang parang sinasamba ako. "Masyado mo akong ginagawang mahina, Alexus," bulong ko, habang hinahaplos ang dibdib niya. "Not weak, baby. I just make you feel loved," sagot niya bago hinawakan ang kamay ko at
Luna's POV Paglapag ng eroplano sa Pilipinas, pakiramdam ko ay para akong galing sa isang napakagandang panaginip. Ang mga sandali naming magkasama ni Alexus sa Dubai ay puno ng pagmamahal at alaala na hinding-hindi ko malilimutan. Pero ngayon, balik na naman kami sa realidad—sa mundong hindi lang puro saya, kundi puno rin ng pagsubok. Habang naglalakad kami palabas ng private jet, hawak-hawak ni Alexus ang kamay ko. Kasunod namin sina Mommy Anabelle, Bella, at ang ibang miyembro ng pamilya Del Fuego. Sa likod namin, nakasunod sina Daniela at Danica. Oo, pati sila ay sumama sa Dubai trip namin dahil hindi maiwan ni Alexus ang bata. Hindi ko na lang sila pinansin buong bakasyon, pero ngayon na nandito na kami sa Pilipinas, hindi ko mapigilang kabahan. Ilang minuto pa lang kaming nasa waiting area ng airport, biglang nag-ring ang phone ni Alexus. Kinuha niya ito mula sa bulsa at sumeryoso ang mukha niya matapos basahin ang pangalan ng tumatawag. "I have to take this call. Just stay h
Luna's POV Napangiti ako habang inaayos ang aking uniform sa harap ng salamin sa crew lounge ng Del Fuego Airlines. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula noong huli akong lumipad, kaya medyo naninibago ako. Pero sa kabila ng lahat, masaya ako sa desisyong bumalik sa trabaho. Nakahanda na ang lahat para sa flight namin patungong Hong Kong. Habang naglalakad ako sa hallway ng airport papunta sa aircraft, nakangiti akong binati ng ilang passengers na regular na lumilipad sa Del Fuego Airlines. Sa pagpasok ko sa loob ng eroplano, agad akong sinalubong ng aking mga kasamahan. "Okay, guys! Ready na ba tayo?" malakas na tanong ni Angelo habang inaayos ang kaniyang suot na blazer. "Always ready!" sagot ni Tina, na mukhang excited din sa flight na ito. Habang abala kaming lahat sa paghahanda, isang lalaking naka-suit ang pumasok sa business class. Busy ako sa pag-aayos ng seat assignments kaya hindi ko agad napansin. Ngunit nang maramdaman kong parang may matalim na tingin na nakatuon sa a
Luna's POV Pagkarating namin sa bahay, halos hindi na namin nagawang umabot sa kwarto. Pagkasara pa lang ng pinto, agad akong isinandal ni Alexus sa dingding at siniil ng isang matinding halik. Ramdam ko ang lalim ng pagnanasa niya—ang pag-angkin, ang pananabik, ang init na matagal nang naipon. "You drive me crazy, Luna," bulong niya habang bumababa ang halik niya sa leeg ko. Napakapit ako sa balikat niya, pilit na inaagapan ang panghihina ng tuhod ko. Ang init ng katawan niya ay lumilipat sa akin, dumadaloy sa bawat himaymay ng balat ko. "Alexus, baka may makakita sa atin dito sa hallway..." bulong ko, ngunit hindi niya ako pinansin. Bagkus, binuhat niya ako na parang wala akong timbang at mabilis akong dinala sa aming kwarto. Pagkasara niya ng pinto, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Muli niya akong hinalikan, mas mapusok, at mas mapanindig-balahibo. Hinawakan niya ang mukha ko, marahang hinaplos gamit ang hinlalaki niya ang aking labi. Ang titig niya sa akin ay puno ng emosyon
Luna's POV "This is it," bulong ko sa sarili ko. Habang nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa bridal suite, hindi ko pa rin lubos maisip na dumating na rin ang araw na ito. Ang araw na magiging ganap akong Mrs. Luisa Natasha Reid-Del Fuego. Ang puso ko ay parang isang tambol na walang tigil sa pagtibok. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa excitement at saya. “Mommy, ang ganda-ganda mo!” sigaw ni Bella habang lumapit siya sa akin, nakangiti ang matamis niyang labi. Napangiti ako at niyakap ang aking anak. “At ang baby ko, ang pinaka-cute na ring bearer sa buong mundo!” Natawa siya habang tinutulak ang hawak niyang flower crown sa ulo niya. “Pero dapat ako ang bride mo, Daddy!” sigaw niya bigla. Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Alexus na nakasandal sa pintuan ng suite, nakangiti habang nakatitig sa akin. Suot niya ang kanyang white suit na lalong nagpatingkad sa kanyang gwapo at eleganteng dating. Halos mawalan ako ng hininga sa itsura niya. “Sorry, Bella, pero s
Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k
Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi
Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni
Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap
Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal
Bella's POV Ang tubig sa Twin Lagoon ay kasing linaw ng kristal, at ang sikat ng araw na dumadampi sa ibabaw nito ay nagpapakintab sa tila salamin na dagat. Hindi ako mapakali sa excitement habang hinahaplos ng hangin ang balat ko.Nasa loob na ako ng bangka, handang-handa nang lumusong, nang mapansin kong nakapamulsa si Brent sa gilid, malalim ang titig sa akin na para bang may hindi siya gustong mangyari. At nang magtama ang mga mata namin—ayun na, alam ko na.Napailing ako nang bahagya. “Brent, what’s your problem now?”Hindi siya sumagot. Bagkus, marahang lumapit siya sa akin at may iniaabot—isang tuwalya.Tinaasan ko siya ng kilay. “Seriously?”Nakatikom lang ang panga niya. “Takpan mo ‘yan.”“Excuse me?”Tinapunan niya ng tingin ang suot kong navy blue two-piece swimwear. Hindi ito sobrang revealing, pero halata sa mukha niya na hindi siya komportable."Maliligo ako," madiin kong sabi, habang hinahatak ang tuwalya palayo sa kamay niya.“Sa villa ka na lang maligo.”Halos matawa
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng