Share

Chapter 147

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-02-25 20:09:20
Luna's POV

"This is it," bulong ko sa sarili ko.

Habang nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa bridal suite, hindi ko pa rin lubos maisip na dumating na rin ang araw na ito. Ang araw na magiging ganap akong Mrs. Luisa Natasha Reid-Del Fuego.

Ang puso ko ay parang isang tambol na walang tigil sa pagtibok. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa excitement at saya.

“Mommy, ang ganda-ganda mo!” sigaw ni Bella habang lumapit siya sa akin, nakangiti ang matamis niyang labi.

Napangiti ako at niyakap ang aking anak. “At ang baby ko, ang pinaka-cute na ring bearer sa buong mundo!”

Natawa siya habang tinutulak ang hawak niyang flower crown sa ulo niya. “Pero dapat ako ang bride mo, Daddy!” sigaw niya bigla.

Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Alexus na nakasandal sa pintuan ng suite, nakangiti habang nakatitig sa akin. Suot niya ang kanyang white suit na lalong nagpatingkad sa kanyang gwapo at eleganteng dating. Halos mawalan ako ng hininga sa itsura niya.

“Sorry, Bella, pero s
Deigratiamimi

Good evening po. Pa-like, comments, gem votes, and rate this book. Maraming salamat po.

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 148

    Luna's POV Dalawang buwan na ang lumipas simula noong ikinasal kami ni Alexus. Ang buhay may-asawa ay mas masaya at mas makulay kaysa sa inaakala ko. Araw-araw akong ginugulat ni Alexus sa mga simpleng bagay—isang bouquet ng bulaklak, breakfast in bed, o kaya isang biglaang road trip tuwing weekends. Masaya ako. Masaya kami. Pero nitong mga nakaraang araw, may napapansin akong kakaiba sa katawan ko. Madalas akong mahilo, parang laging pagod, at may mga pagkakataong bigla na lang akong nasusuka. Noong una, hindi ko masyadong pinansin. Akala ko, pagod lang ako sa trabaho bilang flight attendant. Hanggang sa isang umaga, habang nag-aalmusal kami ni Alexus, bigla akong natigilan sa pagkain. “Luna, are you okay?” tanong ni Alexus habang nakakunot-noo. Tinitigan ko ang pagkain sa harapan ko—isang platter ng bacon, scrambled eggs, at pancakes. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang gusto kong sumuka. Napansin ni Alexus ang biglang pamumutla ko. Agad siyang lumapit sa aki

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 149

    Luna's POV Nakahanda na ang lahat para sa announcement namin ni Alexus. Pinapunta niya ang pamilya niya sa bahay para ibalita ang magandang balita. Kahit kabado ako, hindi ko maitatanggi ang excitement na makita ang magiging reaksyon nila. Habang inaayos ko ang mesa sa dining area, naramdaman kong may yumakap sa bewang ko mula sa likuran. "Relax, babe. They're going to love this news," bulong ni Alexus habang hinahalikan ang gilid ng ulo ko. "I know... pero kinakabahan pa rin ako." Napahawak ako sa tiyan ko kahit wala pang pagbabago sa hugis nito. "Hindi mo na kailangang kabahan, Luna. I'm right here." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito ng marahan. Bago pa ako makasagot, narinig namin ang tunog ng doorbell. Dumating na sila. Lumabas si Alexus para salubungin sila habang ako naman ay inayos pa ang huling detalye sa hapag-kainan. Ilang minuto lang, narinig ko na ang boses ni Mommy Anabelle, Kuya TJ, at Ate Brielle. "Where's my gorgeous daughter-in-law?" malakas na sigaw

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 150

    Luna's POV Nakaupo ako sa kama habang hawak ang cellphone ko. Ilang minuto ko nang tinititigan ang resignation email na nakasulat sa screen. Ilang beses ko nang binasa, pero hindi ko pa rin maipadala. “Babe, nagugutom ka ba?” tanong ni Alexus habang lumabas mula sa walk-in closet, suot ang kaniyang puting polo na may tatlong butones na hindi isinara. Basa pa ang buhok niya mula sa pagligo, at kahit ilang beses ko na siyang nakikita sa ganitong estado, hindi ko pa rin mapigilang titigan siya. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. "Hmm? Anong iniisip mo?" Tinignan niya ang cellphone kong hawak. “Resignation letter?” Napatingin ako sa kaniya at tumango. “Oo... Pero hindi ko pa ma-send.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyon ng hinlalaki niya. “You don’t have to do it if you’re not ready, Luna.” Napabuntong-hininga ako. “Pero gusto mong mag-resign ako, ‘di ba?” “Yes, I do,” diretsong sagot niya. “Pero hindi kita pipilitin kung hindi

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 151

    Luna's POV Pagkabukas ko pa lang ng pinto, agad akong nakarinig ng malakas na sigaw mula sa loob ng bahay. "Mommy! Yaya!" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang tinig ni Bella. Nanginginig akong napaatras saglit bago ako tuluyang napabalikwas sa kaba. Parang hinigop lahat ng hangin sa katawan ko habang mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. Tumakbo ako papunta sa sala, at doon ko nakita ang eksenang nagpaliyab sa dugo ko. Si Daniela—may hawak na tsinelas at kasalukuyang pinapalo si Bella! Umiiyak ang anak ko habang nakatalukbong ang mga braso niya sa ulo, pilit iniiwasan ang palo ng halimaw na babaeng ‘to! "Daniela!" sigaw ko, halos lumipad ako sa galit. Napalingon siya sa akin, pero imbes na matakot, nagtaas pa siya ng kilay at ibinalik ang tingin kay Bella. "Aba, ang bagal mo namang umuwi! Kailangan mong turuan ng leksyon ‘tong anak mo—" Hindi ko na siya pinatapos. Sa isang iglap, mabilis kong hinawakan ang braso niya at buong pwersa kong hinila palayo kay Bella. Napa

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 152

    Luna's POV Pagmulat ng aking mga mata, agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bedside table. Nagbabakasakaling may mensahe o tawag mula kay Alexus—pero wala. Wala ni isang text. Wala ni isang missed call. Biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi siya umuwi. Napaupo ako sa kama, pilit na inaalis ang kaba at inis na nararamdaman ko. Sinabi niyang may inaasikaso siya, pero hindi ba niya man lang ako pwedeng bigyan ng update? Alam niyang buntis ako. Alam niyang nag-aalala ako. Bumuntong-hininga ako at lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko sina Yaya Ana at Bella na kumakain ng agahan. Agad na napatingin sa akin ang anak ko at ngumiti. "Good morning, Mommy!" masiglang bati niya. Napangiti ako kahit mabigat ang loob ko. Hindi dapat nadadamay si Bella sa problema namin ni Alexus. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang noo niya. "Good morning, sweetheart," sagot ko bago umupo sa harapan niya. "Mommy, where’s Daddy? Akala ko sabay kayo kakain?" inosenteng tanong niya h

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 153

    Luna's POV "Bakit, Alexus?!" sigaw ko, habang nakatayo kami sa gitna ng opisina niya. "Bakit mo kailangang puntahan si Daniela noong lasing siya? Pero ako—ang sarili mong asawa—hindi mo man lang kayang tawagan o i-text para sabihin na hindi ka uuwi?!" Napapikit siya at pinasadahan ng kamay ang buhok niya, halatang hindi na rin alam kung paano ako kokomprontahin. "Luna, please calm down—" "Huwag mong sabihing calm down!"* Sumabog na talaga ako. "Alexus, gabi-gabi akong naghihintay sa’yo! I was worried sick! Pero ang nakuha ko lang ay katahimikan mula sa’yo habang ‘yung ex-childhood sweetheart mo, ikaw pa mismo ang sumagip! Ano ‘to, superhero ka niya?!" Huminga siya nang malalim at lumapit sa akin, pero mabilis akong umatras. "Luna—" "Ano? Sasabihin mo bang wala ‘tong ibig sabihin? Na concerned ka lang? Na wala kang ibang intensyon?" Malakas ang tibok ng puso ko sa dibdib. "Hindi ko na alam, Alexus! Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko!" "Damn it, Luna, of course wala akon

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 154

    Daniela's POV Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone, paulit-ulit na tinatawagan si Alexus. Hindi ko mapigilan ang luha ko—Diyos ko, anong gagawin ko? "Come on, Alexus… sagutin mo!" bulong ko, habang naglalakad pabalik-balik sa sala ng tinutuluyan kong condo. Ilang segundo pa, sa wakas ay narinig ko ang pamilyar niyang boses. "Daniela? Bakit ka tumatawag?" "Alexus!" halos sigaw kong sagot. "Kinuha ni Brandon si Danica! Hindi ko alam kung nasaan sila! Please, tulungan mo ako!" Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya. Alam kong nag-aalangan siya, pero wala na akong ibang malalapitan. "Kailan niya kinuha?" tanong niya, seryoso na ang boses. "Kanina lang! Wala akong kalaban-laban, Alexus! Pinagbantaan niya akong hindi ko na ulit makikita ang anak ko!" "Damn it, Daniela. Alam mo bang delikado ‘yang si Brandon? Dapat hindi mo siya hinayaang makalapit kay Danica!" "Akala mo ba gusto ko?! Wala akong magawa! Alam mong wala akong lakas laban sa kanya!" Natahimik si

    Last Updated : 2025-02-26
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 155

    Daniela's POV Habang nasa couch ako at nagpapanggap na hirap na hirap, tiningnan ko si Alexus na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko. Naka-focus siya sa sugat ko sa binti na sinadya kong gawin kanina. Masyadong mababaw para masaktan ako nang todo, pero sapat na para magmukhang brutal sa mata ng iba—lalo na kay Luna. "Diyos ko, Daniela, paano mo nagawang itago ‘to sa akin kanina?" seryoso niyang tanong habang maingat niyang hinahawakan ang binti ko. Pasimple akong napangiti sa isip ko. Kasi scripted ang lahat, Alexus. Pero sa labas, ginaya ko ang pinakamalungkot na ekspresyon na kaya kong gawin. Napakagat-labi ako, pinakita ang nangingilid kong luha. "Ayoko nang maging pabigat, Alexus. Sobrang dami mo nang iniisip… lalo na ngayon na may pamilya ka na…" Napatingin siya sa akin, parang biglang naging guilty. Ayos lang. Talaga namang sinadya kong paikutin ang emosyon niya. Hinawakan niya ang bulsa ng coat niya at may kinuha—isang maliit na first-aid kit. Dati ko nang alam na lagi siyang

    Last Updated : 2025-02-26

Latest chapter

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 33

    Bella's POVHindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko.Tatlong buwan na ang lumipas mula nang ibigay sa akin ni Brent ang singsing na ‘yon, pero hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya noon. Wala kaming label. Wala kaming malinaw na kasunduan—maliban sa isang bagay: babalik siya sa pagiging doktor, at kapag nangyari iyon, saka lang ako papayag na pakasalan siya.Pero simula noon… ni anino niya, hindi ko na nakita. Parang nawala siya sa mundo ko. Tahimik. Wala man lang kahit isang text o tawag. At mas lalong hindi siya nagpakita.Kaya ngayong umaga, habang nakatayo ako sa harapan ng sink, pilit kong itinatago ang tensyon sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Bakit hindi ko matanggal ito?“Dr. Bella, mukhang blooming kayo today,” ani Flor, isa sa mga nurse sa department habang naghuhugas ng kamay sa tabi ko.Napalingon ako sa kaniya. “Blooming? Hindi ah.”“Simula po noong nagbakasyon kayo, para

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 32

    Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 31

    Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 30

    Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 29

    Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 28

    Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 27

    Bella's POV Ang tubig sa Twin Lagoon ay kasing linaw ng kristal, at ang sikat ng araw na dumadampi sa ibabaw nito ay nagpapakintab sa tila salamin na dagat. Hindi ako mapakali sa excitement habang hinahaplos ng hangin ang balat ko.Nasa loob na ako ng bangka, handang-handa nang lumusong, nang mapansin kong nakapamulsa si Brent sa gilid, malalim ang titig sa akin na para bang may hindi siya gustong mangyari. At nang magtama ang mga mata namin—ayun na, alam ko na.Napailing ako nang bahagya. “Brent, what’s your problem now?”Hindi siya sumagot. Bagkus, marahang lumapit siya sa akin at may iniaabot—isang tuwalya.Tinaasan ko siya ng kilay. “Seriously?”Nakatikom lang ang panga niya. “Takpan mo ‘yan.”“Excuse me?”Tinapunan niya ng tingin ang suot kong navy blue two-piece swimwear. Hindi ito sobrang revealing, pero halata sa mukha niya na hindi siya komportable."Maliligo ako," madiin kong sabi, habang hinahatak ang tuwalya palayo sa kamay niya.“Sa villa ka na lang maligo.”Halos matawa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 26

    Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 25

    Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status