All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 81 - Chapter 90

250 Chapters

Chapter 81

Alexus’ POV Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, tila nilulunod ang sarili sa mga salitang binitiwan ko. Kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata niya—takot, pangamba, at higit sa lahat… pag-aalinlangan. Pero may isang bagay akong mas nakita—ang damdaming pilit niyang itinatago. Hindi ko man marinig mula sa kanya, ramdam ko. Mahal pa rin niya ako. At hinding-hindi ako papayag na itanggi niya iyon sa sarili niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya, hinayaan ang hinlalaki kong gumuhit sa kanyang balat. “You don’t have to decide now,” ulit ko, mas mahinahon ang tono. “Pero Luna, hindi ako aalis sa buhay mo this time. I will stay, whether you like it or not.” I saw the flicker of resistance in her eyes. Of course, she wouldn’t make this easy for me. “Ano ‘to, Alexus?” mahina niyang tanong, pilit na lumalayo pero hindi ko siya binitiwan. “Ano ‘tong ginagawa mo?” Huminga ako nang malalim bago marahang ngumiti. “I’m fighting for what’s mine.” Napakurap siya, kita ko ang pagka
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 82

Alexus’ POV Nang maramdaman kong tuluyan siyang bumigay sa halik ko, para akong nawalan ng kakayahang mag-isip. Wala na akong ibang pakialam kung 'di ang babaeng yakap-yakap ko ngayon. I held her closer, feeling the way she molded against me. Every inch of her felt like she belonged right there—sa mga bisig ko. Pero bigla siyang umatras. Naputol ang halik namin nang maramdaman ko ang marahang pagtulak niya sa dibdib ko. “Alexus…” bulong niya, tinatapik ang balikat ko para makawala. Pero imbes na bitawan siya, lalo ko pa siyang hinapit. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, pero hindi niya ako tiningnan sa mata. I smirked. She’s flustered. Naramdaman ko ang bahagyang panginginig niya habang hawak ko siya sa baywang. “Bakit hindi mo ako matignan?” bulong ko sa kanya, marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa pisngi niya. Lalong uminit ang pisngi niya. “I just—Alexus, let me go…” “Gusto mo ba talaga?” I leaned in, my voice dropping to a whisper. “Sabihin mo nang d
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 83

Alexus’ POV Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kaming nanatili sa gano’ng posisyon. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay nasa bisig ko si Luna—ang babaeng matagal ko nang gustong yakapin ulit. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa ilalim ng palad ko. Ang bilis ng tibok ng puso niya na sumasabay sa akin. Ang paraan ng paghinga niya—mabigat, malalim, parang pinipilit pigilan ang isang bagay na matagal na niyang kinikimkim. Pero wala na siyang ligtas ngayon. Luna already admitted that she still loves me. Hindi ko na siya bibigyan ng pagkakataong itanggi pa iyon. Dahan-dahan kong inilayo ang mukha ko sa kanya, but my arms remained around her waist, keeping her close. “Alam mo bang ang tagal kong hinintay ‘to?” mahina kong sabi, nakatitig sa mga mata niyang namumungay pa rin matapos ang halik namin. Hindi siya sumagot, pero kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata niya—takot, kaba, at pagnanasa. “Ilang taon din akong nabuhay sa galit dahil iniwan mo ako,” I continued, tracing m
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 84

Alexus’ POV Tahimik lang si Luna habang nakaupo sa tabi ko sa private jet. Kahit na pilit niyang tinatago, ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Hindi niya kailangang magsalita para malaman kong nag-aalala siya. Mula nang makatanggap siya ng tawag mula kay Cara, nagbago ang aura niya. Para bang muli siyang binalot ng takot at pangamba. Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip. Napabuntong-hininga ako at saka marahang hinawakan ang kamay niya. Hindi siya tumanggi, pero hindi rin siya tumingin sa akin. "Luna," mahina kong tawag. Saglit siyang napakurap bago ako tiningnan. “Hmm?” “I know you’re scared,” mahina kong sabi. “Pero hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa.” She sighed. “Alexus—” “I mean it,” putol ko. “Kung ano man ang gustong sabihin ni Cara, I don’t care. What matters to me is you and Bella. Walang sinuman ang makakasira sa atin.” Nakita kong saglit na lumambot ang ekspresyon niya, pero saglit lang iyon bago siya
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 85

Alexus’ POV Tahimik lang si Luna habang minamaneho ko ang sasakyan pauwi. Ilang beses ko siyang sinulyapan, pero nanatili siyang nakatanaw sa bintana. Halatang malalim ang iniisip. Malamang tungkol pa rin kay Cara. I gripped the steering wheel tighter. Ilang beses ko nang nasabi sa kanya na walang namagitan sa amin ng pinsan niya, pero hindi ko siya masisisi kung may duda pa rin siya. Lalo na’t may ebidensyang ipinakita si Cara—kahit na peke naman. Damn it. I have to do something para tuluyang mawala ang pangamba ni Luna. Pagdating namin sa bahay, bumaba siya agad nang hindi man lang lumilingon sa akin. "Luna," tawag ko. Hindi siya huminto. Napailing ako at mabilis siyang hinabol. Pagkapasok namin sa loob, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang magtuloy-tuloy sa kwarto. She froze. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, at doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya. Fuck. I hate seeing her like this. "Ano na namang gusto mo, Alexus?" mahina niyang tanong. "Stop run
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 86

Alexus' POV Pagkababa pa lang namin ng sasakyan sa harap ng bahay ko, halos hindi pa ako nakakababa nang biglang may maliit na katawan na sumalubong sa amin. "Tito Alexus!" sigaw ng matinis na boses ni Bella habang mabilis akong niyakap sa bewang. Agad akong yumuko at marahang hinaplos ang ulo ng bata. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong bumigat sa dibdib ko. "Miss na miss na kita, Tito Alexus!" Napangiti ako kahit may bahagyang kirot sa dibdib ko. Napalapit na talaga sa akin ang batang ito, at hindi ko maikakailang may kakaibang koneksyon akong nararamdaman sa kanya. "Miss na rin kita, Bella," sagot ko bago yumuko at mas mahigpit siyang niyakap. Narinig ko ang mahinang paglinya ng boses ni Luna sa tabi ko. "Bella, hija, let Tito Alexus rest first—" "Hindi!" mariing protesta ng bata habang mariing yumakap sa akin. "Dapat kasama ko si Tito Alexus!" Natatawang umiling ako at binuhat si Bella sa braso k
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 87

Alexus’ POV Hindi ako mapakali. Mula pa kagabi, hindi mawala sa isipan ko ang birthmark ni Bella. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang eksaktong hugis at lokasyon nito sa kanyang balikat—parehong-pareho ng akin. At hindi lang iyon, unti-unti kong napapansin ang ibang bagay. Ang hugis ng kanyang mata, ang paraan ng kanyang pagsimangot, kahit ang paraan ng kanyang paglalakad—parang may bahagi sa kanya na masyadong pamilyar. At ngayon, habang nasa isang event kami para sa layover ng mga piloto at flight attendants, muli ko na namang nakita ang birthmark na iyon. Bella was playing with some of the kids in the lounge, her tiny arms reaching up to catch a bubble floating in the air. Doon ko muling nakita ang birthmark niya—at parang bigla akong nawalan ng hininga. Hindi na ito simpleng coincidence. Hindi pwedeng maging coincidence. “Alexus?” tawag ni Luna, lumapit siya sa akin habang may hawak na baso ng wine. “Kanina ka pa tahimik. May problema ba?” Bumaling ako sa kanya, pinipilit
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 88

Alexus' POV Nakatayo ako sa harap ng malaking glass window ng opisina ko, hawak ang isang baso ng whiskey habang pinagmamasdan ang city lights sa ibaba. Ilang araw na ang lumipas simula nang simulan ko ang imbestigasyon tungkol kay Bella. Hanggang ngayon, wala pa ring konkretong sagot na natatanggap mula kay Mr. Ruiz. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali ngayong gabi. Ngayong araw, two months na kami ni Luna. Dalawang buwan mula nang muli siyang bumalik sa buhay ko. Dalawang buwan ng pag-aaway, pagtutulungan, at... pagmamahal. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang totoo kapag nalaman ko na ang buong katotohanan tungkol kay Bella. Pero sa ngayon, gusto kong i-enjoy ang gabi kasama siya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Ilang segundo lang, sinagot niya ito. "Alexus?" Napangiti ako sa lambing ng boses niya. "Baby, are you free tonight?" "Huh? Bakit?" "Well, two months na tayo. And I was thinking..." Tumingin ako sa relo ko. "You owe me a dinner da
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 89

Alexus' POVIsang linggo na lang bago ang kaarawan ni Luna. Mas lalong tumindi ang excitement ko habang patuloy kong inaayos ang plano para sa espesyal na araw niya. Alam kong hindi niya ini-expect na may surpresa akong inihanda, at mas lalo akong ginanahan dahil gusto kong makita ang reaksyon niya.Ngayon ay nasa opisina ako, pero hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Imbes na mga reports at emails ang inaatupag ko, nasa isip ko kung paano ko mas mapapaganda ang celebration para sa kanya.Pero higit sa lahat, gusto kong makita kung paano siya magre-react kapag muli siyang humarap sa pamilya ko.Sa totoo lang, hindi naging maganda ang imahe ni Luna sa kanila noon. Matapos niyang biglaang mawala sa buhay ko, iniwan niya akong basag at galit. Alam kong may sama ng loob ang pamilya ko sa kanya, pero gusto kong makita kung paano magbabago ang lahat ngayong bumalik siya.Gusto kong malaman kung kaya niyang harapin ang nakaraan.At higit sa lahat… gusto kong makita kung paano siya magre
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 90

Alexus’ POVPinagmasdan ko si Luna habang hawak-hawak niya ang kamay ng isang batang babae—si Bella. Mas lalo akong nagdududa. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong bumabagabag sa akin sa tuwing tinitingnan ko ang bata.Mula sa nakakatunaw niyang mga mata, sa paraan ng pagsalubong ng kilay niya kapag naguguluhan, hanggang sa maliit na birthmark sa kanyang balikat—lahat ng iyon ay parang echo ng isang bagay na pamilyar na pamilyar sa akin.Sa kabila ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko, hindi ako nagpahalata. Pinili kong manatiling tahimik, dahil may paraan ako para makuha ang sagot na gusto ko. Sa ngayon, gusto kong makita kung paano ipakikilala ni Luna ang bata sa pamilya ko."Mom," mahina ngunit puno ng emosyon ang boses ni Luna. "Gusto kong ipakilala sa inyo ang anak ko… si Bella."Napangiti si Mom at lumapit sa bata. "Ang ganda naman ng pangalan mo, Bella." Lumuhod siya para maabot ang mata nito. "Ilang taon ka na, iha?"Mabilis na tumingin si Bella kay Luna bago sumagot.
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more
PREV
1
...
7891011
...
25
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status