Alexus’ POV Halos hindi ko namalayan ang oras habang nasa waiting area ng ospital. Si Luna ay nasa tabi ko, yakap-yakap ang sarili, tila sinasakal ng matinding takot. Tahimik lang siya, ngunit ang luha sa kaniyang pisngi ang nagsisigaw ng pangamba. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa pinto ng emergency room kung saan dinala si Bella. Bella. Sa ilang oras na kasama ko ang batang iyon, pakiramdam ko’y may hindi maipaliwanag na koneksyon ako sa kaniya. Hindi lang dahil sa birthmark niya—hindi lang dahil sa mga mata niyang tila nakikita ko tuwing tumitingin ako sa salamin. Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Luna sa tabi ko. Nakayuko siya, nanginginig ang balikat. "Luna…" mahina kong tawag sa pangalan niya. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin, puno ng luha ang mga mata niya. "Alexus… p-parang hindi ko kaya ‘to…" bulong niya, at doon na siya tuluyang bumagsak sa dibdib ko. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Ramdam ko ang bigat ng bawat hikbi niya habang mahigpit siyang kumapit s
Alexus’ POV Halos hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa ospital. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng puso ko habang mabilis kong tinatahak ang hallway. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang nag-aalab na galit at pagkabigla sa dibdib ko. Si Bella… anak ko siya. Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit kailangang umabot pa sa ganitong punto bago ko matuklasan ang katotohanan? Sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Bella, agad na napatingin sa akin si Luna. Nakatayo siya malapit sa kama ng bata, ang mga mata niya namumugto sa kakaiyak. Pero sa ngayon, hindi iyon ang iniintindi ko. "Luna," mariin kong tawag sa pangalan niya. Halos mapaatras siya sa tono ng boses ko. "A-Alexus…" "Ikaw." Itinuro ko siya, hindi alintana kung gaano katigas ang boses ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit lumaki akong hindi alam na may anak ako!" "Alexus, please—" "Don’t you dare ask me to calm down, Luna!" Malakas kong sigaw. "Five years, Luna. Five f*cking years akong walang alam! Fi
Luna’s POV Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo ako sa isang sulok ng ospital. Hindi ko magawang lumapit kay Alexus. Hindi ko rin magawang lumapit kay Bella. Baka mas lalong magalit si Alexus. Baka kunin niya si Bella. Napalunok ako at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, pero hindi ko magawang itigil ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko magawang pigilan ang kaba sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Alexus na nakaupo sa tabi ni Bella. Nakasandal siya sa kama ng anak namin, mahigpit na hawak ang maliit na kamay nito. Tahimik lang siya, pero alam kong sa loob-loob niya, puno siya ng sakit at galit. At natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong gagawin niya pagkatapos nito. Natatakot akong isang araw, magpadala siya ng abogado. Na isang araw, isang sulat na lang ang matatanggap ko na nagsasabing may kustodiya na siya kay Bella. Na isang araw, magigising ako nang wala na ang anak ko. Hindi ko kaya. Napalunok ako nang makita kong bumukas ang pinto at pumasok ang
Luna’s POV Naninikip ang dibdib ko habang nakatitig kay Alexus. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Kukunin niya si Bella. Ang anak ko. Ang anak namin. Agad akong umiling, pilit na tinatanggal sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya. Hindi puwede. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. "Hindi mo puwedeng kunin si Bella," mariin kong sabi, ramdam ang panginginig ng boses ko. Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam’s apple niya habang nakatitig sa akin. Kita sa mga mata niya ang paninindigan niya sa sinabi niya. "She’s my daughter too, Luna." "I know!" Iyon lang ang nagawa kong isagot. "Pero ako ang nagpalaki sa kanya! Ako ang kasama niya simula nang ipanganak siya. Ako ang nandiyan para sa kanya sa lahat ng pagkakataon! Hindi mo basta-basta puwedeng sabihin na kukunin mo siya sa akin!" Nakita ko ang paninigas ng panga niya. "At ano sa tingin mo ang naramdaman ko nang malaman kong may anak pala ako na hindi ko man lang nakasama sa loob ng limang taon?" Napaatras ako sa bigat ng emosyon
Luna’s POV Tahimik kong pinagmamasdan si Alexus habang nakaupo siya sa tabi ng kama ni Bella. Hindi siya umaalis doon mula nang nagising ang anak ko—hindi, ang anak namin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hinayaan ko lang si Alexus na hawakan ang kamay ni Bella. He looked like a man who just found something he thought he had lost forever. His eyes were filled with so much emotion—love, regret, and pain. At para akong tinutusok ng libu-libong karayom sa bawat segundo na nakikita ko iyon. “Daddy…” mahina, pero malinaw ang pagtawag ni Bella kay Alexus. Nakita kong bahagyang nanginig ang balikat niya. “Yes, baby?” Alexus responded almost instantly, his voice breaking. Bella blinked at him. “Galit ka po ba kay Mommy?” Parang biglang huminto ang puso ko. I felt my breath hitch, my stomach clenching at the innocent question. Alexus turned his gaze at me, and in that moment, nakita ko ang emosyon sa mga mata niya—hindi lang galit, kung 'di ang sakit ng pa
Luna’s POV Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa veranda, pero pakiramdam ko ay isang mahabang siglo ang lumipas. Ang bigat ng hangin sa pagitan namin ni Alexus—parang isang bagyong handa akong tangayin anumang oras. “I don’t know, Luna.” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya. Alam kong nasaktan ko siya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko alam kung paano ko ito aayusin. Mahal ko si Alexus. Pero sapat ba ang pagmamahal para punan ang mga taon ng kasinungalingan at pagkawala? Mabigat ang hakbang na humarap ako sa kanya. Nakatingin siya sa malayo, halatang ninanamnam ang sakit at galit na ngayon lang niya pinakawalan. “Alexus…” I whispered, unsure how to start. Dahan-dahan siyang bumaling sa akin. His eyes were filled with emotions I couldn’t decipher—anger, betrayal, sadness, and something else… something deeper. “Luna, hindi ko alam kung kaya kitang patawarin.” His voice was cold, and it cut straight to my heart. Parang piniga
Luna’s POV Para akong nakalutang sa hangin habang nakatitig kay Alexus. Ang dating mapupungay niyang mga mata na puno ng init at pagmamahal ay napalitan na ngayon ng poot at matinding hinanakit. Nakayuko siya, mariing nakapikit habang ang mga kamay niya ay nakakuyom sa magkabilang gilid. Ramdam ko ang tensyon sa bawat paghinga niya, at nang tuluyan siyang tumingin sa akin, para akong pinutulan ng hininga. "Ako ang pinagkatiwalaan mo ng buhay mo, Luna," malamig niyang sabi. "Pero kahit kailan, hindi ko pala dapat ginawa ‘yon." Nanatili akong nakatayo sa tabi ng kama ni Bella, mahigpit na yakap ang sarili. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot sa kung anong susunod niyang sasabihin. "Alexus, please… Let me explain," pakiusap ko, pero napailing lang siya, mapait ang ngiti. "Explain?" Tumawa siya, pero walang halong saya. "Gusto mong ipaliwanag kung paano mo itinago sa akin na ang taong dahilan ng pagkamatay ng tatay ko ay ang sariling ama mo?" Napakagat ako sa labi. Iyon ang hi
Alexus’ POV Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na buong panahon, buong limang taon, buong panahong kasama ko si Luna… alam niya. Alam niya kung sino ang pumatay sa ama ko. At pinili niyang manahimik. Pinili niyang hindi sabihin sa akin. Nagmaneho ako nang walang direksyon, pilit iniiwasan ang sakit na bumabalot sa dibdib ko, pero kahit anong gawin ko, bumabalik at bumabalik ang mukha niya sa isipan ko. Ang mga mata niyang puno ng lungkot nang iwan ko siya sa ospital. Ang mga kamay niyang pilit akong inaabot, na parang pinipigilan niya akong tuluyang lumayo. Pero paano? Paano ko siya babalikan kung hindi ko na alam kung paano siya pagkatiwalaan? Pinilit kong palamigin ang sarili ko, pero masyadong mainit ang dugo ko. Pakiramdam ko, bibigay ang dibdib ko sa bigat ng nararamdaman ko. Kaya sa halip na bumalik sa ospital, dumiretso ako sa isang bar. Pagpasok ko, agad akong dumiretso sa counter at umorder ng whiskey. Hindi ko na inalintana kung maraming tao o kung may makakakil
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon