Don't forget to like, leave a comment, gem vote, and rate this book. ❤️✨
Alexus’ POV Tahimik lang si Luna habang nakaupo sa tabi ko sa private jet. Kahit na pilit niyang tinatago, ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Hindi niya kailangang magsalita para malaman kong nag-aalala siya. Mula nang makatanggap siya ng tawag mula kay Cara, nagbago ang aura niya. Para bang muli siyang binalot ng takot at pangamba. Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip. Napabuntong-hininga ako at saka marahang hinawakan ang kamay niya. Hindi siya tumanggi, pero hindi rin siya tumingin sa akin. "Luna," mahina kong tawag. Saglit siyang napakurap bago ako tiningnan. “Hmm?” “I know you’re scared,” mahina kong sabi. “Pero hindi kita hahayaang harapin ito nang mag-isa.” She sighed. “Alexus—” “I mean it,” putol ko. “Kung ano man ang gustong sabihin ni Cara, I don’t care. What matters to me is you and Bella. Walang sinuman ang makakasira sa atin.” Nakita kong saglit na lumambot ang ekspresyon niya, pero saglit lang iyon bago siya
Alexus’ POV Tahimik lang si Luna habang minamaneho ko ang sasakyan pauwi. Ilang beses ko siyang sinulyapan, pero nanatili siyang nakatanaw sa bintana. Halatang malalim ang iniisip. Malamang tungkol pa rin kay Cara. I gripped the steering wheel tighter. Ilang beses ko nang nasabi sa kanya na walang namagitan sa amin ng pinsan niya, pero hindi ko siya masisisi kung may duda pa rin siya. Lalo na’t may ebidensyang ipinakita si Cara—kahit na peke naman. Damn it. I have to do something para tuluyang mawala ang pangamba ni Luna. Pagdating namin sa bahay, bumaba siya agad nang hindi man lang lumilingon sa akin. "Luna," tawag ko. Hindi siya huminto. Napailing ako at mabilis siyang hinabol. Pagkapasok namin sa loob, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang magtuloy-tuloy sa kwarto. She froze. Dahan-dahan siyang humarap sa akin, at doon ko nakita ang lungkot sa mga mata niya. Fuck. I hate seeing her like this. "Ano na namang gusto mo, Alexus?" mahina niyang tanong. "Stop run
Alexus' POV Pagkababa pa lang namin ng sasakyan sa harap ng bahay ko, halos hindi pa ako nakakababa nang biglang may maliit na katawan na sumalubong sa amin. "Tito Alexus!" sigaw ng matinis na boses ni Bella habang mabilis akong niyakap sa bewang. Agad akong yumuko at marahang hinaplos ang ulo ng bata. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong bumigat sa dibdib ko. "Miss na miss na kita, Tito Alexus!" Napangiti ako kahit may bahagyang kirot sa dibdib ko. Napalapit na talaga sa akin ang batang ito, at hindi ko maikakailang may kakaibang koneksyon akong nararamdaman sa kanya. "Miss na rin kita, Bella," sagot ko bago yumuko at mas mahigpit siyang niyakap. Narinig ko ang mahinang paglinya ng boses ni Luna sa tabi ko. "Bella, hija, let Tito Alexus rest first—" "Hindi!" mariing protesta ng bata habang mariing yumakap sa akin. "Dapat kasama ko si Tito Alexus!" Natatawang umiling ako at binuhat si Bella sa braso k
Alexus’ POV Hindi ako mapakali. Mula pa kagabi, hindi mawala sa isipan ko ang birthmark ni Bella. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang eksaktong hugis at lokasyon nito sa kanyang balikat—parehong-pareho ng akin. At hindi lang iyon, unti-unti kong napapansin ang ibang bagay. Ang hugis ng kanyang mata, ang paraan ng kanyang pagsimangot, kahit ang paraan ng kanyang paglalakad—parang may bahagi sa kanya na masyadong pamilyar. At ngayon, habang nasa isang event kami para sa layover ng mga piloto at flight attendants, muli ko na namang nakita ang birthmark na iyon. Bella was playing with some of the kids in the lounge, her tiny arms reaching up to catch a bubble floating in the air. Doon ko muling nakita ang birthmark niya—at parang bigla akong nawalan ng hininga. Hindi na ito simpleng coincidence. Hindi pwedeng maging coincidence. “Alexus?” tawag ni Luna, lumapit siya sa akin habang may hawak na baso ng wine. “Kanina ka pa tahimik. May problema ba?” Bumaling ako sa kanya, pinipilit
Alexus' POV Nakatayo ako sa harap ng malaking glass window ng opisina ko, hawak ang isang baso ng whiskey habang pinagmamasdan ang city lights sa ibaba. Ilang araw na ang lumipas simula nang simulan ko ang imbestigasyon tungkol kay Bella. Hanggang ngayon, wala pa ring konkretong sagot na natatanggap mula kay Mr. Ruiz. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali ngayong gabi. Ngayong araw, two months na kami ni Luna. Dalawang buwan mula nang muli siyang bumalik sa buhay ko. Dalawang buwan ng pag-aaway, pagtutulungan, at... pagmamahal. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang totoo kapag nalaman ko na ang buong katotohanan tungkol kay Bella. Pero sa ngayon, gusto kong i-enjoy ang gabi kasama siya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Ilang segundo lang, sinagot niya ito. "Alexus?" Napangiti ako sa lambing ng boses niya. "Baby, are you free tonight?" "Huh? Bakit?" "Well, two months na tayo. And I was thinking..." Tumingin ako sa relo ko. "You owe me a dinner da
Alexus' POVIsang linggo na lang bago ang kaarawan ni Luna. Mas lalong tumindi ang excitement ko habang patuloy kong inaayos ang plano para sa espesyal na araw niya. Alam kong hindi niya ini-expect na may surpresa akong inihanda, at mas lalo akong ginanahan dahil gusto kong makita ang reaksyon niya.Ngayon ay nasa opisina ako, pero hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Imbes na mga reports at emails ang inaatupag ko, nasa isip ko kung paano ko mas mapapaganda ang celebration para sa kanya.Pero higit sa lahat, gusto kong makita kung paano siya magre-react kapag muli siyang humarap sa pamilya ko.Sa totoo lang, hindi naging maganda ang imahe ni Luna sa kanila noon. Matapos niyang biglaang mawala sa buhay ko, iniwan niya akong basag at galit. Alam kong may sama ng loob ang pamilya ko sa kanya, pero gusto kong makita kung paano magbabago ang lahat ngayong bumalik siya.Gusto kong malaman kung kaya niyang harapin ang nakaraan.At higit sa lahat… gusto kong makita kung paano siya magre
Alexus’ POVPinagmasdan ko si Luna habang hawak-hawak niya ang kamay ng isang batang babae—si Bella. Mas lalo akong nagdududa. Hindi ko maipaliwanag, pero may kung anong bumabagabag sa akin sa tuwing tinitingnan ko ang bata.Mula sa nakakatunaw niyang mga mata, sa paraan ng pagsalubong ng kilay niya kapag naguguluhan, hanggang sa maliit na birthmark sa kanyang balikat—lahat ng iyon ay parang echo ng isang bagay na pamilyar na pamilyar sa akin.Sa kabila ng mga tanong na bumabagabag sa isip ko, hindi ako nagpahalata. Pinili kong manatiling tahimik, dahil may paraan ako para makuha ang sagot na gusto ko. Sa ngayon, gusto kong makita kung paano ipakikilala ni Luna ang bata sa pamilya ko."Mom," mahina ngunit puno ng emosyon ang boses ni Luna. "Gusto kong ipakilala sa inyo ang anak ko… si Bella."Napangiti si Mom at lumapit sa bata. "Ang ganda naman ng pangalan mo, Bella." Lumuhod siya para maabot ang mata nito. "Ilang taon ka na, iha?"Mabilis na tumingin si Bella kay Luna bago sumagot.
Alexus’ POV Halos hindi ko namalayan ang oras habang nasa waiting area ng ospital. Si Luna ay nasa tabi ko, yakap-yakap ang sarili, tila sinasakal ng matinding takot. Tahimik lang siya, ngunit ang luha sa kaniyang pisngi ang nagsisigaw ng pangamba. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa pinto ng emergency room kung saan dinala si Bella. Bella. Sa ilang oras na kasama ko ang batang iyon, pakiramdam ko’y may hindi maipaliwanag na koneksyon ako sa kaniya. Hindi lang dahil sa birthmark niya—hindi lang dahil sa mga mata niyang tila nakikita ko tuwing tumitingin ako sa salamin. Naramdaman kong bahagyang gumalaw si Luna sa tabi ko. Nakayuko siya, nanginginig ang balikat. "Luna…" mahina kong tawag sa pangalan niya. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin, puno ng luha ang mga mata niya. "Alexus… p-parang hindi ko kaya ‘to…" bulong niya, at doon na siya tuluyang bumagsak sa dibdib ko. Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Ramdam ko ang bigat ng bawat hikbi niya habang mahigpit siyang kumapit s
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon
Bella's POV Hindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang ibigay sa akin ni Brent ang singsing na ‘yon, pero hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya noon. Wala kaming label. Wala kaming malinaw na kasunduan—maliban sa isang bagay: babalik siya sa pagiging doktor, at kapag nangyari iyon, saka lang ako papayag na pakasalan siya. Pero simula noon… ni anino niya, hindi ko na nakita. Parang nawala siya sa mundo ko. Tahimik. Wala man lang kahit isang text o tawag. At mas lalong hindi siya nagpakita. Kaya ngayong umaga, habang nakatayo ako sa harapan ng sink, pilit kong itinatago ang tensyon sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Bakit hindi ko matanggal ito? “Dr. Bella, mukhang blooming kayo today,” ani Flor, isa sa mga nurse sa department habang naghuhugas ng kamay sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. “Blooming? Hindi ah.” “Simula po noong nagbakasyon kayo
Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k
Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi
Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni
Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap
Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal