Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko. Anyway, sa mga hindi ba nabasa ang Book 1 to 3, pwede ninyong mabasa. The Billionaire's Substitute Bride ang title. Nakapaloob na sa isang libro ang tatlong stories. Book 1: Anabelle and Raheel Book 2: Kaisha and TJ (Si TJ ay panganay na anak) Book 3: Mark and Brielle (Ikalawang anak) Tapos ang Book 4 naman ay itong kwento nina Luna at Alexus Laurent (May kambal si Alexus. Si Alexis Leigh) Pagkatapos kong isulat ito ay isusunod ko agad ang story ni Alexis which is Book 5.
Alexus’ POV Tahimik ang buong ospital nang makarating ako. Madaling-araw na, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng araw na lumipas. Para akong binabayo ng samu’t saring emosyon—galit, sakit, pagkalito. Hindi ko alam kung paano ko pipigilin ang sumisirit na apoy sa loob ko. Kaninang hapon, pumunta ako sa kulungan para harapin si James Reid, ang lalaking itinuturong pumatay sa ama ko. Pero umalis akong mas maraming tanong kaysa sagot. Hindi niya itinanggi ang akusasyon, pero hindi rin siya umamin. Sa halip, nag-iwan siya ng malalim na palaisipan—kung totoo nga ba ang lahat ng pinaniwalaan ko sa loob ng ilang araw mula nang malaman ko ang tungkol sa pagkamatay ni Daddy. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Bella, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Tahimik. Ang maliit na ilaw sa bedside table lang ang nagbibigay-liwanag sa loob ng silid. Sa kama, mahimbing na natutulog si Bella. Katabi niya si Luna, yakap-yakap ang anak namin. Parang wala silang problema, parang hindi kal
Luna’s POV Isang linggo. Isang linggo simula nang inamin ko kay Alexus ang katotohanang itinago ko sa loob ng limang taon. Alam na rin ng pamilya niya ang tungkol kay Bella at ang ginawa ni Papa. Alam kong galit sila sa akin, pero hindi lang nila pinapakita. Isang linggo simula nang nakita ko ang galit at sakit sa mga mata niya. Isang linggo simula nang tinanggap niya si Bella bilang anak niya, pero hindi ako sigurado kung matatanggap niya rin ako sa buhay niya. At ngayon, sa wakas, makakalabas na kami ng ospital. Dapat masaya ako, ‘di ba? Dapat gumaan na ang pakiramdam ko dahil ligtas na si Bella. Pero bakit pakiramdam ko, mas lalong bumibigat ang bawat hakbang ko? Sa loob ng tatlong araw, naging maingat si Alexus sa pag-aalaga kay Bella. Naging maasikaso siya bilang ama. Walang oras na hindi niya binantayan ang anak namin. Kahit halos hindi siya natutulog, hindi siya lumalayo kay Bella. Pero sa akin? Maliban sa mga saglit na pag-uusap tungkol sa kondisyon ng anak namin, halo
Luna’s POV Makalipas ang isang linggo, natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang uniform ko bilang flight attendant. Matagal kong pinagmasdan ang tela, pilit inaalala ang pakiramdam ng pagiging nasa ere—malaya, hindi nakakulong sa sakit ng nakaraan. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang katotohanang babalik pa rin ako sa lupa… sa realidad kung saan galit pa rin sa akin si Alexus. Hindi ko siya masisisi. Sinira ko ang tiwala niya. Itinago ko ang anak namin. Itinago ko ang sikreto tungkol sa pagkamatay ng ama niya. Kaya kahit ilang beses niyang sinasabi na hindi niya ako kayang iwan para kay Bella, ramdam kong may distansyang unti-unting namamagitan sa amin. Ayokong dumating ang araw na tuluyan niya akong itulak palayo. At ayokong maging pabigat sa kanya. Kaya heto ako ngayon, handang bumalik sa trabaho. *** “Are you sure about this?” tanong ni Ate Brielle habang tinutulungan akong ilagay ang huling gamit ko sa maleta. “Of course,” sagot ko
Luna’s POV Mula sa likuran, narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Hindi ko alam kung sinadya iyon ni Alexus para iparamdam sa akin ang galit niya, pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko maitatangging parang may kung anong mabigat na bumagsak sa puso ko. Tumingala ako at pumikit ng mariin, pilit na pinipigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Ilang hakbang lang ang layo ko mula sa bahay na iyon, pero pakiramdam ko, isang buong mundo ang pagitan namin ngayon. Nagpaalam ako kay Ate Brielle at Kuya TJ bago sumakay sa taxi na naghihintay sa akin. Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa condo unit na pansamantala kong uupahan. Nang makarating ako roon, agad akong bumagsak sa kama at hinayaan ang sariling malugmok sa katahimikan. Akala ko magiging madali ang lahat. Akala ko, kapag nakabalik na ako sa trabaho, unti-unti kong mabubuo muli ang sarili ko. Pero bakit parang mas lalo lang akong nawawala? Napalingon ako sa maleta ko
Luna’s POV Imbes na sagutin ang mga tanong ni Alexus, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Walang pag-aalinlangan, lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “Luna—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Para bang kung bibitawan ko siya, tuluyan na siyang mawawala sa akin. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, ang paraan ng paghinto ng kanyang paghinga. Alam kong naguguluhan siya, galit pa rin, pero wala akong pakialam. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap na kaya kong mabuhay nang wala siya. “Sorry,” bulong ko, nanginginig ang boses ko sa pagitan ng hikbi. “I’m so sorry, Alexus...” Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang salitang iyon, pero pakiramdam ko, kahit ilang ulit ko pang sabihin, hindi pa rin sapat para burahin ang sakit na naidulot ko sa kanya. Naramdaman ko ang marahang pag-angat ng kamay niya. Napaawang ang mga labi ko nang maramdaman kong lumapat iyon sa likod ko—hindi upan
Luna’s POV Pagkalipas ng halos dalawang linggong pamamahinga dahil inaalagaan ko si Bella, bumalik na ako sa trabaho ko bilang flight attendant. Isang parte sa akin ang nasasabik bumalik sa ere, pero hindi ko rin maitanggi ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Mula nang mangyari ang lahat—ang rebelasyon tungkol kay Bella, ang galit ni Alexus, at ang matinding emosyon na pinagdaanan namin—ramdam ko ang pagbabago. Hindi lang sa pagitan namin, kundi pati na rin sa sarili ko. Dati, tuwing may flight ako, sabik akong umaalis. Sabik akong makatakas, makalayo sa mga problema. Pero ngayon, ibang pakiramdam. Mas gusto kong manatili. Mas gusto kong nariyan lang siya… si Alexus, at si Bella. Ngunit kailangan kong gawin ito. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin kay Bella. *** “Luna!” Tawag sa akin ni Trina, isa sa mga matagal ko nang kasamahan. “Oh my God, you’re finally back! We missed you!” Niyakap niya ako nang mahigpit, at hindi ko mapigilang mapangiti kahit na may bumabagabag
Luna’s POV Pagkatapos ng gabing iyon sa rooftop, hindi ko na maitatanggi—may bahagi sa akin na gustong bumalik ang lahat sa dati. Pero alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. Ngayong gabi, wala akong flight. Nasa bahay ako, nakaupo sa sofa, at nagbabasa ng libro habang si Bella naman ay mahimbing nang natutulog sa kwarto niya. Tahimik ang paligid, pero hindi ang isip ko. Dahil kay Alexus. Napaungol ako sa frustration at ipinatong ang libro sa dibdib ko. Bakit kasi ang lakas ng tama ko sa lalaking ‘yon? Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad akong napaupo nang maayos. Alexus. Napalunok ako bago sinagot ang tawag. “Hello?” “Bukas ang pinto mo.” Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Bukas ang pinto mo, Luna,” ulit niya, mas mababa ang tono ng boses niya. Dahil sa sinabi niya, agad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nakita. Si Alexus. Nakatayo sa harap ng pinto ko, suot ang isan
Luna’s POV Pagpasok ko pa lang sa lounge ng crew, agad kong napansin ang kakaibang atmospera. Tahimik. Lahat ng mga kasamahan ko ay tila nakatingin sa akin, ang iba ay bumubulong-bulong sa isa’t isa, habang ang ilan ay diretsahang nakatingin na para bang may malaking mali sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari? Lumapit sa akin si Mia, isa sa mga flight attendants na matagal ko nang nakatrabaho. May pag-aalalang nakasulat sa mukha niya habang hinawakan ang kamay ko. “Luna...” mahina niyang tawag. “Ano’ng problema?” naguguluhan kong tanong. Bago pa siya makasagot, isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa loob ng lounge. “Wow, ang kapal ng mukha mo para pumasok pa, Luna.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Tricia, isa sa mga hindi ko gaanong kasundo sa trabaho. Naka-cross arms siya, nakataas ang isang kilay, at puno ng pang-aalipusta ang tingin sa akin. “Anong sinasabi mo?” malamig kong tanong. Nagkatinginan ang iba pang nasa loob, tila sabik sa susunod n
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon